Man And Wife (Wifely Duties 2)

Next Generation Sneak Peak



Next Generation Sneak Peak

Next Generation Sneak Peak

Next Generation Sneak Peak

TININGNAN

ni Sasa ang sarili sa harap ng salamin. No matter how beautiful her wedding dress was, she could not get herself to even fake a happy bride smile.

Pero kailangan niyang gawin ito. Kung hindi ay ipakukulong ni Tito Reeve ang itay niya. At haharangin nito ang parole ng kanyang Mama Ganda.

“Excited for our wedding, Sunsenrae?”

Nilingon ni Sasa ang pintuan. “Mukha ba akong excited para sa `yo, Rainiel?”

Ngumisi ito at sumandal sa hamba ng pinto. “You can still run. I won’t mind.”

“At ano? Makukulong si Itay? Hindi na makakalaya si Mama?” Tumayo siya at hinampas ito ng bouquet. “

k

ahit kailan, hindi ko naisip na iipitin ako nang ganito ni Tito Reeve. Kayo, magkaugali kayo!”

Rainiel looked at her lazily. “Sa tingin mo, gusto ko rin `to? And don’t act as if you were the victim here. Your father and stepmother did something horrible to my mom many years ago.”

Natahimik si Sasa.

“And, Sasa, if you only locked the door, my parents would have not caught us having sex.”

Napasinghap siya. “Ikaw ang hindi nag-lock ng pinto! Your hands were all over me!” Napakakapal ng mukha nito! Isang beses lang siyang pumayag sa isang casual sex, nahuli pa sila!

Sa pagkagulat ni Sasa ay nakuha pang tumawa ni Rainiel. Tawa na puno ng pang-uuyam. “Oh, sweetheart.”

“Ayokong magpakasal sa `yo!” sikmat niya. “Rainiel, gawan mo `to ng paraan. Hindi alam ni Inay na magpapakasal tayo dahil sa kondisyon ni Tito Reeve. Ang alam lang niya, pumayag akong magpakasal dahil—”

“Nagmamahalan tayo at gusto kitang panagutan,” tuya nito. Napailing ito at saka ngumisi na naman nang nakakaloko. “What a crap. Sorry but I won’ t be able to become the CEO if I don’t marry you. The old man is manipulating us both.”

Abot-abot langit pa naman ang paghanga ni Sasa kay Tito Reeve dahil ito ang nagbigay sa kanya ng scholarship para makapag-aral sa Maynila ng senior high at college. He even gave her a nice apartment to stay and a car to use. May kapalit pala ang lahat ng iyon sa huli! Gusto niya nang maiyak.

Pero kapag tumakas siya at magtago, makukulong ang itay niya. Hindi makakalaya ang Mama Ganda niya. Baka mamroblema rin ang kapatid niya dahil ito ang maiiwan sa kahihiyan.

Habang nag-iisip ay hindi mapigilan ni Sasa na suriin ng tingin ang lalaking mula yata pagkabata ay ramdam niyang ayaw sa kanya.

Rainiel Aaron Monteverde looked meticulously dashing and splendid in his crisp black tuxedo. His short jet-black hair was perfectly waxed and combed.

It was unfair to see that he could appear like a happy groom while she looked like crap.

“Look, we’ll be just married in paper. All right? After this, go your way. I’ll go mine. I’ll get my hotels, mabubuo na ang pamilya mo. We’ll both get what we want.”

Hindi ba ito naturuan ng inay niya na hindi basta-basta ang pagpapakasal? Hindi na siya aasa kay Tito Reeve. Tunaw na ang lahat ang respeto niya rito. He emotionally blackmailed her. Oo, alam naman niya ang kasalanan ng itay at madrasta niya. Pero bakit pagkatapos ng napakahabang panahon ay ngayon lang ito naniningil?

Bakit ang kondisyon ay ang pagpapakasal nila ni Rainiel?

“Kuya Rain, why are you there?” Rebekah popped out from somewhere. “You can’t see the bride!”

Rebekah was Rainiel’s youngest sister. Sumunod ito kay Rade. Sasa was close to her because she used to babysit Rebekah. Isa rin ito sa mga bridesmaid niya.

“Ate Sasa, you look so beautiful!” puri nito, sabay yakap sa kanya.

“S-salamat…”

“Kuya Rain, labas ka na. The car is waiting for us outside. I won’t tell Mommy and Daddy that you sneaked in to see Ate Sasa.”

“Yeah, whatever.” Tumuwid na ng tayo si Rainiel. “See you at the altar, sweetheart,” nakangising paalam pa nito sa kanya at saka tumalikod.

“See you later, Ate!” kaway naman ni Rebekah at saka sumunod sa kuya nito.

At wala na ngang nagawa si Sasa nang makarating na silang dalawa ni Rainiel sa altar… magsisinungaling sa harap ng Diyos, mangangako nang walang laman.

She glanced at Tito Reeve who kept a straight face. Pero kung titingnan nang mabuti ay parang nakangiti ang mga mata nito.

Gusto ni Sasa na sumigaw at magwala. Sabihin sa lahat kung paano sila minamanipula nito. Pero nakita niya sa tabi ni Tito Reeve ang Inay Agatha niya…

Mahal niya ang Inay Agatha niya. Mahal naman nito si Tito Reeve. Ang pamilya niya ay may kasalanan sa pamilya ng mga ito…

Bumaling na lang siya kay Rainiel and found him looking at her too!

“What?” bulong niya.

Nagpakita uli ang nakakaasar nitong ngisi. Pero hindi ito nagsalita. Ibinalik nito ang tingin sa harap.

After the vows and all, nilunok na lang ni Sasa ang sariling pride. Tinanggap na niyang ang kalayaan at puso niya ang kabayaran para sa kasalanan ng kanyang mga magulang.

Si Rainiel ang parusa… dahil alam ni Tito Reeve na mahal niya ang anak nito.

But Rainiel wouldn’t ever feel the same way. Para dito, siya ang batang nakikiamot sa pagmamahal ng mommy nito. Naiirita raw si Rainiel tuwing nakikita siya. Kahit wala siyang ginagawa, kumukulo ang dugo nito sa kanya.

He only wanted to bed her for fun. That was how much he hated her existence.

And marrying him just added salt to injury. Impiyerno sa lupa ang magpakasal sa taong simula’t sapol ay kinamumuhian na siya.

But here they were.

Itinaas ng pastor ang kamay nito sa kanilang dalawa ni Rainiel pagkatapos nilang magpalitan ng vows.

“By the power given to me by the church, Rainiel and Sasa, I now pronounce you man and wife.”


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.