Chapter 10
Chapter 10
Chapter 10
CHAPTER TEN
H
ALOS tatlong araw nang hindi sinasagot ni Hazel ang mga tawag at text message ni Matthew. Hindi pa niya kayang makipag-usap sa binata. Kahit nga makita lang ang pangalan nito sa screen ng kanyang cell phone ay hindi na niya mapigilang mapaiyak. Matthew did try to see her. He was there last night and the same night she saw him with Blair at Heaven’s Light. Ngunit hindi siya lumabas ng kuwarto.
Ngayon, nasa loob ng studio room si Hazel at nakatingin lang sa blank canvas sa kanyang harap. Kapag nalulungkot ay nagpipinta siya para kahit paano ay mabawasan ang nararamdaman. Pero parang hindi gumagana ang utak niya nang mga sandaling iyon.
Bumuntong-hininga siya at hinagis ang paintbrush sa mesa.
Isang mahinang katok ang narinig niya mula sa pinto. “Anak, nandito uli si Matthew. Nasa labas siya,” sabi ng kanyang papang nang pumasok ito sa silid.
Hindi umimik si Hazel. Natatakot siya na baka hindi niya mapigilan ang sarili at labasin na ang binata.
Naramdaman niya ang paglapit ng kanyang papang. He placed a bouquet of dried violets on the table near her painting tools. She looked away and stared at the blank canvas again. Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata.
“Pinapasabi ni Matthew na hindi siya aalis hangga’t hindi mo siya hinaharap.” Nang hindi siya umimik ay mahinang tinapik ng ama ang kanyang balikat. “Hindi ko alam kung ano’ng nagawa niya sa `yo, anak, pero sana ay kausapin mo `yong tao. Kung ano ang nakikita ko sa mukha mo ngayon ay nakikita ko rin sa mukha niya. Nasasaktan din siya sa pambabale-wala mo.”
Nanginginig ang mga labi ni Hazel ngunit hindi siya nagsalita. Ipinikit na lang niya ang mga mata habang hinihintay ang pag-alis ng kanyang papang. Nang marinig ang pagsara ng pinto ay pinahid niya ang mga luhang nais kumawala mula sa mga mata. Muli niyang kinuha ang paintbrush at nagsimulang magpinta.
Nagsimula siya sa itim na buhok, then the intense dark eyes, ears, nose, the strong jawline, and the perfect lips. No need for a model because she had memorized everything.
Everything
.
Muling bumukas ang pinto ngunit hindi inalis ni Hazel ang tingin sa ginagawa. Patuloy lamang siya sa pagpipinta. “Hindi pa rin ba siya umalis, `Pang?” tanong niya na hindi man lang lumingon.
“Yes, I’m still here.”
She leapt off the high stool and at the same time, dropped the palette and the brush. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Alam na alam niya kung sino ang nagmamay-ari ng tinig na iyon.
“A-ano’ng ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok?” tanong niya matapos humarap kay Matthew.
Sa halip na sumagot ay napadako ang tingin ng binata sa gilid niya. Sinundan niya ang tingin nito at napagtantong tinitingnan nito ang kanyang ipinipinta. Walang sabi-sabing hinampas niya ang canvas at tumilapon iyon sa sahig. Nakita na nito ang hindi dapat makita.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” muling tanong niya, pilit na sinalubong ang titig ni Matthew.
“Pinapasok ako ng papang mo,” sagot nito.
Hazel could not help but notice he looked like a mess. Hindi niya makita sa mga mata nito ang ningning na palagi niyang nakikita noon kapag magkasama sila. Sa halip, kalungkutan ang kanyang nakikita.
Pero bakit? Hindi ba’t nagkabalikan na sila ni Blair?
Inilayo ni Hazel ang tingin sa binata at mahinang suminghot. “Umalis ka na, Matthew.”
Sa isang iglap ay naroon na ito sa harap niya. He cupped her face and angled her head so he could look into her eyes. “Ba’t mo ba ako iniiwasan, Haze? Ano ba’ng nagawa ko? Please don’t push me away. I know you’ve been missing me, too.”
She blinked her tears away. “Diyan ka nagkakamali. I don’t miss you.”
“Then why are you painting me?”
Hindi niya masagot ang tanong. Kumawala siya kay Matthew at umatras palayo pero hinuli nito ang kanyang kamay. “Please, Matthew, umalis ka na. Hindi mo na kailangan pang sabihin sa akin.” Pilit niyang hinihila ang kamay, pero hinigpitan nito ang pagkakahawak.
“Hindi kita maintindihan. Sabihin ang ano?”
Muling napuno ng mga luha ang mga mata ni Hazel. “Alam kong nagkabalikan na kayo ni Blair. Nakita ko kayo sa Heaven’s Light. There’s no need for you to tell me.” Pinilit niyang huwag pumiyok ang boses, ngunit hindi niya nagawa.
“What did you see, exactly?”
Ano ba ang ginagawa ni Matthew? Hindi ba nito nakikitang nasasaktan siya? She could not even say it out loud and now, he was trying to make her talk?
“Sabihin mo sa akin, Haze. Ano ba’ng nakita mo?”
Galit na hinatak niya ang kanyang kamay. Hindi iyon inaasahan ng binata kaya nagawa niyang makakawala. “Naghahalikan kayo, Matthew. There, I said it. Happy?”
“You’re wrong, Haze. Hindi kami naghahalikan. She was the one who kissed me and if you had stayed a little longer, you would have seen me roughly pushing her away.”
Hazel was stunned. It was either because of the intensity of his voice or what he said, or maybe both.
Muling ikinulong ni Matthew ang kanyang mukha sa mga kamay nito. “Hindi kami nagkabalikan ni Blair, Haze. I don’t want her back. Not now, not ever. Ikaw ang mahal ko at hindi siya.”
Napasinghap siya. “A-ano’ng sinabi mo?”
“Mahal kita. Ikaw lang at wala nang iba.”
She suddenly burst into tears, both from his unexpected declaration of love and her stupidity of assuming things that momentarily ruined them both. Niyakap siya ni Matthew and she remembered how safe it was to be in his arms.
“I’m so sorry…” aniya habang nasa mga bisig pa rin ng binata. Isang halik sa kanyang noo ang isinagot nito. “I’m apologizing because I assumed that you and Blair got back together and I ended up ignoring you for three days straight. Not because—”
Pinutol ni Matthew ang anumang sasabihin niya sa pamamagitan ng halik. Kusang pumikit ang kanyang mga mata habang tinutugon ang halik nito. His lips burned in a good way that she could not help but let out a soft moan. Kapwa sila humihingal nang maghiwalay.
Hazel bit her bottom lip that was still burning from the kiss. Si Matthew naman ay nakangiti lang habang nakatitig sa kanya. His smile left her breathless for the umpteenth time, and stole her heart like it always did.
“And oh, I’d got you something.” Ipinasok ng binata ang isang kamay sa bulsa ng suot na jeans at may kinuha mula roon—it was a ring, the same ring he gave to her.
Napasinghap siya. “Paano…? Kinuha `yan ni Blair sa `kin.”
“That night when you saw me with her, nakipagkita siya sa akin para sabihing gusto niyang makipagbalikan. Sinabi rin niya na ibinigay mo itong singsing sa kanya dahil sa kanya ito.”
“B-but she’s lying. Hindi ko—”
Matthew pressed his index finger against her lips. “Alam ko, Haze. Alam kong hindi mo ito ibinigay sa kanya.” Kinuha nito ang kaliwa niyang kamay at isinuot ang singsing sa kanyang ring finger. “This ring makes me remember h
ow my heart was broken that day, but I don’t look at it that way anymore… because that was the same day we met. If it wasn’t for this ring, there would be no us and I couldn’t imagine that. This ring brought you to me, Haze, and I’m grateful. Walang ibang singsing ang nararapat sa `yo kundi ito.”
“Matthew…” Muli siyang hinalikan ng binata sa mga labi, and she kissed him back. “Paano mo nabawi ang singsing? Ano’ng nangyari kay Blair?” tanong niya matapos ang pinagsaluhang halik.
“The ring wouldn’t fit her finger and it’s a relief. Akala ko kasi, hindi ko na maibabalik sa `yo ang singsing. And it doesn’t matter to me what’s going to happen to her. I just hope she won’t mess with you again.” Hinalikan nito ang kanyang noo.
“Matthew?”
“Hmm?”
“Hindi ka ba nagbibiro sa sinabi mong pinapasok ka ni Papang dito?”
Umiling ito. “Nope, hindi ako nagbibiro. He trusts me.”
Hindi niya napigilang ngumiti. “Alam mo ba, pumayag na si Papang na tumira kami sa mansion ni Mama Leticia? Mula bukas ay doon na kami titira.”
“See? I told you.” Hinapit siya ni Matthew sa baywang at nagpaubaya naman siya. “Masaya ako para sa `yo, Haze.” Hinalikan nito ang tungki ng kanyang ilong. “Pero sa ngayon, wala ka bang balak tapusin ang painting ko? Kuhang-kuha mo pa naman ang mukha ko.”
Sabay silang natawa sa sinabi nito.
“Sana lang hindi nasira ang canvas. Mukhang napalakas kasi ang paghampas ko, eh,” ani Hazel na nagpasimangot kay Matthew. She laughed again as she playfully poked him on the waist. “Huwag kang mag-alala, okay? Tatapusin ko ang painting mo.”
Ngumisi ang binata. “Whew, I was worried for a second there.”
“And Matthew?”
“Yes?”
Ipinulupot niya ang mga braso sa leeg nito. “Mahal din kita. Mahal na mahal.”
And she sealed it with a kiss.
GEORGETTE ISRAEL
•••WAKAS•••
radicalducati