Chapter 4
Chapter 4
Chapter 4
CHAPTER FOUR
“S
IR MATTHEW,” tawag ni Stacy mula sa kanyang likuran nang pumasok siya sa opisina. “Mr. Josh Sandoval’s secretary phoned me moments ago to inform me that he’s not available today and tomorrow. He’s going to be available on Friday, though.”
Napabuntong-hininga si Matthew. Si Josh Sandoval ay isang kilalang pintor sa bansa. Matthew—or his assistant, perhaps—tried to make an appointment so Mr. Sandoval could paint a portrait of him. Gusto kasi niya ay maiba naman. He did not want his picture to be hung on the wall. He wanted a painting of him instead. Ngunit sa kasawiang-palad, hindi available ang naturang pintor sa mga araw na available siya. May business conference kasi siya sa Cebu sa darating na Biyernes at sa susunod na linggo pa siya makakabalik.
“Oh, I’m a painter.”
Isang tinig ang biglang pumasok sa isip ni Matthew—tinig ni Hazel.
Bigla tuloy siyang napangiti. Tumingin siya sa kanyang personal assistant na naghihintay pa rin sa desisyon niya. “Forget Mr. Sandoval. May kilala akong puwedeng gumawa ng isang pabor sa akin. I just hope na hindi siya busy ngayon.”
Tumango si Stacy. “Okay, got it. I’ll get James ready.”
“No need, Stacy. I’ll just use my car. Besides, I need you at Heaven’s Light para tingnan ang renovations ng bar. It’s almost done pero hindi ko pa iyon nakikita. I want you to take pictures of it.”
“Yes, Sir.”
A few minutes later, tinatahak na ni Matthew ang daan patungo sa bahay ni Hazel. Kahit isang beses pa lang siyang nakapunta roon ay natatandaan pa niya ang daanan. Sana lang, nasa bahay si Hazel at walang lakad.
Inihinto niya ang sasakyan sa tapat ng bahay ng dalaga; siya namang paglabas ng isang matandang lalaki mula sa gate. The old man looked like he was in his early sixties. Agad siyang bumaba mula sa sasakyan.
“Magandang umaga ho, Sir. Nandiyan po ba si Hazel?” nakangiting bati niya sa matanda. Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Kung ito ang ama ni Hazel ay hindi niya masisisi kung ganoon ito tumingin sa kanya na para bang inaalam kung mapagkakatiwalaan siya o hindi. Muli siyang ngumiti kahit hindi ito ngumingiti sa kanya.
“Ano ba ang kailangan mo sa—”
“`Pang, nakalimutan n’yo ang inyong payong.” Mula sa loob ng bahay ay lumabas si Hazel bitbit ang isang payong. Naka-shorts at puting T-shirt lamang ang dalaga. Her hair was pulled back in a messy bun. There was also a smudge of paint on the right side of her forehead. “`Di ba sabi ko sa inyo, huwag na huwag ninyong kalimutan na magdala ng payong dahil sobrang init ng panah—Matthew!” Napasinghap ito nang makita siya.
“Hi!” simpleng bati niya na may kasama pang ngiti.
Ngumiti naman ang dalaga kahit nasa mga mata ang kalituhan. Siguro dahil hindi nito inaasahan ang pagsulpot niya. “`Pang, si Matthew po, kaibigan ko. Matthew, ang papang ko.”
“Magandang umaga po, Sir,” magalang na bati ni Matthew habang nakalahad ang isang kamay, ngunit hindi iyon tinanggap ng matanda. Embarrassed, he drew his hand back. Hazel shot him an apologetic look.
“Ano `kamo ang pangalan mo, hijo?” muling tanong ng matanda.
“Matthew Rivera po.”
“Kilala mo ba si Lorenzo?”
Biglang nasapo ni Hazel ang noo. “Lawrence po, `Pang.”
“Eh, pareho rin `yon.” Umingos ang matanda. “Kaibigan mo ba ang walanghiyang ex-boyfriend nitong anak ko?” muling tanong nito kay Matthew.
Bumuka ang bibig ni Matthew, pero walang salitang lumabas. Pabaling-baling lang ang kanyang tingin kay Hazel at sa ama nito.
“Sigurado ho akong hindi kilala ni Matthew si Lawrence, `Pang.” She was quick enough to save him.
“Plano mo bang i-date ang anak ko?”
“`Pang! Diyos ko po!” Hazel instantly covered her face with her hands in embarrassment.
Sa totoo lang, gustong tumawa ni Matthew. Ngunit ayaw niya na lalong mapahiya ang dalaga. Hindi kasi nakaligtas sa kanya ang pamumula ng mga pisngi nito bago tuluyang matakpan ang mukha.
“Kung may balak kang i-date ang anak ko, talunin mo muna ang score ko sa Flappy Bird.” Nakangisi pa ang ama ng dalaga.
This time, Matthew did chuckle. “Ilan ho ba ang score ninyo?” tanong niya kahit ang totoo ay hindi niya alam kung paano laruin ang Flappy Bird. Hindi kasi siya nag-i-install ng game applications sa kanyang iPhone.
“One hundred fifty-four lang naman,” proud pang sabi ng matanda, dahilan upang umirap si Hazel.
“Abalang tao si Matthew, `Pang. Wala siyang panahon sa Flappy Bird at magyaya ng date. Maniwala ho kayo sa akin.”
Matthew’s brows furrowed but he did not say a word.
Tumingin si Hazel sa kanya. “Ahm, bakit ka nga pala naparito, Matthew?” tanong ng dalaga. Ang ama nito ay tumingin din sa kanya na para bang hinihintay ang kanyang sagot.
Tumikhim siya, muntik nang makalimutan ang pakay. “Gusto ko sanang humingi ng pabor sa `yo, Haze.” He mentally shot himself for giving her a nickname in front of her father.
Si Hazel naman ay parang napakislot sa paraan ng pagtawag niya rito.
“Parang hindi na muna ako aalis.”
Napatingin si Hazel sa nagsalitang ama ngunit hindi na rin nagsalita pa ang dalaga at muling tumingin sa kanya. “A-anong pabor?”
“`Di ba nabanggit mo na isa kang pintor? Well, actually, I need someone to paint a portrait of me and unfortunately, hindi available ngayong araw ang pintor na sana ay gagawa n’on. Then I remembered, you told me you’re a painter. I don’t want to waste time. I’m available today and tomorrow, but not on Friday and next week. So, gusto ko sanang ikaw na lang ang gumawa n’on. If you’re not busy, that is.”
“Ako?”
“Yes, ikaw. Busy ka ba? Okay lang kung—”
“No, hindi ako busy,” putol ni Hazel sa sinasabi niya.
Napadako ang tingin niya sa noo ng dalaga na may bahid pa rin ng pintura at parang hindi nito alam.
“May pine-paint nga lang ako but it can wait,” dagdag pa nito.
“Are you sure? I don’t really want to be a burden.”
“No, no, okay lang. Huwag kang mag-alala.” Ngumiti ang dalaga. “Ahm, tara sa loob. Nasa loob ng bahay kasi ang studio ko.” She gestured for him to come inside and so he did.
“Ah, sigurado na ako. Hindi muna ako aalis ngayon,” sabi ng papang ni Hazel na nauna pang pumasok sa loob ng bahay.
Palihim na humingi ng paumanhin ang dalaga sa kanya ngunit marahang tawa lang ang ibinigay niya rito.
MALIBAN sa kanyang papang, wala pang ibang taong nakapasok sa loob ng studio ni Hazel. At si Matthew ang kauna-unahang nakapasok doon. She felt like he was invading her safe haven, but she just could not shove him out.
Napatingin siya sa binata habang isinasara niya ang pinto. Tiningnan nito ang lahat ng kanyang paintings na may pagkamangha sa mukha. Hindi niya mapigilang mapangiti habang naglalakad patungo sa kinatatayuan nito.
Nakatuon ang mga mata ni Matthew sa isang painting. Isa iyong oil painting ng babae na tumutugtog ng violin, ang buhok ay nilalaro ng hangin.
“This is fascinating,” wika ng binata na hindi man lang inilayo ang tingin sa painting.
Lalong lumuwang ang pagkakangiti ni Hazel dahil sa papuri ni Matthew. Lumipat ito sa kabilang painting at dinama iyon.
“Is this Idunna from the Norse mythology?” Nang tumingin ang binata sa kanya ay nasa mga mata pa rin nito ang paghanga.
Tumawa siya nang mahina. “Oo.”
“Idunna, the goddess of eternal youth,” he whispered as his fingers traced the apples of youth beside the goddess’ thighs. His eyes then shifted to the next painting. It was a man on the beach, patting a dog’s head. Napatingin din ito sa isang painting ng mukha ng tigre.
“Kung may gusto akong bilhin sa mga paintings mo, papayagan mo ba akong bilhin iyon?” He was smiling when he looked at her over his shoulder.
“Alin ba sa mga ito ang gusto mo?”
“Actually, gusto ko lahat,” sabi ng binata.
Napamaang si Hazel. “Seriously? Hindi ka nagbibiro?”
“I love all your work,” sabi ni Matthew, saka tiningnan uli ang mga paintings. Parang hindi ito nagsasawang tingnan ang mga iyon. Nang may mahagip ang mga mata nito ay bumaling doon.
Napansin niya na nakatingin si Matthew sa isang painting ng babae na pinapahid ang luha sa pisngi. Hindi man niya sabihin kung ano ang istorya sa likod ng painting, alam niya na may ideya si Matthew kung ano. Lumipat ang atensiyon nito sa katabing painting. Nakaramdam siya ng pamumula ng mga pisngi. Parang gusto niyang itago ang painting, ngunit huli na ang lahat dahil nakita na nito. Painting iyon ng isang lalaking umiiyak habang hawak ang isang singsing, sa likuran nito ay may isang babaeng naglalakad palayo.
Kinagat ni Hazel nang mariin ang ibabang labi, lalo na nang lumingon si Matthew at tumingin sa kanya. Relief came in a wave, washing over her when she did not see an irritated expression on his handsome face. Sa halip ay nakangiti ang binata.
“This painting reminds me of someone I know,” sabi nito na tumawa pa.
Para tuloy siyang na-guilty. Ginawa niya ang painting na iyon limang buwan na ang nakalilipas. And yes, it was based on Matthew’s heartache. And now she could not look at him in the eye.
“Hey.” Namalayan na lang niyang iniangat na ng binata ang kanyang mukha. “Hindi ako galit sa `yo, I’m not even offended. No need to feel bad about it, okay?”
Hindi makuhang ilayo ni Hazel ang tingin sa mukha ni Matthew. May bahid ng pag-aalala sa guwapo nitong mukha.
Pareho silang bigla na lang natahimik. Nakatingin lang si Hazel sa mga mata ng binata at ganoon din ito sa kanya. Unti-unti nitong ibinaba ang kamay habang patuloy pa ring nakatingin sa kanyang mga mata. Hindi niya alam kung siya lang ba o maging ang mukha nito ay unti-unting lumalapit patungo sa kanya.
Lumunok si Hazel. Hindi niya alam kung bakit hindi siya kumikilos upang lumayo. Gusto ba niyang halikan siya ni Matthew? Pero ang dapat na tanong ay kung balak nga ba ng binata na halikan siya?
Biglang bumukas ang pinto at sabay silang napabalikwas na para bang may ginawang hindi dapat gawin. Humalukipkip si Hazel sa tabi, nagkunwaring sinusuri ang isang painting na malapit sa kanya. Mula sa sulok ng mga mata, napansin niyang ganoon din ang ginawa ni Matthew.
“Anak, puwede ba akong humiram ng cell phone mo? Maglalaro lang ako,” wika ng kanyang papang, ni hindi man lang kumatok na alam niyang sinadya nito. Akala siguro ng kanyang ama ay kung ano na ang ginagawa nila ni Matthew sa loob dahil kapwa sila natahimik.
Kinuha ni Hazel ang cell phone mula sa bulsa ng suot na shorts at ibinigay iyon sa ama. “Heto na, `Pang. Flappy Bird na naman ba ang lalaruin mo?”
“Eh, ano pa? Alam mo namang iyon ang paborito ko.”
“Sige, `Pang. Mamaya na kami lalabas. Hindi pa kasi kami tapos ni Matthew.”
Tumalikod na ang kanyang ama, ngunit dinig na dinig pa rin niya ang sinabi nito. “Eh, hindi pa nga kayo nakapagsimula,” anito at alam niya na narinig din iyon ni Matthew. The old man headed straight for the door but before he could leave, he made sure the door was wide open instead of closing it.
Natutop ni Hazel ang kanyang ulo. Nakakahiya talaga!
Tumikhim si Matthew. “Ahm, magsimula na tayo?”
And just like that, the air was suddenly filled with awkwardness. Kung ano man ang namagitan sa kanila kani-kanina lang ay biglang nawala.
“S-sige, umupo ka lang do’n.” Itinuro ni Hazel ang wooden high stool sa gilid. “Kukunin ko lang ang blank canvas at ang mga gamit.” Hindi na niya hinintay pa ang sagot ni Matthew at tumalikod na. Nang muling humarap sa binata ay nakaupo na ito. His eyebrows were knitted together slightly as if he was confused or something. Tumikhim siya at tumingin ito sa kanya.
“Oil painting ba ang gusto mo or charcoal painting?” tanong niya nang pumuwesto sa harap nito.
“I’d like it to be an oil painting.”
“Okay. Ahm, I’ll do a rough sketch first. Usually, mga isang linggo ko natatapos ang isang painting.”
“It’s okay. Hindi naman kita pini-pressure na tapusin mo agad.”
Tumango siya. “Ide-deliver ko na lang ba ito sa opisina mo next week?”
“
i
f you don’t mind, can I get your number? I’ll just—”
“Ahem!” Isang malakas na tinig mula sa labas ng kuwarto ang pumutol sa pagsasalita ni Matthew. “One hundred fifty-six na ang score ko, hijo,” he announced, definitely implying something.
Hazel rolled her eyes. Nahiya siya kay Matthew sa biglang pagsingit ng kanyang ama. Pero nakita niya kung paanong pinipigilan ng binata ang mapahalakhak.
“Relax, `Pang. Number ko lang ang hinihingi ni Matthew,” nakaismid niyang sabi.
“Nagpapaalala lang, hija.”
Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Matthew. Halatang naaaliw ito sa kanyang ama. Napailing na lang siya at sinimulang iguhit ang binata. Kung noon, ang pagguhit ay nakakawala ng stress, ngayon ay nai-stress siya. Hindi kasi siya komportable sa mga titig ni Matthew sa kanya. She knew that she was being unprofessional. At dahil doon, gusto niyang batukan ang sarili. Binilisan niya ang pagguhit. It was a rough sketch, anyway. Hindi pa iyon final. It was horrible to admit, but she actually kind of memorized the contours of his face. She could trace it with her artist’s fingers even with her eyes closed. Not that she wanted him to know that.
As Matthew sat in front of her, she realized one thing—she was attracted to this guy. She could not stop herself from being drawn to him. Ngunit alam niya na malabo itong magkaroon ng interes sa kanya dahil kagagaling lang nito sa isang masaklap na relasyon. Besides, he was way out of her league. She did not think she was good enough for him.
NAPABUNTONG-HININGA si Matthew nang sa wakas ay makapasok na sa loob ng kanyang sasakyan. Hindi siya sigurado kung ano ang nangyari sa pagitan nila ni Hazel. Nang tumitig siya sa mga mata ng dalaga, bigla na lang ay gusto niya itong halikan. It was like he was drawn to her in that instant. He was not sure if it was because of her eyes and the emotion he saw in them, or the stillness of the room and the nearness of their bodies. Maybe it was just his lust kicking in. After all, five months was a long wait for someone with a healthy sexual appetite like him. But he knew Hazel was not a friend-with-benefits kind of girl. Alam niya na hindi ganoon ang dalaga, and he knew better than to push his luck.
Napabuntong-hininga uli si Matthew. Nang mag-pose siya sa harap ni Hazel, ginamit niya ang pagkakataong mapag-aralan ang mukha nito. He memorized the contours of her face and the way a few strands of her hair fell loose from her bun. Her expression was kind of uncomfortable as she worked on the canvas but she was still so attractive. He could not help being attracted to her.
Magiging sinungaling siya kapag sinabing hindi sumagi sa kanyang isip si Hazel kahit minsan sa nakalipas na limang buwan. Iniisip niya kung magkikita pa kaya silang muli. At nang makita uli niya ito sa bar, bigla siyang nakadama ng kasiyahan. Napaka-weird, aaminin niya. Pero naisip niya, Hazel was the only person who understood what he was going through that night. Sinamahan siya nito at dinamayan. Siguro dahil doon, may naramdaman siyang closeness sa dalaga. When he subconsciously leaned forward to kiss her a while ago, her greenish-brown eyes dilated a bit. He was close to kissing her but then, her father chose that very moment to appear. He was not sure if he was grateful for the interruption or not. Pero naisip niya, mas mabuti nang hindi iyon natuloy dahil ayaw niyang mailang si Hazel sa kanya.
Damn, he needed to get over this odd fascination he seemed to have with her eyes. Kahit may pinagsamahan sila, he barely knew her. He needed to get his act together.
radicalducati