Chapter 2
Chapter 2
Chapter 2
CHAPTER TWO
“W
HY THE hell are you still here?” asik ni Matthew sa estranghera.
After Blair’s heartbreaking rejection and cheating confession moments ago, he politely asked the guests to leave since there was no point in staying further. He endured the embarrassment and the guests’ piteous glances as he faced them, smiling despite the hurt, trying to save face. Nang mag-alisan na ang mga bisita ay lumabas siya sa balkonahe upang magpakalasing at umiyak. But he was done with that. Ayaw na niyang umiyak pa.
Nang maubos ang laman ng bote ay pumasok si Matthew sa loob upang kumuha sana ng isa pa, pero laking gulat niya nang makita ang estranghera na nakatayo malapit sa pinto ng balkonahe. Hindi niya sukat-akalain na makikita pa niya ito dahil akala niya ay umalis na. Sa totoo lang ay nakalimutan na niya ang tungkol sa estranghera at nagtataka siya kung nasubaybayan ba nito ang masakit na pagtanggi ni Blair sa kanyang marriage proposal.
“Naisip ko kasi na…” panimula nito. “Naisip ko lang na baka kailangan mo ng makakausap.”
He snorted and walked past her to the mini-bar around the corner. “Malalim na ang gabi. Umuwi ka na lang. Huwag kang mag-alala, okay lang akong mag-isa,” sabi niya.
Hindi nagsalita ang babae, pero alam niya na sumunod ito sa kanya.
“We’re in the same boat, you know,” dagdag pa nito.
Napahinto tuloy si Matthew sa pagkuha ng alak. Nang tumingin siya sa babae ay nakita niya ang kalungkutan sa mga mata nito. Nakita rin niya kung gaano nito pinipilit na ngumiti. Hindi na niya kailangan pa ng salamin upang tingnan na pareho lang ang ekspresyon sa kanilang mga mukha.
“Well, I guess you can stay for little while,” sabi niya, dahilan upang tuluyan nang mapangiti ang babae. Siguro ay gusto lamang din nito ng makakausap. Pinasunod niya ito papunta sa balkonahe. Umupo siya sa sahig at ganoon din ito sa tabi niya.
“So, what’s your story?” tanong ni Matthew habang nagsasalin ng alak sa wineglass na dala niya. “Sinabi rin ba niya sa `yo nang harapan ang pangangaliwa niya?”
Umiling ang babae. “I found out after he broke up with me on the phone today. On the damn phone! Can you imagine that?”
Hindi niya napigilang tumawa. “He’s got some balls, huh?” he said sarcastically.
She smirked. Kinuha nito ang baso mula sa kanya at nilagok ang laman, pagkatapos ay ibinalik sa kanya.
“Plano ko pa naman sana siyang i-surprise. Nasa isang coffee shop ako no’ng tumawag siya. Wala akong kaalam-alam na makikipag-break na pala siya sa akin. Basta na lang siya nakipag-split. No further explanations or anything like that. He just said he wanted space.” Suminghot ang estranghera. “Pero mula sa loob ng coffee shop, nakita kong lumabas siya ng building. Hindi siya nag-iisa, may kasama siyang babae. Akala ko, co-worker lang niya but then he kissed her on the mouth.”
“That sucks,” Matthew found himself saying as he filled the empty glass with wine and drank. Tumingin uli siya sa kausap at nahuli niyang pasimple nitong pinapahid ang mga mata. He kind of felt bad for not having a handkerchief at this moment.
“Sinabi mo pa. Argh, stupid tears!” Suminghot uli ang babae. “Hindi naman ako engot para hindi ma-realize na he’d been cheating on me all along.”
Makikita sa mukha ng babae na pinipilit nitong huwag maiyak.
Subconsciously, he patted her head twice. “There, there. Iiyak mo lang `yan.”
Umiling ito. “Tapos na akong umiyak. He’s not worth all my tears.”
Napangiti si Matthew. Kahit paano ay gusto niyang gumaan ang loob ng babae kaya naisipan niyang ikuwento rito ang nangyari sa kanila ni Blair kahit sigurado siyang nakita na nito ang eksena.
“But at least, the hurtful breakup and cheating confession didn’t happen in front of your friends,” sabi niya. The feeling of hurt and humiliation washed over him again. “Damn! I was on my knees asking for her hand in marriage. Everyone in the room, including me, expected her answer to be a ‘yes’. For heaven’s sake, we were together for three years. Three years! At nasayang lang iyon dahil sa secret affair niya sa ibang lalaki. How could I not know? Damn, napakatanga ko talaga. Hindi ako makapaniwalang nagawa ito sa akin ni Blair.”
Tumingin ang babae sa kanya. “I know how you feel. Ako rin naman, eh, feeling ko ginago lang ako ni Lawrence.” She pulled her knees together and wrapped her arms around them. “Kaya huwag kang malungkot, hindi ka nag-iisa.” Ngumiti ito.
Napangiti rin si Matthew. Kahit paano, ipinagpasalamat niyang naroon ang babae at nakikinig sa kanya. Kahit hindi man niya ito kilala, alam nito kung ano ang kanyang pinagdadaanan. Ang presensiya nito ay nakakagaan ng loob kahit paano.
“You know what? We shouldn’t be talking about our exes tonight.”
Tumango naman ang babae. “Damn, you’re right. They moved on easily so why couldn’t we?”
He smiled at her. “Ano nga pala ang pangalan mo? I believe we haven’t introduced ourselves properly to each other.”
Ngumiti ito, saka inilahad ang kamay. “Hazel Ann Fontanilla.”
“Matthew Zachary Rivera.” Inabot niya ang kamay ng babae. It was soft against his calloused hand. Sabay silang nagbitiw ng kanilang mga kamay ngunit nanatili siyang nakatitig sa mga mata ni Hazel. Sa unang pagkakataon ay ngayon lang niya napagmasdan ang mga mata nito—they were greenish-brown, such a pretty and rare eye color for a Filipina.
“Ahm, what’s wrong? May dumi ba sa mukha ko?”
Marahang tumawa si Matthew. “Wala. I just realized why your parents named you ‘Hazel’. It’s because of your eyes. Contact lenses ba `yan o natural?”
“Of course, natural ang mga `yan.” Lumuwang ang ngiti nito.
“You’re half-Filipino and half what?”
Umiling si Hazel. “A hundred percent Filipino.”
His eyebrow arched up. “Seryoso?”
“Yeah, seriously. Hindi lang naman ako ang nag-iisang Asian na may ganitong kulay ng mga mata. Kilala mo ba si Go Ara? Isa siyang Korean actress. Mind you, she’s a full-blooded Korean, but she’s got the same eye color as mine.”
“No, I don’t know her.”
“Google is your buddy,” may panunudyong sabi ng babae.
Hindi mapigilan ni Matthew ang mapangiti. Muli niyang sinalinan ng alak ang baso at ibinigay iyon kay Hazel. Kinuha naman nito iyon at nilagok, pagkatapos ay siya naman.
“Hey, puwede bang magtanong kung nasaan ang singsing?” tanong ng dalaga.
“Plano kong itapon `yon,” mapait niyang sabi.
Napasinghap ito na para bang hindi inaasahan ang kanyang sagot.
“Puwede bang akin na lang `yong singsing?”
His expression darkened all of a sudden. “And here I am, thinking you want to keep me company because we’ve got the same heart issues. `Yon pala, you’re just after the ring.” Parang gusto tuloy niyang hilahin ang babae palabas ng hotel.
“N-no, I’m not a gold digger, if that’s what you’re trying to imply.”
“Oh, so you’re not?”
Hazel straightened her legs and sighed. “Maniwala ka sa akin. Hindi ako katulad ng iniisip mo,” sabi nito sa mahinahong boses. “The truth is, I fell in love with the ring the first time I saw it. I know this sounds weird but I do. Buong buhay ko, hindi pa ako nakakita ng gano’n kagandang singsing. A ring like that should be valued and cherished. Not just because it’s expensive and beautiful, but because someone thought of you while they bought the ring.” Muli itong bumuntong-hininga. “The reason I wore it when I found it is because I wanted to see how the ring would look on my finger. But please don’t take it the wrong way. Plano ko naman talagang i-turn over sa manager ng bar ang singsing bago ako umuwi. I know it’s wrong dahil hindi naman talaga `yon akin. I just… I just honestly fell in love with it.” Tumingin si Hazel sa kanya. “Matthew, I’m not a gold digger.”
Hindi siya sumagot, sa halip ay bumuntong-hininga at inilayo ang tingin dito.
“Okay. Hindi ko na hihingin `yon. Huwag mo lang akong pag-isipan na isa akong mapagsamantala,” patuloy ng babae sa mahinang tinig.
Nang muli siyang tumingin ay nakita niyang nakayuko ito. As he stared at her profile, he could see the hurt and disappointment in her eyes.
He huffed once more, feeling guilty, which shocked the hell out of him. What was even more surprising was that he took the small blue box out of his pocket. “Here, take this.” Inilahad niya iyon sa dalaga.
Awtomatikong napatingin si Hazel sa kanya. “No, I mean it. Just forget it. Seriously, Matthew.”
“Hazel—”
“No, Matthew. Ayokong itatak mo sa isip mo na isa akong—”
“I believe you.” Pinutol niya ang anumang sasabihin nito. “You’re not a gold digging witch like you said. I believe you. And I’m sorry I hurt your feelings.”
“I accept your apology but you don’t have to give it to me.”
Umiling si Matthew at bumuntong-hininga. “Isang masakit na alaala lang ang ibibigay ng singsing na ito sa akin. Naisip ko rin na sayang nga kung itatapon ko. I want you to have it, Hazel. I’m serious.”
Nang hindi umimik ang dalaga ay kinuha niya ang kaliwang kamay nito, sabay bukas sa kahita gamit ang isa pang kamay. Walang sabi-sabing isinuot niya ang singsing sa daliri nito. Nasorpresa siya dahil hindi man lang siya nahirapang isuot iyon. It was like the ring was especially made for her. It was funny but he was not sure at first if the customized ring would fit Blair’s finger. But here it was, perfectly wrapped around someone else’s finger.
Napatingin siya sa mukha ni Hazel at ganoon din ito sa kanya.
Feeling awkward, he smiled. “Sa `yo na `yan, Hazel, okay?”
Ngunit may pag-aalinlangan pa rin sa mga mata ng dalaga at hindi niya ito masisisi.
“Sigurado ka?”
“Yeah, I’m sure.”
“Babayaran na lang kaya kita? Magkano nga ba ito?”
“That’s worth half a million dollars.”
Nanlaki ang mga mata ni Hazel na lalong nagpahalata sa kulay ng mga iyon. “H-half a million… dollars? Ahm…”
Hindi mapigilan ni Matthew na tumawa sa naging reaksiyon ng babae. Akma nitong kukunin ang singsing mula sa daliri upang ibalik ngunit pinigilan niya.
“It’s yours now. Huwag mo nang ibalik sa `kin.”
“Pero ang mahal nito.”
“It’s just a ring.” He scoffed. “And to be honest, bale-wala na sa `kin `yan. Tutal, hindi naman `yan tinanggap ni Blair.”
“Eh, paano kung magbago ang isip niya?”
The corner of his lips twitched upward as he looked at her. “Do you think kailangan ko pa siya sa buhay ko? One mistake is enough for me.”
“Huwag kang magsalita nang patapos. Matagal din naman ang panahong pinagsamahan ninyo.”
He scowled. “Do you want the ring or not? Ibinibigay ko na nga `yan sa `yo nang libre, ang dami mo pang satsat,” sabi niya, sabay tayo.
“O, saan ka pupunta?”
“I’ll just get another wineglass. Dito ka lang. Babalik din ako.” Nang tumingin siya kay Hazel, nakita niyang pinipigilan nitong ngumiti ngunit hindi ito nagtagumpay.
“Maraming salamat, Matthew. I promise, ihahanap kita ng bagong girlfriend.”
“Shut up.”
Tumawa ito.
BIGLANG napabangon si Hazel mula sa pagkakahiga sa komportableng higaan nang mapagtantong naroon siya sa ibang kuwarto. Hindi pamilyar ang silid na iyon at kinain siya ng takot. Ang natatandaan lang niya ay ang tungkol kay Matthew at ang pag-iinuman nila kagabi. Agad niyang tiningnan ang sarili sa ilalim ng kumot at nakahinga nang maluwag nang makitang may damit pa siya. Pero napatingin uli siya sa ilalim ng kumot dahil hindi iyon ang damit na suot niya kahapon!
“Oh, my God!” Pumikit siya at pilit na tinatandaan ang mga nangyari kagabi. But the more she tried to think, the more her head pounded like a drum.
Isang katok mula sa pinto ang nagpapitlag sa kanya. Dali-dali siyang tumakbo sa pinto at binuksan iyon.
Isang babae ang nasa labas at nakangiti sa kanya. “Good morning, Miss Fontanilla. My name is Stacy Perez, the personal assistant of Mr. Matthew Rivera. I would like to inform you that your breakfast is—”
“No! Sa bahay na lang ako. S-salamat,” putol niya sa sinasabi nito.
“Very well, then. Let me take you to the car that would take you home.”
Napamaang siya. “Thank you but you don’t have to. Kaya ko namang umuwing mag-isa. Salamat na lang.”
“I’m very sorry, Miss Fontanilla. It’s Mr. Rivera’s strict order. Kami po ang mapapagalitan kapag hindi po nasunod ang utos niya. He specifically ordered me to have breakfast ready for you. But if you insist on skipping breakfast, it’s fine as long as we get to drive you home.”
Nakagat ni Hazel ang ibabang labi. Nakita niya ang pag-aalala sa mukha ni Stacy kung sakaling magmatigas siya. Bumuntong-hininga siya. Ayaw niyang mapagalitan ito dahil sa kanyang pagmamatigas. “Okay, I’ll let you take me home. Kukunin ko lang ang bag ko.”
Nabura ang pag-aalala sa mukha ng babae at napalitan ng maluwang na ngiti. “Not a problem, Miss Fontanilla.”
Agad niyang kinuha ang bag na nasa bedside table. Nang muling humarap kay Stacy ay nagtanong siya tungkol sa kanyang suot kahapon.
“You vomited last night and—”
“Okay, gets ko na,” putol niya bago pa man nito maituloy ang sinasabi. Hindi niya kayang imagine-in ang sariling sumusuka sa harap ni Matthew.
“Tapos ko na pong i-dry clean ang damit ninyo. It’s already in the car. And no need to worry, Miss Fontanilla. Ako po ang nagbihis sa iyo kagabi at hindi po si Mr. Rivera,” dagdag ni Stacy.
Nakaramdam siya ng pamumula ng mga pisngi.
“So, shall we go?”
Tumango si Hazel. Hindi siya umiimik habang nakasunod sa personal assistant ni Matthew. Muli lamang siyang nagsalita nang nasa loob na sila ng elevator. “Ah, wala akong pambayad sa kuwarto…”
“No worries again, Miss Fontanilla.” Ngumiti si Stacy nang walang bahid na ano man. “You’re already covered.”
“Ahm, binayaran ni Matthew?”
May mahinang tawang lumabas mula sa bibig ng babae. “Mr. Rivera owns this hotel, Miss Fontanilla. Is actually one of the many businesses he owns. Have you heard of Rivera Industries? That’s his major business.”
Pinilit ni Hazel na huwag mapanganga sa sinabi ng babae. Alam niyang mayaman si Matthew base sa singsing na worth half a million dollars. Pero hindi niya inaasahang
ganoon
ito kayaman.
Isang itim na sedan ang naghihintay sa labas ng hotel. Si James, ang driver na ipinakilala ni Stacy, ang maghahatid sa kanya. Matapos niyang ibigay kay James ang kanyang address, naging tahimik lang siya sa buong biyahe. Gusto sana niyang itanong kay Stacy kung nasaan si Matthew pero ayaw niyang isipin nitong naghahabol siya sa mayamang lalaki. Pumikit na lamang siya at pinilit na huwag indahin ang sakit ng ulo. Bumuntong-hininga siya habang inaalala ang nangyari kagabi. Hindi niya maipagkakaila ang kalungkutang nararamdaman nang mga sandaling iyon. She definitely had a good time drinking with Matthew last night. Para sa kanya, kaibigan ang turing niya sa binata kahit sandali lang ang pinagsamahan nila. Ewan niya kung ganoon din ba ito sa kanya.
Makikita pa kaya uli niya si Matthew?
Itinaas ni Hazel ang kaliwang kamay at tiningnan ang singsing. “Sana…” bulong niya. “Sana magkita pa tayong muli, Matthew.”
radicalducati