Lander Storm (Possessive Series 4)

Chapter 17



Chapter 17

PINAKALMA ni Vienna ang sarili habang kumakain. Kailangan relax siya habang nag-uusap sila ni Lander. Ayaw niyang mahalata nito na kinakabahan siya kaya naman huminga siya nang malalim at maingat na pinakawalan iyon.

“Ano’ng gusto mong pag-uusapan natin?” kalmado ang boses na tanong niya.

Lumunok muna ang lalaki bago nagsalita. “Gusto kong malaman kung bakit mo ako iniwan noon. Siguro naman puwede ko nang malaman `yon pagkatapos ng nasaksihan ko.”

Nagbaba si Vienna ng tingin at pasimpleng hinilot ang sentido. “Lander, ilang ulit ko nang sinabi sa `yo na hindi ko puwedeng sabihin kasi bawal nga!” Hindi na niya napigilang magtaas ng boses. “Bakit ba hindi mo `yon maintindihan?!”

Napatitig sa kanya si Lander. “Bakit ka nagagalit? Nagtatanong lang naman ako!” Tumaas na rin ang boses nito. “Kung tutuusin, ako nga ang dapat magalit sa `yo dahil iniwan mo ako! Iniwan mo akong walang paalam, Vienna! Iniwan mo akong parang tanga na naghihintay lang pala sa wala! `Tapos ngayon, babalik ka? Para ano na naman? Para manakit, ha? Diyan ka naman magaling, eh! Ang manakit at magsinungaling sa `kin nang paulit-ulit—”

“Tama na!” malakas niyang sigaw, saka umiiyak na tumingin sa lalaki. “Ano’ng gusto mong sabihin ko?! Ano’ng gusto mong malaman, ha?!” Punong-puno na siya sa pambibintang nito sa kanya. Punong-puno na siya sa masasakit na salita na naririnig mula rito. “Oo, iniwan kita! At `yon ay dahil kinakain ako ng konsiyensiya ko na nang dahil sa `kin, maraming napahamak! Na nang dahil sa `kin, napahamak ang kaibigan ko! All I wanted was to be with you! All I wanted was to stay with you, love you, and care for you! At dahil sa kagustuhan kong `yon, dahil sa pagiging selfish ko, maraming napahamak at isa na do’n ang matalik kong kaibigan! So when I got the chance to redeem my conscience, to repay for those lives that were gone because of me, I took it! Pero hindi ibig sabihin na umalis ako at iniwan kita ay hindi na kita mahal!” Hindi na niya napigilan ang sariling duruin ito. “Mahal na mahal kita, Lander! Maniwala ka man sa hindi, mahal na mahal kita at wala akong ibang lalaking minahal maliban sa `yo! Ikaw lang! Ikaw lang ang minahal ko nang ganito!”

Tinuyo ni Vienna ang mga luha, saka muling tumingin kay Lander. “Ano ba ang dapat kong gawin para maniwala kang mahal kita? Bumalik ako kasi mahal kita at gusto kitang makasama kahit pansamantala lang—”

“Pansamantala lang?” Tumalim ang mga mata nito. “Ano’ng ibig mong sabihin, iiwan mo rin ako? Is that it? `Yon ba ang nasa isip mo ngayon?” Nagtatagis ang mga bagang na tumayo ito at pinukol siya ng masamang tingin bago siya iniwan sa kusina.

Malalim na napabuntong-hininga si Vienna habang tinutuyo ang mga basang pisngi. “Hindi man lang niya ako pinatapos magsalita,” malungkot na sabi niya at humihikbing iniligpit ang kanilang pinagkainan.

Mamaya ka sa `kin. Palagi mo na lang akong pinapaiyak, sabi niya habang umiiyak.

NASA terrace ng kuwarto si Lander nang makita niya si Vienna na palakad-lakad sa loob ng bakuran ng kanyang bahay. Nagtaka siya sa ginagawa nito, pero binura niya iyon sa isip. Pagdating sa babae, maraming katanungan ang bumabalot sa isip niya at hindi na siya umaasang may kasagutan pa ang mga iyon.

Vienna was so secretive. Ni hindi niya naintindihan ang mga sinabi nito kanina. Umalis ang babae dahil nakonsiyensiya ito dahil maraming napahamak dahil sa kagustuhan nitong makasama siya. Paanong napahamak? Ano ba talaga si Vienna? Bakit ito marunong gumamit ng baril? Bakit napakadali dito na pumatay ng tao at hindi man lang ito hinuli ng nga pulis? Bakit magaling ito sa Martial Arts?

Gulong-gulo na si Lander at mas dinagdagan pa iyon ng sinabi ng babae kanina. Nagalit siya nang marinig ang salitang “pansamantala” na lumabas sa bibig nito. Tama nga ang hinala niya, iiwan din siya ni Vienna. Tulad noon.

Sa loob ng walong taon, ginawa niya ang lahat mawala lang sa sistema niya ang babae. Pero kahit ano ang gawin at kahit ano pa ang malaman niya tungkol dito, hindi niyon mababago na mahalaga talaga sa kanya si Vienna. At kahit pa nga nakita niya itong pumatay ng tao, nawawala iyon sa isip niya at mabilis na nakakalimutan tuwing tumititig siya sa mga mata nito na may samut-saring emosyon na napakagandang pagmasdan.

Lander sighed and looked down at Vienna who was still walking around as if she was looking for something. Mukhang naramdaman nito ang presensiya niya dahil bigla itong pumihit at nag-angat ng tingin sa kanya.

Nang magtama ang kanilang mga mata, naramdaman niya ang mabilis at malakas na pagtibok ng kanyang puso. Marahas siyang napailing at akmang aalis na sa terrace nang biglang kumaway ang babae, pagkatapos ay ekspertong inakyat nito ang balkonahe. Nang makaakyat, umupo ito sa railing, tumingin sa kanyang mga mata, saka ngumiti. Wala na ang emosyonal na Vienna na iniwan niya sa hapag-kainan kanina.

“Akala ko lalaki lang ang umaakyat sa terrace at hindi babae,” hindi napigilang komento ni Lander.

Mahina itong natawa. “Isipin mo na lang na umaakyat ako ng ligaw.”

Nag-iwas siya ng tingin para hindi mapansin ng babae ang masayang kislap ng kanyang mga mata. “Lalaki rin ang gumagawa n’on.”

“Bakit? Lalaki lang ba ang may karapatang umakyat ng ligaw?” Sinapo nito ang pisngi niya at hinuli ang mga mata niya. “Sa tingin ko, may karapatan din naman kaming mga babae na manligaw, lalo na kung `yong lalaki, in denial king at pakipot.”

Nagsalubong ang mga kilay ni Lander. “May pinapatamaan ka ba?”

“Bakit?” Tumaas ang isang kilay ni Vienna. “Tinatamaan ka ba?” Tumawa ito. “Hindi ka naman in denial king at lalong hindi ka naman pakipot, `di ba?” Nang-uuyam ang ngiti sa mga labi nito.

Nagulat siya nang bigla na lang siyang itinulak ng babae papasok ng kuwarto niya at kaagad na ini-lock ang sliding door.

“Hindi ka puwede sa mga open na lugar tulad ng terrace mo,” anito. “Someone could shoot you there.”

“Wala namang—” Napatigil si Lander sa pagsasalita nang itulak na naman siya ni Vienna sa kanyang dibdib dahilan para mapaatras siya.

“Shut up. Ako ang marunong humawak ng baril sa ating dalawa, ako ang mas nakakaalam ng mga bagay-bagay.”

That made him roll his eyes. “Hindi por que may binaril ka nang mga lalaki, ikaw na ang nakakaalam ng lahat.” She smirked and pushed him forcefully this time causing him to fall into his bed. Naramdaman niya ang kaagad na pagkabuhay ng kanyang pagkalalaki. At napakahirap na niyong patulugin, lalo na at nasa harap lang niya ang babaeng dahilan ng pagkagising niyon. “Vienna, Binabalaan kita. Huwag kang lalapit sa `kin.” Bumilis ang tibok ng pulso niya.

Naramdaman ni Lander ang malakas na pagtibok ng kanyang puso at halos marinig na niya iyon. Lalo na nang makita ang pagnanasa sa mga mata ni Vienna.

Fuck!

Alam niya sa sarili na hindi niya pipigilan ang babae kung anuman ang gusto nitong gawin sa kanya. Hindi niya ito pipigilan dahil iyon din ang gusto niya. I missed her. So damn much!

Lumuhod si Vienna sa gilid ng kama at dumukwang palapit sa kanya. “Lander…” Tuluyan na siya nitong kinubabawan at lumamlam ang mga mata. “Ang hirap sa `yong lalaki ka, hindi pa nga sinasabi, kung ano-ano na ang iniisip mo. Sinabi ko bang iiwan kita? Hindi naman `di ba? Sinabi ko bang hindi kita mahal? Hindi rin naman, `di ba?” Inilapat ng babae ang mga labi sa mga labi niya pero pinakawalan din iyon pagkatapos. “Mahal na mahal kita, Lander. Hindi ko kayang i-explain kung gaano kita kamahal pero sa tingin ko naman hindi na `yon kailangan. Kasi ikaw lang ang lalaking kayang patibukin nang mabilis at malakas ang puso ko, ikaw lang ang lalaking nilalaman ng puso at isip ko, at ikaw lang din ang lalaki na handa akong ibuwis ang buhay ko, maprotektahan lang. Ganoon kita kamahal, Lander. So please, don’t question my love for you. Nasasaktan ako kapag hindi ka naniniwala na mahal kita, lalo na’t dito sa puso ko, ikaw lang talaga.”

Nanikip ang dibdib ni Lander nang mahulog sa kanyang mga pisngi ang mga luhang galing sa mga mata ni Vienna. Mabilis niyang tinuyo iyon gamit ang hinlalaki niya, saka iniangat ang ulo para mailapat niya ang mga labi sa mga labi nito. “I’m sorry. I’m a jerk.” Hinalikan niya ang mga mata nitong basa ng luha. “Alam kong hindi sapat na dahilan ang ‘natakot akong mahalin ka’ pero `yon talaga ang nararamdaman ko. I’m sorry if I often question your love for me. Noon kasi, iniwan mo ako nang walang paalam o kahit paliwanag man lang kaya tumatak na sa isip ko na hindi mo ako mahal. You never told me why you left. Ang pinakaayoko sa lahat ay `yong iniiwan ako, pero `yon ang ginawa mo.

“Iniwan ako nina Mommy at Daddy, `tapos ikaw na kauna-unang babaeng minahal ko nang totoo, iniwan din ako. Ang sakit lang. `Tapos babalik ka na parang walang nangyari, na parang hindi mo ako sinaktan. Sa tingin ko rin naman, hindi lang babae ang may karapatang magpakipot, kami rin namang mga lalaki, lalo na kapag `yong babae, sinaktan kami. As I’ve told you before, trust can be easily broken, pero kahit nasira mo ang tiwala ko sa `yo, still, you were in my heart for eight years. You never left my heart, Vienna. I tried forgetting you but it didn’t work.”

Mahirap talagang itago ang tunay na nararamdaman. Talagang totoo ang sinabi ni Eizel, na kapag puso ang kinalaban mo, hinding-hindi ka mananalo.

Biglang sinakop ng babae ang mga labi niya na kaagad din namang naghiwalay nang makarinig sila ng putok ng baril. Kasabay niyon ay ang pagkabasag ng sliding door sa balkonahe ng kanyang kuwarto.

Natigilan si Vienna habang nanlalaki ang mga matang nakatitig sa kanya.

Then he saw blood dripping into his chest. Nang tingnan ni Lander kung saan nanggaling iyon, pakiramdam niya ay humiwalay ang kaluluwa niya sa katawan nang makitang may tama ang babae sa braso at dumudugo iyon!

“Fuck!” Fear seared through the very foundation of his soul. Naalala niya ang dugo ng mga magulang niya na nagkalat sa semento noon. Now, he was seeing blood again. No! He couldn’t lose Vienna! “Vienna! Shit!” Nanginginig ang kamay na tinakpan niya sugat nito.

Takot si Lander sa dugo pero sa pagkakataong iyon, nakalimutan niya ang takot. Mas natakot siyang mawala sa kanya si Vienna. Pero tinabig nito ang kamay niya.

“Don’t. Daplis lang `yan, huwag kang mag-alala,” bale-walang sabi ng babae, saka mabilis na bumangon na parang walang tama ng baril. Pagkatapos ay hinila siya nito patayo at palabas ng kanyang kuwarto.

Hinayaan lang ni Lander si Vienna. Hindi rin niya napigilan ang sariling mapatitig sa kamay niyang nababalot ng dugo ng babae. Hanggang sa namalayan na lang niyang nasa kuwarto na sila nito at may iniabot itong baril sa kanya.

Lander could see his hands shaking. He felt nauseous.

Napatingin siya sa baril. “What?” wala sa sariling tanong niya.

Sapilitang inilagay ni Vienna ang baril sa duguan niyang kamay. “Shoot whatever moves.”

Napatingin siya sa baril na ngayon ay nasa kamay na niya. What the hell?


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.