Chapter 7
Chapter 7
UMALIS si Vienna ng Pilipinas patungong China na hindi nagsasabi kay Lander. Hindi na siya nagpaalam dahil sa wala naman itong pakialam sa kanya. Sigurado din siyang magtatanong ang lalaki kung bakit kailangan niyang umalis ng bansa. Hindi naman niya puwedeng sabihin dito kung saan siya pupunta at kung ano ang gagawin niya roon, kaya mas mabuti pang wala itong alam sa mga ginagawa niya.
Kasapi si Vienna sa Human Protection Organizaton, isang international agency na nangangalaga sa karapatang pantao. At nakatatak sa isip niya ang tanging batas na sinusunod nila sa ahensiyang kinabibilangan—bawal sabihin sa kahit na kanino ang ginagawa nila o ang trabaho niya kung walang pahintulot ng big boss. Mayroon na noong sumubok na suwayin ang nag-iisang batas na iyon at hindi pa lumilipas ang isang araw ay namatay ang agent kasama ng pinagsabihan nito.
Ang tanging nakakaalam lang kung ano talaga ang tunay na trabaho ni Vienna maliban sa pagiging fashion designer ay ang stepbrother niyang si Cali. Ito lang kasi ang hinayaan siya ng kanyang big boss na pagsabihan niya.
At ngayon nga, nakatayo siya sa puso ng Beijing. Kasama si Hellion—ang partner niya sa misyong iyon. Katulad niya, isa ring Filipino ang lalaki. Magaling ito sa computers na parang kumakain ng mga code.
Humarap si Hellion sa kanya. “Ikaw ang offense, ako ang defense. I’m good with guns and fists, but against you, I’m just average. Mas bihasa ka sa mga ganitong bagay kaya ipapaubaya ko sa `yo ang defense. Ako’ng bahala sa mga kakailanganin mong data. Ikaw ang papasok kasi hindi ka nila kilala. Hindi ako puwede kasi kilala na ako. Matagal ko na silang minamanman at mukhang nalaman ng mga ito ang tungkol sa `kin.”
Tumango siya. “Okay.”
“Alam mo na kung ano’ng gagawin mo,” sabi nito. “Palagi mong dalhin ang cell phone mo. Importante `yon kasi doon ko ise-send ang datas at coordinates. I’m just a call away. Good luck.” Tumalikod ang lalaki at iniwan siyang nakatayo habang nakatingin sa malaking billboard ng Lamborghini.
Huminga si Vienna nang malalim at naglakad patungo sa hotel kung saan siya pansamantalang nag-i-stay. Habang naglalakad, naramdaman niyang parang may nagmamasid sa kanya. Pasimple niyang nilibot ng tingin ang paligid. Inihanda niya ang sarili nang mahagip ng kanyang mga mata ang sasakyang Porsche sa bandang kanan, ang driver ay matiim na nakatitig sa kanya.
Umakto siyang walang nakita at tinawagan si Hellion. “Ibigay mo sa akin ang listahan ng mga na-smuggle na Porsche ngayong buwan,” sabi niya nang sagutin ng lalaki ang tawag.
“They are armed with fake plate numbers...” He paused. “Sent.”
“Thanks.” Ibinaba ni Vienna ang tawag at binuksan ang e-mail niya. Pagkalipas ng ilang segundo, natanggap niya ang listahan, pagkatapos ay mabilis niyang itinuon ang mga mata sa Porsche na inilabas sa bansang Italy. Gusto niyang matawa nang pasimpleng tingnan ang sasakyang sumusunod sa kanya.
Same plate number. Same color.
“Ano `to? Bakit hindi nila binago bago gamitin?” nagtatakang tanong niya. At mula sa malayo, nakarinig siya ng malakas at parang rumaragasang tono ng sasakyang papalapit. Nang lingunin ni Vienna para alamin kung ano ang nangyayari, huli na ang lahat para makailag siya. Sinagasaan siya ng sasakyan dahilan para tumilapon siya. Kaagad naman siyang nawalan ng malay sa lakas ng impact ng pagkakabundol sa kanya.
NAGISING si Vienna sa loob ng ospital. Nasa tabi niya si Hellion at natutulog. Dahil abot-kamay naman niya ito, niyugyog niya ang balikat nito para gisingin. “Hellion,” mahina ang boses na tawag niya.
Kaagad na nagmulat ng mga mata ang lalaki at tumingin sa kanya. “Okay ka lang?”
Napangiwi siya nang subukang bumangon at nang sumakit ang likod niya. “I… ahm, I think so,” sabi niya habang minamasahe ang kanyang likod.
Umayos ng upo si Hellion at nagsalita. “Mabuti at hindi ka nila tinuluyan. Sinagasaan ka nila para balaan na hindi ituloy ang misyon. Limang araw ka na dito sa ospital. Kailangan na nating bumalik sa Pilipinas. Nakuha ko na ang mga data na kailangan natin para sa susunod nating galaw.” Kinuha nito ang cell phone sa bulsa at may binasa mula roon. “‘Lamar Exxon.’ Iyan ang pangalan ng leader ng mga magnanakaw ng kotse. They are called Lexxon GTA . I hacked into the data base of all the car import and export companies in Asia. At napag-alaman kong may account si Lamar Exxon sa LaCars Import and Export. Sabi ni Lord Vandreck, ang LaCars daw ang sunod na target ng Lexxon GTA.”
Inatake si Vienna ng kaba at nanlamig ang buong katawan sa narinig. “No! Kilala ko ang may-ari ng kompanyang `yon—”
“The more reason na kailangang lipulin ang mga magnanakaw na `yon. Kailangan nating kumilos nang mabilis.”
Huminga siya nang malalim. “Kailan ang balik natin sa Pilipinas?”
“Ngayon din… kung kaya mo na,” sabi ng lalaki na may kislap ng pag-aalala sa mga mata. “Tumama ang likod mo sa semento. Pasalamat ka at hindi nabali ang spinal cord mo, pero may pasa ka sa likod. Sabi ng doktor, gagaling din naman daw `yon. Kailangan na nating umalis pero kung kailangan mo pang magpahinga—”
“Ayos lang ako. Pain reliver lang, ayos na ako.”
Hellion gave her a tight smile. “Okay. Pain reliever.” Nagpakawala ito ng isang malalim na hininga at napailing-iling. “Halika na.”
“Ano naman ang ibig sabihin ng buntong-hiningang `yon at `yong pag-iling-iling mo?” tanong ni Vienna habang dahan-dahang bumabangon.
Bahagyang ngumiti si Hellion. “You are one hell of a strong woman. Nasagasaan ka na’t lahat-lahat, sige ka pa rin nang sige.”
Napangiti siya. “Kailangan, eh. Sumali ako sa HPO para protektahan ang mga inoseteng taong nagiging biktima ng mga halang ang bituka, at kasama na roon ang mga mahal ko sa buhay. At kahit ano, kung para sa taong mahal ko, gagawin ko.”
BUMADHA ang gulat sa mukha ni Cali nang pumasok si Lander sa penthouse nito. That was what Cali got for not locking the door.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” gulat na tanong ng kaibigan.
Umupo siya sa sofa na nakaharap sa kinauupuan nito at nagpakawala ng malalim na hininga. “Nasaan si Vienna?” Tatlong araw na niyang hinahanap ang babae. Pero kahit hinalughog na niya ang buong lungsod, hindi pa rin niya ito makita.
Kinunutan siya ni Cali ng noo. “Hanapan ba ako ng mga taong nawawala?”
“Hindi. Pero alam kong alam mo kung nasaan siya.”
“Bakit mo hinahanap?” tanong nito. “Akala ko naka-move on ka na?”
“I’ve already moved on. Gusto ko lang malaman kung nasaan siya.” Fuck this!
Tumaas ang sulok ng mga labi ng kaibigan. “Bakit ba hindi mo na lang tanggapin ang katotohanan na hanggang ngayon, mahal mo pa rin ang stepsister ko?”
Tumiim ang bagang ni Lander. “Hinanap ko lang, hindi kaagad ako nakapag-move on? Hindi ba puwedeng may kailangan lang ako sa kanya?”
“Ano’ng kailangan mo?”
“May itatanong lang ako.”
“Ewan ko sa `yo, Storm. Wala akong alam kaya makakaalis ka na,” sabi nito at iminuwestra ang kamay sa isang pinto. “A very stunning woman is waiting for me. So, do you mind?”
Napailing-iling siya at tumayo. “Hindi ako naniniwala na wala kang alam. Thanks anyway.”
Napailing-iling si Lander nang makalabas ng penthouse ni Cali. Bakit ba ako nandito at bakit ko ba hinahanap ang babaeng `yon?
Maybe because he was going crazy thinking about that freaking woman! Kailangan niya itong makita! Kailangan niya itong mahawakan kung hindi, hindi siya mapapakali.
PAGKALIPAS ng dalawang araw, magkahalong gulat at pagkalito ang naramdaman ni Lander nang bigla na lang pumasok si Vienna sa kanyang opisina. Nasa likuran nito ang sekretarya niya na mukhang pinipigilan ang babae na makapasok.
Pasimple siyang tumingin kay Kathie na nakakandong sa kanya at pilit siyang hinahalikan. Bigla siyang nakaramdam ng pangamba na baka kung ano ang isipin ni Vienna sa posisyon nila ng babae, pero naisip niya na ano naman ang pakialam nito sa kanya?
Vienna and him didn’t have a relationship and it was... irritating him? Oh, fuck! This is not good.
“S-Sir, si Miss k-kasi, eh…” kinakabahan at nauutal na sabi ni Stephanie habang nakatingin sa sahig.
“It’s okay,” sabi niya. “Leave us.”
Tumango ang sekretarya at mabilis na lumabas ng kanyang opisina.
Tumingin si Lander kay Vienna na nakatingin kay Kathie. Nanunuri ang klase ng pagkakatingin nito sa babaeng nasa kandungan niya. It had been five days—yes, he was counting—after they shared a hot steamy sex. Pagkatapos bigla itong nawala nang limang araw at heto na naman ang dalaga na parang kabute na bigla na lang sumusulpot. Saan na naman kaya ito nanggaling?
Naiinis si Lander sa sarili dahil sa limang araw na nakalipas ay palaging si Vienna ang laman ng isip niya. Palagi niyang hinahanap ang presensiya nito. Hindi niya makalimutan ang masarap na mga labi ng babae at ang nakakabaliw nilang pagtatalik na palaging laman ng mga panaginip niya sa nakalipas na mga araw.
“Vienna…” sambit niya sa pangalan nito.
Naglakad palapit sa mesa niya sa Vienna at walang emosyon ang mga matang tumitig sa kanya. “Gusto kong bumili ng sasakyan.”
“Eh, bakit ka nandito? Doon ka sa shop ng LaCars bumili—”
“Kinakausap ba kita?” mataray na tanong ni Vienna kay Kathie dahilan para mapatigil ito sa pagsasalita. “Kung hindi ka kinakausap, hindi ka dapat nagsasalita. Simple etiquette for women. Dapat alam mo `yon. You are after all a daughter of a prominent scumbag senator.”
“My father is not a scumbag!” sigaw ni Kathie at sinugod si Vienna.
Panay ang subok ni Kathie na makalmot at masampal ang mukha ni Vienna pero mabilis na umilag ang huli. She had this triumphant smirk on her lips and its irritating Kathie. Hanggang sa aksidenteng napaatras si Vienna sa indoor plants na naroon dahilan para matumba ito.
“Aray!” Malakas na napaigik sa sakit ang babae nang mabagok sa sahig.
“Shit!” mura ni Lander at mabilis na lumapit kay Vienna. “Okay ka lang?” Pinukol niya ng masamang tingin si Kathie. “Ano ba’ng problema mo? Hindi ba sabi mo, hiwalay na tayo? At okay lang `yon sa `kin. Ayoko nang magkabalikan pa tayo so please lang, umalis ka na.”
Nagtagis ang mga bagang ng babae. “Sino ba ang babaeng `yan sa buhay mo, Lander?”
“Wala ka nang pakialam kung ano ko man siya.” Ibinalik niya ang atensiyon kay Vienna na nakahiga pa rin sa sahig at marahang minamasahe ang likod ng ulo. “Ayos ka lang?” Hindi na niya tuluyang naitago ang pag-aalala sa kanyang boses. Damn it!
MARIING napapikit si Vienna at lihim na napamura nang maramdamang tumama ang likod niyang may pasa pa nang matumba siya sa sahig. At dahil sa hindi matagumpay nilang misyon sa China, may injury siya ngayon at nagpapagaling. Pero dahil sa letseng babae na nakakandong kay Lander, mukhang madadagdagan ang injury niya.
Bakit naman kasi kasali sa protocol na bawal manakit ng civilian. Eh, di sana, nasapak niya ang babae nang subukan nitong kalmutin siya. Nang makita niyang nakakandong ang higad kay Lander, kinain ng selos ang buong pagkatao niya pero pinigilan niya ang sarili dahil alam niyang wala siyang karapatang magselos. Kaya naman pinakalma niya ang nagseselos na puso at kinalimutan ang sakit na dulot ng nakita kani-kanina lang.
Kinapa ni Vienna ang likod kung saan naroon ang pasa niya. Wala na iyong bondage dahil tinanggal na niya bago pinuntahan ang lalaki. “Shit.” Nang magmulat siya, nakita niya ang babaeng higad na nanlilisik ang mga mata habang nakatingin sa kanya, saka nagmamartsang lumabas ito ng kuwarto.
“Ayos ka lang?” tanong ni Lander na may bahid ng pag-aalala ang boses na lihim niyang ikinangiti.
So, he was worried. Kahit papaano, nabawasan ang sakit na kanyang nararamdaman.
Napangiwi si Vienna nang subukang tumayo. “A-ayos lang ako.”
Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga ang lalaki, saka siya pinangko. Napaigik siya nang lumapat ang kamay nito sa likod niyang may pasa. Kahit ang pain reliever ay hindi sapat para hindi niya maramdaman ang sakit.
Nagmamadali namang inilapag siya ni Lander sa ibabaw ng mesa nito para inspeksiyunin ang kanyang ulo. Pagkatapos ay pinatagilid siya nito at akmang itataas ang damit niya sa likod, pero mabilis siyang tumihaya at tumingin sa asul nitong mga mata. Ayaw niyang makita nito ang mga pasa niya roon.
It would only raise questions that she was not allowed to answer.
“Ayos lang ako.” Nginitian ni Vienna ang lalaki, saka umalis sa mesa habang pilit iniinda ang sakit ng katawan.
“Are you sure?”
Tumango siya at nalukot ang mukha nang maalala ang babaeng nakakandong dito kanina. Parang bigla ay nakalimutan niya ang mga injury sa katawan. Pinukol niya ng masamang tingin si Lander. “Ikaw na talaga. Grabe ka,” umiiling-iling na sabi niya. “Hindi ka ba talaga nababakante o talagang ganyan ka na?”
Nagsalubong ang mga kilay ng lalaki habang nakaupo sa swivel chair nito at nakatingin sa kanya. “Ano ba `yang sinasabi mo?”
“Days ago, we shared a hot steamy sex,” sabi ni Vienna na nagngingitngit ang kalooban. “Huwag mong sabihin sa akin na sa nakalipas na ilang araw ay ang babaeng `yon na ang katalik mo? My God, Lander! Gano’n ka ba talaga kaadik sa sex? I mean, five days? Really?”
“Bakit mukha kang apektado?” Tumaas ang sulok ng mga labi nito. “Nagseselos ka?”
“Malamang!” sigaw niya at nakasimangot na humalukipkip. “God, Lander. Inamin ko na nga sa `yong mahal pa rin kita, `di ba? `Tapos magtatanong ka kung nagseselos ako? Malamang, oo.” Inirapan niya ito. “Pero mukhang tuwang-tuwa ka naman na nasasaktan ako, eh.”
Matiim siyang tinitigan ni Lander—iyong uri ng titig na nakakapaghina ng mga tuhod. “Hindi ako naniniwalang mahal mo ako.”
“At bakit naman?” Ano ba ang dapat niyang gawin para maniwala ito?
“I just don’t.”
“Bakit nga?”
Tumayo ang lalaki mula sa pagkakaupo at inilapit ang mukha sa kanyang mukha. “Kasi kung mahal mo ako, hindi mo ako iiwan tulad ng ginawa mo walong taon na ang nakararaan.” Naglakad ito patungo sa pinto ng opisina. “By the way, I haven’t had sex for five days now and no, hindi ako adik sa sex. Depende `yon sa babae na makakatalik ko kung maaadik ako.” Lalabas na sana si Lander pero muling ibinalik ang tingin sa kanya. “Dito ka lang. May board meeting lang ako, `tapos babalik ako kaagad. May itatanong ako sa `yo.” Mariing tumingin ito sa kanya. “Stay. Here.”
Tumango si Vienna at ngitian ang lalaki. Pero nang tuluyan na itong makaalis, kaagad niyang ginawa ang pakay kung bakit siya pumunta sa opisina nito—at iyon ay para hanapin ang file ni Exxon. I have to bring those fuckers down as fast as I can.
radicalducati