Ymar Stroam (Possessive Series 7)

Epilogue



Epilogue

NAPABUNTONG-HININGA si Ymar habang nakikinig sa walang tigil na pagsasalita ni Czarina. Kanina pa ito salita nang salita dahil pinapangaralan nito ang panganay nilang anak na si Ymaz.

Czarina was a nagger and he was just a listener. But not always.

“Ymaz, hindi ba sinabihan na kita na kapag galing ka ng school, itatabi mo ang notes at bag mo. Hindi na pakalat-kalat lang sa kuwarto mo. My God, Ymaz, you’re already fifteen years old. Dapat alam mo na `yon. Hindi por que may yaya ka at may katulong tayo ay magiging tamad ka na. Be responsible. Okay? Lalaki ka pa naman. Dapat gumaya ka sa daddy mo na lahat ng gamit ay nasa tamang lalagyan.”

Napatingin sa kanya si Ymaz. “I’m sure, makalat din si Daddy noong kabataan niya.”

He smiled at his son and motioned him to shut up. Sa labing-limang taon nilang pagsasama ni Czarina bilang mag-asawa, alam na niya ang ugali nito.

When she was nagging or scolding, don’t ever talk back. Dahil siguradong hahaba lang iyan. Si Czarina pa na hindi nagpapatalo. At kapag galit ang asawa, galit talaga ito. Wala kang magagawa kundi pahupain ang galit niya saka ka bumawi.

In the fifteen years of being married to Czarina, may mga panahong nag-aaway silang dalawa. Lalo na noong pinagbubuntis nito ang bunso nilang si Czeyah. Grabe ang away nila. Lahat na lang kasi ay pinagseselosan nito, palagi siyang nilalayasan at tinatakot siyang iiwan. And being a man who was goddamn in love with his wife, it hurt that she didn’t trust him at all. Pero salamat sa Diyos, nalampasan nila ang pagsubok na iyon at iniluwal nito ni Czeyah.

“Mommy! Mommy!” sigaw ng kakambal ni Ymaz na si Ymarina. “Look, i took a picture of my super neat things and posted it on Instagram. Ang daming likes, o.”

He and Ymaz exchanged a look. Nalukot ang mukha ng anak niyang lalaki. Ymarina was very neat when it came to her things. Kabaliktaran naman nito ni Ymaz na napakakalat sa mga gamit.

“That’s good, honey,” sabi ni Czarina kay Ymarina na pinisil pa ang pisngi saka tumingin kay Ymaz. “Sige, ayusin mo na ang mga gamit mo sa study table mo. I want it clean. Understand?”

Nakasimangot na tumango si Ymaz. “I understand po.”

“Huwag mo akong simangutan, Ymaz. Pipitikin ko `yang bibig mo,” pananakot ni Czarina sa anak nilang lalaki.

“Okay po,” sagot ni Ymaz na hindi na nakanguso ang bibig.

“I’ll help you,” Ymarina offered and then looked at Czarina. “Puwede po ba, Mommy? Ymaz needs my help.”

Nagpakawala ng buntong-hininga si Czarina. “Fine. Help him.”

Nakakadalawang hakbang pa lang ang kambal sa hagdanan nang magsalita si Czarina.

“Oh, and Ymaz?”

Nilingon nito ang ina. “Yes, Mom?”

“You’re grounded for talking back. No phone or video games for a week. Understand?”

Nagkibit-balikat si Ymaz. “Okay.”

Ymaz was a boy with few words. Just like him. And Ymarina? Well, maihahalintulad niya si Ymarina kay Czarina. Sana nga lang hindi nito mamana ang pagiging berde ng utak ng asawa niya.

Napatingin si Ymar sa kambal niyang anak habang umaakyat ang mga ito sa hagdan papunta sa second floor ng bahay niya.

Nang mawala ang mga bata sa kanyang paningin ay inabot ni Ymar ang kamay ni Czarina saka hinatak ito mula sa pagkakatayo, paupo sa mga hita niya saka niyakap ang baywang ng asawa.

“Intindihin mo na lang si Ymaz,” sabi niya habang yakap si Czarina. “He’s still young. Matututo rin `yon sa tamang panahon.”

Inihilig ni Czarina ang ulo sa kanyang balikat. “Harsh ba ako sa kanya? Bad mommy ba ako dahil pinagalitan ko siya?”

“No, of course not, banana.” Hinaplos ni Ymar ang pisngi nito. “Ang sinasabi ko lang, hayaan mo na siyang maging makalat. Pasasaan ba at matututo rin si Ymaz. Wala sa isip n’on ngayon ang magligpit ng gamit.”

“Bakit si Ymarina ang linis-linis?”

“Ibahin mo sila. Ymarina is a girl and girls tend to be neat. Always. But, Ymaz… he’s a boy.”

Hinalikan ni Czarina ang kanyang leeg. “Sige. Puntahan ko si Ymaz mamaya, kakausapin ko siya nang masinsinan.”

“Thanks.” He really appreciated it that Czarina listened to him.

“Don’t mention it. I can see your point,” naglalambing na niyakap siya ng asawa. “Ymar?”

“Hmm?”

“I love you.”

His heart pounded inside his chest. Walang palya sa pagtibok ang puso niya. Tanging si Czarina lang ang may kayang pabilisin ang tibok niyon.

“I love you more,” sabi niya saka inilapat ang mga labi sa labi ng asawa.

CZARINA sighed in contentment as she savored Ymar’s kiss. After fifteen years, wala pa ring ipinagbago ang tibok ng puso niya sa asawa.

I can’t survive without this man.

“Mommy?”

Naghiwalay ang mga labi nila ni Ymar nang marinig ang boses ni Czeyah. Umalis siya sa pagkakaupo sa hita ni Ymar at umupo sa tabi nito saka tumingin sa pinanggalingan ng boses ng bunso nilang anak.

Czeyah was standing in the doorway.

“Yes, honey?”

Lumapit naman sa kanya si Czeyah na may dala-dalang isang box ng chocolate.

“Ano `yan?” tanong niya sa anak.

“Kasi `di ba, nagpunta ako kina Tita Anniza to play with Silver?”

Si Silver ang bunsong babae na anak ni Anniza at Dark. They were good friends.

“Yes. Tapos?”

“Tapos hinatid ako rito ni Kuya Light, then he gave this to me. Ibigay ko raw kay Ate Ymarina.” Czeyah’s innocent eyes were looking at the chocolate. “`Di ba, kapag nagbibigay ng gifts, nanliligaw `yon? That’s what i read in the article on the i nternet.”

At the age of ten, Czeyah was already a brilliant kid.

Nagkatinginan sila ni Ymar. It was her husband who answered.

“It depends, baby. Malay mo, nakikipagkaibigan lang si Kuya Light mo,” sabi ni Ymar.

Tamang-tama naman na pababa na si Ymaz at Ymarina sa hagdan.

“Ate Ymarina!” matinis na sigaw ni Czeyah saka ipinakita sa kapatid nito ang box ng chocolate. “Pinapabigay ni Kuya Light sa `yo.”

Nakita ni Czarina na umasim ang mukha ni Ymaz. Si Ymarina naman ay ngumiti lang.

“Nanliligaw ba `yon sa `yo?” Ymaz asked Ymarina then looked at Ymar. “Dad! Bawal pa magpaligaw si Ymarina. She’s too young! Hindi ako papayag.”

Pinagsalikop ni Ymar ang kamay nilang dalawa bago sinagot si Ymaz. “That’s good. Huwag kang pumayag. Bata pa ang kakambal mo.”

“That son of a bitch—”

“Ymaz!” Tumaas ang boses ni Czarina nang marinig ang anak na nagmura.

“Sorry, Mommy,” nakatungong sabi ni Ymaz saka inakbayan si Ymarina. “No suitor until i said so.”

Tumango naman si Ymarina na nakangiti. “Asus, my very protective brother. Sperm naman kasi `yang si Light, eh. Saka hindi `yon nanliligaw sa `kin. Best friend ko `yon, eh. Actually, nanghingi ako sa kanya ng banana cookies. Hindi chocolate ang laman ng box na `yan, ang lalagyan lang ang chocolate.”

Napangiti si Czarina. Kung may nagmana man sa hilig niya sa saging, iyon ay si Ymarina.

“Sperm?” bulong ni Ymar sa kanyang tainga. “Good heavens, pati `yon namana sa `yo?”

Mahina siyang natawa. “Mommy niya ako, eh. Malamang.”

“Can i have a banana cookie, Ate Ymarina?” hingi ni Czeyah.

“Sure, baby. Pero huwag mo akong ubusan, ha? Paborito ko `yan, eh,” sagot ni Ymarina.

Ymar shook his head as he chuckled deep. “Mana nga sa `yo.”

“Siguruhin mo lang na hindi nanliligaw si Light sa `yo. Magugulpi ko siya,” pagalit na sabi ni Ymaz.

Ymarina just rolled her eyes and started eating the banana cookie with Czeyah. Si Ymaz naman ay umupo sa tabi ni Czarina at yumakap sa ina nito.

Ymaz was an in-denial mama’s boy.

“`Ma, galit ka pa?” tanong nito.

Ginulo ni Czarina ang buhok ng anak. “Hindi na, pero kapag nagkalat ka na naman, ibibitin kita nang patiwarik. Pangako `yan.”

Ymaz chuckled lightly and kissed her cheek. “`Love you, Mom. Kahit palagi kang high blood.”

“Asus.” Niyakap ni Czarina ang anak. “Mahal din kita, anak. Ikaw lang yata ang nag-iisa kong lalaking anak.”

Mukhang nainggit ang dalawa sa paglalambingan nila ni Ymaz, umupo si Czeyah sa hita ni Ymar saka yumakap sa ama nito.

“`Love you, Daddy,” sabi ni Czeyah.

“`Love you too, honey,” sagot ni Ymar kay Czeyah.

Ymarina sat in the space between her and Ymar, saka niyakap silang dalawa.

“I love you both,” Ymarina grinned and kissed her and Ymar’s cheeks.

Nagkasalubong ang mga mata nila ni Ymar. Bakas sa mukha nila ang kasiyahan. For Czarina, she felt complete. Kahit minsan ay pang-mental ang ugali niya, kahit may mga araw na nag-aaway sila ni Ymar, kahit pa binubungangaan niya ang mga anak na matigas ang ulo, alam ni Czarina na mananatili silang buo. At dahil iyon sa sobrang pagmamahal nila sa isa’t isa.

Inilahad ni Ymar ang kamay sa kanya na agad niyang tinanggap. Her husband intertwined their hands and they looked deep into each other’s eyes.

“I love you, Czarina banana.”

She smiled. “I love you, too, Ymar.”


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.