Ymar Stroam (Possessive Series 7)

Chapter 9



Chapter 9

NAPILITAN si Czarina na mag-empake at lumipat sa bahay ni Ymar. Mag-asawa raw kasi sila at ayon sa ina ng kanyang asawa ay kailangang magkasama sila sa iisang bahay at sa iisang… kuwarto. And that made her breathing stop for a couple of seconds. Kawawa naman ang bahay niya ngayon, walang tao dahil doon muna siya sa bahay ni Ymar tutuloy habang naroon ang ina nito.

“I-I’ll put it here,” sabi ni Czarina nang itinabi niya sa gilid ng kuwarto ni Ymar ang malaking luggage na pinaglagyan ng kanyang mga damit. “I, ahm…” She didn’t know what to say. “Ahm…” Wala sa sariling napatitig siya sa malapad na kama. “Ahm… d-diyan tayo matutulog?”

“Yup,” sagot ni Ymar. Lumapit ito at kinuha sa kanya ang luggage niya, saka ipinasok sa walk-in closet nito.

Nang hindi siya sumunod kay Ymar ay binalikan siya nito saka hinawakan sa kamay at iginiya papasok sa walk-in closet.

“I’ll help you unpack,” alok nito saka inilipat ang mga naka-hanger na damit na nasa kanang bahagi ng closet. Isiniksik ng kanyang asawa ang mga iyon sa iba nitong damit na nakahanger sa may kaliwang bahagi ng closet. He emptied out the whole space just for her. “Here. Dito mo ilagay ang mga damit mo.” Itinuro nito ang maliliit na cabinet. “Puwede mong ilagay doon ang mga personal mong gamit. I will buy a vanity mirror tomorrow for you. And, ahm…” Umakto itong nag-iisip saka tumingin sa kanya. “May kailangan ka pa bang bilhin na hindi ko alam?”

Pilit sinusupil ni Czarina ang ngiting gustong kumawala sa kanyang mga labi. He looked so cute while asking her what she wanted.

Binuksan niya ang dalang luggage at iniabot kay Ymar ang isang malaking ziplock na ang laman ay ang mga gamit pampaligo niya saka panlinis sa katawan. “Heto… pakilagay sa banyo.”

Agad na tinanggap iyon ni Ymar saka lumabas ng closet. Habang mag-isa siya roon ay inilipat niya sa cabinet ang kanyang mga underwear. Tamang-tama naman nang bumalik si Ymar ay ang mga damit na niya ang kanyang hina-hanger.

“Ahm…” He looked awkward while looking at her. Parang hindi nito alam ang gagawin. “K-kailangan mo ng tulong?” nauutal nitong tanong saka napakamot sa batok. “Sorry, I actually have no idea what to do. Wala pa kasing babaeng tumira sa bahay ko maliban kay Mommy. And this is new to me and—”

“We’re both new at this,” sagot ni Czarina saka iminuwestra ang iba niyang damit na kailangan pang i-hanger. “Gusto mo ba akong tulungan?”

“Sure.” He was eager to help her, she wondered why.

“Bakit ang bait mo sa `kin ngayon?” tanong niya habang nagha-hanger sila ng kanyang mga damit. “Nagpapanggap ka na naman?”

Natigilan si Ymar sa pagha-hanger saka napabaling sa kanya. “You think I’m pretending again?”

“Hindi ba?” balik tanong niya sa asawa.

Ilang segundo siyang tinitigan ni Ymar saka napabuntong-hininga at humarap sa kanya. “Palagi mo bang iniisip na nagpapanggap ako kapag mabait ako sa `yo?”

Walang pag-aalinlangan siyang tumango. “Oo. Hindi ba?”

Napabuntong-hininga ito ulit saka napailing. “God… what am I going to do with you?” Nagpakawala ito ng malalalim na hininga saka inisang-hakbang ang pagitan nila at ipinalibot ang braso sa kanyang baywang.

Nanlaki ang mga mata ni Czarina. “Ymar—”

“When I do this, I’m not pretending.”

“Do what—”

He silenced her by pressing his lips against hers. And her capacity to think clearly was robbed as his lips moved against hers. Nablangko ang isip niya at may sariling isip na gumalaw ang kanyang mga labi at tinugon ang banayad na paghalik sa kanya.

Czarina was enjoying the kiss. Napakalambot kasi ng mga labi ni Ymar. Mabango rin ang hininga at napakasarap nitong humalik. Sa bawat paggagad ng mga labi nito sa kanya, sa bawat panunudyo ng dila sa kanyang dila, sa bawat paghahalo ng hininga nila, ay lalong nadadarang ang katawan niya, at mas lalong nawawala siya sa tamang pag-iisip.

Habang palalim nang palalim ang halikan nilang dalawa, unti-unti naman silang kinapos ng hininga. Kaya naman naghiwalay ang mga labi nila at mayamaya ay nagtama ang kanilang mga mata.

“Baka ano na naman ang isipin mo.” Umangat ang kamay ni Ymar saka hinaplos ang pisngi niya habang titig na titig sa kanya. “I’m not pretending, Czarina. Hinalikan kita kasi gusto ko, hindi dahil nagpapanggap ako.”

Lalong bumilis ang pagtibok ng puso niya. “B-bakit gusto mo akong halikan?”

Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Ymar at para siyang nakalimot na huminga. God! What this man can do to her was really scary sometimes.

“I don’t know…” Inilapit na naman nito ang labi sa kanyang mga labi saka bumulong. “Gusto lang kitang halikan. Mali ba `yon? Asawa naman na kita, `di ba?”

R.I.P. heart, bulong ni Czarina sa isip at napapikit na lang nang halikan ulit siya ni Ymar.

Pumasok sila sa closet para mag-ayos ng gamit niya, pero heto, nakasandal siya sa pader niyon at mapusok na kahalikan ang may-ari ng closet.

Soft kiss, light kiss, rough kiss and torrid kiss. They did all that before stopping to finish unpacking her clothes. Pagkatapos ay naghiwalay din sila ni Ymar, sa kabilang kuwarto daw ito maliligo para makaligo raw siya kaagad at ayaw naman nitong maghintay hanggang sa matapos siya.

After she took a bath, she dried her hair and went to lie on the bed. Ilang minuto ang lumipas bago pumasok si Ymar, nakaligo na ito at tanging tuwalya lang ang nakatapi sa maselang parte ng katawan.

Agad siyang nag-iwas ng tingin dahil naglulumikot na naman ang kanyang imahinasyon. Pilit niyang inaalis ang larawan ni Ymar sa isip na hubad at kitang-kita ang pagkalalaki nito.

Don’t think about that… Don’t think about it, Czarina—

Naramdaman niyang nahiga si Ymar sa kama.

Tumigil ang kanyang paghinga habang pinapakiramdaman ang lalaki—ang asawa pala—sa tabi niya.

Walang imik silang pareho ni Ymar habang magkatabi sa kama. Pareho silang nakatihaya at nakatingin sa kisame.

“This is awkward,” sabi ni Czarina mayamaya na bumasag sa katahimikan ng buong kuwarto.

Mahinang natawa si Ymar saka tumagilid ng higa paharap sa kanya. “Bakit naman awkward? We already slept together.”

Nag-init ang kanyang mga pisngi. “Hindi `yon ang ibig kong sabihin.”

“Ano ba ang sinasabi ko? Totoo namang natulog na tayo dati nang magkatabi, `di ba? Naaalala mo nang nalasing ka at natulog ka sa kama ko nang hindi mo nalalaman?” Hinaplos ni Ymar ang kanyang pisngi gamit ang likod ng daliri saka tumaas ang sulok ng labi. “Bakit ang init ng pisngi mo? What is going on in that pretty head of yours?”

Inirapan niya ang asawa. “I hate you.”

Mahinang natawa si Ymar saka patuloy na hinaplos ang pisngi niya. “Pasensiya na pala, ha?” mayamaya ay sabi nito. “Wala sa deal natin ang magpakasal.”

Nagkibit-balikat si Czarina. “Ayos lang `yon. We have a deal, remember? Ayaw naman kitang iwan sa ere kung kailan mo kailangan ang tulong ko. Hindi ko magagawa `yon kasi tinulungan mo rin ako noong ako ang nangangailangan ng tulong. At saka, kusa akong pumirma, `di ba? Ibig sabihin, pumayag ako.”

Ilang segundo itong natahimik bago nagsalita ulit. “You’re married to me now.”

Tumagilid siya ng higa, paharap kay Ymar at kaagad niyang pinagsisihan ang ginawa. Magkalapit na magkalapit ang mga mukha nila at naamoy niya ang mabango nitong hininga.

“Ahm…” Tumikhim si Czarina saka buong tapang na sinalubong ang titig nito. “Don’t you find our marriage irritating? I mean, we know the real score between us. And since hindi mo na ako fiancée kundi asawa, ibang pagpapanggap na ang gagawin natin. At ibang-iba `yon sa napag-usapan natin. Marriage is not a joke, Ymar, and that’s the last thing on my mind. Ayokong mag-asawa.”

Naging madilim ang ekspresyon ng mukha nito. “Wala kang ibang pagpipilian. Kasal na tayo, tapos na `yon. Pumirma ka na, pumirma na ako. Wala na tayong magagawa—”

“Puwede ko rin namang sabihin sa mommy mo na nagpapanggap lang tayo,” nanghahamon ang boses niya.

“Hindi mo gagawin `yon,” puno ng kompiyansang sagot nito. “You want a child, remember?”

She did want a child. Kaya naman tumahimik na lang siya saka inirapan ang asawa. Mayamaya ay wala sa sariling nagsalita siya. “Gusto kong kumain ng saging.”

Banana was her comfort food. Kung iba ay ice cream o cake, siya, gusto niya ng saging. At hindi nakapagtataka na gusto niyang kumain ng saging, kanina pa siya stress, eh.

Nagsalubong ang kilay ni Czarina nang bigla na lang umalis si Ymar sa kama at tumayo sa paanan niyon saka binuksan ang butones ng pantalon.

“A-ano’ng ginagawa mo?” nagtatakang tanong niya habang namimilog ang mga mata.

“Gusto mo kumain ng saging, `di ba?”

Her jaw went slack. “W-what?” Bumaba ang tingin niya sa nakabukas na butones ng pantalon nito. Namumula ang mga pisngi na nag-angat siya ng tingin. “H-hindi ko naman sinabing hilaw na saging, eh. Gusto ko `yong hinog!”

And for the first time since she met him, Ymar laughed out loud. Napatitig siya sa masayang mukha nito habang tumatawa. His eyes were sparkling in happiness. Hinayaan lang niya ang asawa na tumawa hanggang sa sapo-sapo na nito ang tiyan sa kakatawa. It would take another month to make this man laugh again so she wanted to savor this happy moment with him.

Habang tumatawa ito ay nakamasid lang siya kay Ymar. Inalis lang niya ang tingin sa asawa nang unti-unting tumigil sa pagtawa.

“You’re so cute,” sabi ng asawa saka bumalik sa pagkakahiga sa kama. Pero ang tiyan na niya ang ginawang unan ng asawa. “Hindi ko akalain na masaya pala ang may asawa,” komento nito.

That made her smirk. “Nasasabi mo lang `yan kasi nag-uumpisa palang tayo. After a month, siguradong ipagtitirik mo ako ng kandila sa sobrang inis.”

Tumawa na naman ito. “Hmm. I don’t think I would do that. Baka ikaw, kasi marami talaga akong katangian na nakakainis.”

Umingos siya. “Hindi kita ipagtitirik ng kandila, ipapamisa ko na lang ang kaluluwa mo. Dahil sa oras na ininis mo ako nang sobra, nakita mo naman siguro `yong mga kutsilyo ko sa bahay. Itatarak ko `yan sa esophagus mo, sa atay mo, sa rib cage mo at sa balun-balunan mo para malagutan ka na ng hininga, tapos magpapa-party agad ako.”

Mahinang tumawa si Ymar saka nag-angat ng tingin sa kanya. “Kapag ininis mo naman ako, wala kang saging.”

“Saging?” Kumunot ang noo ni Czarina nang maalala ang ginawa nito kani-kanina lang. “Hinog o hilaw?”

“Hilaw.”

Mabilis ang kamay na tinampal niya ang noo nito. “Baliw! Sabi nang hinog ang gusto ko.” Pero puwede rin namang hilaw pagkatapos ng hinog. Napailing na lang siya sa naisip.

Tinawanan lang siya ni Ymar at umayos na ito ng higa. Balik na ulit sila sa posisyon nila kanina na nakahiga sa tabi niya ang asawa, nakatagilid at nakaharap sa kanya.

“I think it’ll be fun being married to you for three months.”

Umirap siya sa hangin. “Hindi ako clown para maging fun.”

Naghari sa kanilang dalawa ang katahimikan.

And then Ymar broke the silence.

“Czarina?”

“Yeah?”

“Kailan mo gustong buntisin kita?”

Nag-init nang sobra ang kanyang mga pisngi. “Malay ko sa `yo.”

“Gusto mo ngayon na?” he offered.

Umawang ang mga labi. “A-ano? N-ngayon?”

“Oo naman. Ngayon na.”

“Bakit parang excited ka?”

May sinusupil na ngiti sa mga labi si Ymar habang nagsasalita. “I just want to taste your peanut again, I guess.”

Peanut? Mani? Ano ang kinalaman niyon sa pagiging usapan nilang dalawa—Oh, my God! Ang magkasalubong niyang kilay ay dahan-dahan naghiwalay nang unti-unting maintindihan ang berdeng kahulugan ng mani.

“Bastos!” Sinipa ni Czarina si Ymar dahilan para mahulog ito sa kama.

Dali-daling tumayo ang kanyang asawa habang hawak ang likod nitong nasaktan. Masama ang tingin nito sa kanya. “Bakit mo ako tinulak?” Napadaing ito at napapangiwi. “Kung hindi lang kita asawa, ihuhulog din kita.”

Pinukol niya si Ymar ng masamang tingin. “So, kung hindi mo ako asawa ay ihuhulog mo ako, gano’n?” mataray niyang tanong sa asawa. “Gusto mo ihulog kita ulit?”

“Hindi na kita ihuhulog,” sabi nito sa parang sumusukong boses.

Bumalik ulit sa pagkakahiga sa kama si Ymar habang panay ang daing na masakit daw ang likod nito. Hindi niya pinansin ang lalaki at nagtulog-tulugan siya.

After a couple of minutes since she pretended that she was asleep, a soft pair of lips touched her nape, giving her goosebumps.

What the fudge—

“Good night, banana,” sabi ng malambing na boses ni Ymar saka siya kinumutan.

Hayun na naman ang puso ni Czarina, parang nababaliw sa bilis ng tibok. She never thought that her heart could beat as fast as it did now.

Mahigpit ang hawak niya sa gilid ng kanyang unan habang pinapakalma ang puso niyang sobrang bilis ng tibok.

God! Ang isnaberong lalaking ito, may itinatago naman palang ka-sweet-tan sa katawan.

And if Ymar kept on being sweet towards her, her heart that was already beating erratically for him will be in a very big trouble. And then she’d fall…

Oh, Cupid, help me resist this man beside me. I’m not really good at handling heartaches.

NAGISING si Czarina na wala na si Ymar sa kanyang tabi. Agad siyang bumangon para maligo at ayusin ang sarili para sa naka-schedule nilang gawin ngayon ni Ymar.

Sinabihan na niya kahapon ang kanyang sekretarya na tawagan lang siya kapag may manganganak siyang pasyente. Hindi siya papasok ngayong araw. Bukas na siya papasok dahil nangako sila ni Ymar sa ina nito na ipapasyal nila ngayong araw.

Pagkalabas niya ng banyo, agad siyang nagbihis. She wore a tropical-designed silhouette tank top and Los Feliz destroyed black denim shorts. Pinaresan niya iyon ng black slip-on and then she pulled her hair into a messy bun.

Inaayos ni Czarina ang damit habang nakaharap sa salamin nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok si Ymar.

Napatigil ito sa paglalakad nang makita siya. His lips were slightly parted like he was stunned over something as he looked at her.

“What?” May kislap ng pagtataka ang kanyang mga mata.

Sa halip na sagutin siya ni Ymar ay naglakad ito palapit habang titig na titig pa rin sa kanya.

“Bakit ganyan ka makatingin?” nagtataka niyang tanong sa asawa. “May marumi ba sa mukha ko?”

Hinintay niyang sumagot si Ymar pero nanatili lang itong nakatitig sa kanya. Ilang sandali ang lumipas, ganoon pa rin ang kanyang asawa kaya naman dahan-dahan siyang umikot para ipakita ang kabuunan ng kanyang hitsura.

“Maganda na ba ako?” nangingiting tanong niya. Pero agad ding naglaho ang ngiti niya nang mag-iwas ng tingin ang asawa. Napasimangot siya. “Look at me…”

“I am,” he said with utmost sincerity before looking at her again. “And yeah, my wife is beautiful.”

Natigilan si Czarina at nag-init ang kanyang mga pisngi. My wife? Why did that make her heart beat like crazy?

“Maganda naman talaga ako, eh,” sabi niya para itago ang kilig na nararamdaman. “Sobrang ganda ko kaya.”

“Yes, my wife, you’re very pretty.” Inilahad ni Ymar ang kamay sa kanya saka siya nginitian. “Halika na. Mag-agahan na tayo.”

Napatitig si Czarina sa kamay ni Ymar bago tinanggap iyon. Her heart was pounding inside her chest as he intertwined their hands. Parang hinubog para sa isa’t isa ang mga kamay nila.

It felt perfect as she held Ymar’s hand.

Pero kaagad ding nasira ang maganda niyang mood nang maalalang nagpapanggap lang pala sila. They were just holding hands because they were going to have breakfast with his mother.

Napabuntong-hininga siya saka naiinis na pilit na pinapatigil ang puso sa pagtibok nang mabilis para kay Ymar habang naglalakad sila papunta sa komedor.

Kaagad na ngumiti ang ginang nang makita sila ni Ymar. Hindi nakalampas sa paningin ni Czarina na dumako ang tingin ng ina nito sa magkahawak nilang kamay. Mas lumapad pa ang ngiting gumuhit sa mga labi ng ginang.

“Good morning—” Tumikhim muna siya bago ipinagpatuloy ang pagbati sa ginang. “Mommy.” Awkward.

“Good morning din, hija,” nakangiting balik bati ng ginang. “Upo ka na.”

Siya lang ang naupo. Si Ymar ay pinaghain siya ng pagkain. Nilagyan ang pinggan niya ng fried rice saka itlog at hotdog. Pagkatapos ay pinagtimpla siya ng kape bago ito umupo sa tabi niya at nag-agahan.

“Ang ganda mo ngayon, hija,” sabi ng ina ni Ymar habang nag-aagahan sila.

Tipid siyang ngumiti. “Salamat po. Kayo rin, ho, maganda.”

Mahinang natawa ang ginang. “Pareho tayong maganda, hija.”

Nakangiting tumango siya saka pinagpatuloy ang pag-aagahan. Ilang minuto rin ang lumipas na walang umimik sa kanilang tatlo.

Mayamaya ay tumikhim ang ina nito para kunin ang kanila atensiyon. “So, how’s the honeymoon?”

Nanigas siya sa kinauupuan. “P-po?”

Nginitian siya ng ina ni Ymar, iyong uri ng ngiti na may kakaibang kahulugan. “How’s the honeymoon?” Tumingin ang ginang kay Ymar nang hindi siya sumagot dahil sa pagkabigla sa tanong nito. “How was your performance last night?”

It was Ymar’s turn to gape. “What?”

“Oh, you two, don’t be shy,” nangingiting sabi ng ginang. “Pinagdaanan ko na `yan at alam kong ngayong nasa honeymoon stage kayo ay gusto n’yo lang ay magtalik nang magtalik. I understand. Kaya naman sa inyo ngayon ang araw na ito. Mamamasyal akong mag-isa habang kayo naman ay gagawin ang apo ko. Okay?”

Wala sa sariling napatango na lang si Czarina.

“Great,” Ymar’s mother chirped and continued eating.

Sila naman ni Ymar ay nagkatinginan bago walang imik na ipinagpatuloy rin ang pagkain.

After breakfast, Ymar’s mom really went out without them. Naiwan silang dalawa na nakatingin sa papalayong sasakyan ni Ymar na ginamit ng ina nito.

“So…” Binalingan siya ng asawa. “Honeymoon?”

Gulat na bumaling din siya sa asawa. “N-ngayon na?”

Nagkibit-balikat ito. “Well… Why not now?”

She pressed her lips together. “Ahm… b-because it’s n-not that easy—”

Inisang-hakbang lang ni Ymar ang pagitan nilang dalawa at ipinalibot nito ang matitipunong braso sa kanyang baywang dahilan para matigil siya sa pagsasalita. Wala kasing pumasok sa isip niya lalo na nang ilapit nito ang labi sa kanyang mga labi.

Her mind went blank.

“Don’t you find me attractive?” he asked with that husky sexy voice of his.

Her heart pounded. “I-I do.”

“Do I make you feel hot?”

“Y-yes,” pag-amin niya.

“That’s good.” Isinandal siya ni Ymar sa pintuan. “You make my body burn, too.”

“Really?” gulat na tanong niya.

“Yeah.” His voice was seductive and deep. “Those beautiful shapely legs.” Hinalikan nito ang kanyang leeg. “Those firm breast.” Gumapang ang kamay nito pababa sa kanyang pang-upo at pinisil iyon. “That sexy ass.” Gumapang ang labi nito papunta sa kanyang tainga at hinalikan iyon. “Your lips that I dreamt of kissing again. Damn woman. You always give me a hard-on every time I see you. And I’d been looking forward to having you again and hear you moan my name.”

Ymar’s voice sounded husky and seductive and deep and just so damn sexy. And her body was reacting to his voice and touch and kisses.

Ymar bit her earlobe, making her gasp. Napalunok si Czarina nang maramdamang nag-iinit na ang kanyang katawan. Lalo pang naglagablab iyon nang haplusin ni Ymar ang kanyang kaselanan mula sa labas ng pantalon niyang suot. She could feel her mound pooling and wetting her panties. Nanunuyo na ang lalamunan niya dahil sa malalim na paghinga dahil sa mga kamay ni Ymar na gumagapang at pumipisil sa maseselang parte ng kanyang katawan.

“Ymar…”

He licked and kissed her earlobe. “Hmm?”

Bago pa masabi ni Czarina ang gustong sabihin, biglang tumunog ang cell phone ni Ymar na gumising sa kanya at nagpabalik sa kanyang isip.

“Crap,” naiinis na sabi ni Ymar saka kinuha ang cell phone sa bulsa habang yakap pa rin siya. “Ymar Stroam, speaking. Who’s this?”

Unti-unting nawala ang init ng kanyang katawan na nararamdaman kani-kanina lang. It slowly faded away as Ymar spoke to someone on his phone.

“Yeah. Sure. I’m coming,” sabi ni Ymar at tumingin sa kanyang mga mata. “I have to go. May emergency sa opisina. I have to go there and fix it.”

She forced a smile on her face. “Sure.” Tinanggal ni Czarina ang braso nito sa kanyang baywang. “Papasok din ako sa clinic. Baka may pasyente ako ngayon.”

Humakbang siya palabas ng bahay ni Ymar at naglakad papunta sa kanyang bahay na medyo nasasaktan. Fuck this! Bakit ba parang kinurot ang puso niya na mas inuna ng asawa ang opisina kaysa sa kanya?


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.