Chapter 23
Chapter 23
H UMIHINGAL na pinatigil ni Jade ang kabayo niya sa tabi ng kabayo ni Jessica. “Hindi kita kayang talunin, Jess,” nakatawang sabi niya. “You’ve spent all your seventeen years sa likod ng kabayo!”
Humalakhak ang dalagita. Hinimas-himas ang ulo ni Fireball. Kumikislap sa sikat ng araw ang itim na itim nitong kulay. “Walang tatalo sa iyo, Fireball, `di ba?” b ilang sagot ay humalinghing ang magilas na stallion.
Sabay na nagtawanan ang magpinsan. Nang sabay ring mapatingala nang marinig ang ugong ng chopper sa ere.
“Who could that be?” s i Jade. Ang kamay ay nakaharang sa mga mata upang hindi masilaw sa araw.
“Baka si Romano,” sagot ni Jess. “Hindi pa siya umuuwi rito mula nang dumating siya noong isang linggo, `di ba?”
“Karaniwan na’y sa Kristine Hotel ibinababa ni Romano ang chopper, Jess,” nakakunot ang noong sinundan ng tingin ang chopper na patungo sa de Silva farm.
Nagkibit ng mga balikat si Jessica. “Baka ang daddy at mommy mo.”
“Baka,” she said thoughtfully. “Pero sa makalawa pa ang balik ng mga iyon dahil ngayon pa lang nagsisimula ang taunang board meeting.”
“Oh, well, walang pinakamainam niyan kundi habulin mo ang chopper sa farm. Babalik na ako sa villa. Hasta la vista,” pagkasabi niyon ay tinapik na ng dalagita si Fireball.
Pinatakbo na rin ni Jade ang kabayo pauwi sa farm. Malapit na siya nang bumaba ang lipad ng chopper at nagpaikot-ikot sa kanya hanggang sa halos ilang dipa na lang ang layo nito sa lupa.
“Kurt!” bulalas ng dalaga nang makilala ang pilot.
Nilingon siya nito at tinanguan. Sunod-sunod ang kabog ng dibdib niya. Inihinto nang wala sa loob ang kabayo.
Ang chopper ay muling umikot at kumuha ng buwelo para sa pagbaba sa kapatagan. Nahawi ang mga kugon at damo sa hanging dala ng elise nito.
“Only expert war pilots could turn like that,” nagugulumihang bulong ni Jade sa matalim na pag-ikot ng chopper. Kahit si James Navarro, ang anak ng family friend na si Alvaro at Kristine, in his daredevil ways ay hindi makapagpaikot nang ganoon sa chopper.
Bumaba siya ng kabayo at itinali ito sa isang puno sa di-kalayuan. Nanatili siyang nakatayo roon hanggang sa makalapag ang chopper at bumaba rito si Kurt.
Gusto nang mabasag ng dibdib niya sa matinding kaba. Ano ang sadya ni Kurt sa kanya? Should she hope?
Si Kurt ay huminto dalawang dipa mula sa kinatatayuan niya. In an expressionless face, hinagod siya ng tingin nito. Pagkatapos ay bumalik ang mga mata sa mukha niya.
“Nahiyang ka rito... mamula-mula ang balat mo...” h umakbang ito palapit sa kanya. Huminto sa paghinga si Jade nang abutin nito ang buhok niyang nakatali sa likod. “If I’ll kiss you now...” he whispered raggedly. “Hindi ako makakapangakong hanggang halik lang iyon.” Inabot nito ang isang kamay niya at dinala sa maong nito. “Feel that?”
Napasinghap ang dalaga at marahas na binawi ang kamay kasabay ng pag-atras. Kay bilis ng paggapang ng init sa buong katauhan niya. At kung hindi niya ilalayo ang sarili’y natitiyak niyang bibigay siya.
“B-bastos ka pa rin,” she croaked.
Ngumisi ang lalaki, showing perfect set of white teeth. “Do you think I’ll change because I met you?”
“A-ano ang ginagawa mo rito? You didn’t come all the way to the island to... to...”
“Make love to you?” nakangising tanong ni Kurt. “There’s nothing I’d love to do but that , sweetheart. But that can wait after we talk. That is, kung gusto mo pa rin. This time, I promise I won’t seduce you into it.” Nag-iba ang tinig nito sa bahaging iyon. Something like uncertainty.
“Bakit gamit mo ang chopper ng kompanya?” Nilagyan niya ng iritasyon ang tinig.
“With your uncle’s permission.” Namulsa ito at inikot ang tingin sa paligid. Sumeryoso. “I missed this place...”
Nagsalubong ang mga kilay ni Jade. “Y-you’ve been here?”
“Many years ago...”
“Bakit hindi ko alam iyon?” hindi makapaniwalang usal ng dalaga. “Labing-isang taon lang ang tanda mo sa akin...”
Pinuno ni Kurt ng hangin ang dibdib at tumaas ang sulok ng bibig bilang pagngiti. “You weren’t even born yet. Sa pagkakatanda ko’y magkagalit pa ang pamilya Fortalejo at de Silva. But I guess two months after I left, your father met your mother and things have changed.”
“How did you know all these things when you were just barely a boy?”
“My father was your Uncle Bernard’s closest friend. And I used to read your uncle’s letter to my father.”
Lumakad ito patungo sa isang nakahapay na sanga at naupo roon. Bumunot ng damo at nilaro sa bibig.
“Gusto kong magkuwento,” wika nito makalipas ang ilang sandali at tiningala siya. “...kung pakikinggan mo.”
Nakita ni Jade ang insekyuridad sa mga mata nito. Ang pagguhit ng takot na hindi niya magawang paniwalaang makikita sa anyo nito.
Not Kurt.
May kung anong init na humaplos sa dibdib niya sa nakaguhit na iyon sa mga mata ng lalaki.
Ngumiti siya, in encouragement, at naupo sa damo. “You can take all my time.”
Gumanti ng ngiti si Kurt. Pagkatapos ay dagli ring napalis. Muling huminga nang malalim.
“Hindi ko alam kung saan mag-uumpisa... naikuwento na sa iyo ng Grandmere ang iba. Siguro’y noong panahong matuklasan ng Papa na may ibang lalaki sa buhay ng Mama. When he came home from the war in Nam and found my mother beating me...”
Hindi kumibo si Jade. Nasa isip na anumang sandali ay baka muling magsara si Kurt. Bagaman natitiyak niyang kaya naroon iyon ay upang magsalita.
“Since then my father’s life had never been the same. Thanks to Bernard Fortalejo at kahit paano’y hindi lubusang sinalanta ni Jackson ang sarili. That was when he invited us here and stayed for three weeks...the happiest times of my life.” Bumaba ang tinig ni Kurt sa bahaging iyon. “After college, I joined the airforce. I was a jet fighter pilot... dropping bombs in enemy territory. Hindi ilang kaaway ang napatay ng mga kamay na ito, Jade...” n ilinga nito ang dalaga at inaasahang makikita sa mukha niya ang pagkasuklam.
But her face was quite.
“Then CIA took me after a year. Kung saan-saan ang assignments. Hindi ilang beses akong napapaharap sa kamatayan.” Muli itong lumingon sa kanya. “Ang mga pilat na nakikita mo sa katawan ko’y sanhi ng mga bala at patalim...”
“Oh...” h indi maiwasan ni Jade ang pagkawala ng ungol sa bahaging iyon.
Subalit hindi pinansin ni Kurt iyon at nagpatuloy. “In one of my assignments in Sarajevo, I met Ellaine. She was very young. She’s an American. I fell in love with her...”
Nagyuko ng ulo si Jade nang tingnan siya ni Kurt. Hindi niya gustong makita ni Kurt ang panibugho sa mga mata niya.
“After a month, we went back to America and got married. At sa kauna-unahang pagkakataon ay kumuha ako ng apartment upang itira siya roon. Nag-leave ako sa serbisyo nang isang buwan. Gusto kong ma-enjoy ang bagong kabanata ng buhay ko. Ellaine was so interested with my job as an insurance sales agent, iyon ang pagkakaalam niya. I was trained not to trust anyone. Not even my wife.”
Huminto sa bahaging iyon ng kuwento si Kurt at tumawa. A humourless and mocking laugh na itinutuon nito sa sarili.
“Then she got pregnant with my child,” patuloy nito, a pain in his voice. “Hindi niya inaasahan iyon. We always used protection.” n agkibit ng mga balikat si Kurt. “Siguro’y nakaligtaan namin minsan... hindi ko maalala. She hated the pregnancy. Abala daw iyon sa aming dalawa. Saka na raw `pag medyo handa na kami. She wanted to terminate the pregnancy pero hindi ako pumayag. Doon nagsimula ang malaking pagtatalo namin lalo na nang lumalaki na ang tiyan niya.
“I tried to be patient with her. Siguro’y ganoon lang ang nagdadalang-tao. Until she gave birth to my son. Lalo nang lumaki ang agwat sa pagitan naming dalawa. He hated my son so much...”
Gustong maiyak ni Jade sa tinig ni Kurt. At nakadama siya ng pagkamuhi sa babaeng hindi niya maintindihan kung bakit nasuklam sa sariling anak.
“Isang araw ay kinausap ako ng head ko. Para akong binagsakan ng bomba nang sabihin niya sa aking ang asawa ko’y isang KGB spy and that we’d been under surveillance for months...”
“Oh, god!”
“Yes.” t umango si Kurt. “Hindi ko gustong maniwala subalit pumapasok sa isip ko ang malimit kong pagkahuli sa kanyang lihim na pinakikialaman ang kung ano-anong mga papeles ko sa bahay. At hindi miminsang nahuhuli ko siyang binubuksan ang computer ko. Lagi niyang sinasabing naiinip siya and wanted to help me with my paper works...”
“A-ano ang nakuha niyang impormasyon sa iyo?”
“Nothing,” mariing sagot ni Kurt. “She couldn’t penetrate my files dahil may password iyon.”
“But if she’s a spy it would be so easy for her to find out...” giit ng dalaga. “sa anumang paraan.”
Kurt smiled mockingly. “Siguro. And probably had tried a thousand words. Pero hindi kailanman papasok sa isip niya at ng mga kasamahan niya ang password ko...”
“W-what is it?” wala sa loob niyang tanong.
For the first time, he smiled sheepishly na nasilip sandali ni Jade ang batang Kurt. “Paso de Blas.”
“Oh!”
radicalducati