Chapter 60
Chapter 60
Pagod
"Ayaw mo talaga?" Pag-uulit niya.
"Latrelle, please lang! Tigilan mo na ko."
Naglakad-lakad ako upang humanap ng masisilungan. Hindi naman ako nabigo dahil mayroon na maliit na kubo maliit sa ilog.
"Magdahan-dahan ka lang!" Aniya Latrelle na hindi ko akalain na sumunod sa akin.
"Ang kulit mo! Akala ko ba hindi mo na ko pagtri-tripan!?" Napag-usapan na namin ang tungkol sa bagay na iyon pero mukhang hindi yata malinaw sa kanya ang sinabi ko.
"Hindi ko maiwasan na hindi. Pasensya ka na, lugaw girl." Pag-ngising sagot niya.
"Bakit hindi ka sumama roon?" Tinuro ko ang pwesto kung saan nandoon si Marcus. Kumunot ang noo ko. Nakikipagbasaan siya kay Melissa ng tubig.
"Ayoko. Panget ka-bonding. Akala ko pa naman manghuhuli tayong isda pero..." huminga ng malalim si Latrelle. "Paglalandian ang ginagawa nilang dalawa."
Umupo na lamang si Latrelle sa tabi ko. Mabuti na lang at maganda ang pwesto rito ng kubo. May maliit na mesang gawa sa kawayan at may mahabang upuan na gawa rin sa kawayan. Kumamot ako sa ulo ng biglang tumayo si Latrelle at hindi maipinta ang mukha niya. Tila kinakausap niya ang kanyang sarili.
May kulot na babaeng nakatingin sa kanya. Sandaling nagtagis ang tingin nila. Ngumisi si Latrelle. "Sino yun?"
Mabilis siyang bumaling sa akin matapos mawala sa paningin ko 'yung babae. Mukha siyang maganda. Kulot ang buhok. Katam-tamtaman ang laki ng mga mata at maputi. Nakasleeveless ang babae at pants na fitted.
"Bakit selos ka?" Pinitik niya ang ilong ko.
"Hindi. Wala naman akong dapat ikaselos." Sabi ko.
Hindi naman siya umimik sa sinabi ko. Humiga siya at ginawang unan ang sarili niyang mga palad. Pumikit siya. Siguro ay magbabawi siya sa tulog. Gusto ko rin sanang umidlip pero sa ganitong ka-init na panahon ay mukhang hindi kakayanin ng katawan ko.
Nabuhayan ako ng dugo ng makita si Wyn dala ang mga isda saka uling?
"Kaoree, ito na 'yung hinuli kong isda. Saka sakto..." pinakita niya sa akin ang uling na nasa plastik na pinagtataka ko kung saan niya kinuha.
"Saan yan galing?"
"May nagbebenta doon sa kabila ng uling. Alam kasi nila na maraming turista na mahilig mag-ihaw." Inayos niya ang iyon sa ihawaan. Para siyang boyscout dahil may posporo siyang bitbit sa bag. Mabuti na lang at may kasama niyang niyog ang uling para mas madaling mag-apoy ang mga uling.
Lumapit ako sa kanya upang tulungan siyang mag-ayos ng mga uling. Tumulo ang pawis ko dahil sa ginawa namin.
"Kaoree." Aniya Wyn habang nilalagay ang isda sa uling na mayroon ng baga.
"Hmm?" Ngumiti ako sa kanya. Siguro sasabihin niyang ang ganda ko kahit may uling ako sa mukha.
"Aba! Ano 'yang ginagawa niyo ha!" Nagulat ako ng biglang mag humawi sa pagitan na amin ni Wyn mula sa likuran. Akala ko pa naman ay tulog ang isang ito. Bigla ba namang sumingit sa usapan naming dalawa ni Wyn.
Gusto ko pa naman marinig mula kay Wyn kung gaano ako kaganda kahit may uling ang aking mukha. Nakakabadtrip talaga si Latrelle kahit kailan.
"Kitang-kita naman! Nag-iihaw kami!" Diretsa kong sagot.
"May ibibigay ako sayo. Sobrang espesyal nito." Kinilig naman ako sa sinabi ni Latrelle dahil mukhang seryoso siya. Saan naman kaya niya binili ang bagay na ibibigay niya sa akin?
Uminit ang mukha ko. Kahit pa-paano ay mababawasan ang sakit sa puso ko dahil sa kanya.
"Pikit ka muna!" Parang pambata ang boses ni Latrelle ng inutos niya iyon. Pumikit naman ako.
Amoy na amoy ang iniihaw ni Wyn dahil sa sandaling pagdaan ng hangin.
"Akin na 'yung kamay mo. Buksan mo ang palad mo." Aniya Latrelle.
Matapos ang tatlong segundo ay may nilagay siya roon. "Hawakan mong mabuti ha. Tapos unti-unti mong ibukas ang mata mo."
Nagsalubong ang kilay ko at tila nagpanting ang tenga ko. "Ano namang gagawin ko sa lata ha!"
"Simulan mo ng mamalimos para naman may pangkain ka. Lagi ka pa namang gutom!" Humagalpak siya sa tawa.
Binato ko sa kanya ang lata at umilag siya. "O, kalma na!" Tumayo siya. "Hay, nako! Makaalis na nga rito."
Mas mabuti na 'yun! Pumunta siya sa pwesto nina Sasha, Drianne at Vanna kasalukuyang gumuguhit sa lupa na parang mga bata.
"Ano nga palang sasabihin mo kanina, Wyn?" Nagningning ang mga mata ko.
"Kamutin mo naman ang likod ko kung okay lang? Nangangati kasi kanina pa." Inabot niya sa akin ang stick.
"Sure ka? Wala ka ng ibang sasabihin?" Dismayado kong tanong.
"Oo. Ah. Ayaw mong kamutin ang likod ko?" Inosente niyang tanong.
"Hindi naman no! Gustong-gusto ko kaya!" Pilit kong sagot.
Ilang beses kong kinamot ang likod niya hanggang sa tumigil ako.
Pumunta ang lahat sa kubo matapos nilang manghuli ng isda. Nagsaing si Yuan ng kanin para sa panghapunan namin habang sina Melissa at Marcus ang nataasan na magrent ng tent.
Kami namang mga naiwan ay naghintay lang sa pagdating ng dalawa upang magkabit ng tent.
"Maganda guys maglaro tayo ng two truths in a lie." Mungkahi ni Jez.
"Oo nga no! Teenager feels di ba!" Pag-sang ayon ni Sasha.
Mukha ngang maganda ang isang iyon. Madalas kong mapanood ang gano'ng laro sa youtube.
"Kung gusto niyo naman. Mag gagawa tayong questions then bubunutin natin yon isa-isa. I don't exactly kung anong pangalan ng laro." Sambit muli ni Sasha.
"Too corny. Hindi ako naglaro ng ganyan when I was a teenager." Saad naman ni Rosella habang nagsusuklay ng buhok niyang puro sabit.
"Anong nilalaro mo, barbie? Kahit matanda ka na at may buhok na ang lahat sa katawan mo?" Aniya Sasha
Palagi na lang silang nagkakainitan. Lihim kaming tumawa sa sinabi ni Sasha.
"No. Pero wag kayong mag-alala. Hindi naman ako KJ saka for T.H. Makikisama ako sa inyo." Malandi siyang tumawa saka yumakap sa likuran ni T.H na kasalukuyang may kausap sa cellphone nito.
Tinignan lamang siya nito matapos kausapin ang nasa cellphone. Nagtipa siya sa kanyang cellphone.
"Tabi tayo ha!" Sabi sa akin ni Jez.
"Oo naman!" Masaya kong sambit. Nagvibrate ang phone ko sa mesa.
1 message from T.H
Binuksan ko iyon.
Gutom ka na?
I can cook for you. Maybe we can find a place na tayo lang.
Sinulyapan ko siya matapos ang dalawang mensahe niyang magkasunod.
Lumunok ako.
"Huy! T.H! Ano ba? Si Tito na naman ba 'yang kausap mo? Dont worry ako ng bahala sa kanya!" Ani Rosella habang hinihigit ang dulo ng damit nito.
Tumingin siya sa akin habang siya ay nakapamulsa.
Uhm.. kaya ko naman maghintay sa sinaing ni Yuan.
-Sent
"Uy! Sino 'yang kausap mo? Kanina pa kita tinanong kung gusto mo bang kasama natin sa tent si Melissa!" Sabi ni Jez habang naglalagay ng bb cream sa kanyang mukha.
Tumango akong sunod-sunod. "Wa..wala namang problema sa akin." Lumunok ako dahil para bang nanunuyo ang lalamunan ko.
"Sino ba 'yang ka-text mo at hindi ka makausap ng matino?" Sambit muli ni Jez habang tinitignan ang sarili sa salamin.
"Kaklase ko lang to'. Nagtatanong about sa report namin." Pagsisinungaling ko.
Muling nagvibrate ang cellphone ko. Kinuyom ko ang cellphone sa aking kamao. Unti-unti kong binaba iyon.
"Kung kaklase mo lang 'yan eh bakit parang ninenerbyos ka habang nagty-type ng message?" Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko at pinagpawisan ako ng malamig.
"Uhm. Baka kasi kami abutan ng deadline." Kinagat ko ang aking labi.
Tumango-tango lang siya habang naglalagay ng lipgloss. Mabuti na lang at wala na siyang sumunod na tanong kung hindi ay baka kanina pa ko nahimatay.
Pwede bang mag-usap tayo just for a minute kapag tulog na ang lahat.
Tumingin ako kay T.H na seryosong nakatingin din sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Sandali akong lumabas ng kubo. Dumistansya ako ng bahagya sa kanila at umupo sa batuhan.
Hinawakan ko ang dibdib ko. Hindi to' pwede. Ito na naman ang pakiramdam ko. Umangat ang tingin ko dahil tila may nakatayo sa harap ko.
"T.H?" Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin.
Umupo siya ng tahimik sa tabi ko.
"Baka hanapin ka ni Rosella." Sabi ko.
"Kahit sandali lang, Kaoree. Pagod ako." Mahinang sambit nito saka hiniga ang ulo niya sa aking balikat.
Pagod din ako T.H matapos mo akong saktan. Gusto kong magpahinga sa sakit na iyon pero kapag nandito ka ay mas gusto mapagod na lang.
radicalducati