Chapter 28
Chapter 28
Rosélla
"Hindi ka talaga gutom?" tanong ni Latrelle na napahawak na lang sa tenga.
Kanina niya pa kong pinagmamasdan habang kumakain ako.
Umiling lang ako sa sinabi niya dahil abala ako sa pagkain.
"Nakadalawang bowl ka na ng lugaw tapos may ice-cream ka pang dalawang baso panghimagas mo"
Sumingkit ang mga mata ko. "Alam mo ako na lang magbabayad nito. Ang dami mong sinabi"
Matapos ng picture keme kanina kasama ng mga kaklase ko ay inaya niya kong kumain sa karinderya na katapa ng school namin. Sa canteen sana kami kakain kaso maagang nagsara iyon.
Sumabay rin ang iba kong kaklase. Halos mapanis ang kanilang order. Wala manlang bawas pagkain ng iba lalo na 'yung kay Dessa — ang bakla kong kaklase. Dequito ang totoong pangalan niya pero Dessa ang palayaw niya.
Pero kapag dinadalhan siya ng pagkain ng kanyang Itay tuwing tanghali ay nagiging Dequito ang tawag namin sa kanya. Hindi kasi alam ng pamilya niya ang tungkol sa tunay na pagkatao niya.
"Dessa, nilalangaw na 'yung pagkain mo." Katabi niya ang iba ko pang kaklase na may gusto rin kay Latrelle.
"Hi, Latrelle! Gosh! What a coincidence!" sabi ni Sasha. Plain ang ekspresyon ng mga mata niya pati ang tono ng salita niya. Pwede na siyang lumutang sa baha dahil sa pagkaplastik niya.
"Akala ko nakauwi na kayo" sabi ni Latrelle. Madali naman makasundo itong lalaking nasa harapan ko kaya hindi nahirapan si Sasha na makipagclose sa kanya.
Narinig ko kanina sa bulungan ng mga kaklase ko. In-add nina Sasha, Vanna at Drianne si Latrelle sa Facebook. Syempre chismosa ako kaya matalas ang pandinig ng tenga ko.
"I'm feeling hungry na eh. Hindi ko na kayang maghintay pa", sabi ni Sasha. Si Drianne na lang ang kasama niya. Malamang ay wala na si Vanna dahil nakita ko kanina kasabay siya nina Wanwan at Bruno umalis.
Wala namang sinagot si Latrelle kaya um-order ang babae ng pagkain nito.
"Dalian mo, may evening prayer daw" wika ni Latrelle ng tinignan niya ang kanyang wrist watch.
Tumigil ako sa pagkain. Pamilyar sa akin ang ibig sabihin ng evening prayer. Pero hindi ko pa nagagawa iyon. Ang kaso lang ...
Unti-unting bumaling ang tingin ko kay Latrelle. Nang napansin niya kung paano ako tumingin ay tinaasan niya ko ng kilay na para bang may mali sa paninitig ko.
"Bakit?"
"Hindi ako makapaniwala. Evening prayer kasama ka?" natawa ako.
Nagsalubong ang kilay niya. "Pwede ka namang hindi sumama. Baka iba kasi ang maipagdasal ko."
Alam kong isa na namang banat ng pang-aasar ang sasabihin niya kaya tumahimik na lang ako.
Nang natapos akong kumain sakto naman ang paglapag ni Sasha ng tray sa mesa.
"Pwedeng makisalo sa inyo?"
Tatanggihan ko sana kaso itong si Latrelle ay tumango. Nagtalo kami gamit ang mga mata namin na para bang nagsasalita kami gamit ng aming bibig.
Si Sasha naman ay tuloy-tuloy ang kwento na para bang hindi siya istorbo sa aming dalawa.
Sinipa ko ng mahina ang paa ni Latrelle sa ilalim ng mesa. Pinanlakihan niya ko ng mata at ngumisi naman ako bilang ganti.
Kapalit 'yan ng pagiging harot mo. Maghintay ka kung anong oras matatapos itong si Sasha. Ang bagal pa naman kumain ng isang ito.
Sa pagkakatanda ko sumabay si Sasha kay Melissa nu'ng absent ang dalawa nitong kaibigan. Halos maging estatwa na si Melissa sa pagkakaupo niya dahil sa tagal kumain ni Sasha na tila nagbibilang ng kanin.
Nagtext sa akin si Wyn.
Wyn Future ko
Hindi pa ba tapos ang performance ninyo? Sumunod na lang kayo para sa evening prayer.
May dumating muli na bagong mensahe kaya gano'n na lang ang excitement na naramdaman ko dahil sa pag-aakala kong si Wyn iyon.
Jez Ganda
Girl, solo ko muna si Wyn.
Hindi ako nagreply kahit sa messenger. Ininggit pa ko ng bruhang iyon.
Nakahalumbaba si Latrelle na halos pumikit ang mga mata niya habang nakikinig sa walang humpay na kwento ni Sasha.
Sinipa kong muli ang paa niya kaya nataranta siya.
"Anong nangyari sa'yo?", inosenteng tanong ni Sasha.
Nag-aapoy ang mga mata ni Latrelle. "May IPIS LANG sa ilalim ng lamesa. Sayang. Hindi ko nakita para PATAYIN", mariin ang pagkasambit nito.
Pinagsawalang bahala ko iyon.
Naglaro na lang ako ng cooking games hanggang sa matapos si Sasha. Sinabay siya namin siya ni Latrelle hanggang kanto.
Sa katunayan sa backseat ako umupo dahil si Sasha umupo sa tabi niya. Wala naman akong say du'n dahil pabor sa akin.
Nagtaka ako ng tinigil ni Latrelle.
"Dito na ba 'yung sa evening prayer?"
Luminga-linga ako. Wala namang bahay rito na pwedeng pagdausan nito kaya nagtaka ako.
"Hindi. Bumaba ka lang"
Ano naman kayang trip niya?
Madalas ay hindi ko maintindihan ang tumatakbo sa isip niya. Bakit naman ako pababain kung hindi pa pala rito?!
Siguro straight ang utak niya.
Nagmatigas ako kaya umuna siyang bumaba. Pinagbuksan niya ko ng pinto.
Para akong batang nakaupo habang nakakrus ang parehas na braso.
"Ayokong bumaba", pagmamatigas ko.
May pakiramdam akong pababain niya ko tapos maglalakad ako.
Nang hindi ako bumaba ay tuwid lang akong umupo. Nabigla ako ng tumabi siya sa akin at kinulong niya ko sa kanyang mga bisig.
Amoy ko ang mamahaling pabango niya na humalo sa pawis.
"Latrelle! Hindi ako natutuwa", reklamo ko. Pilit na nagkukunwaring hindi awkward ang sitwasyon.
Lumapit ng unti-unti ang mukha niya hanggang sa napapikit na lang ako.
Ilang segundo ay narinig ko ang hagalpak ng tawa niya.
"Du'n ka na sa unahan. Mas madali kang kulitin pag nasa tabi kita"
Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya. Pagdating namin sa venue kung saan gaganapin ang evening prayer bumungad sa amin ang tatlong lalaki.
Halos kamukha ni Wyn ang nandito pero isang lalaki ang nangibabaw sa paningin ko.
"Magandang gabi sa inyo. Ang laki niyo na ah!" masayang pagbati niya sa apat na lalaki maliban kay Wyn na umatras. Pumunta siya sa likuran ko.
Ako naman ay pa-simpleng kinulbit si Jez. "Sino siya?"
Ang gwapo. Ang ganda ng buhok niyang manipis. 'Yung liit ng mukha niya ay halos parehas ng kay T.H pero mas depinado ang panga niya. Magkaparehas din sila ng ilong na maliit pero matangos.
Habang tumatawa siya ay lutang ang kanyanv Adam's Apple. Masasabi kong masyadong lalaki siyang tignan.
"Kapatid ni Wyn" bulong ni Jez.
Ang gwapo. Lumapit siya sa akin.
"Ikaw ba 'yung bago nilang kasambahay?" tumango ako. Para siyang anghel katulad ng kapatid niya pero mas masigla ang tono ng salita niya.
"Opo, Kaoree ang pangalan ko" tumango-tango siya.
Tinitigan niya kong mabuti habang nakahawak ang daliri niya sa kanyang baba at nakapatong ang siko sa isa niyang braso. "May kamukha ka?"
Artista siguro.
"Si Rosélla..." tumawa siya na kinatahimik ng lahat.
"Sino po 'yun?"
Kumunot ang noo ni Jez.
"Wala iyon. O, siya tara na sa loob" paanyaya nito. Sumunod kami sa kanya.
"Jez, sino 'yung Rosélla? Artista ba 'yun?" para bang ayaw ni Jez na banggitin ko iyon dahil sa kumunot ang noo niya at biglang ngumiti.
"Hindi ko rin kilala. Baka artista pero hindi tagarito." Tumango na lang ako sa sagot niya.
Bakit parang may kakaiba nu'ng binanggit niya 'yung pangalan na Rosélla?
radicalducati