Chapter 17
Chapter 17
ISANG linggo nang nagmumukmok si Ria sa penthouse ni Lucifer. Hindi siya lumalabas kahit anong pilit ni Lucifer. Kahit nga manood ng TV, hindi niya ginagawa. Basta nakahiga lang siya sa kama at nakatitig sa kisame. Kumakain naman siya sa tamang oras, pero wala lang talaga siyang ganang gumalaw o maging masaya.
Napabuntong-hininga si Ria nang marinig na tumunog ang cell phone niya. Tinatamad na kinuha niya iyon sa bedside table saka binasa ang natanggap na mensahe.
It’s from Syl.
Maria, magkita tayo. Gusto kitang makita at makausap kung ayos ka lang ba talaga. Nag-aalala ako sa `yo. Please, meet me at Bitter Sweet Cafe. Hihintayin kita doon hanggang alas-sinko ng hapon bukas.
Walang buhay na ibinalik ni Ria ang cell phone sa kinunan at napatitig ulit sa kawalan.
Two days after she left Izaak’s house, Syl came back. Alam niya kasi nag-text ito sa kanyang nakabalik na ito sa bahay ni Izaak. Mas malamig pa raw sa yelo ang pakikitungo ni Izaak dito.
Mapait siyang napangiti. Now, they’re back to where they belong. Si Syl bilang fiancée ni Izaak at siya bilang Nomad. Walang permanenteng address. Pakalat-kalat lang kung saan dalhin ng hangin ng buhay.
This was where she belong, not in Izaak arms. In the first place, Izaak wasn’t hers to begin with, kaya wala siyang karapatang umiyak, mag-emote, masaktan at kung ano pang nararamdaman ng isang fiancée. Ang kakambal niya ang fiancée ng lalaki, hindi siya. Nagpanggap lang siya at tapos na ang maliligayang araw na kasama niya si Izaak.
“Move on, move on din kapag may time,” sabi ng boses na nagpapitlag sa kanya.
Nang tingnan ni Ria kung sino yon, umingos siya nang makita si Lucifer na may dalang buko pie at iniabot iyon sa kanya. At ang isa pang dala nitong malaking box na hindi niya alam kung anong laman ay inilapag naman nito sa may paanan ng kama.
“Kain ka na,” sabi nito habang ngumunguya ng buko pie. “Kaninang umaga pa walang laman ang tiyan mo.”
“Wala akong gana,” sabi niya saka tumagilid ng higa.
Lucifer sighed and sat on the edge of the bed. “Ria, kahit magpagutom ka riyan, hindi magpapakita si Izaak na para bang hero sa isang pelikula. Nothing will change. So eat up, move on and face the world again. Nabuhay ka nang twenty-five years na wala siya, I’m sure masasanay ka ring wala siya.”
Kumawala ang isang malalim na hininga sa mga labi niya saka bumangon at umupo sa kama.
“Nakakainis ka.” Inirapan niya si Lucifer saka kumuha ng isang slice ng buko pie at kinain. “Saka, FYFI, hindi ako nagpapagutom. Eh, sa talagang wala akong ganang kumain. Masama ang pakiramdam ko. Kanina pa ako naduduwal kaya ayokong kumain.”
“Sabi ko nga,” sarkastikong sabi ni Lucifer saka umalis sa kama at namaywang na humarap sa kanya. “Maligo ka, may pupuntahan tayo.”
Napasimangot si Ria. “Ayoko. Tinatamad ako. Pumunta ka nang mag-isa.”
“When I come back, gusto kong nakaligo at nakabihis ka na,” sabi nito na walang pakialam kahit ayaw niya. “Mukha ka ng zombie. Hindi ka naaarawan.”
Ria rolled her eyes. “Lucifer, gabi na po. Wala ng araw, kaya puwede ba, tigilan mo ako.”
Napabuntong-hininga ito. “Ria, please, maligo ka at magbihis.” Itinuro nito ang box na dala. “Suotin mo ang laman niyan. Kapag bumalik ako na mukha ka pa ring binagsakan ng langit at lupa, papalayasin kita rito sa penthouse ko.”
Napasimangot na tumango si Ria. “Oo na. Maliligo na.”
Alam niyang hindi titigil si Luc hanggang hindi siya pumapayag. Ugali na iyon ng lalaki, na lagi niyang kinaiinisan.
Nang makaalis ito sa kuwarto niya, kailangan niyang pilitin ang sarili na umalis sa kama at magpunta sa banyo para maligo.
Even after bathing, Ria didn’t feel well. Pero pinilit niya ang sarili na buksan ang malaking box saka isinuot ang napakagandang evening gown na kulay-itim.
Napatitig si Ria sa salamin at napaawang nang makita ang hitsura niya habang suot ang damit na kita ang likod niya. She looked beautiful in black. Mas tumingkad ang balat niya at mas na-emphasize ang hubog ng katawan niya dahil hapit na hapit ang damit sa kanya. Pinaresan niya iyon ng kulay-silver na stiletto at tinirintas ang gilid ng buhok saka pinaikot sa kabila at ginawang headband.
Ria took a deep breath, stared at her face and body and then she left her room.
Siguro nga, tama si Lucifer. Kailangan niyang lumabas at harapin ulit ang mundo. Kahit hindi maayos ang pakiramdam niya, susubukan niyang makihalubilo sa mga tao tulad noon.
Ria saw satisfaction in Lucifer’s eyes when he saw her in a black dress.
“Good.” Hinawakan siya nito sa siko. “You look beautiful, by the way.”
Napangiti si Ria. “Binola pa ako.”
“Maganda ka naman talaga.” Ipinalibot nito ang braso sa baywang niya. “You’ll find someone else, Ria. Hindi lang si Izaak ang lalaki sa mundo. So stop sulking like a dying cow.”
Pabiro niyang tinampal ang braso ni Lucifer. “Hindi ako cow.”
“Let me rephrase it. Stop sulking like a dying beautiful lady.”
Napailing at mahina siyang natawa. Kahit paano ay napapagaan ni Lucifer ang pakiramdam niya. Kaya nga kahit kaya namang umupa ng condo habang on leave siya, mas gusto niyang manatili sa penthouse ni Izaak. May tagaalaga pa siya at tagaluto.
Nang makababa sila, nasa harap na ng gusali ang kotse ni Lucifer na sasakyan nila. Habang nasa biyahe, patingin-tingin si Ria sa labas hanggang sa makapasok ang sasakyan sa isang malapad na gate at napakalaking solar.
Inayos niya ang bahagyang nalukot na damit saka bumaling kay Lucifer. “Anong mayroon sa bahay na ito?”
“Party for a cause.” Lucifer winked at her then got out of his car.
Nakakunot ang noong lumabas si Ria ng sasakyan. Ipinalibot niya ang mga braso sa braso ni Lucifer na hinihintay siya saka bahagyang hinila ang braso nito.
“Luc, kaninong bahay ito?” tanong niya.
“A friend of our family,” sagot ni Luc saka niyakap ang braso sa likod ng baywang niya. “By the way, play nice, okay?”
Ria just rolled her eyes. “Noted, Lucifer.”
Napipilitang sumunod si Ria kay Lucifer nang alalayan siya nito papunta sa gitnang mesa ng solar.
NATIGILAN sa pakikipag-usap si Izaak sa isa niyang business colleague nang bigla siyang sikuhin ng kapatid niyang si Izrael.
Walang buhay na bumaling siya rito. “What?”
May inginuso ito sa likuran niya. “Akala ko ba, hindi mo kasama si Syl? Eh, sino `yon?”
Kunot ang noong lumingon si Izaak at sinundan kung saan ito nakatingin. His breathing hitched. His heart raced when his eyes settled on a beautiful familiar face.
No. That’s not his fiancée. Hindi ganoon ang epekto ng fiancée niya sa kanya.
“Wait a minute, why is she with Lucifer Monasterio?” sabi ng boses ng kapatid niya na nagtatanong. “And they look happy.”
Izaak felt like punching someone. Fuck!
Iniiwas niya ang tingin sa dalawa saka mabilis na naglakad papunta sa bar na nasa gilid ng solar. Hindi niya pinansin ang pagtawag ni Izrael sa pangalan niya.
“Scotch please,” sabi niya sa bartender na agad namang sumunod at ibinigay sa kanya ang order na alak.
Mabilis niyang ininom iyon saka inilapag ang walang lamang shot glass. Napangiwi si Izaak nang maramdaman ang mainit na pakiramdam na dumadaloy mula sa lalamunan pababa sa tiyan.
“Another shot please,” sabi niya nang makabawi sa init na hatid ng alak sa lalamunan niya.
Nang ilapag ng bartender ang isang shot ng scotch, mabilis niya iyong ininom. Hindi niya napigilan ang sarili na mapabaling sa gawi nina Ria at Lucifer. Para siyang nakahinga nang maluwang nang makitang magkahiwalay na ang dalawa at may distansiya na ang mga katawan.
And without thinking, Izaak walked towards Ria. He couldn’t control himself anymore.
Damn me!
“MAY KAKAUSAPIN lang ako,” bulong ni Lucifer kay Ria. “Kumuha ka na lang ng pagkain kung gusto mo.”
Sinimangutan niya ito. “Isasama mo ako rito, `tapos iiwan mo ako?” nagtatampo niyang sabi.
Mahina itong tumawa saka pinanggigilan ang ilong niya. “I know you can take care of yourself.”
Pabiro niya itong inirapan. “Go. Leave me alone,” pag-e-emote niya.
Tumawa lang ito saka naglakad palayo. Siya naman ay inilibot ang tingin at nakahinga nang maluwang nang makitang may hardin hindi kalayuan sa solar at malayo iyon sa maiingay na bisita.
Hindi alam ni Ria kung bakit, basta ayaw niya sa maingay. Kaya naman mabilis siyang umalis sa party at nagpunta sa hardin.
Napabuntong-hininga na lang siya nang makaupo sa isang wooden bench. Para siyang kumalma nang makita ang magagandang orchid na nakapaligid sa buong hardin at ang mga iba’t ibang klaseng bulalak na nasa harap niya.
Oddly, Ria felt calm and relaxed.
“You left something in my house.”
Agad na bumilis ang tibok ng puso ni Ria nang marinig ang pamilyar na boses ni Izaak.
Anong ginagawa nito rito?
Pilit niyang pinakalma ang pusong parang nagwawala. Dahan-dahan siyang bumaling sa pinanggalingan ng boses. Lumalim ang paghinga niya at nanlamig ang katawan, pati mga kamay, nang makita si Izaak na nakatayo ilang metro ang layo sa kanya.
“Izaak…” she whispered his name.
Namulsa ito. “Hey.”
Ria rolled her tongue over her dry lips before standing up. “A-anong…” Hindi niya itinuloy ang sasabihin nang maalala ang sagot sa dapat na itatanong. Inimbitahan pala siya nito sa isang party for a cause. “Ahm, a-anong kailangan mo s-sa akin?”
Shit! Bakit kailangan pa nilang magkita? Nasaan si Syl? Was she with him? Alam ba nitong hindi siya si Syl?
“May naiwan ka sa bahay.” Naglakad si Izaak palapit sa kanya saka tumigil sa harap niya mismo. “Nakita ko sa ilalim ng kama.” May inilabas ito sa bulsa.
It was her necklace with an airplane pendant!
Napaawang ang mga labi niya. “That’s mine.” Hindi man lang niya napansin na nawawala ang kuwintas na binili niya.
Pero bakit nito ibinabalik sa kanya? Hindi ba dapat kay Syl?
“Here.” Bahagya itong dumukwang palapit sa kanya saka isinuot ang kuwintas sa leeg niya.
Parang mapupugto ang hininga ni Ria habang isinusuot nito iyon sa kanya. Naamoy niya ang mabango nitong hininga na may halong amoy ng alak. Parang gusto niyang ilapat ang mga labi sa mga labi nitong napakalapit sa kanya.
Ria gulped. She could feel the need to kiss him and have him. Oh, God. Kailangan niyang dumistansiya kay Izaak. Iba ang epekto nito sa katawan, puso at isip niya.
“There.” His deep blue eyes stared at her. “Pretty.”
“B-bakit mo sa akin ibinalik?” pabulong niyang tanong. “That’s Syl’s—”
“It’s not hers.” Pinalandas ni Izaak ang daliri sa gilid ng mukha niya. “I would know. Kababalik lang niya last week, `di ba?”
Nahigit ni Ria ang hininga sa narinig. “Y-you know it?”
“That you’re not Syl? Yes. Kaya nga hindi kita kinausap ng tatlong araw noon, `di ba?”
Nagbaba siya ng tingin, hindi niya kayang salubungin ang matiim nitong titig. “I’m sorry. I lied.”
“Why?” His finger was now tracing her jaw line. “Bakit ka nagpanggap na si Syl? Sigurado akong may dahilan ka. Was it to fool me? To make fun of me? Or to play with me?”
Nahihiyang nag-angat siya ng tingin. “Pasensiya na. Hindi ko masasagot `yan.”
Matuwid itong tumayo at namulsa ulit habang nakatiim-bagang. “Bakit? Madali lang naman ang tanong ako, ah. Hindi rin `yan masagot-sagot ng kakambal mo. She would just sit in the corner and keep quiet like she always does.”
Nakaramdam ng awa si Ria sa kakambal niya. Kailangan nga nilang mag-usap.
Huminga siya nang malalim. “I have to go.”
Akmang hahakbang siya paalis nang pigilan ni Izaak sa brazo, pagkatapos ay ipinalibot nito ang braso sa baywang niya saka hinapit palapit sa katawan nito. Her eyes widened. “Izaak—”
His lips locked on hers and her body instantly woke up from its slumber.
Oh, God. Napakapit si Ria sa braso nito para sana itulak ito. Pero mas nilaliman ng lalaki ang paghalik nito sa kanya dahilan para mapayakap siya sa leeg nito.
“Uhm…” Hindi niya napigilan mapadaing nang ipasok nito ang dila sa loob ng bibig niya.
Mas humigpit ang pagkakayakap ni Izaak sa baywang niya, lalo na nang mag-umpisang sundan ng mga labi niya ang bawat galaw ng mga labi nito. Humalagpos na ang pagka-miss na nararamdaman niya sa lalaki na kanina pa tinitimpi.
Parang kinikiliti ang puson ni Ria nang umangat ang kamay ni Izaak at dumapo sa mayayaman niyang dibdib habang naghahalikan sila. Hindi niya napigilan ang mapadaing dahil sa kiliting hatid ng ginagawa nito.
“Izaak…” mahinang ungol niya nang maghiwalay ang mga labi nila.
“You took something from me,” he whispered over her lips. “I want it back.”
Kumunot ang noo niya. “Ano’ng… ano’ng kinuha ko sa `yo?”
“You took my peace of mind.” His lips were still hovering over hers. “Give it back.”
Napakurap-kurap si Ria. “Ano? Paano ko naman `yon kinuha sa `yo?”
“Lagi kang laman ng isip ko, mababaliw na ako sa katatanong sa sarili ko kung bakit ka nagpanggap na fiancée ko? Just answer me that and you’ll be giving me my peace of mind back.”
Umiling si Ria. Hindi niya kayang sabihin dito na balak nila itong lokohin at papaniwalain na siya ang fiancée nito habang wala si Syl. Ayaw niya. Mas magagalit ito sa kanya. Mas magagalit din ito kay Syl. Ayaw niyang magalit si Izaak sa kanya o kay Syl. She didn’t want him to be colder to her twin than he was now.
“I can’t answer you that,” sabi niya saka inalis ang pagkakayakap ng braso nito sa baywang niya. “Bitawan mo ako, Izaak. Kay Syl ka magtanong.”
“Hindi kita titigilan, Ria, hangga’t hindi mo sinasagot ang tanong ko,” banta nito.
Tumaas ang sulok ng mga labi niya saka tinapik-tapik ang pisngi nito. “Good luck with that, Mr. Davidson.”
Tinalikuran niya ito saka taas-noong naglakad palabas ng hardin.
radicalducati