Chapter 10
Chapter 10
Chapter 10
Chapter Ten
M
ATAGAL
nang tapos ang awitin ay nanatiling nakaupo sa stool si Romano at nakatingin sa kanya.
Tumikhim si Bobbie. “N-naninibago ako sa iyo...”
“I’m leaving, Bobbie...”
Nagdikit ang mga kilay niya. “L-leave where?”
“Texas.”
“W–when...”
h
indi niya makontrol ang panginginig ng tinig. Parang may biglang dumagan sa dibdib niya.
“Tomorrow,” sagot nito at muling sinimsim ang alak. “Hindi natuloy noong isang linggo ang mga pinsan ko. Sabay-sabay kami sa makalawa.”
“Why so sudden?” She felt like bursting into tears. Dinala sa bibig ang kopita ng alak. Pagkatapos ay muling ibinaba. “P-papasok ka rin ba sa marines? O sa SEAL?”
Umiling siya. “Maghihisterya ang
m
ommy. Pero kailangang ipagpatuloy ko ang master studies ko. Dad will retire a couple of years from now. Inihahanda niya ako para palitan ang pamamahala sa Kristine Steel.”
Lumakad ito patungo sa dalaga. Naupo sa tabi niya.
“Hey.”
i
niharap nito ang mukha niya. “I like to see your eyes sparkle pero hindi dahil may pinipigil kang luha.”
Hindi siya makapagsalita. Sumasakit ang lalamunan niya sa pinipigil na pag-iyak. Kinabig siya ni Romano sa dibdib nito.
“I–I’ll... miss you,” she choked on her tears.
Hinagkan ng binata ang ibabaw ng ulo niya and whispered, “Me, too.” Muli nitong itinaas ang mukha ni Bobbie and kissed her lips.
She kissed him back... with so much longing and passion. Hungrily kissing him as he kissed her. Tasting the sweetness of each other’s lips. Then he pulled back.
“Hey... hey...”
i
nilayo siya nito nang bahagya. “Ano ang ibig sabihin niyan?”
“A-ano ba ang dahilan kaya mo ako dinala dito?”
Hindi ito sumagot. Inihilig ang sarili sa sandalan at isinubsob siya sa dibdib nito. “Alam mo ang sagot doon,” bulong nito. Sinusuklay ng mga daliri ang buhok niya. “Pero hindi kita gustong dayain, Bobbie. Hindi ko mapapanagutan kung anuman ang mangyayari sa atin ngayon. Bukas ay hindi mo na ako makikita.” Niyuko siya sandali nito and caressed her cheek softly. “I have responsibilities with my parents and with the company. I couldn’t turn my back. I was made to realize that it was my legacy from Don Leon, my great grandfather. I couldn’t fail... my cousins couldn’t fail either...”
She was trying hard not to sob by biting her lip. Why is fate so unfair? Bakit kailangang matutuhan niyang mahalin si Romano at mawala rin lang?
“Besides,” patuloy nito. “You won’t give yourself to me the way I want it, Bobbie. Mayroon pa ring tiyak na reservations and there would be regrets later. Hindi ganoon kadali isinasantabi ang matinding paniniwala at pagpapahalaga sa sarili. And lord, I really admire you for that. At hindi ko gustong dalhin sa dibdib ko ang alalahaning kasusuklaman mo ang sarili mo dahil sa akin...”
She swallowed painfully. “Bakit kung gayon nagpunta tayo rito?”
“I want to hold you for a couple of hours.” His voice in a husky whisper. “And talk... and get to know each other. And like the song... who knows when we’ll meet again this way.”
SA
loob
ng mahigit na dalawang oras ay naroon lang sila. Nag-uusap ng mga walang kakuwenta-kuwentang bagay tungkol sa isa’t isa. They kissed. They touched. Pero hanggang doon lang. Nagbibiro at nanunudyo si Romano. Natatawa, naiinis at umiiyak siya.
Marahil ay nasisiraan na siya ng bait. Hindi niya kayang paniwalaang ganoon lang kadaling mahalin si Romano at mawala rin nang higit na mabilis. At kahit gusto niyang sabihin ditong mahal niya ito’y wala rin namang silbi. Ni hindi rin niya naririnig iyon mula sa bibig ng binata.
Romano was just honest. Damn honest.
ALAS-ONSE na nang ihatid siya nito sa kanila.
“Good-bye, Bobbie,” bulong nito at pinisil ang palad niya. Pulled her and kissed her softly. “I’ll write...through
i
nternet. And if you want to see me, go to my Dad’s office. There’s a videophone there where we can both see each other thru the audio-visual system. I will leave instructions.”
She sniffed at huminga nang malalim mula sa bibig. Nagbabara ang ilong niya. “Good-bye, Romano...”
Lumabas siya ng kotse at nasa itaas na siya ng driveway nang muli siya nitong tawagin.
“Do you want me to see me off tomorrow?” tanong nito.
“Yes!”
May iniabot ito sa kanya. “Show this to anyone at NAIA, papapasukin ka nila sa loob hanggang sa tarmac. We’ll be there.”
Mahigpit ang pagkakahawak niya sa pass na iyon. At hindi umalis sa driveway hanggang sa mawala sa tingin niya ang kotse ng binata.
Pinagbuksan siya ni Mrs. Fajardo. “Ginabi na kayo, hija...” nagdududang sabi nito.
She smiled faintly. “I’m okay, `Ma. Nag-usap lang kami.”
“Natitiyak mo?”
Suminghot siya at yumakap sa ina. “Aalis siya bukas patungong Amerika, `Ma.”
“It has ended just like that...” banayad na wika ng matandang babae. “Go on living, Roberta Lou. Life isn’t a bed of roses... and speaking of roses, pumanhik ka sa silid mo at naroon ang regalo sa iyo ni Romano.”
Tumango siya at kumawala sa ina. Pinahid ng palad ang luha. Ni hindi siya umiyak nang mawala si Derick na sa buong pinagsamahan niya’y walang ginawa kundi ang tiyakin sa kanyang mahal siya nito at pakakasalan.
Si Romano na sa buong panahong pagkakilala niya rito’y wala ring sinabi kundi ang makatalik siya. And yet, here she is, like the song...
just like a willow we would cry an ocean when love was lost and sweet devotion...
Tinakbo niya ang hagdan, hindi niya gustong humagulhol na naririnig ng ina. Binuksan ang silid upang mapako lamang sa may pinto dahil wala siyang madaanan.
The whole room is filled with roses! Iba’t ibang kulay ng rosas. Crimson... yellow... white... pink...orange... name it. Thousands of roses! From ceiling to floor... from wall to wall!
“Oh, Romano... Romano...”
“STILL awake, Romano?”
s
i Emerald na nababaan ang anak sa music room, nakahiga sa couch at nakatitig sa kisame.
“Hindi ako makatulog, Mommy...”
Naupo si Emerald sa katapat na sofa. “Pag-alis mo ba bukas ay maiiwan mo ang puso mo?”
Napangiti siya roon. “Napakalalim naman yatang Tagalog niyan, Mom.”
Gumanti ng ngiti si Emerald. “Nararamdaman ko kung may suliranin ang aking kambal, Romano. Sa palagay mo ba’y maipagkakaila mo sa akin iyon? I carried you nine months... and nurtured you both with my breasts.”
Huminga nang malalim ang binata. “Oh, we’re still young, Mom. Maybe we’ll meet again. And if the feelings are still there... well—”
n
agkibit ito ng mga balikat.
“Is she someone special?”
“Very.”
“Not one of those women?”
“Never.”
Ngumiti si Emerald. “I want to meet her someday.”
“Yeah, someday.”
m
ay kinuha ito sa tagilirang mesa at iniabot sa ina. “She graduated cum laude today. I thought of giving that to her tonight but changed my mind. Ayokong umasa siya...”
“Life is nothing without hope, Romano,” wika nito na tinititigan ang nasa kamay. “You may fail sometimes but don’t let hope desert you. At tiyakin mo sa sarili mo kung gusto mo itong ibigay sa kanya. Ang mga lalaki sa pamilya natin ay hindi nagbibigay ng pangako kung hindi rin lang nila kayang tuparin.”
t
umayo na ito at lumakad patungo sa pinto.
“Goodnight, Mom.”
“`Night, son.”
SA
loob
ng master bedroom ay nag-alis ng salamin sa mata si Marco at inilapag sa side table kasama ng librong binabasa.
“So, may problema ba sa anak mo?” Inabot nito si Emerald na pumailalim sa comforter at humilig sa dibdib ng asawa.
“Nothing,” tahimik niyang sabi. Nang maramdaman ang mga labi ng asawa sa noo’y tumingala siya. Itinaas ang kamay at hinaplos ang mukha nito. “Thank you so much for loving me, Marco... thank you for giving your time at isakripisyo ang farm para pamahalaan ang Kristine Cement na dapat ay ako ang gumawa.”
“I love you, Emerald,” bulong ni Marco. “What else could I give and offer to the most wonderful woman I’ve met in my lifetime but my love and support.” He kissed the top of her head. “And thank you so much for giving me the twins, sweetheart.”
“Pagkabalik ni Romano,” she said thoughtfully. “Let’s go back to the farm, Marco, and spend the rest of our days there, tulad ng pangarap at plano mo noon pa mang una tayong magkakilala.” Iniyakap niya ang mga braso sa dibdib ng asawa. Feeling the warmth and security na hindi kayang pantayan ng yamang minana niya mula kay Don Leon Fortalejo.
NAIA.
Palabas na ng departure area sina Aidan, Lenny, at Anton. Si Romano’y nanatiling nakatayo sa gitna at nakatingin sa entrance papasok ng departure area.
“Last call na, Romano.”
s
i Aidan na huminto sa paglakad.
Matamlay na binitbit niya ang bagahe at sumunod sa pinsan. Kasama na sila ng ilang pasahero na naglalakad sa tarmac. “I wish Uncle Bernard allowed us to use the private jet,” hinagpis ng binata.
Pagkatapos ay muling lumingon sa departure building.
“Hindi siya papapasukin ng mga security guard,” lingon ni Lenny sa kanya.
“I gave her Dad’s pass,” sagot niya.
“Ano ang magiging silbi kung ihatid ka man niya ng tingin?” ani Aidan na naunang pumanhik sa hagdan patungo sa eroplano.
“Yeah,” pabuntong-hiningang sang-ayon ni Romano. “Guess you’re right.”
Nasa puno na siya ng hagdan nang marinig ang pangalan niya.
“Romano!”
Lumingon ang binata at napangiti nang makita sa labas ng kotse niya si Bobbie. Nasa tagilirang bahagi ng departure building at kumakaway. Ibinaba ang bagahe at patakbong bumalik.
Si Aidan ay muling bumaba at dinampot ang bagahe niya at iniabot kay Lenny na bumaba rin. Hinintay ang pinsan sa ibaba ng hagdan.
“He could be in trouble kung inihatid tayo ng mga old,” naiiling na wika nito.
“What took you so long?”
s
i Romano kay Bobbie. The urge to take her in his arms is overpowering.
“Traffic,” sagot ng dalaga. Sadness in her eyes.
A gentle smile crossed his face. “The usual,” wika nito at may dinukot ito sa bulsa ng jacket at inilagay sa palad niya at isinara iyon nang mahigpit. “I thought I will have to send that to you. Congratulations uli.” He touched her lips and hesitantly released her hand and moved backward upang bumalik sa naghihintay na eroplano.
“Romano!” muling tawag ni Bobbie.
Lumingon ang binata.
“I love you,” marahang sabi niya.
Tumango si Romano at ngumiti. “I thought I’d never hear you say that. And I love you, too. At alisin mo ang lungkot sa mga mata mo, magkikita tayong muli. I promise...”
“I am sad and I want to feel sad so please don’t take the feeling away from me,” sabi niya at sinikap na huwag mabasag ang tinig.
Banayad na tumango si Romano. “Go home now, don’t see me off...”
Tumango siya at halos magkasabay silang tumalikod.
NASA kotse na siya nang marinig ang ugong ng eroplano sa itaas. Ni hindi niya matiyak kung iyon nga ang eroplanong magdadala sa magpipinsan patungong Texas. Still, she wanted to see it above her. Binuksan ang bintana ng kotse at tumingala.
“Good-bye, my darling,” she whispered brokenly. “We’ll meet again.”
Inilabas niya sa NAIA ang sasakyan. Isinalang ang tape na ibinigay ni Romano. Pumailanlang ang awitin. Sinabayan niya iyon.
It’s now or never. Come hold me tight
Kiss me, my darling. Be mine tonight.
Tomorrow will be too late
It’s now or never, my love won’t wait...
When I first saw you, with your smile so tender...
Ngumiti siya sa bahaging iyon.
“Oh, you didn’t smile. But nevertheless, I was bewitched.”
“Never is not that long, Romano. And my love can wait,” she promised, smiling and crying and sniffing at the same time. Tinitigan ang daliri sa kaliwang kamay. Kumikislap ang maliliit na brilyantitos na nakapaligid sa emerald.
Suminghot siya, brushed away the solitary tear from her face at muli’y sinabayan ang kanta, off-key.
“BAKIT ka ngumingiting mag-isa?”
s
i Lenny na siniko si Romano.
“Love makes people go crazy,” matabang na sabi ni Aidan.
Umikot ang mga mata ni Leonard at muling sinulyapan si Romano na nakahilig sa upuan nito at nakapikit pero mahinang kumakanta.
“Just like the willow, we would cry an ocean...when love was lost and sweet devotion... but who knows when we’ll meet again this way...”
WAKAS
radicalducati