Romano (Kristine Series 13)

Chapter 8



Chapter 8

Chapter 8

Chapter Eight

I

NIABOT

ng binata ang isang helmet sa kanya. “First time?”

Alanganin ang tango niya. “Do you think it’s wise na diyan tayo sumakay? Gamitin natin ang kotse ko, Romano.”

“I’m a good driver, sweetheart,” paniniyak ng binata at isinuot ang sariling helmet. “And this is a good bike.”

“I’m sure it is,” duda niyang sagot at iniangkas ang sarili sa likod ng malaking Harley Davidson.

“Iyakap mo ang mga braso mo sa akin nang mahigpit and it’s gonna be alright,” lingon nito sa kanya. At hindi man sabihin ay alam niyang nanunukso ito dahil naiilang siyang iyakap ang mga braso niya sa baywang ng binata.

Nang paandarin nito ang motorsiklo ay tumindi ang takot na nadarama ng dalaga. Hindi matiyak kung tamang sumama siya sa lalaking ito at sa ibabaw pa ng motorsiklo.

Inikot ni Romano ang motorsiklo at pinatakbo. Napalunok siya at yumakap nang mahigpit. Mabilis ang takbo subalit maingat. Pero kinakabahan pa rin siya. Kung gaano kamapanganib ang lalaking ito’y may palagay siyang ganoon din ang motorbike. May pakiramdam siyang si Romano at ang bike ay iisa. Ipinikit niya ang mga mata at yumakap dito nang mahigpit, ang pisngi’y idinikit sa likod ng binata. Feeling him.

Hindi nagtagal ay nasa K. Esmeralda Building na sila. Iilan lang ang sasakyang nakaparada sa parking lot dahil karamihan sa mga opisinang umookupa sa building ay walang pasok.

Bumaba siya ng motorsiklo. Tinulungan siya ni Romano na tanggalin ang helmet sa ulo niya.

“I wished we have far to go,” tukso nito. “I like the feel of your arms wrapped around me and your breast on my back. I only wish you were riding me instead of my bike...”

“Romano!” saway niya. Hindi gustong aminin sa isip na kung ano-anong sensual na bagay ang naiisip niya kanina habang nakaangkas siya sa likod.

Tumawa ang binata. Matapos itayo ang bike ay hinawakan siya sa kamay at dinala sa loob ng building at pumasok sa elevator. Pinindot nito ang

P

para sa penthouse at

close

. Pagkasara ng elevator ay hinapit siya ni Romano mula sa likod.

“Matagal ang pagpanhik hanggang penthouse, let’s keep ourselves busy,” at saka hinagkan nito ang batok niya.

Banayad ang ginawang pagsinghap ni Bobbie kasabay ng pagpikit ng mga mata. Ang mga kamay niya’y mabuway na inaalis ang mga braso ng binatang nakapulupot sa kanya.

“Romano, please...”

“Stop struggling half heartedly,” matabang nitong tudyo. “Gusto lang kitang yakapin. Malamig sa loob ng elevator.”

Nairita siya dahil alam ni Romano na naapektuhan siya sa mga ginagawa nito. Gusto niyang kumawalang tuluyan sa pagkakayapos nito mula sa likod ngunit aminin man niya o hindi, masarap makulong sa mga bisig nito.

Pagbukas ng elevator ay kumawala siya at naunang lumabas. Sinalubong siya ng malakas na hangin na napahinto siya sa paghakbang. Open air ang paligid maliban na lang sa tila apartment na nakatayo sa gitna ng building. At naririnig niya ang hindi kalakasang musika mula sa loob. Neil Diamond’s

It’s a matter of Love.

Hinawakan siya ni Romano sa siko. “Halika sa loob.” Inakay siya nito patungo sa nakabukas na pinto. Natuon sa kanila ang ilang pares na mga mata. “Hi, guys.”

“Hello...” halos sabay-sabay na sagot ng mga ito.

Pumasok sila sa loob. Dalawa sa mga naroon ay kilala niya. Si Aidan at Lenny. Pero ang tatlong babae at isang lalaki ay noon lang niya nakita.

“Kilala mo na si Lenny at Aidan, `di ba?” ani Romano sa kanya.

“Hello, again.”

s

i Lenny na nginitian siya. Ganoon din si Aidan na sumaludo. Gumanti siya ng ngiti sa mga ito.

Isang magandang dalagita ang lumapit sa kanila. “You must be Bobbie,” nakangiting sabi nito sa kanya, sabay lahad ng kamay. “I’m Jessie... Romano’s cousin. Kapatid ko `yang dalawang iyan.”

i

nginuso nito si Aidan na lumapit sa music system at si Lenny na nakaupo pa rin sa bar. Sa gitna ng mga binti nito’y isang mestisang babaeng nakatukod ang mga braso sa binti ng binata.

“Hi.” Tinanggap niya ang kamay nito.

“And that is Stephanie de Ocampo,” pakilala ni Jessica sa kasamang babae ni Lenny. Ikiniling lang ng babae ang ulo at kumaway. Bumulong si Jessica sa kanya. “My brother’s latest...”

“Hi,” aniya.

“And that is Georgie, my schoolmate and Stephanie’s friend.”

i

tinuro nito ang isang babae pa uli na nasa gitna ng sala at sumasayaw-sayaw. “Undecided kung sino ang crush niya, kung si Aidan o si Anton.”

Pulos mga anak-mayaman. Naisip ng dalaga para sa dalawang babaeng itinuro ni Jessica. Kilala niya si Stephanie.

c

ommercial model ng isang kilalang brand ng sabon. Bukod pa roon, kilala rin niya ang pamilya nito. Hindi siya pamilyar kay Georgie pero sa ayos at kilos nito’y galing din sa kilalang pamilya.

May tumikhim sa likuran niya. Napalingon si Bobbie and found herself staring at another very attractive man. Must be about twenty at marahil ang pinakabata sa lahat. With very dark eyes na napapaligiran ng makakapal na pilikmata. Higit pa yatang makapal kaysa sa pilikmata niya. Dark wavy hair na lampas sa batok parted in the middle. With perfect jaw and a sensual lips. Not as handsome as Romano and Lenny but as gorgeous and just as tall.

Sa apat na lalaki, si Romano lang ang mapusyaw ang kulay. Si Lenny at ang lalaking nasa harap niya ay kulay-bukayo ang balat. Si Aidan, kakulay ng mga American Indian. Which he must be dahil hindi ito mukhang Pilipino.

“And who are you?” nakangisi niyang tanong. “Patrick Muldoon?”

He boomed with laughter. “Mas sexy at mas sensual ako roon.” Inilahad nito ang kamay. “Anton Karl Cervantes. Call me Anton.”

n

akangiting tinanggap niya ang kamay nito. The handshake was firm and friendly. “Let’s dance...”

“Oh, no.”

s

i Romano mula sa likuran. May dalang dalawang kristal ng champagne. Iniabot ang isa kay Bobbie. “Back off, cousin, I don’t lend my women.”

Tinanggap niya ang tall glass subalit biglang tumalim ang mga mata sa pagkakatitig kay Romano. Hinila siya nito sa isang sulok at pinaupo sa couch.

“I am not your woman!”

Nagkibit ito ng mga balikat. Dinala sa bibig ang kristal and took a swallow. Pagkatapos ay ibinaba sa mesa.

“Bakit ba lahat na lang ng sasabihin ko’y ikinagagalit mo?” amused nitong tanong. “Bakit hindi ka na lang tumulad doon sa dalawang iyon?” Inginuso nito si Stephanie na nakayapos at nakayupyop sa kandungan ni Lenny. Habang ang huli’y pasabunot na hinawakan ang buhok ni Stephanie at iniangat para hagkan.

Inilipat niya ang tingin kay Georgie na siyang isinayaw ni Anton. Ngunit tingin ba niya’y hindi naman kumikilos ang dalawa kundi nagyayakapan sa gitna ng sala. Georgie’s kissing Anton’s neck.

Napailing siya. “Ano ang ginagawa ni Jess dito?” Hinanap ng mga mata niya ang dalagita pero wala na ito sa paligid. “I think she’s just about fifteen...”

“With Aidan around?” Natatawang umiling ito. “Lenny and Anton is asking for trouble kung lalampas sila sa border line. Kaya huwag kang mag-isip ng masama. Ganyan lang ang mga iyan. No more, no less. Kung may sobra man, aalis ang mga iyan dito.”

“At si Jess, bakit narito siya?”

“Both Aidan and Lenny will leave tomorrow night for the States. Kasama siya. Both boys will join the marines. Si Aidan sa SEAL.” Pumormal ang mukha ni Romano sa bahaging iyon.

“SEAL!” bulalas ni Bobbie at sinulyapan si Aidan.

“I know what you’re thinking. Ilang beses na naming kinausap si Aidan sa bagay na iyan. Even his parents talk him out of it.”

n

agkibit ito. “…hindi nga namin matiyak kung matatanggap siya. Pahihirapan lang niya ang sarili. Bugbog sarado siya roon sa training.” Nasa tinig nito ang pag-aalala. Pagkatapos ay ngumiti at binalingan siya. “Huwag sila ang pag-usapan natin, tayo...”

Pumormal siya at umayos ng upo sa malaking sofa. “There’s nothing to talk about.”

i

tinaas niya sa bibig ang champagne and sipped slowly.

May kung ilang sandaling tinitigan siya ni Romano bago ito tumayo, kinuha sa kamay niya ang kristal at inilapag sa mesa. Pagkatapos ay hinila siya patayo.

“Tara sa labas, mainit dito...”

Wala sa loob na napasunod siya. Muli’y humaplos sa mukha niya ang malakas na dapyo ng hangin. Hapon na at wala nang init sa labas. Mula roon ay natatanaw niya ang iba pang nagtatayugang building sa paligid. Sa pakiwari niya’y nasa ibabaw siya ng mundo.

“Let’s dance,” ani Romano at hinapit siya.

“Hindi umaabot dito ang tugtog sa loob, Romano,” aniya dahil bahagya nang naulinigan ang musika sa loob dahil sa may tagilirang bahagi ng building siya dinala nito.

Nagkibit ng mga balikat ang binata. “Oh, well, I can always sing. You know that. Ano ang gusto mong kantahin ko, Neil Diamond’s love song... o `eto?” Nakangising tumikhim ito. “...well, I don’t look good in new Armani suits, new Gucci shoes... or designer boots. I’ve tried the latest from A to Z. But there’s just one thing that looks good on me. The only thing I want... the only thing I need... the only thing that looks good on me... is... You.”

He was rocking her at wala siyang mapagpilian kundi ang sumunod. And she was speechless too. He was singing and dancing the rock song with potent sensuality. Pagkatapos ay hinapit siya ni Romano sa paraang kahit hangin ay hindi makararaan sa pagitan nila. Sinamyo nito ang buhok niya.

“Everything about you feel so right, sweetheart,” he said huskily, his lips moved down to her temple.

Gusto niyang magpumiglas but some powerful, primeval force seemed to be taking control of her body. Her heartbeat is pumping madly. A certain heat flowed down to her stomach. Sinikap niyang paglabanan ang sarili but her body wouldn’t cooperate.

“Put your defenses down, sweetheart. I know you want me too.” Hinahaplos ng tingin ni Romano ang bawat sulok ng mukha niya. Pagkatapos ay unti-unting bumababa ang mukha ng binata sa kanya. Alam niyang hahagkan siya nito at sa mga sandaling iyon ay wala siyang pinakaninais na mangyari kundi iyon.

But he stopped inch before her lips and breathed inside her mouth instead. When she tried to catch his lips ay inilalayo nito ang mga labi and moved closer to capture her lips again only to move backward when her lips tried to reach his.

“If you brought me here to seduce me... you’re doing a very good job, Romano...” she whispered in frustration.

He was smiling slowly na tila ba alam nito ang nangyayari sa kanya... kung ano ang epekto ng ginagawa nito.

“Give it all, sweetheart,” pabulong nitong sabi at banayad na hinila ang buhok niya upang mapatingala siya. He bent and bit her earlobe. Napaungol si Bobbie sa bahagyang sakit. “Katawan mo lang ang sumasang-ayon. Hindi ang isip mo. And it’s all or nothing.”

“Never...” pabulong niyang sabi.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.