Chapter 20
Chapter 20
NAKA-BATHROBE pa si Macy na kagagaling sa pagligo nang kumatok si Neo sa kinaroroonan niyang guest room. Naghahanda na siya noon para bumiyahe pabalik sa Sinagtala. Ang gusto niya ay nakabihis na siya bago sumalo sa agahan sa mag-iina.
Nang narinig niya ang boses ni Neo sa labas ng pinto ay hindi na siya nag-abala pang magdamit. Her left boob was almost exposed and Neo grinned as soon as he saw it.
“You’re not making this easy for me, are you?” naiiling na sabi ng lalaki pagkapasok sa kuwarto.
She giggled. “Hindi mo ako girlfriend at alam `yon ng family mo except kay Cole, huwag mong kalimutan `yan,” paalala nito.
“Sinabi ko kay Kuya ang tungkol sa `tin,” pagtatapat ni Neo.
“You mean, `yong totoo?” Oh, goodness! Parang gusto niyang mahiya kay Clay. Parang napakadisente at conservative pa naman ang tingin niya sa lalaki. Clay was like a nerdy Math professor, or a scientist. Nakapagtatakang sa isang talent management agency ito nagtatrabaho.
“Yeah. Don’t worry, he’s cool with it,” sabi ni Neo nang mabasa ang uneasiness sa kanyang mukha.
“H-huwag mo lang sasabihin sa mommy mo. Jusko, Neo!” Umupo siya sa gilid ng kama. “Baka lumubog ako sa lupa sa kahihiyan `pag nagkataon.”
Tumawa ang lalaki saka tumabi sa kanya. “`Pag nalaman ito ni Mommy ay mas itutulak lang niya ako sa `yo.”
“She likes me so much,” kinikilig niyang sabi. “Ewan ko kung bakit.”
“Because you’re witty, sweet and unpretentious. Ayaw na ayaw ni Mommy `yong mga taong pilit na nagpapa-impress sa kanya.”
“Too bad I’m not really your girlfriend, huh?” tukso ni Macy pero nagulat siya nang may parang negatibo siyang naramdaman. Parang nanghihinayang siya?
“Yeah, too bad,” sabi ni Neo, kinabig siya palapit. “I miss kissing you,” deklara nito saka inilapit ang bibig sa kanya.
“Hmm, kiss lang?” she teased him.
“Don’t start, woman,” babala nito saka siya hinalikan nang marubdob sa mga labi.
She moaned sweetly from that kiss as she sensually caressed his chest and arms. Ramdam na ramdam niya ang pagkasabik ng lalaki sa kanya, ang pangangailangan, ang pangungulila. Hindi niya naman naikala na pareho sila ni Neo ng nararamdaman. Nang hustong puputulin na nito ang halik ay humawak siya sa batok ng lalaki at hinabol ang papalayong bibig nito. Muli siyang umamot ng init mula sa halik ni Neo, init na ibinalik din niya.
“M- m acy…” she heard him mumble against her mouth.
“I need you, Neo,” she declared against his. “Ooh, babe, I want you so much!” she wailed, tugging his shirt.
“Shit, shit,” he uttered, fisting her hair at the back of her head.
“Can we do it quickly and quietly?” she pleaded, rubbing him in between his legs. Hindi na siya nagtaka na bago pa niya nailagay ang kamay doon ay matigas na ang pagkalalaki ni Neo mula sa suot nitong mesh shorts. “Please?”
“Of course, sweetheart. Kagabi pa kita gustong pasukin dito,” sabi nitong kinalas ang kurdon ng kanyang roba.
Sumuntok siya sa balikat nito. “Why didn’t you? Ang tagal ko nakatulog kasi hinihintay din kita.”
Mabilis nitong hinubad ang t -shirt. “Ang ingay mo kasi, hindi soundproof ang mga kuwarto dito,” sagot ni Neo na hinaklit siya paupo sa kandungan nito.
Natutop ni Macy ang bibig nang umpisahang trabahuhin ng lalaki ang kanyang mga suso.
“See what I mean?” tukso nito, nag-angat ng mukha mula sa pagsipsip sa ituktok ng isa niyang dibdib.
“I’ll try to be quiet. Hurry, baka tawagin na tayo for breakfast—!” Muntik siyang napatili nang nagpatimbuwal sa kama si Neo kasama siya.
Hawak ang kanyang baywang, iginiya ni Neo ang kanyang katawan na gumalaw pataas rito. Up, until she was sitting right on his face.
“Neo!” mahinang bulalas ni Macy nang maramdaman niya ang bibig nito sa kanyang ari. “Huwag na tayong masyadong mag-foreplay sabi. I’m ready—Oooh!” Napasuntok siya sa kutson nang ipasok nito ang dila sa kanyang butas.
Isinubsob na lang ni Macy ang mukha sa kama, mahigpit ang kapit sa kumot habang naglalabas-masok sa kanyang kaangkinan ang dila ni Neo. Nakagat niya ang kumot nang naramdamang ibinuka ng mga kamay nito ang magkabilang-panig ng kanyang pag-upo.
“Shiiiiit!” she moaned against the sheets when he continued tongue-fucking her. “Goddammit, Neo! Ano baaa?”
Nagpoprotesta nga siya pero hindi ang kanyang katawan. Kusang umangat-bumaba ang kanyang balakang, nakipagsabayan sa mga pagsulong ng dila ng katalik sa kanyang pagkababae. The bed began to make noises and Neo stopped her from moving.
Macy pounded again on the bed when she felt he was sucking her clit. “Please don’t make me come this way, Apolonio,” nanginginig na sabi niya. “I want your cock inside me, baby. P-please!”
Just when she was about to climb the peak, Neo refrained from his amazing cunnilingus and he swiftly moved her into his lap again.
“Fuck me,” she told him, kissing him on his mouth, tasting herself. “Fuck me, Neo.”
Gumalaw ito para ibaba ang mga pang-ibabang suot. She hurriedly raised herself and then slammed down on his hard rod. Sabay pa silang napaungol na takip-takip ang mga bibig.
Neo kicked his shorts and underwear off his feet, then he stood up, carrying her with him.
“Ang ingay ng kama,” sabi nito saka siya isinandal sa dingding.
Hindi siya ibinaba ni Neo. Nakasukbit ang kanyang mga binti sa magkabilang bisig nito.
“I’m gonna miss your cock, mister,” humahagikgik na sabi ni Macy.
“Oh, I know, kitten. I know,” nagmamalaking sabi ni Neo at inumpisahang umurong-sulong sa kanyang kaangkinan.
“Ooooh, Neo! Parang ayoko nang umuwi!”
“Aaah, baby. As much as I want you here with me, ayoko namang mag-alala sa `yo ang papa mo. Tatlong araw lang ang ipinaalam natin sa kanya.”
Nang nakipagsalpukan siya ng katawan kay Neo ay idiniin naman siya nito sa dingding. Maingay nga naman ang tunog ng mga pagbabanggaan nila. He just rammed his member so deep inside her, then ground his pelvis against hers. Gumiling ito, sinadyang magalaw ang kanyang tinggil. She rolled up and down against his phallus while he was rotating his pelvis, ginamitan din niya ng muscle control ang lalaki. The sensation was different from thrusting and pounding. Siguro dahil nai-stimulate din ang clitoris niya sa ginagawa nila ni Neo.
Nang naramdaman nito ang pag-contract ng kanyang inner muscles ay doon na ito umurong-sulong. He pounded her pussy and sent her to her climax. An orgasm so fierce she was trembling against the wall, her eyes rolling back. Her mouth was wide open, releasing a soundless scream that started to hurt her jaw and throat.
Humihingal si Macy nang nakita niyang naglabasan na ang mga ugat sa leeg ni Neo, nagtatagis na rin ang mga ngipin nito, senyales na malapit na itong labasan. She watched his face as he came so fiercely, joining him in muffled groans as he spewed his male essence inside her.
Hanggang sa narinig nilang kumatok sa pinto si Clay. “Playtime’s over, kids. Breakfast na kayo!” malakas nitong sabi sa may pinto.
“Oh, my!” Natutop ni Macy ang bibig. “Narinig kaya niya tayo?” bulong niya kay Neo.
“So what? Inggit lang `yan. `Yang alaga niya kasi `di na nagagamit, naging driftwood na. Puwede nang itapon sa dagat para kapitan ng mga tahong at talaba doon.”
Ang lakas ng halakhakan nilang dalawa.
HINDI man lang namalayan ni Macy na hawak-hawak pala ni Neo ang kanyang kamay at nakapatong sa hita nito habang magkatabi silang nakaupo sa waiting area ng bus terminal ng La Vida Transit. Kanina pa kaya nito hawak iyon? O sino kaya ang unang humawak? Maybe it was her? Ganoon ba siya kaapektado sa sandaling paghihiwalay nila at hindi na niya namamalayan ang mga ginagawa? O, siguro ay sobrang komportable na talaga siya sa lalaki at ang mga gesture na ganito ay nagiging natural na lang ang dating sa kanya.
Saka naisip ni Macy, ngayon lang pala sila nagkakaroon ng public display of affection. Kung lumalabas sila ni Neo sa Sinagtala ay panay ang pag-iingat nilang baka may makakita sa kanilang mga kakilala kaya kaswal lang silang magkasama. Walang akbayan, walang hawakan ng kamay.
Nang napansin ni Neo na nakatingin siya sa magkahawak nilang mga kamay ay pinisil nito ang kanyang palad. When she looked at his face, he smiled at her and kissed the tip of her nose. She giggled like a silly schoolgirl.
“You have everything you need on your trip?” mayamaya ay tanong ni Neo, maingat na kinabig ang ulo niya at pinasandal sa balikat nito.
“Yup. Water, snacks. Pati Lomotil.”
Hinalikan nito ang ituktok ng kanyang ulo. “That’s my girl.”
Inilapat ni Macy ang isang palad sa dibdib nito at ipinikit ang mga mata. “Ingat ka lagi dito, ha?” bilin niya sa lalaki. “`Yang pagmamaneho mo, Neo. Remember, iba ang mga kalsada dito kesa sa probinsiya.”
“I know, sweetheart.”
“ Muntanga naman ako, siyempre alam mo pala `yon.” Natawa tuloy siya.
“Mag-iingat ako palagi. Don’t worry about me, okay?”
“Okay.”
Narinig na nila ang announcement galing sa mikropono na handa na ang bus na sasakyan niya. Masama ang loob na nag-angat ng ulo si Macy. Hinawakan naman ni Neo ang handle ng kanyang duffle bag at binitbit iyon pagkatayo nito.
“O, paano?” malamlam ang mga matang sabi nito.
“See you in two weeks?” malungkot na sabi niya.
Tumango ito. “I’ll call you.”
Mabibigat ang mga hakbang nilang pinuntahan ang kinapaparadahan ng sasakyan. Kumaway sa kanya si Neo paglingon niya sa lalaki nang nakasampa siya sa pintuan ng bus.
Sa tabi ng bintana ang puwesto ni Macy. Ilang minuto na siyang nakaupo roon nang pagtingin niya sa labas ay nakita niyang nandoon pa pala si Neo, matiyagang nakatayo at nakatingin sa kanyang kinaroroonan.
He smiled at her when their eyes met. And then he waved at her and looked away so sadly. At parang napuno ng sarisaring emosyon ang kanyang dibdib sa mga sandaling iyon. Tumayo siya at mabilis na bumaba ng bus. Naglalakad na palayo si Neo nang habulin niya ang lalaki.
“Neo!” she shouted at him.
Narinig naman siya ng lalaki at tumigil sa paglakad. Gulat itong lumingon. She almost jumped on him when she got closer. At nawalan na siya ng pakialam sa paligid. Yumakap siya sa lalaki. Kung gaano kahigpit ang yakap niya kay Neo ay ganoon naman kaluwang ang kanyang dibdib na parang nawalan ng dalahin dahil pinakawalan na niya lahat ng mga iyon. Right at that moment, a realization came crashing to her like a heavy rain out of nowhere. She was scared, very scared. But there was a part of her that felt hopeful. And, no matter how small it was, she wanted to cling into that hope.
Nang halikan siya ni Neo sa bibig ay noon na umamin si Macy sa sarili. She was already inescapably falling for him.
radicalducati