KLWKN

Chapter 1



Chapter 1

Three years ago,

"Malapit na mag start yung battle of the band. I cannot wait to hear you sing and hype the crowd again, Pacco." inayos ni Pacco ang seat belt ko. Ginulo ko naman ang buhok nito na animong inaamong aso.

“Late na yata tayo,” sabay tingin ko sa wristwatch ko.

"Hayaan mo silang mag simula. Let's enjoy this moment. Bawat Segundo na mag kasama tayo, sulitin natin. We’ll never know." Sabay ngiti nito, “Korni mo,” sabay tawanan naming dalawa.

Nasa parking kami noon, inayos nito ang mga gamit niya bago kami umalis papuntang battle of the band.

He kissed me on my forehead. Tila ba sinecure nya na magiging okay ang lahat. Just seeing or sitting right next to me makes everything so fine.

"Anong gagawin mo pag nawala ako?" umiling ako. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, siya lang yung palagi kong kasama at karamay. He is my bestfriend, brother and the love of my life.

"Sandrine," hinawakan niya yung kamay ko. "Kahit anong mangyare I want you to become strong. You have to be.”

Hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko namamaalam na ito?

"No matter what happens, with or without me gusto ko maging okay ka. On your own. Big girl ka na hindi ba?"

“Alam mo, o.a na. tama na nga tong ka dramahan na ‘to. Pumunta na tayo sa CIB, hinihintay ka na ng mga kabanda mo doon.” Yumakap ito ng mahigpit sa akin.

Tinapik ko ito ng marahan sa likod. Alam ko na kahit na mukhang confident itong si Pacco, kinakabahan pa rin ito sa tuwing may competition sila.

“Basta, sabay tayong mag tatapos. We’re going to be successful together tapos papakasalan kita sa kahit saan na simbahan dito sa Pilipinas!” Humawak ako sa kamay nito.

“Pacco, Mahal kita.”

“Mahal din kita, Salamat sa lahat Sandrine.”

Inistart n anito ang engine ng kanyang kotse.

It started to rain too.

“Kakain tayo ng lomi mamaya,” excited na sabi niya sa akin. “Pag successful na tayo, bibilhan kita ng sarili mong coffee shop.” Tawanan kami nang sabihin ‘yon ni Pacco.

“I will do my best to give you everything, Sandrine. I will make sure na sabay natin ‘yon maabot. Sa ngayon, let’s enjoy this moment.”

“Thank you Pacco,” pareho na lang kaming ngumiti pag katapos.

Nasa byahe na kami ng mga oras na ‘yon, nakikinig sa Iris ng Goo Goo Dolls.

And In a just blink of an eye.

Natapos ang lahat.

The next thing I knew, I woke up in a hospital room.

My head still hurts. My whole body is in pain. I was wondering, where the hell is Paco?

Tinignan ko ng mabuti ang paligid. I can’t move. I tried reaching my phone, bakit basag basag yung screen? Ilang araw na ba akong tulog?

Good thing, my mom came in. With a bag of pineapple juice and a bucket of chicken joy. Gutom ako pero wala akong gana.

"Ma,"

Inilapag ni mama yung mga dala niya sa sofa near my bed. She hugged me gently. “Salamat sa Diyos anak at gising kana.”

"Bakit po kayo umiiyak?" umiling ito at tuloy pa rin ang pag agos ng kanyang mga luha. "Halos tatlong araw kang tulog anak. Akala ko iiwanan mo na kami."

I was searching for Paco. But I can't see him.

“Ma? Nasaan po si Paco?” kanina ko pang tanong pero tila ba iniiwasan nylang sagutin ang tanong ko. Tumahimik si mama. “Ma?”

May mga namuong luha ulit sa mata ni Mama. Pinilit kong alalahanin ang lahat, pero wala talaga akong ma alala.” May ilang minute sigurong tumahimik si mama.

“Kumain kana muna. Pag katapos mong kumain, sasabihin ko lahat. Ang gusto ko muna mag palakas ka.” Kinuha din muna ni mama yung telepono ko.

Habang kumakain ako, tahimik pa rin si Mama. Tulala at balisa. Nag paalam ito sa akin na baba muna ito dahil kailangan niyang bumili ng gamot. Nang maka alis na si mama. Hindi ko maiwasan na mag isip isip ng kung anu-ano lalo na’t ngayon ang kaharap ko lang ay kisame ng kwartong ito. Hindi ako mapalagay.

Hanggang sa dumating ako sa conclusion, na kaya wala si Paco dahil may iba na siya. Did he cheat on me? Iniisip ko pa lang na ginagago ako para akong ginigiba.

Nakita ko sa may table ang phone ko. Kahit kumukirot ang buong katawan ko. Inabot ko iyon. Basag basag ito, pero gumagana pa naman ito.

89 unread messages.

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko.

What the hell is happening? Tanong ko sa sarili ko,

Bago ko tuluyang i-unlock ang basag na basag na screen ng phone ko. I took a deep breath at sana mali ang iniisip ko. It can’t be, hindi pwede.

May isang message akong nabaasa na bumasag ng buong pag katao ko.

Rose, Paco is waiting for you. God, please wake up.

And then I saw this one message,

Condolence, Rose. I know its hard to accept that Paco is gone. He will be miss. He is in a safe place now. He is with God now. Get well soon, gising na para maihatid mo si Pacco.

I tried to remember everything. My head hurts so bad. I can’t remember a damn thing. Nahuli ako ni mama na hawak hawak ko ang telepono ko . Tumakbo ito sa akin at nabitawan niya ang mga dala nitong mga gamot.

Binuksan ko yung internet ng phone ko, I saw Pacco’s wake. Napatingin ako kay mama, para akong binuhusan ng malamig na tubig.

“Anak, I am sorry.”

Hinawakan ni mama yung kamay ko, “Pacco..”

“Anak I am sorry,” pag kahinga ko ng malalim.

I burst into tears. My heart shattered in million pieces when I saw Paco’s wake. I was asleep for almost three days.

Pacco is gone. Paano na ako? Paano na ako Pacco?

Noong araw din na iyon. Pumunta kami sa burol ni Pacco. The last time na pumunta ako sa burol? Nung mga panahong namatay si lolo. 6 years old pa lang ako. I never expected him laying down in there.

Pinag titinginan ako ng mga tao. Tulak tulak ni mama ang wheelchair ko.

Everyone is staring at me. I wore his favorite black hoodie. To hide away all the scars. I was wearing the darkest color na meron ako. To show everyone kung gaano kadilim ngayon dito sa puso at buhay ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko na makita siyang makita na nakahiga at wala ng buhay.

I wasn’t aware that he is leaving me soon. Without a single goodbye. Without a reason why.

Habang tulak-tulak ni mama ang aking wheelchair. Hindi ako umiiyak. Kasi alam kong hindi naman totoo ang lahat ng to. Alam kong joke lang ito. Joke lang lahat.

Alam ko, hindi naman ako iiwanan ni Paco. He promised me forever, he is a man of words. Kaya alam kong, hindi niya gagawin iyon. Ang saktan at iwananan ako. He cannot afford to see me cry nor frown. Kaya hindi ako naniniwala na wala na siya, na patay na yung lalaking mahal na mahal ko.

Habang papalapit ako ng papalapit sa kanyang casket. Pasikip ng pasikip yung dibdib ko. Tila ba may mabigat na nakapatong dito at sinasakal ako.

Sinubukan kong tumayo. Inaalalayan ako ni mama,pero tinutulak ko ito papalayo. Binigay nila sa akin yung saklay na galing sa hospital.

I tried my best na mag lakad papunta sa kanya, kahit paika ika ako. Nag simula na ding umiyak ang mga tao sa paligid ko. Samantalang ako? Heto, nag babakasakali na pag lapit ko sa kabaong na yun, joke lang ang lahat. Kasi kung si Paco man talaga ang nakahiga doon? Baka hindi kayanin ng puso ko.

Hindi ko kaya.

Hindi ko pinapapansin yung sakit at kirot sa buong katawan ko. Ang gusto ko lang ay.. makita siya.

"Rose," alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang mag lakad mag isa. Linapitan ako ni Mama."Ma, Please. Kaya ko. Kaya ko, pabayaan niyo ako."

Dahil puro pasa at bugbog ang buong katawan ko. Tinignan ako ni mama, awang awa ito sa akin. Pero hindi ko kailangan ang simpatya niya. Ang kailangan ko lang ay si Pacco.

"Ma, kaya ko." pinilit ni mama na alalayan ako.

"Ma, kaya ko po. Ano ba!" sinigawan ko na ito. Pucha naman kasi! Pag sinabing kaya ko, kaya ko! Hindi ba nila naiintindihan ‘yon?! Sinusubukan kong tumayo dahil gusto kong mag lakad papunta sa kanya. Pero, Bumagsak ako.

Sinubukan ko pa ring tumayo.

"Tangina naman kasi!" I shouted out of frustration.

Naririnig kong mag iyakan ang mga tao sa paligid ko. Pero bakit ba sila mag iiyakan? Alam kong gising pa si Paco.

Mahal ako noon, hindi niya ako iiwanan.

Nang makalapit na ako sa kanyang kabaong. I took a deep breath. Hindi ko pa kayang tignan ang nakahiga sa puting kabaong na yon. I was shaking, my heart is breaking. My whole damn world is crashing down.

Sana kung panaginip man ito. Sana magising na ako. Tinignan ko yung picture frame na nasa kabaong. Iyong picture naming dalawa.

"Pacco.." Nang may lakas ng loob na akong tignan siya. "Pacco." I tried to call his name. I smiled pero nag uunahan ang mga luha sa aking mga mata. Yung ngiting lagi kong pinapakita sa kanya sa tuwing mag kikita kami.

"Mahal ko.." Upon saying those words, Nanginginig ang buong katawan ko. Gusto kong mag sisigaw, gusto kong mag wala. Pero wala akong sapat na lakas na gawin yun. All I can feel is anger and pain.

Bakit ang bilis? Bakit ang bilis naman. Wala man lang paalam.

"Mahal, Bangon na. Gising na ako.. Pasensya kana at tatlong araw akong tulog. Pero, heto na ako. Nandito na ako. Bangon na. May battle of the band pa tayo. Kakanta ka pa. Lalaban pa tayo. Mahal, bangon na. Nandito na ako.." Pinipigilan ko pa rin na huwag maiyak.

"Hindi mo ba ako naririnig? Bumangon kana diyan."

he was lying there. Peacefully.

He was lying there, lifeless and no longer breathing. Lumapit sa akin ang mama ni Pacco.

"Tita, I am sorry.." yinakap nya lang ako ng mahigpit. "Hija.. Don't be sorry. Wala namang may gusto nang nangyare."

"Kasalanan ko po lahat. Kasalanan ko po kung bakit nawala si Pacco."

"Anak, hindi mo kasalanan. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Walang may gusto sa nangyare." Lalong humigpit ang yakap nito sa akin.

"Thank you for making our Pacco happy." masayang sabi sa akin ni tita.

"He was planning to give this to you.."

Isang ukulele. Dahil matagal ko na sinasabi sa kanya na gusto kong mag aral noon.

At that point. Nag break down na ako. Doon nag sink in lahat.

Simula ng namatay si Pacco parang namatay na rin ako.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.