Chapter 10
Chapter 10
Chapter 10
Chapter Ten
A
RAW
ng kasal ng batang lawin. At puno ng
mga tao sa paligid ng Villa Kristine. Mga tauhan sa buong hacienda. Mga tauhan sa de Silva farm. Mga kaibigan, kamag-anak at mga kakilala.
Naroon din ang buong angkan ni Don Rafael Fortalejo. Sharing for the first time the grandest affair na ginanap sa buong Paso de Blas. Sa pagdalo ng mag-anak ni Don Rafael sa okasyong iyon ay nagpapatunay ng pagpapatawad ni Donya Aurora kay Don Leon Fortalejo.
Bernard and Diana defied tradition na mga dalaga lamang ang magiging mga abay.
Emerald is the matron of honor, with Zandro na kinuhang lahat ang atensiyon ng mga naroroong kadalagahan. Galing man sa kilalang pamilya o hindi.
Jasmin bilang bridesmaid, with Mitchell.
Isabella also as bridesmaid, with Ismael, of course. Naunahan ang mga ito sa pagpapakasal.
Si Don Rafael Fortalejo at si Julia de Silva ang mga sponsors.
And Iris as the flower girl.
Marco and Nathaniel is watching by. Ang
amusement at katuwaan ay nasa mga labi.
Sa kabila ng lahat ay umuwi si Anna mula sa Amerika upang daluhan ang kasal ng sana ay mamanugangin. Sa kabila ng pagsisikip ng dibdib ay hindi rin nito maitatangging hinahangad nito ang kaligayahan ni Bernard at ni Diana.
Katulong si Margarita at Julia sa pag-aayos kay Diana kasama ang isang tagaayos mula pa sa Maynila. Isang Spanish wedding gown ang suot ni Diana na ipina-rush ni Bernard sa loob ng sampung araw mula sa isang sikat na couturier.
Pababa na sa hagdan ang bride na tumingkad ang ganda sa kaligayahang nadarama nang mapuna ang katabing larawan ni Donya Kristine Esmeralda na nakasabit sa may ibaba ng grand staircase.
“Oh!”
“Do you like it?” ani Bernard na inabot ang kamay ng dalaga.
“Oh, Bernard!” Namumuo ang luha sa mga
mata niya habang hinagod ng tingin ang sariling life-size portrait na katabi ng oil-painting ni Donya Esmeralda.
“Hindi ko maihahabol sa kasal natin ang larawan mo kung pinapinta ko iyan. My gift of love.”
Puno ng pagmamahal na tinitigan ng bride ang groom niya. She smiled thru misty eyes. “Thank you, my darling...”
“Te quierro, Diana...”
bulong ni Bernard sa bride nito.
“And I love you...”
n
gumiti si Diana sa kabila ng pagtutubig ng mga mata.
Mahal siya ni Bernard, nararamdaman niya iyon at ipinararamdam nito sa kanya iyon. Pero alam niyang sa kaibuturan ng puso nito ay naroon pa rin ang alaala ni Jewel. At ang tangkaing pilitin si Bernard na kalimutan ang dating kasintanan ay hindi niya gagawin.
She couldn’t allow the memories of that wonderful woman to be forgotten so easily. And in so many ways, she has Jewel to thank for sa kaligayahang nasa kanya ngayon.
Inakay na siya ng binata palabas ng villa sa pagkakatuwaan ng lahat ng mga naroroon.
Bagaman may hatid na bahagyang lungkot sa puso ng mga taong nagmamahal kay Jewel ang okasyong iyon ay natatabunan ng pagiging adorable ng bride sa lahat. Bukod pa roon, walang hindi naghangad na sana’y maging maligaya si Bernard pagkatapos ng trahedya.
Ang tanging hindi mahinto sa pagluha ay si Julia. Subalit alam ng lahat na luha iyon ng kaligayahan para sa apo.
“Mama, nakakahiya naman sa mga tao. Baka ang akala ay hindi ninyo ikinagagalak ang kasal ng apo n’yo,” banayad na saway ni Marco sa ina bagaman may ngiti sa mga labi.
“He!” angil ni Julia sa anak. “Ganito rin ako noong ikasal kayong dalawa ni Emerald.”
“Huwag ninyong intindihin itong asawa ko, Mama,” natatawang sabi ni Emerald. “Kanina pa nito tinutukso si Bernard at si Diana.”
n
akita nitong
pumuwesto sa grand piano si Margarita. “Magsisimula na ang kasal, darling...”
Walang isa man sa ikinasal sa mga lalaking Fortalejo at de Silva ang nagsuot ng Spanish wedding gown maliban kay Diana. May Spanish tiarra ito sa ibabaw ng veil na iniregalo ni Julia.
Si Margarita na tumutugtog sa piano ay hindi mapigil ang mapaluha. Kahit si Bernard ay hindi aware na ang Spanish wedding gown na ipinayari nito sa Maynila ay replica ng wedding gown na isinuot ni Donya Kristine Esmeralda noong kasal nito kay Don Leon may apatnapu at siyam na taon na ang nakararaan. Isa sa mga araw na ito ay ipakikita nito ang lumang album sa mag-asawa.
Makalipas ang ilang sandaling palitan ng ritual vows ay natapos ang kasal ng dalawa. Hinagkan ni Bernard ang bride sa pagkakatuwaan ng lahat. Nasalo ni Isabella ang bouquet na inihagis ni Diana. Isang makahulugan at nagmamahal na titig ang ibinigay rito ni Ismael.
Hindi na malaman ni Diana kung ano ang sumunod na pangyayari. Para siyang dahon na inaanod ng hangin sa dami ng taong nakikipagkamay at bumati. Sa tabi niya ay naroon parati si Bernard at nakahawak sa siko niya.
Congratulations, Diana!
Sa gitna ng ingay at pagkakagulo ng mga bisita ay narinig ni Diana iyon. Napahugot siya ng
paghinga. Napatingin siya sa may dulong bahagi ng villa na walang tao at tila may napuna siyang nakatayo roon. Isang pamilyar na mukha. Nang sumunod niyang ibaling ang tingin ay wala na.
“Senior...” bulong niya. Nilingon si Bernard na kausap si Don Rafael, si Donya Aurora, at si Anna. Marahan siyang lumakad sa bahaging iyon ng villa.
Sinundan ng tingin ni Nathaniel si Diana na siyang tanging nakapuna sa pag-alis niya. Tumayo ito upang sana’y bulungan si Bernard subalit pinigil siya ni Jasmin.
“I feel nostalgic, sweetheart.”
m
alambing na ikinawit ni Jasmin ang braso sa kanya.
“Of course, love. Habang pinapanood kitang nagmamartsa katabi ni Mitchell ay naalala ko noong araw ng kasal natin,” nakangiting sang-ayon nito sa asawa. Pagkatapos ay muling ibinaling ang tingin sa tinutungo ni Diana subalit wala na ang bride.
“Love, wait here. May sasabihin lang ako kay Bernard. I’ll be damned, but I could feel
his
presence in this wedding,” napapailing nitong sinabi. Si Jasmin ay napahugot ang paghinga. Nilinga ang bakanteng upuan ni Diana.
KINURAP ni Diana ang kanyang mga mata. Wala siyang nakikita kundi mga halaman at mga magagandang bulaklak. Ang mga rosas ay naglalabas ng kanilang mga bango. And she smiled. Binaybay niya ang gilid ng villa na tila may hinahanap hanggang sa mapatapat siya sa isang bahagi ng pader.
“I know you’re here somehow...”
s
inuyod niya ng tingin ang buong pader ng villa. Wala sa loob na itinulak niya ang batong nasa harap. Lumangitngit iyon at bumukas. Napahugot ng paghinga si Diana.
Natagpuan niyang muli ang basement ng villa!
At dahil may araw pa ay hindi gaanong madilim ang hagdan at naaaninag niya. Payuko siyang pumasok dito kasabay ng pagtaas ng wedding dress upang hindi maapakan. Pagkatapos ay bumaba.
Tulad noong una siyang mapunta roon ay madilim. Pero bago tuluyang sumara ang pader ay nahagip ng mga mata niya ang oil lamp na nakasabit sa dingding.
“Kung may lampara dito, tiyak na may posporo,” lohiko niyang sinabi. Kinapa ang pinagpatungan ng lampara. Isang inaagiw nang posporo ang nakita niya. Nakatatlong palito siya bago niya nasindihan ang lamparang langis.
Tinalunton niya ang maliit na pasilyo na sa pagkakatanda niya’y dinaanan na niyang minsan. Hanggang sa matapos iyon sa isang maliit na silid.
May bahagyang liwanag na naglalagos mula sa bintanilya at bahagya niyang naririnig ang ingay mula sa labas. Paglabas niya’y hahanapin niya ang bahaging iyon ng maliit na bintanilya.
Muli niyang nakita ang isang lumang bangko na hinigaan niya noon. Isang malaking bangkong narra na may mga ukit. Nadako ang pansin niya sa isang malaking study table. Nilapitan niya iyon. Sa bahagyang liwanag na nanggagaling sa labas at ang nagmumula sa lampara ay naaaninag niya ang maraming alikabok at agiw sa mesa.
Napuna niya ang isang luma at munting jewelry box... at isang puting papel. Ibinaba ni Diana ang lampara sa mesa at dinampot ang puting papel na may agiw. Pinagpag niya at binasa ang nakasulat doon.
“Sa susunod na maybahay ng Villa Kristine.”
b
ahagyang nagsalubong ang mga kilay niya. Nagpatuloy sa pagbasa.
“Tanggapin mo ang mga alahas na ito na mula pa sa aking mga ninuno at nawa’y maging maligaya ang pagsasama ninyo ng bagong panginoon ng Villa.”
b
umaba ang mga mata niya sa nakapirma roon.
“Donya Kristine Esmeralda…
oh.” Dinala ni Diana sa dibdib ang lumang sulat. Pagkatapos ay muli niyang tinunghayan at nahagip ng mga mata niya ang petsa kung kailan iyon isinulat.
“Sabado, Mayo 13, 1949. Sa araw na ito ay aking ipinanganak ang
aking panganay na si Romano...”
Hindi malaman ni Diana kung ano ang mararamdaman. Pagkamangha, lungkot, at kaligayahan, at pag-aalangan. Pero hindi takot. Marahil ay iniuukol ni Donya Esmeralda ang sulat na iyon para sa mapapangasawa ng panganay nitong anak, si Romano Fortalejo.
Dinampot niya ang jewelry box at binuksan iyon. Isang tugtugin ang pumailanlang mula sa musical-jewelry box. Isang waltz.
Ang waltz na isinayaw nila ng matandang lawin!
At lalo siyang namangha sa laman ng jewelry box. Mga alahas! Mga antigo at mamahaling mga bato. Isang heirloom!
Para sa iyo ang mga iyan, Diana. At hinahangad ko ang kaligayahan ninyo ng aking anak. Adios, hija...
Love him, Diana... as I loved him...
“Oh!” marahang bulalas ni Diana. “I will, Jewel, I promise ...and thank you,” usal niya kasabay ng pamumuo ng luha sa mga mata. Hindi pinag-alinlanganan kung sino ang may-ari ng huling tinig.
Muling umikot ang tingin ni Diana sa loob ng kuwadradong silid subalit wala na ang mga tinig. Mula sa bintanilya ay ihip ng hangin ang naramdaman niyang pumasok. Kasunod niyon ay narinig niya ang pagtawag ni Bernard sa pangalan niya.
Ibinaba niya sa mesa ang jewelry box at nagmamadaling l
umabas
. Pinanhik ang baitang na
bato at hinila ang pader. Pagkatapos ay yumuko palaba
s.
“Bernard!”
Nagulat pa si Bernard pagkakita sa kanya. Hinagod siya ng tingin.
“Dio,
saan ka nanggaling?” May agiw sa veil at sa wedding gown niya.
“I’ve found the basement, darling,” kumikislap ang mga matang wika niya rito.
“Diana...”
u
miiling si Bernard. Naroon ang alinlangan sa mga mata.
“Manood ka.”
t
umalikod siya at itinulak ang pader na pinanggalingan at sa panggigilalas ni Bernard ay bumukas iyon. Nilingon ito ni Diana na ngumiti. “Naniwala ka na? Pumasok tayo, Bernard...” yakag niya rito at nagpatiunang bumaba bago pa siya naalalayan ng asawa.
Si Bernard ay manghang-manghang sumunod sa asawa habang tinalunton ang pasilyo.
“Dito ako dinala ng matandang lawin, darling.”
i
nilahad niya ang kamay at itinuro ang silid. Kukurap-kurap ang lampara na malapit nang mamatay dahil hindi naman sapat ang langis niyon.
“At gusto kong basahin at tingnan mo ito.” Inakay niya ito patungo sa mesa at ipinakita ang sulat na kulay-brown na halos ang papel.
Pigil ang hiningang binasa iyon ni Bernard. “Kung hindi nakita ng mga mata ko’y hindi pa rin kita paniniwalaan, Diana...” wika nito sa gumagaralgal na tinig. Dinampot ang jewelry box at napahugot ng paghinga. Dinampot isa-isa ang mga alahas. Hindi pa ito nakakapangalahati man lang at muling ibinalik sa loob ng jewelry box.
“Madre de dios!
Alam mo ba kung magkano ang halaga ng mga brilyante, ruby, at emerald, at mga kung ano-ano pang mga batong naririto?”
Umiling si Diana na sinabayan ng kibit ng mga balikat.
“Diana, these jewelries are worth millions of pesos! And these are yours!”
Muling umiling uli si Diana. “No, Bernard. Iwan natin dito ang mga iyan. Aanhin natin ang maraming-maraming pera? Nasa akin ang buong ari-arian ng Lolo. Pag-aari mo ang buong Kristine Group of Companies...”
i
sang buntong-hininga ang pinakawalan niya. “Nalulula ako, Bernard. All I want is for you to love me...” she added softly.
“And I love you,
amore,”
he whispered tenderly.
Hinawakan sa mukha ang asawa and kissed her lips with aching tenderness. Pagkatapos ay inikot ang paningin sa paligid. His eyes misty with
so much emotion, hindi dahil sa mga alahas na iyon, kundi sa pagkakatagpo nila sa basement.
Nangangahulugan iyon ng pagsang-ayon ng dating reyna ng Villa Kristine kay Diana. Nangangahulugan din iyon ng pagsang-ayon ni Senior Leon Fortalejo kay Diana. Hindi man nagkaroon ng pagkakataon si Senior Leon Fortalejo na maipadama rito ang pagmamahal bilang ama ay nasapatan na iyon ng maraming pagsang-ayon.
“Muchas gracias, senior y seniora...”
bulong ni Bernard sa nagsisikip na lalamunan.
Si Diana ay ang tinig ni Jewel ang nasa isip. Imahinasyon man o hindi, tataglayin niya sa puso habang-buhay ang pasasalamat. At alam niya, nararamdaman niyang hindi na niya muli pang maririnig ang matandang lawin.
Nag-alis siya ng bara ng lalamunan. Iginala ang mga mata sa loob ng silid na iyon bago nagsalita. “Sana’y maunawaan ninyo ako kung iiwan ko dito ang mga kayamanang ito, senior, seniora. Ibinigay na ninyo sa akin ang pinakamaganda at pinakamamahaling regalo para sa kasal ko, my husband.”
n
ilingon nito si Bernard na nagsisikip ang dibdib. “Let’s go, darling,” yakag niya sa asawa.
Tumango si Bernard at inakay siya palabas. Pinuno ng dalawa ng hangin ang dibdib nang makalabas ng basement.
“Will you tell them about the basement?” tanong ni Diana.
Umiling si Bernard. “Hindi na kailangan,
amore.
Hindi na kailangan. Mananatili ang Villa Kristine
sa karangyaan nito. Mananatili sa basement ang mga alahas hindi dahil tinanggihan mo kundi para sa darating na panahong may sadyang nangangailangan nito. Alam kong muling ituturo ng Papa at ni Donya Esmeralda ang mga iyon sa karapat-dapat. At tuwina ay para lamang iyon sa susunod na maybahay ng villa.”
i
nakbayan nito ang asawa at hinagkan sa ibabaw ng buhok at inakay pabalik sa maraming mga bisita.
Hindi mapigil ni Diana ang hindi lumingon at ngumiti.
“
Muchas gracias
, senior... hrmp... Papa.”
WAKAS
Marami pong salamat sa inyong pagsubaybay sa pamilya Fortalejo. Sana’y nagustuhan ninyo ang kasaysayan ni Bernard at Diana, bilang pangwakas na serye.
Higit pong maganda ang panibagong kasaysayan ng buhay at pag-ibig na ilalabas ng Kristine Series sa Volume II.
At mula po sa amin ni Amanda at ng aming metikulusong publisher, Muchas Gracias.
MARTHA CECILIA
radicalducati