Get Wild (Fatal Attraction Series 2)

Chapter 23



Chapter 23

C hapter 23

NAGLAGAY ng sulo sina Dock at Geallan sa dalampasigan. Napakasarap sa pakiramdam habang nag-aagaw ang lamig ng ihip ng hangin at init ng katawan ni Dock sa katawan niya. Nakaupo sila sa buhanginan habang nakayakap ito sa likod niya. Sinapinan lang nila ng bulaklaking sarong ang kinauupuan. Nakakulong siya sa mga bisig at hita ni Dock.

Ang mas nagugustuhan ni Geallan ay ang kaharutan ng lalaki. Panay ang halik nito sa batok, leeg at tainga niya habang ang kamay ay malayang dumadama sa dibdib niya. Ipinasok lang nito ang kamay sa T-shirt niya at tinanggal ang pagkaka-hook ng bra. Nakapusod ang buhok ni Geallan kaya malaya nitong napaglalakbay ang mga labi sa lantad niyang batok.

“I missed our sexy time,” bulong ng lalaki sa tainga niya. Sinamahan nito iyon ng banayad na pagdila sa paligid ng tainga at pisil sa magkabila niyang dibdib na bahagya niyang ikinaungol.

Namumungay ang mga matang tinitigan niya si Dock. “A-ako rin,” mabigat ang paghingang sabi niya.

Geallan could hear the desire in her own heavy breathing. Nang ilapat ng lalaki ang mga labi sa mga labi niya, agad siyang gumanti ng halik. The kiss was heated, tongues dueling, lips seeking. Ang mabigat na palad ni Dock sa dibdib niya ay lalong nanggigil.

Panay ang liyad ni Geallan tuwing lalaruin nito ng mga daliri ang namimintog niyang nipple. Diyos ko! Mamamatay yata siya kapag hindi nakaraos. Init na init ang pagitan ng mga hita niya. She could feel her own wetness dampening her panties from front to back. Mahigit isang linggo na silang walang sexual intercourse and her body was screaming for the good fuck.

“Damn, baby! I want to suckle these nipples of yours,” Dock whispered against her lips as he stroked, pulled her rock-hard nipples.

Geallan felt herself melt beneath each word and the need to feel him inside of her grew. “D-Dock!” sabi niya habang isinisiksik ang sarili sa lalaki. Nararamdaman niya ang katigasan nito sa likod niya. Lalo iyong nagpapainit sa kanya.

“You need to come. Don’t worry. I’ll give you an orgasm.” Parang alam na ni Dock ang tahimik na pakiusap niya. That made her core clench. Good lover talaga ang lalaki.

Nakagat ni Geallan ang pang-ibabang labi nang ibaba nito ang cotton shorts at panties niya hanggang hita. Pero nag-alala siya na baka may makakita sa kanila.

Parang nakita ni Dock ang worries niya nang ilibot nito ang tingin sa paligid. “No one can see us here. It’s gonna be quick. I know you want to come and you need it.” Pinagparte ng lalaki ang mga hita niya.

Umungol si Geallan nang dumampi ang malamig na hangin sa pagkababae niya. Wala naman sigurong makakakita sa kanila roon. Madilim sa bandang kinaroroonan nila.

“Oooh…” Geallan gasped, her needs growing by leaps and bounds as he settled his wide hand between her wet thighs.

Dock pushed her hips forward, anxious to feel his expert hand against her flesh. His fingers started touching her wet slit and the rush of heat imploded deep in the center of her core.

Isinandal ni Geallan ang likod ng ulo sa balikat nito habang nakikipaghalikan. Mahigpit ang kapit niya sa batok ng lalaki habang ang balakang ay hindi na makalma nang laruin nito ang clitoris niya.

“Dock…”

Bumaon ang mga daliri niya sa batok ni Dock nang ipasok nito ang dalawang daliri sa basang-basa niyang lagusan habang ang hinlalaki ay patuloy sa pagmasahe sa hiyas niya.

Geallan instinctively moved her hips in the rhythm of his fingers. Hinugot ng lalaki ang dalawang daliri sa pagkababae niya. Nag-focus ito sa pagmasahe sa hiyas niya. Abruptly, the movement of his two fingers increased and the quivering in her belly grew stronger.

Mahigpit na iniyakap ni Dock ang isang braso sa katawan niya nang itinaas pa ni Geallan ang balakang habang malaki ang awang ng bibig at mariing nakapikit ang mga mata.

“Dock!” she cried out, rolling her hips in the air.

Mahigpit ang hawak ni Geallan sa batok nito habang ang isang kamay ay nakakapit sa braso nito. Hindi niya gustong tumigil ang lalaki kahit segundo lang. Iyon na siya! Malapit na malapit na.

“Oooh…” ungol niya nang ipitin ni Dock ang clitoris niya sa dalawang daliri. Banayad nito iyong minasahe.

t aas-baba ang dalawang daliri nito. Masarap! Napakasarap niyon.

Mas pinagparte pa ni Geallan ang mga hita. Wala na siyang pakialam sa hitsura niya. Nakakasira ng ulo ang ginagawa ni Dock. Halos bumaon na ang buong paa niya sa buhangin.

“You’re coming, baby!”

Dock pressed two fingers on her clit and he rubbed it harder, faster. Geallan jerked and quivered, her toes curled under the fine sand as the sexual energies were released.

“Aaah—”

Dock covered her mouth with his hand when she let out a wild cry as the orgasm ripped through her. Nanginig ang mga hita niya habang patuloy pa rin nitong nilalaro ang kanyang hiyas.

“You are noisy,” he chuckled, tapping her clit with two fingers.

Kinagat ni Geallan ang ibabang labi. “S-sorry. Ang sarap kasi!” Hinihingal pa rin siya.

Inayos ni Dock ang suot niyang shorts. Umungol ito at iginalaw ang ulo. “I think I have some scratch marks on my nape.”

Mabilis niyang binitawan ang hanggang ngayon ay hawak pa rin batok. “Sorry.”

Marahang natawa si Dock, saka siya dinampian ng halik sa mga labi.

“Paano ka? I-hand job ba kita rito?”

“Hand job isn’t enough, baby.”

“Blow job?” Her bold question made Dock chuckle.

“I need your naked body more than breathing. Just let me explore every nook and cranny of your physique and penetrate every crevice. Let’s go to my cottage.” Hinila siya ni Dock patayo pagkatapos nitong ayusin ang bra niya.

“Every crevice?” tanong niya.

Sandali, butas ba iyon? Diyos ko! Lahat yata ng butas sa katawan niya na puwedeng pasukan, papasukin ni Dock.

Hawak ang kamay, hinila na siya ni Dock pabalik sa cottage. Hawak naman niya sa isang kamay ang bulaklaking sarong. Pero nagmura ito nang makita sila ng kapatid niya.

“Saan kayo galing? Kanina ko pa kayo hinahanap,” tanong ni Tres.

“Diyan lang. Naglakad-lakad.” Pinisil ni Dock ang kamay niya.

“Pahinga ka na, Brielle. Halika, ihahatid na kita sa cottage mo.”

“No!” sabi ni Dock. “I mean, ako na ang maghahatid sa kanya.”

“Sasamahan ko na kayo.”

Dock huffed as he squeezed her hand. Wala silang nagawa kundi ang puntahan ang cottage niya kasama si Tres. Kanina pa raw naghihintay ang mga ito, kasama sina Alford at Wilson. Mag-iinuman daw. Kasama ni Dock na nagpunta roon si Wilson.

“Hintayin mo ako. Babalik ako rito,” bulong ni Dock nang makapasok siya sa cottage habang ito ay nasa pinto.

“Sige, hihintayin kita,” ganting bulong ni Geallan.

“Halika na!” Tres grabbed the top edge of Dock’s shirt. Hinila nito si Dock palayo sa kanya.

“Sandali nga lang!” Iritado nitong iwinasiwas ang kamay ni Tres.

Marahang natawa si Geallan sa hitsura ng dalawa. Parang mga bata. Muling lumapit sa kanya si Dock. Mahigpit nitong hinawakan ang magkabila niyang pisngi, saka siya hinalikan sa mga labi. Paulit-ulit iyon hanggang sa matawa na siya.

“Hintayin mo ako. `Wag kang matutulog.”

Natatawang tumango si Geallan. Parang ayaw pa nitong umalis, pero hinila na ito ni Tres. Ang kapatid talaga niya, istorbo.

Nagdesisyon si Geallan na maligo para naman fresh siya mamaya kapag kinain ni Dock. Bumungisngis siya sa naisip.

Isinuot niya ang simpleng pajamas. Sayang, wala siyang sexy lingerie. Hindi naman kasi niya alam na susunod si Dock. Tinuyo niya ang buhok gamit ang hair dryer.

Naiisip pa lang ni Geallan ang gagawin ng boyfriend, para na naman siyang sinisilaban. Hindi na siya makapaghintay.

Hindi pa man nag-iinit ang hinihigaan, mararahang katok na ang narinig niya mula sa pinto kaya agad siyang bumalikwas. Pakiramdam ni Geallan, tumalon ang puso niya sa gulat at excitement. Patakbo niyang nilapitan ang pinto at agad iyong binuksan.

“Hi!” Alanganin siyang ngumiti kay Lyca na nasa labas ng pinto.

“Oh, why do you look so disappointed?”

“Ha? Naku, hindi! Halika, pasok.”

Nakakahiya naman. Parang hindi yata maganda ang aura niya. Ini-expect talaga niya si Dock. Pero siyempre, welcome naman si Lyca.

“Hindi pa ako inaantok, eh. Let’s bond.” Itinaas nito ang kamay kung saan hawak ang isang bote ng alak. Sa isang kamay naman ay supot na hindi niya alam kung ano ang laman.

Nilapitan ni Lyca ang maliit na bilog na mesa at inayos ang dala. Assorted nuts na nasa container ang inilabas nito sa plastic. Nilapitan din nito ang maliit na fridge at naglabas ng ice cubes. Kumuha ang babae ng dalawang baso sa glass rack.

Umupo si Geallan sa kama nang iabot ni Lyca ang basong may lamang parang gintong likido.

Ipinatong ni Lyca ang nuts na nasa maliit na wooden bowl sa kama at umupo ito roon. Isinandal nito ang likod sa headboard, inunat ang mga binti. Parang nawala ang uhaw nito nang uminom ng malamig na alak. Parang masarap iyon.

Isinampa ni Geallan ang dalawang paa sa kama at humarap kay Lyca. Uminom siya ng malamig na likido. Pero muntik na niya iyong maibuga nang gumuhit ang init sa lalamunan niya papunta sa dibdib. Parang hinalukay ang kanyang tiyan. Mapait kasi iyon.

Malakas na humalakhak si Lyca dahil sa hitsura niya. “Aw! Hindi ka sanay?”

Pinahid niya ng likod ng palad ang basang mga labi. “Ang pangit ng lasa. Hindi man lang nalukot ang mukha mo kaya akala ko masarap. Akala ko, kasinlasa lang ng wine na iniinom namin ni Dock.”

“Oh, it’s whiskey, sistah .”

“Ang sosyal mo, `no? Kilos, pagsasalita, pagtawa, pati pag-inom, may poise. Nakakailang makipagkaibigan sa `yo.”

“Silly!” Ipinaikot ni Lyca ang mga mata.

Pakiramdam ni Geallan, hindi siya nararapat mapasama sa pamilya Cabral. Kailangan yata niya ng matinding makeover. Kailangan siguro niyang pag-aralan ang pagkilos, pananalita at pananamit para hindi naman nakakahiya. Noong pagtitipon, puro ngiti at tango lang ang ginawa niya sa tanong ng mga sosyal na tao.

Hindi niya alam kung paano kumilos. Pati pag-inom ng tubig, dahan-dahan samantalang siya, tungga ang ginawa. Alam ni Geallan, nilalait na siya ng karamihan base sa ekspresyon ng mukha ng mga ito. Hindi yata siya bagay sa mundong ginagalawan ng mga magulang. Wala pa siyang pinag-aralan.

Tama si Princess, isa pa rin siyang dukha na probinsiyana. Kahit anong bihis ang gawin sa kanya, hinding-hindi siya babagay sa mundong ginagalawan nito at ni Dock. Hindi siya puwedeng i-display. Pambahay lang siya. Gawaing-bahay lang ang dapat niyang harapin.

“You have a good heart, so you belong to us,” sabi ni Lyca na parang nababasa ang nasa isip niya. “You are pure and noble, Ate Brielle. That’s more important. Napapag-aralan ang kilos, pero hindi ang kabutihan ng puso. At `yan ang mahalaga sa pamilya natin.”

“Pero sabi ni Kuya Tres pati na rin ni Ate Leila, `wag daw akong makikinig sa `yo. Wala ka raw matinong sasabihin sa akin.”

“Argh! They are so unfair talaga!” sabi ni Lyca saka ngumuso.

Marahang natawa si Geallan. Brat, pero mabait. Iyon ang tingin niya kay Lyca. Si Leila na may-ari ng shoe store na binilhan nila ni Dock ay kapatid ni Lyca. Anak nina Tita Sarah at Tito Zeus ang dalawa.

Hindi mapigilan ni Geallan na mamangha. Nang lumipat siya sa bahay ng tunay na mga magulang, handa na ang kuwarto niya. Punong-puno ng mamahaling damit, bags at sapatos na disenyo mismo ni Leila ang walking closet. Kanya raw ang lahat ng iyon. Parang kuwarto ng isang prinsesa ang ibinigay sa kanya.

“C’mon, drink up,” Lyca urged her.

“Ay! BI nga.”

Sabay silang nagkatawanan. Kahit na hindi gusto ni Geallan ang lasa, pinilit niyang uminom bilang pakikisama sa BI na pinsan.

“Ahm, Lyca, may itatanong sana ako. Pero huwag kang mao-offend, ha?”

“No one can make me feel bad without my permission. Try me.”

Nakaka-intimidate naman ang paraan ng pagsasalita nito. Sinabayan pa ng pag-inom ng alak. Sana, balang-araw ay maging ganoon din siya. Para naman kapag ininsulto uli siya ni Princess, kaya rin niyang magtaas-noo.

“Kasi sabi ni Dock, si Alford daw, mahilig makipag-sex sa public.”

Nasamid si Lyca. Pinag-aralan niya ang ekspresyon nito. Parang hindi naman galit. Nagulat lang.

“It gave us great pleasure. We both like making out in public,” matapat nitong pag-amin.

“May sinasabi kasi si Alford kanina, pero kinurot siya ni Dock kaya `di natuloy. Alam mo ba kung ano ang hilig ni Dock? Asawa mo si Alford kaya naisip ko, baka may alam ka. Curious lang ako.”

Gumapang si Lyca palapit sa kanya, saka bumulong. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. May pilyang ngiti na muli nitong isinandal ang likod sa headboard.

“The question is… kaya mo ba?”

Tanging paglunok lang ang nagawa ni Geallan. Kaya ba niya?


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.