Get Wild (Fatal Attraction Series 2)

Chapter 2



Chapter 2

C hapter 2

NAKATUKOD ang mga siko ni Dock sa mesa. Ang magkasalikop niyang mga kamay ay nasa ilalim ng baba. Tinitingnan niya si Geallan na nakaupo sa harap niya.

Kasalukuyan silang nasa lanai yacht charter sa upper deck, magkaharap na nakaupo sa mesa habang pinagsasaluhan ang almusal. Pinagpalit muna niya si Geallan ng damit. May mga damit pambabae naman sa yate. Damit ng mga kapatid niyang babae. Minsan, ang mga ito ang gumagamit sa yate kaya may gamit ang mga ito roon.

“Hmm… Ang sarap-sarap naman nito.”

Geallan looked so happy chewing as she hummed with not a care in the world. Parang nakalimutan na rin ng babae na kasama siya nito. Bawat detalye ng mukha nito, sinuri ng mga mata ni Dock. Imposibleng makalimutan pa niya ang hitsura nito sa ginagawa niyang pagtitig.

Napakaganda. An innocent beauty that was somewhat hard to find nowadays. Geallan was carefree and didn’t even try to impress the people around her.

Dock cleared his throat to get her attention. But it was no use dahil parang wala itong balak na pansinin siya.

“Bakit mag-isa kang nangingisda? Wala ka bang kapatid na lalaki o `di kaya naman, ang tatay mo? Sila dapat ang gumagawa ng ganyang trabaho.”

Natigil sa pagnguya si Geallan. Nag-angat ito ng tingin. Ang kasiyahan sa mukha nito ay napalitan ng kalungkutan. She gave him a sad smile. Inabot nito ang fresh orange juice at uminom matapos maubos ang laman ng bibig.

“Dalawa lang kaming magkapatid. Parehong babae. Si Tatay naman, matagal nang patay. Dati kasi, may kasama akong nangingisda. Kaya lang…” Lalong binalot ng kalungkutan at sakit ang mukha nito. Parang may masakit na alaalang bumalik.

“Kaya lang?” Dock urged her.

Geallan smiled sweetly, obviously masking the pain. “Kaya lang wala na, eh,” she said with a shrug. “Ikaw, bakit ka nandito?” tanong nito, parang pilit iniiba ang usapan.

“Namasyal lang.”

Tumango-tango ito, saka muling sumubo. “Ang ganda ng yate mo. Puwede ba akong umikot dito bago umuwi?”

“Sure.”

Pagkatapos mag-almusal, inikot nga niya si Geallan sa buong yate. She was highly impressed with every part of the yacht. Panay ang pagsabi ng “wow.” Nang buksan ng babae ang isang pinto at sumilip sa loob, muli itong suminghap.

Nilingon siya ni Geallan. “Kuwarto mo ba `to?”

Tumango si Dock. “Pasok ka para makita mo.”

Nasa mukha nito ang pag-aalangan. Alam na niya ang nasa isip ng babae.

“Just trust me. Wala akong gagawing masama sa `yo,” he assured her.

Tipid itong ngumiti, saka pumasok. Sumunod naman siya.

“Ang ganda!” Lumapit si Geallan sa kama, saka iyon hinaplos. Bahagya nitong idiniin ang kamay sa kama nang ilang beses, parang sinusuri ang kalidad niyon bago umupo at nag-bounce.

Dock leaned against the door frame, his arms folded across his chest. Silently, he had watched Geallan bouncing on the edge of the bed, awed by her form and her sheer innocent beauty.

Para itong bata na ngayon lang nakaupo sa kutson. Her features were delicate, creating an overall impression of sweetness. The delicate shape of her slender neck and shoulders drew his eyes. The thin straps of her bright yellow dress revealed the delicate ridges of her shoulder blades, collarbones and upper arms. It was intriguing and it made him want to run his tongue along her skinny shoulders.

He wondered if her skin would feel smooth as it looked. Posible bang maging smooth ang balat ng babae na laging nakabilad sa araw?

Bumaba ang tingin ni Dock sa payat nitong braso. Ano kaya ang pakiramdam kung nakapaikot ang mga braso ni Geallan sa leeg niya habang magkapatong sila sa kama at parehong hubo’t hubad?

His body was already responding to the thought of her naked beneath him, making his cock swell to full attention.

“Puwede ko bang tingnan ang banyo?”

The sound of Geallan’s voice cut through his half-baked fantasies. Dock blinked several times before drawing his gaze back to her face.

Fuck! Kung ano-ano ang naiisip niya. Kung nakakabuntis siguro ang pagpapantasya, baka nabuntis na niya ang babae.

“S-sure.”

Tumakbo si Geallan sa nakasarang pinto. Since iyon lang naman ang pinto sa loob ng cabin niya, she assumed that it was the bathroom.

“Calm down, fucker!” mahinang sabi ni Dock sa alaga niyang buhay na buhay na ngayon sa loob ng briefs.

Sumunod siya kay Geallan. Buong paghanga itong nakatingin sa Jacuzzi, pinadaanan ang gilid niyon ng mga daliri na parang isa iyong mamahaling bagay na maingat na hinahaplos. Ibinaling nito ang tingin sa kanya. “Sobrang ganda ng kuwarto mo. Alam mo bang malaki pa ang cabin mo sa buong bahay namin? As in, malaki!”

Marahan siyang natawa. He stepped aside, allowing Geallan to walk past him.

“Pangarap kong magtrabaho sa isang cruise ship. Malaki raw kasi ang suweldo. May ideya ka ba kung magkano ang suweldo sa barko?” Nilapitan nito ang porthole ng cabin at sumilip doon.

“Depende sa posisyon mo at sa kompanya. The average salary of housekeeping is around one thousand five hundred to three thousand five hundred dollars per month.”

Geallan spun around on her heel with a priceless expression, causing him to chuckle. Para itong nakatanggap ng magandang balita. “Talaga? As in?”

Nakangiti siyang tumango.

“Wow! Ang laki na pati ng dollar ngayon.”

“Ano ba ang tinapos mo?”

Ang excitement sa mukha ng babae ay napalitan ng kawalang pag-asa sa naging tanong niya. “Wala, eh.”

Nilapitan ni Geallan ang bedside table at kinuha ang alarm clock. Curious na tiningnan nito ang ilalim niyon nang mapansing may magnet iyon. Hinaplos nito ang ilalim. Sadyang magnetic ang ilang gamit niya roon to hold them in place kapag maalon.

“High school lang. Pero nagtrabaho naman ako sa isang resort noon bilang housekeeping. Kaya nga lang, umalis din ako agad. May sinuntok akong guest, eh. Ang bastos kasi!”

Ibinalik ni Geallan ang alarm clock sa kinalalagyan. Umupo uli ang babae sa gilid ng kama, hinaplos ng dalawang palad ang gray sheet. Bigla na lang nitong ibinagsak ang katawan sa kama habang nakataas ang dalawang braso sa uluhan, saka ipinikit ang mga mata.

“Ang sarap sa likod,” sabi nito.

Dock couldn’t help but stare at her and take in every inch of her delicate frame. From her sun-kissed skin to her thin, appealing lips and to her ample breasts.

Here he was again, experiencing that familiar desire. The sight of her sent an icy chill through him, making his dick lurch involuntary.

Dock released a heavy huff, trying to diminish his uncontrollable sudden arousal. Tiningnan niya ang cell phone na nasa ibabaw ng bedside table nang mag-ingay iyon. May signal naman doon dahil malapit lang din sa isla.

Kinuha ni Dock ang cell phone. Nang makitang si Princess lang ang tumatawag, hindi na niya pinagkaabalahang sagutin. In-off niya ang cell phone at ibinalik sa magnetic holder.

Princess was his ex-girlfriend. Makulit ito at parang nakalimot na sa rules niya. The relationship that he wanted and invested had a termination date. A one-month rule that Dock had always honored. Hindi lalagpas sa isang buwan, tinatapos na niya ang relasyon. At alam ng mga nakakarelasyon niya ang bagay na iyon. Kaya kung bibilangin ang naging girlfriend niya, kulang ang lahat ng daliring mayroon ang isang tao.

Karamihan sa mga babaeng nakarelasyon ni Dock, nakikiusap na huwag muna niyang tapusin ang relasyon. Pero hindi siya pumapayag. Lalo niyang hindi ine-extend ang pakikipagrelasyon kapag ganoon na ang demand ng mga babae.

Hindi niya gustong makasakit. Kaya nga bago pumasok sa isang relasyon, ipinapaalam niya sa mga babae ang one-month rule niya. Nasa mga ito kung papayag o hindi. Once na matapos ang isang buwang relasyon, hindi na siya nakikipag-ugnayan sa mga ito.

Pero di-hamak na matinong lalaki naman siya kumpara sa kaibigan niyang si Alford. Eh, ang isang iyon, titikman lang ang babae at iiwan na lang basta. Cuddling after sex was not Alford’s habit. According to that fucker, that kind of act showed that a man was ready to form secure attachments, was comfortable with affection and wanted a woman for more than a booty call. Ayaw nitong isipin ng babae na may pupuntahan ang isang gabing pagniniig.

He was different. Dock made his woman feel special. He would do things that make her feel cherished as a woman. Gusto niyang maganda ang memories niya sa mga nagiging girlfriend. Sa loob ng isang buwan, they let them own him. Hindi siya titingin sa ibang babae. Wala siyang pakialam kung maging clingy man ang mga ito. Gagawin niya kung ano ang tingin niyang ginagawa dapat ng isang mabuting boyfriend. But once it ended, it ended. No extension.

So far, si Princess ang pinakamatagal niyang naging karelasyon. Ito lang ang pinayagan niyang bumalik sa buhay niya matapos ang relasyon nila noon. Pumayag siyang makipagbalikan sa babae, pero muli rin niyang tinapos ang relasyon nila pagkaraan ng dalawang buwan. Medyo nagiging creepy na ang dating ng babae. Paminsan-minsan na itong nagbubukas ng usapin tungkol sa future. Wedding and children, for Christ’s sake. Wala iyon sa plano niya.

Muli niyang tiningnan si Geallan. Nakahiga pa rin ito at nakapikit. Tulog na ba ang babae? Hindi gumagalaw at medyo humihilik.

Humakbang si Dock palapit sa babae. Hinawakan niya ito sa tuhod at marahang niyugyog. “Geallan?”

Sa halip na sumagot, tumagilid lang ito sa pagkakahiga. Tulog nga.

He put his hands on his hips, shaking his head. How could she sleep in a place surrounded by strangers? Hindi man lang ba nito naisip na puwede itong mapahamak? Such carelessness!

Itinukod ni Dock ang dalawang kamay sa kama, sa magkabilang gilid ni Geallan at marahang gumapang sa ibabaw nito hanggang sa magpantay ang mga mukha nila. Hinawi niya ang buhok nitong tumabing sa mukha. Malapad siyang napangiti nang humilik ang babae nang mas malakas. Mukha talaga itong puyat. Inayos niya ang pagkakahiga nito, saka umupo sa gilid ng kama.

Malaya niyang napagmasdan ang mukha ng babae. Nakakapanghinayang na ibinubuhos nito ang oras sa pangingisda sa halip na magkaroon ng magandang trabaho. Ano kaya kung alukin niya ito ng trabaho? He owned a cruise line at ilang barko ang pag-aari nila na naglalayag sa iba’t ibang panig ng kontinente. He could help Geallan if he wanted to.

Hinawakan ni Dock ang mukha nito at masuyong hinaplos. He ran his thumb across her lips. Moist and tempting. His lips parted involuntarily, wanting to taste her soft lips. Kanina, habang nasa ilalim sila ng tubig, hindi niya mapigilang kagatin at sipsipin ang mga labi nito. He wanted to taste these luscious lips again.

Wala sa loob na hinaplos niya pababa ang leeg ng babae, humaplos sa collarbone nitong litaw na litaw. His eyes drifted down, stopping at her breasts. Gusto niya iyong hawakan. Gusto niyang madama ang dibdib nito sa kanyang kamay. Dock wanted to feel her bare breasts crushed against his chest. Humaplos pababa ang daliri niya, pero bago pa man abutin ang hindi dapat abutin, ikinuyom na niya ang kamay.

“What the hell am I doing?”

Kailan pa siya naging manyak at pati sa babaeng walang kamalay-malay, kung ano-anong kahalayan ang iniisip niya? Geallan trusted him, for goodness sake!

Bago pa makagawa ng bagay na pagsisisihan, agad na tumayo at lumabas ng kuwarto si Dock.

“Boss, nasaan na `yong chick?” tanong ni Nognog.

“Nakatulog, eh.”

Nakakalokong ngisi ang isinagot nito. “Pinagod mo, `no? Lupit mo talaga!”

“Sira-ulo! Sabihin mo sa chef, sarapan ang pananghalian.”

“Pampabalik-lakas ba?”

Sinuntok niya si Nognog sa braso habang magkasabay silang naglalakad papuntang bridge. “Wala akong ginawa kay Geallan. Ano’ng akala mo sa akin?”

“Matinik ka, eh. Titig mo pa lang, kaya mo nang paghubarin ang babae.”

Malakas na humalakhak si Dock. Matagal nang nagtatrabaho sa kanya si Nognog bilang deckhand. Kaya kung mag-usap sila, parang magkatropa lang.

BUMALIKWAS si Geallan. Inilibot niya ang mga mata sa kuwarto at agad na sinuri ang sarili. Kumpleto pa naman ang damit niya, hindi naman masakit ang pagitan ng mga hita niya. Wala naman sigurong ginawang masama sa kanya si Dock.

Bakit ba naman kasi siya nakatulog? Nang lumapat ang likod niya sa malambot na kama kanina, para siyang hinila ng matinding antok. Iyong comfort na inaakala niyang hindi nag-e-exist, naramdaman niya kanina. Napakasarap at gusto niyang samantalahin kaya ini-relax niya pansamantala ang isip. Pero nakatulog naman siya.

“Alas-tres na!” sabi ni Geallan nang makita ang orasan sa bedside table. Ang haba ng naging tulog niya. Bakit hindi man lang siya ginising ng lalaking iyon?

Agad siyang tumayo at lumabas ng cabin. Eksakto naman na nasa labas si Nognog. Nagma-mop ng sahig.

“Gising ka na pala, Miss Geallan.”

“Nasaan si Dock?”

“Nasa upper deck. Puntahan mo na. Hindi pa `yon nanananghalian. Hinihintay kang magising, eh.”

Ano naman ang kinalaman niya sa hindi pagkain ng pananghalian ni Dock? Hindi naman siya ang cook. “Sige, salamat.”

Pinuntahan ni Geallan ang upper deck, pero hindi naman niya nakita roon si Dock. Maging sa lanai yacht charter, wala rin ang lalaki.

“Nasaan `yon?” sabi niya habang inililibot ang mga mata.

Lumapit siya sa railing at humawak doon. Sumilay ang ngiti sa mga labi niya nang makita ang karagatan. Hindi na niya matandaan kung kailan huling na-appreciate ang kagandahan ng karagatan.

Dagat. Iyon ang paborito niyang lugar. Katahimikan ang hatid niyon sa kanya. Mas gusto ni Geallan ang pumapalaot. Mas nakukuha niya ang katahimikan na ipinagdadamot ng bahay nila.

Pero sa kabilang banda, may hatid ding kalungkutan ang dagat, lalo na kapag naaalala niya ang pagkamatay ng ama.

Nalunod ang ama ni Geallan dahil sa kanya. Nang itulak siya ng kapatid sa bangka at iniligtas siya ng ama, ito ang namatay. Inatake ito sa puso at hindi na nagawang makaahon pa. Mula noon, mas pinagmalupitan siya ng ina at kapatid. Sa kanya ibinunton ng mga ito ang lahat ng sisi.

Walang araw na hindi siya sinasaktan ng ina. Kung walang kapitbahay na nagmamalasakit, mas malala pa siguro ang nangyari sa kanya.

Nakapag-aral si Geallan dahil inilapit ng kapitbahay nila sa barangay ang hindi pagpapaaral sa kanya ng ina at sa halip, pinagtatrabaho siya sa batang edad. Natakot naman ang kanyang ina na isumbong sa DSWD kaya napilitan itong pag-aralin siya sa pampublikong paaralan sa kabilang isla.

Iyon nga lang, hindi na siya nakapagkolehiyo. Sinabi niya sa ina na gusto niyang magbarko, pero tinawanan lang siya nito. Mabubulok daw siya sa isla dahil doon lang siya nararapat.

Hindi naman niya masisisi ang ina kung bakit ganoon na lang ang galit sa kanya. Anak siya ng kanyang tatay sa ibang babae. Hostess daw ang kanyang ina sa isang club sa Maynila at iniwan siya sa ama nang maipanganak.

Minsan, ang unfair ng buhay. Hindi maiwasan ni Geallan na tanungin ang Diyos. Bakit ganoon ang pinagdadaanan niya? Kahit na kailan, hindi niya naranasan ang yakap ng isang ina. Madalas, naiinggit siya sa kapatid na si Alice. Ibang-iba ang trato ng ina sa kanilang magkapatid. Lagi itong niyayakap at hinahalikan. Iginapang ang pag-aaral, pero hindi naman nakatapos ang kapatid niya. Pero ayos lang iyon sa kanyang ina.

Ibinuka ni Geallan ang mga braso at ipinikit ang mga mata. Gusto niyang makalaya. Pakiramdam niya, napakaliit ng Isla Liwanag. Parang isang maliit na isla na siya lang ang nandoon. Anumang oras, puwede iyong kainin ng dambuhalang alon kasama siya. Gusto niyang hanapin ang sariling ina. Gusto niyang makilala ang tunay na ina. Gusto niyang maramdaman ang pagmamahal ng sariling ina.

Habang nakapikit, bigla na naman sumingit sa isip ni Geallan ang laging napapanaginipan. Weird, dahil sa panaginip lang niya iyon nakikita at hindi sa ganitong pagkakataon.

Tumatakbo ang bata sa dalampasigan habang ang babae ay nakaluhod. Nakabuka ang mga braso para salubungin ang bata habang isang lalaki ang humahabol sa bata.

“Hurry up, sweetie!” s igaw ng babae.

“Daddy is approaching!”

Lalong tumili ang bata. Nang marating nito ang kinaroroonan ng babae, binuhat ng babae ang bata. Hinalikan nito ang batang panay ang bungisngis. Ang lalaki naman, ikinulong ang mag-ina sa mga bisig nito.

“I love you, my queen and princess,” paglalambing ng lalaki sa mag-ina habang nakatingin sa papalubog na araw.

“Daddy, Mommy, Brielle!”

Nap akunot-noo si Geallan nang may sumingit na bagong alaala. Boses ng isang batang lalaki. Sino ba talaga sila? Bakit hindi na lang sa panaginip niya iyon sumusulpot?

Mas mariing ipinikit ni Geallan ang mga mata, pilit na binibigyan ng mukha ang mga tao sa alaala. Pero naputol ang alaalang iyon nang maramdamang may lumapat sa kanyang likod at hinawakan ang mga kamay niya.

“Iniisip mo ba na nasa Titanic ka at ikaw si Rose? I think you need me as your Jack.”

Nagmulat siya ng mga mata at hindi nakakilos nang maramdaman ang mainit na hininga ni Dock sa likod ng kanyang tainga. Parang biglang nanghina ang mga tuhod niya.

Bahagyang ipinaling ni Geallan ang ulo para tingnan ang lalaki. Wrong move. Gustong bumigay ng mga tuhod niya nang makita ang guwapo nitong mukha. She grasped his hands as their arms spread wide. Ang guwapo ng lalaking ito. Ang makakapal na kilay ay nagbigay ng lalaking-lalaking features sa ubod-guwapong mukha nito.

Kakaiba ang mga mata ni Dock. His eyes contained hues of green, amber and even blue. Nag-iiba-iba ang kulay niyon. Parang kanina, mas dominant ang amber, pero ngayon, equal ang lahat ng kulay. Nakaka-amaze.

Ang ilong, hindi perfect ang cut na katulad ng sa mga Egyptian, pero bagay kay Dock. Unique ang hugis ng ilong nito. Matangos.

Ang mga labi…

Napalunok si Geallan nang mapatingin sa hindi kakapalan at hindi rin manipis na mga labi. Napakapula niyon. Malambot ang mga labi ni Dock. Nakalimutan niyang nasa panganib siya kanina nang ilapat nito ang mga labi sa kanya. Hanggang ngayon, nararamdaman pa rin niya sa mga labi ang malambot nitong mga labi. Pakiramdam niya, kinakagat-kagat at sinisipsip pa rin nito iyon. Parang gusto uli niyang maramdaman ang mga labi ng lalaki sa kanya.

Unti-unting napangiti si Dock. Lumitaw ang pantay na pantay at mapuputi nitong ngipin. “You want to kiss me?”

Kumurap si Geallan at mabilis na kumawala sa pagkakahawak ng lalaki. Napako na pala ang tingin niya sa mga labi nito nang matagal.

“Namangha lang naman ako kasi sobrang guwapo mo,” matapat niyang sabi. Pero hindi na sinabi na pinagpapantasyahan niya ang mga labi nito. Hindi niya aaminin iyon.

Hinawakan ni Dock ang kamay niya, saka pinisil. “Kain na muna tayo. Gutom na ako. Ang haba ng tulog mo,” sabi nito, saka siya hinila pababa sa lanai charter. “Sa susunod, huwag mong gagawin ang matulog sa lugar na hindi mo naman kilala ang mga kasama mo. That’s a reckless action, babe. Mapapahamak ka.”

Hindi niya napigilang pisilin ang kamay ni Dock dahil sa sinabi nito. Tama ito. Nakakahanga rin na wala itong ginawang masama sa kanya. May ganitong lalaki pa pala. Pero naguluhan si Geallan. Bakit siya tinawag na “babe” ni Dock? Pero… ang sarap pakinggan niyon.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.