Chapter 4
Chapter 4
Chapter Four
“A N O’NG...!” Gulat na napahinto sa paghakbang papasok si Franco Navarro sa nakita.
Si Alaina ay biglang inabot ang duster sa di-kalayuan at itinakip sa sarili. Gusto niyang mag-panic. Mabuti na lang at ang kabuuan niya’y natatakpan ng katawan ni Nick.
“Lumabas ka,” marahang utos ni Franco bagaman naniningkit ang mga mata. Nang mag-atubili si Alaina ay umatras ito at hinintay ang dalaga sa labas ng pinto upang bigyan ng panahong makapagbihis.
Si Alaina na halos mawalan ng kulay ang mukha ay hindi malaman ang gagawin nang lumabas ng pinto. Sinilip ni Franco si Nick. Tulog pa rin ito. Muling banayad na isinara ang pinto at hinabol si Alaina na nasa labas na.
“Gusto kitang makausap!” galit nitong sigaw.
Lalong natakot ang dalaga. Takot na lalong nadagdagan nang matanaw si Nana Tonia na bumababa mula sa isang karomata.
Ang matanda man ay nagulat nang makita si Franco.
“Senyor Franco...”
“Kung hindi ako nagkakamali ay ikaw si Antonia,” baling ni Franco sa matanda.
“Opo. Napasyal po kayo,” sagot ni Nana Tonia.
“Kaano-ano mo ang babaeng ito?” Itinuro nito si Alaina na halos wala nang kulay ang mukha. Ganoon na lang ang pagnanais ng dalaga na bumuka ang lupa at lamunin siya.
“B-bakit po, Senyor?”
“Siya ang tanungin mo kung bakit, Antonia,” nakatiim ang mga bagang na sagot ni Franco. “Hindi ko alam kung gaano katagal na ninyong ginagawa ni Nick ang bagay na iyon, babae. Pero titiyakin ko sa iyong ito na ang huli.”
“A-ano po ba ang sinasabi ninyo?” patuloy ni Nana Tonia na nalilito at pinaglipat-lipat ang tingin sa matandang Navarro at kay Alaina.
“Paalisin mo siya ngayon din sa asyendang ito, Antonia!”
Parehong nanlaki ang mga mata ng dalawang babae. “S-Senyor, h-hindi po maaari. Wala po siyang matutuluyang iba. P-pinahintulutan siya ni Nick na dumito.”
“Natural.” h alos umismid si Franco sa narinig. But he couldn’t fault his son’s taste, maganda ang babae. May dinukot ito sa bulsa. Pagkatapos ay iniabot sa natilihang matandang babae ang nakatuping salapi.
“Tanggapin mo ang halagang ito at ibigay sa kanya. Gamitin mo sa tamang paraan.” s inulyapan nito si Alaina na naningkit ang mga mata sa matinding galit na naramdaman. Pero hindi nagsalita gaputok man. “At huwag ka nang pakikita pa kay Nick!” Pagkasabi niyo’y tumalikod si Franco.
Si Nana Tonia ay hindi makapaniwala sa nangyari nang marinig ang lahat kay Alaina.
“Ikinalulungkot ko po, Nana Tonia. Patawarin ninyo ako,” pahikbing wika ng dalaga.
“Ang anak na ire,” nanlumong wika ng matandang babae na napaupo sa silya. “Paano ka ngayon? Hindi gusto ni Senyor Franco na manatili ka pa rito. At ano ang gagawin ko, Alaina? Hindi ko maaaring iwan ang gawain ko dito. Kailangan ng Tata Resting mo ang pensiyong ibinibigay ng mga Montaño sa kalagayan niya,” naguguluhan at nag-aalalang wika ni Nana Tonia.
“Patawarin ninyo ako sa suliraning ito, Nana Tonia. Pero huwag po kayong mag-alala. Luluwas po ako ng Maynila. Hahanapin ko ang kapatid ng Inay. Hindi ho sinasadyang matuklasan kong may kapatid ang Inay.” Hindi na niya sinabing hindi siya nakatitiyak na tatanggapin siya ng tiyahin matapos ang ginawa ng mga magulang niya.
Si Nana Tonia ay nanlulumong tinitigan ang dalaga. Gusto nitong panhikin sa itaas si Nick sa pagsasamantalang ginawa nito kay Alaina.
“Wala kayong alam, Nana Tonia. Nakikiusap ako. Sapat na ang kahihiyang dinanas ko ngayon.” p inigil niya ang mapahikbi. Sa kabilang banda’y kasalanan niya. Nagpatangay siya.
“Gamitin mo nang matalino ang perang ito, Alaina. Gamitin mo sa pag-aaral mo. Malaking halaga din ito.” i binaba ng matanda ang bungkos ng salapi sa ibabaw ng mesa.
Sampung libo! Malaking pera sa isang tulad nilang mag-asawa. Subalit sa isang tulad ni Alaina, ano ang magagawa niyon?
SI NICK ay sapo ang ulong bumangon at umupo sa carpet. Pilit niyang ipinipilig ang ulo sa sakit. Sinulyapan ang nakabukas na bintana. Palubog na ang araw.
Pagkatapos ay biglang may sumagi sa isip. Mabilis na tumayo at nilinga ang paligid. Ano ang nangyari? Niyuko niya ang sarili. His blue jeans unzipped. His briefs—ano ito?
May brownish stain sa briefs niya?
Si Alaina! Napanaginipan niya ang dalaga. Napanaginipan nga ba niya o naroon talaga si Alaina?
Did he—did he—? Of course, he did! Nagtatalo ang isip na mabilis siyang lumabas ng library. Nagulat pa siya nang makitang nasa sitting room si Franco at nakatayo sa tabi ng bintana.
“Ano ang ginagawa mo dito?”
“Gusto kitang makausap, Nick,” sagot ni Franco na hinagod ng tingin ang anak. Gulo ang buhok. Nangingitim ang tumutubong balbas sa mukha. Unzipped and unsnapped jeans and naked from the waist up. “Some executive,” matabang nitong sinabi.
“Nag-resign na ako mula sa kompanya bilang assistant vice president, Navarro. It’s high time na harapin ko naman ang negosyong naiwan sa akin ni Jerome.” Muli niyang sinapo ang tila mabibiyak na ulo.
Tumikhim si Franco. “Alam mo bang ito ang ikatlo o ikaapat na pagtuntong ko dito sa Villa Montaño?” Inikot nito ang paningin sa kabahayan. Hindi pinansin ang isinagot ng anak tungkol sa resignation.
“You seldom come down from your throne, Navarro,” sarkastikong sagot niya. Lumakad patungo sa dining room. Nagbukas ng ref at kumuha ng malamig na tubig.
“I did now,” ani Franco mula sa likod.
“Ano ang gusto mo?” baling niya sa matandang lalaki pagkatapos uminom mula sa pitsel. Pagkatapos ay unti-unting ibinuhos sa mukha ang natitirang laman. Napapailing si Franco.
“I need you.”
“My resignation is irrevocable at...”
“Ako ang nangangailangan sa iyo, Nick,” agap ni Franco. “Hindi ang kompanya.”
“Too bad, Navarro,” pailing niyang sagot. Nasa mga mata ang pagkasuklam. “Dahil hindi kita kailangan. Buong buhay ko’y nasa ilalim ako ng dikta ninyo ni Jerome...”
“Wala akong kinalaman sa paraan ng pagtrato ni Jerome sa iyo. You were under me because you were my employee.”
“Huwag na nating pag-usapan iyan. It bores me.” Pumanhik sa hagdan ang binata patungo sa sariling silid sa itaas. Kasunod pa rin si Franco.
“Ano ang gusto mong gawin ko, Nick? Lumuhod at humingi ng tawad?”
Tumaas ang kilay ni Nick sa sarcasm na nasa mukha. “Oh, no. Wala kang kasalanan. Sinabi ng Mama. The high and mighty Franco Navarro, laging acquitted sa lahat ng mga kasalanang ginawa dahil sa pag-ibig ng mga adoring females. How lucky can you get.” p uno ng panunuya ang tinig niya. Hinubad ang maong at briefs at humugot ng tuwalya mula sa closet.
“Shit, Nick! Pinahihirapan ako ni Bea at ganoon ka rin. Ano ba ang gusto ninyong gawin ko sa nangyari?” Tumaas ang boses nito.
“Nothing, Navarro,” malamig at walang emosyong wika nito. “Just leave me alone.” n aroon ang finality sa tinig.
Mahabang katahimikan ang namagitan. Nagsusukatan ng tingin ang dalawang lalaki. Unang nagbaba ng tingin si Franco at nagbuntong-hininga. Humakbang patungo sa pinto. Subalit lumingon bago tuluyang lumabas.
“Alam kong hindi mo pa matanggap nang madali ang lahat, Nick. Pero gusto kong malaman mong hinihintay ka namin and I’m so glad, real glad that you’re my son.” n anatiling hindi sumasagot si Nick at nakatitig lang. “Sa kabila ng ang alam ng lahat ay si Jerome ang ama mo, in my own ways, have I not loved you, son?” he added softly. Pagkatapos ay tuluyan nang lumabas.
Si Nick ay nagtuloy sa banyo. Binuksan ang shower at itinapat ang sarili. Sinisikap na alalahanin ang nangyari sa library.
radicalducati