Chapter 21
Chapter 21
NANG magising si Raine kinabukasan, wala na sa tabi niya si Tyron. Akala niya ay bumalik lang ito sa kuwarto nito, pero hanggang sa gumabi na ay hindi pa rin niya nakita ang binata.
Kaya naman nilapitan niya si Tita Marian na abala sa paghahanda ng hapunan nila. “Tita?”
Nakangiti ang ginang nang bumaling sa kanya. “Yes, hija?”
“Ahm…” Nag-aalangan siyang magtanong pero kailangan niyang malaman kung nasaan si Tyron. Kailangan nilang mag-usap. “N-nasaan po si Tyron?”
Tita Marian’s eyes lit up like newly installed Christmas lights. “Oh, si Tyron? Hinatid niya si Careen sa Manila. Kaninang madaling-araw sila umalis.”
A lightning of pain struck her heart, burning it and turning it into ashes. Magkasama na naman sila ni Careen? Pero sabi ni Tyron, hiwalay na sila noon pa? Nagsisinungaling ba ito sa kanya?
Nagbaba si Raine ng tingin para itago ang panunubig ng kanyang mga mata. “Ganoon po ba? Sige po. Salamat.” Tumalikod na siya at nagtungo sa kanyang silid.
Nang makapasok, kaagad niyang inayos ang mga gamit. Pagkalipas ng isang oras ay natapos na siyang mag-ayos.
Habang nakaupo sa gilid ng kama, naalala ni Raine ang pinagsaluhan nila ni Tyron kagabi. She can still remember it like it only happened a minute ago. She can still remember how he touched her and how he pleasured her in more ways than she can imagine.
Sa halip na mag-emo, napagdesisyunan niyang pumunta sa garden. Pero nang makalabas ng silid, napatigil siya sa paglalakad nang makita na medyo nakaawang ang pinto sa silid ni Tyron.
She’d never been in his room so she got curious.
Itinulak ni Raine pabukas ang pinto at pumasok sa silid nito. Hindi niya napigilan ang sarili na mahiga sa kama nito. God! It smelled like Tyron. Sana umuwi ito ngayon. Bukas, aalis na sila at may posibilidad na hindi na niya ito makita. Kahit hindi siya nito mahal, gusto niyang sabihin dito ang nararamdaman niya bago siya umalis.
Sana umuwi siya.
Tumagilid ng higa si Raine at inamoy ang unan na gamit ni Tyron. It smelled like him. God. She’ll miss him when she got home.
Makikita ko pa kaya siya?
Iyon ang katanungan na paulit-ulit na tinatanong ng puso at isip niya.
Ipinikit ni Raine ang mga mata. Kung hindi pa siya ginising ng mommy niya ay hindi niya malalamang nakatulog siya.
“Mom?” Kinusot niya ang nga mata. “Ano’ng ginagawa n’yo rito?”
Her mother smiled. “Mag-aagahan na tayo.”
Napamulagat siya. “Ano? `Di ba, maghahapunan—”
Napailing-iling ang ina. “You slept through the night, sweetie. Hindi ka namin ginising kasi ang himbing ng tulog mo habang yakap ang unan ni Tyron.”
Nag-iwas siya ng tingin nang mabanggit ang pangalan ng binata na bumabaliw sa puso at isip niya.
Bumangon si Raine at bumaba sa kama. “Magre-ready na po ako. Kailangan before lunch nasa airport na tayo,” aniya at sinuklay ang buhok gamit ang kanyang mga daliri. “One PM ang flight natin—”
“Sweetie, we could stay if you want.” Her mom cut off her rambling.
Pilit siyang ngumiti. “We have to go, Mom. Kailangan natin asikasuhin ang insurance ni Daddy.” Iyon lang at lumabas siya ng silid ni Tyron at pumasok sa loob ng kanyang kuwarto para maghanda sa pag-alis nila.
TWELVE noon. Hindi mapakali si Tyron habang nakatingin sa entrance ng airport. He kept on pacing back and forth.
Shit! Wala pa si Raine. Nasaan na kaya `yon?
And then his phone beeped; a sign that someone messaged him. Mabilis na binasa niya ang text at napangiti nang mabasang galing iyon sa pinakamamahal niyang ina.
The text said, ' we’re coming.’
Humugot siya ng isang malalim na hininga, ibinalik ang cell phone sa bulsa, saka humarap sa mga kaibigan niyang nagboluntaryong tumulong sa kanya.
“You—” Itinuro niya si Lander. “You will play the music. Madali lang naman `yon. You just have to hit the play button.”
Tumango lang ito.
Bumaling siya kay Iuhence. “The petals. The flowers. Ikaw na ang bahala do’n.”
Nag-thumbs-up ito sa kanya. “Don’t worry. I’ll be the best florist.”
Napailing-iling si Tyron at tumingin kay Dark. “Hindi ko alam kung ano’ng ginagawa mo rito, but since you are already here, I want you to stay out of my sight and Raine’s, too.”
Dark grinned wickedly. “Sure. I can do that. But in return you will let me invest in your company.”
Napabuntong-hininga siya. Hindi talaga ito titigil hangga’t hindi niya ito hinahayaang mag-invest sa kompanya niya. Mabuti na lang at nagustuhan niya ang paliwanag nito kaninang umaga nang mag-volunteer ito na tumulong sa kanya.
“Deal,” aniya at tumingin kay Valerian, ang pinsan niya na may-ari ng AirJem Airline at ng airport na kinatatayuan nila ngayon. “Since hindi ka kilala ni Raine, ikaw na ang bahala sa lahat.”
Valerian grimaced. “I can’t believe you’re doing this for a girl,” anito na umiiling-iling pa.
“I love that girl,” he said, making his friends groan, then they left him.
Natawa na lang si Tyron sa reaksiyon ng mga ito. Someday, mangyayari din sa mga ito ang nangyari sa kanya at siya naman ang tatawa.
NANG tumigil ang sasakyan nila sa airport, kaagad na may lumapit sa kanilang lalaki na naka-uniform na puti. Hinuha ni Raine ay security guard ito ng airport.
“Your plane ticket, Madam?” The security guard’s voice sounded sexy and manly.
Dahil sa suot nitong cap, hindi niya makita ang mukha nito. Tanging ang maninipis na labi at matangos na ilong lang ang kanyang nakikita.
Ipinakita ng mommy niya ang ticket nila.
Tinulungan sila ng guard na kunin ang mga gamit nila sa back compartment ng sasakyan at dinala iyon ng lalaki sa bag scanner. Walang reklamo na sumunod ang mommy niya, at sina Tita Marian at Tito Ben, kaya naman sumunod na lang siya sa mga ito.
When they reached the gate that will lead them inside the plane, she frowned when the guard let Tita Marian and Tito Ben in. Hindi lang iyon ang ipinagtaka niya. Bakit pinapapasok na sila ng guard sa plane samantalang three PM pa ang flight nila?
It was just twelve ten.
Pero bago siya makapagreklamo o makapagtanong, pumasok na ang mommy niya sa loob habang hila-hila siya, kasama sina Tita Marian at Tito Ben.
Nang makapasok si Raine sa loob, napalingon siya nang biglang sumara ang pinto ng eroplano at pumasok ang security guard sa cockpit niyon.
What the hell is going on?
“Mom, don’t you find this weird?” tanong niya sa ina na abala sa pakikipag-usap kay Tita Marian.
Ngumiti lang ang kanyang ina. “Sweetie, just sit back and relax,” anito at bumalik na naman sa pakikipag-usap kay Tita Marian.
Bumuntong-hininga si Raine at sinunod ang sinabi ng ina. Umupo siya sa first row, isinuot ang seat belt at naglagay ng earphones sa mga tainga.
Raine was listening to a Maroon 5 song “Sugar” when she felt the plane take off. Mabilis na tinanggal niya ang earphones at tumingin sa labas ng eroplano.
Halos lumuwa ang kanyang mga mata nang makitang nasa himpapawid na sila. When she saw the sign that it was now okay to unbuckle the seat belt, tinanggal niya iyon at lumapit sa kanyang ina na nakikipag-usap pa rin kay Tita Marian.
“Mom,” tawag niya sa pansin nito. “The plane just took off!”
Tulad kanina, ngumiti lang din ito. “I know, sweetie.”
“You know?” Kinunutan niya ito ng noo. “Then why are you not panicking? Mom, look at the whole plane. Tayong apat lang ang sakay—”
“Hush, my dear,” Tita Marian cut her off with a smile. “Everything will be fine.”
Napamaang si Raine. What the hell? Nanaginip ba siya? Ano ba ang nangyayari?
She was about to search the whole plane when a song blasted on the speaker. It was Selena Gomez’s song, “The Heart Wants What It Wants”.
And then from nowhere, Tyron Zapanta showed up with a bouquet of tulips in his hand. He was wearing a black tuxedo and it suited him perfectly. His gorgeousness nearly caused her knees to wobble. Mabuti na lang at nakahawak siya sa isa sa mga upuan ng eroplano.
Raine looked at Tyron with pure disbelief in her eyes.
No way. This can’t be true! But it feels so real.
Nananaginip ba siya?
“Ano’ng ginagawa mo rito?” paanas niyang tanong.
Sa halip na sagutin si Raine, ibinigay nito sa kanya ang bungkos ng mga bulaklak. “Para sa `yo.”
Napatitig siya roon. Hindi siya makagalaw sa sobrang gulat kaya tinitigan na lang niya ang mga bulaklak.
Tyron let out a long breath then he spoke. “I picked red tulip. Because for me, red symbolizes love. And that is what I feel for you.” Inisang hakbang nito ang pagitan nila at hinaplos ang kanyang pisngi. “Maybe you don’t remember this, but you crashed into me in the airport when you first got here.”
Naalala niya iyon. “Ikaw `yong nabangga ko?”
Ngumiti ito at tumango. “Yeah. That was me. You crashed into me and I never thought that you’ll be a part of my life. I always believed in fidelity. I grew up believing that cheating is wrong. I have a personal issue about infidelity but then that belief of mine was soon forgotten when my eyes meet your tantalizing argentine ones.
“Hindi ko alam kung ano’ng nangyari sa akin. I hate infidelity. But when I saw you, nakalimutan ko ang mga paniniwala ko; nakalimutan ko si Careen. Nakalimutan ko ang lahat maliban sa kagustuhang kong maangkin ka. It was my first time wanting to own someone. Heart. Body. Mind. And soul. I pretty much forgot everything but the need to kiss you… the need to own you and to claim you as mine. I can’t stop— No, it’s more like I didn’t stop myself from wanting you. I was sorry for hurting Careen like that. But I don’t think I can love another woman but you.
“It was my first time to meet the green beast they call jealousy. It was my first time to meet the dark and dangerous beast they call possessiveness. It was my first time to meet Cupid’s beast named love. Everything I felt for you was new to me and I didn’t know how to control what I felt for you.
“Akala ko pagnanasa lang ang nararamdama ko para sa `yo, pero nang lumaon, nag-iba na, unti-unting lumalalim ang nararamdaman ko. Bago sa akin ang mga emosyong nararamdaman ko kaya naman naguluhan at natatakot ako.
“For me, love is just a word you say to someone special to you. And then I met you. You give meaning to the word love. You made me experience what love really is. Yes, Raine. I am irrevocably and unconditionally in love with you. Every part of me is in love with you. My mind. My body. My soul. And my heart.
“Natakot ako na baka iwan mo rin ako kasi, `di ba, babalik ka sa Canada pagkatapos ng bakasyon mo? Natakot ako na baka hindi mo ako mahal. Natakot ako na baka pinaglalaruan mo lang ako at pinapaasa. Natakot ako na baka kapag ibinigay ko sa `yo ang puso ko ay pipira-pirasuhin mo iyon. Pero ayoko nang matakot. I need to face my fear for you. I have to conquer my fear in order for me to be with you. So here I am, facing my fear that you might reject me. Pero bahala na. Because if you reject me now, I have plan B and plan C and plan D and we have a long list of alphabets and I will never stop planning how you will fall for me until you say you love me, too.”
Kinagat ni Raine ang ibabang labi para mapigilan ang sarili na hindi umiyak. God! She really loved this man.
“I, ahm—” she cleared her throat. “When I met you, I knew, right there and then, that if given a chance, mahuhulog ang loob ko sa `yo. I just knew it.” Mahina siyang natawa. “And after what happened in your condo, I knew I was doomed. I already knew that I was in love with you, I was just in denial about my feelings for you.” She smiled. “So, you don’t need plan B, plan C and plan D. I am already madly and deeply in love with you, Tyron.”
Tyron howled in happiness, then he dipped his head to capture her lips. And when their lips parted, they stared at each other lovingly. Pagkatapos ay malakas siyang napasinghap nang biglang lumuhod si Tyron sa kanyang harap.
“Tyron…”
Matiim itong tumitig sa kanyang mga mata. “Raine Lynn Dizon, will you give me the privilege of calling you my wife?”
Napangiti siya sa tanong nito. “Kailangan ko pa bang sagutin `yon? Sa tingin ko ay alam mo na ang sagot ko.”
“Answer it, sweetheart, and make me the happiest man alive.”
Kinuha ni Raine ang singsing na hawak nito at isinuot iyon sa kanyang daliri at nakangiting tumingin sa mukha ng binata. “I do. Yes, I will marry you.”
She and Tyron came out from their own little world when they heard giggles and sobs. Nang tingnan niya kung kanino galing iyon, it was her mom and Tita Marian. They wee crying as they giggled in happiness.
“Kita mo na, mare. Sabi ko nang bagay sila, eh,” wika ni Tita Marian sa kanyang ina. “Ang galing talaga natin mag-matchmake. `Buti na lang pumayag ka na magbakasyon dito sa Pilipinas para magkakilala ang mga anak natin.”
“Oo nga.” Her mother laughed. “Magbalae na tayo!” tili nito.
“Congratulation, son,” ani Tito Tim na tango lang ang isinagot ni Tyron.
“Excited na ako, balae. Excited na akong maging lola.” Her mom and Tita Marian giggled.
Nagkatinginan sila ni Tyron at nagkatawanan.
“Mina-matchmake nila tayo, wala man lang tayo kaalam-alam,” natatawang sabi niya.
“Oo nga,” sang-ayon ni Tyron na ngayon ay fiancé na niya. “I’m glad they matched us. Because of them, I met you.”
“I love you, Tyron,” she said lovingly.
“I love you more, Raine.”
“Am I late?” wika ni Iuhence na may dalang box na puno ng petals. “Did you already say ‘yes’?” tanong nito sa kanya.
“Oo.”
Iuhence sighed in annoyance then threw all the petals at her and Tyron. “There. Romantic.” Pagkasabi niyon ay naglakad ito patungo sa kung saang parte ng eroplano.
Nagkatawanan sila ni Tyron, kapagkuwan ay naglapat ang mga labi nila.
radicalducati