Chapter 19
Chapter 19
RAINE smiled grimly when Dark hugged her to say good-bye. Nanatili ito sa Pangasinan sa loob ng isang linggo sa kagustuhan nitong pagselosin si Tyron, pero wala naman itong napala. Hindi kasi nakinig sa kanya. Sinabi na niyang walang mangyayari pero nagpumilit pa rin ito.
He was really persistent to invest on Tyron’s company.
“Magiging okay ka lang ba dito?” tanong ni Dark nang kumawala sa pagkakayakap sa kanya.
“Oo.”
Tumango-tango ito. “Kailan ang balik n’yo sa Canada?”
“Three days from now.” Huminga siya nang malalim. “Next month pa sana kami kaya lang tumawag ang insurance company ni Daddy, kailangan nila kaming makausap bago mag-January ten. Mag-e-expire na raw kasi ang kontrata at kailangan ang signature namin ni Mommy para makuha ang pera.”
Ngumiti si Dark, saka ginulo ang kanyang buhok. “Well, see you in the office then.”
“See yah, Sir.”
Lumambot ang mukha ng binata habang matamang nakatitig sa kanya. “Just hold on tight. Naniniwala pa rin ako na mahal ka ng mokong na iyon.”
Nagbaba ng tingin si Raine. “Umalis ka na nga, baka ano pa ang masabi mo na puro naman kasinungalingan.”
Dark chuckled lightly. “Okay, agape. Stay strong.” Dumukwang ito at hinalikan siya sa pisngi na ikinagulat niya. “Happy New Year again and have a safe trip.”
Hanggang sa makaalis ang sasakyan nito sa kanyang harap ay nakatanga pa rin si Raine sa kawalan. Did he just kiss her? Mabilis niyang iginala ang tingin at baka may nakakita.
Nakahinga siya nang maluwang nang makitang wala naman, pero biglang nahagip ng kanyang mga mata ang isang taong matalim ang tingin sa kanya.
Tyron… her heart whispered. Kaagad na nawala ang pagka-miss ni Raine sa binata nang maalala si Careen na nakayapos palagi rito nitong mga nakaraang araw.
Kaagad siyang nagbaba ng tingin at pumasok sa kabahayan. Dapat siguro tanggapin na niya na hinding-hindi mapapasakanya si Tyron.
THE BEAST inside of him was roaring in so much anger and jealousy. He had been reining his jealousy and anger towards Dark every time he saw him with Raine, talking and laughing.
Sa araw-araw na nakikita ni Tyron si Dark sa bahay nila ay gusto niya itong itaboy at palayasin, pero ang ina niya mismo ang nag-offer sa binata na sa bahay muna nila ito manatili hanggang sa gusto nito. Kaya naman nang malaman niya mula kay Iuhence na uuwi na sa Manila ngayon si Dark ay gusto niyang magbunyi.
Pero ang pagbubunyi na iyon ay kaagad na nalusaw nang makita niyang hinalikan ni Dark sa pisngi si Raine.
Tyron gave out a sigh of relief when Dark straddled his Ducati and drove away.
And then it felt like the sun had shone on him after a long week of pure darkness when those magnificent argentine eyes stared back at him. Gusto niyang tumalon sa ikatlong palapag patungo kay Raine para yakapin ito at halikan, pero bago pa siya makatalon ay nagbaba na ng tingin ang dalaga at pumasok sa loob ng bahay.
Napabuntong-hininga na lang si Tyron sa mga nangyayari at sa kanyang nararamdaman.
Nang makapasok sa kanyang kuwarto, naabutan niya si Careen na nakahiga sa kama.
“Careen, lumabas ka sa kuwarto ko,” ani Tyron na pinipigil ang galit na sumabog. Mapapagalitan na naman siya ng mommy niya kapag nalaman nitong nasa silid niya ang babae. His mom really disliked Careen.
“Bakit?” May pang-aakit sa boses nito. “Para namang hindi tayo nagse-share noon ng kama—”
“Lumabas ka na sa kuwarto ko, Careen,” mahinahong wika niya at umupo sa gilid ng kama.
“No. Hindi ako lalabas.” Yumakap ito mula sa likuran niya at akmang hahalikan ang kanyang leeg pero umiwas siya. “Make love to me, Tyron.”
Kunot-noong tumingin siya kay Careen na hinahalikan na ang balikat niya. “Stop doing that, Careen.”
Sinapo nito ang kanyang mukha. “Bakit? Tyron, tatlong taon ang pinagsamahan natin. `Tapos ipagpapalit mo lang iyon sa babaeng `yon? Come on, kiss me back.”
Binaklas ni Tyron ang pagkakayapos ng mga braso ni Careen na nakayakap sa kanya, saka tumayo at humarap dito. “I don’t want to be harsh to you, Careen. I’ve already hurt you enough. So please, tanggapin mo na lang na wala na tayo at hindi na tayo magkakabalikan kahit ano pa ang gawin mo. Sinubukan ko naman, eh. Sinubukan kong bigyan ng pagkakataon ang relasyon natin pero wala talaga.”
Naglakad siya patungo sa pinto ng kuwarto. Bago siya lumabas ay nilingon niya ang babae na may luha sa mga mata. “Umuwi ka na sa inyo, Careen. Wala kang maasahan sa akin. Makikilala mo rin ang lalaki na para sa `yo. Ang lalaki na mamahalin ka nang buong-buo at hindi ako ang lalaking `yon. I tried to, Careen. I’m sorry. I expect you to be gone when I return.” Pagkasabi niyon ay lumabas na siya ng silid.
Pababa si Tyron ng hagdan nang makatanggap siya ng text mula sa ina.
Tyron, pumunta ka sa labas ng bahay. Sundin mo ang sasabihin ni Iuhence.
That was her mother’s message for him.
Kahit naguguluhan, nagmamadali siyang naglakad patungo sa labas ng bahay. Nilapitan niya si Iuhence na nakasandal sa bumper ng sasakyan nito.
“Hey, may kailangan ka sa akin?” tanong niya sa kaibigan nang makalapit.
“Yeah.” Iuhence smiled then handed him his car key. “Sasabay ako kay Lander patungong Manila. Ikaw na ang magmaneho sa kotse ko.”
“What the— I’m not going to Manila,” he said with a deep frown.
May misteryosong ngiti sa mga labi ni Iuhence. “Sure you will. Tita Marian said that you’ll drive my Bugatti for me.” He grinned slyly at him. “Take care of my honey,” anito na ang tinutukoy ay ang sasakyan nito.
Nang makaalis si Iuhence, agad sumakay si Tyron sa sasakyan at binuhay ang makina. Akmang iaatras niya iyon para igarahe nang biglang bumukas ang pinto ng passenger seat at pumasok doon si Raine.
“Let’s go, Iuhence. Para makarating kaagad tayo sa Manila nang maaga,” anito habang abala sa pagsusuot ng seat belt.
Ang plano ni Tyron ay ibalik ang sasakyan ni Iuhence sa garahe pero nagbago na ang isip niya. Mabilis na pinaharurot niya ang sasakyan palayo sa bahay nila.
Hindi pa sila nakakalayo masyado sa bahay nang marinig niya ang malakas na pagsinghap ni Raine. “Tyron?”
Bahagyang pinabagal niya ang takbo ng sasakyan, binalingan ang dalaga, at nginitian ito. “Hey, sweetheart. Miss me?”
KUMATOK si Raine sa pinto ng kuwarto ng mommy niya. Pagkalipas ng ilang minuto ay bumukas iyon at bumungad sa kanya ang ina at si Tita Marian. Nginitian niya ang mga ito at lumapit para magpaalam.
“Hey, Mom,” aniya. “Magpapaalam sana ako, eh.”
Kumunot ang noo ng ina. “Saan ka naman pupunta?”
“Sa Manila po.”
Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo nito. “Ano naman ang gagawin mo sa Manila, anak?”
“Aayusin ko po `yong insurance ni Dad,” aniya. “May branch pala sila dito sa Pilipinas. Itatanong ko lang kung puwedeng dito na lang natin asikasuhin. Alam ko naman na ayaw mo pang umuwi, Mommy.”
Ngumiti ito. “Salamat, anak.”
“Salamat naman kung ganoon,” Tita Marian interjected. “Sana nga puwede, `no? Sige, ipapahatid kita kay Tyron—”
“No need na po, Tita Marian,” pigil niya sa ginang na akmang lalabas na ng silid. “Iuhence offered to drive me to Manila since babalik siya ngayong araw. At saka, kaya ko na po ang sarili ko.”
“Okay, sweetie. Mag-ingat ka,” anang mommy niya at niyakap siya. “Kailan ka babalik?”
“Bukas na siguro. Magho-hotel na lang po ako do’n. I’m okay, Mom. I can take care of myself.”
“Sige. Ingat ka.”
“Opo.”
“Take care, my dear,” ani Tita Marian habang abala sa pagta-type ng kung ano sa cell phone nito.
Tumango si Raine at lumabas na ng silid. Kanina pa ibinaba ni Iuhence ang maliit na backpack na dadalhin niya at siya na lang ang hinihintay nito sa garahe para makaalis na sila.
Kay Dark sana siya sasabay pero naka-motor ito kaya kay Iuhence na lang. Si Lander ay uuwi na rin sa Manila pero ayaw niyang makisabay rito. She can endure Iuhence’s no filter mouth but Lander’s rude attitude? No. Si Train naman ay pumunta sa Baguio sa hindi niya malamang kadahilanan.
Pababa si Raine ng hagdan nang makasalubong niya si Careen. Tumalim ang tingin nito nang magtama ang kanilang mga mata.
It had been a week since Careen arrived. Isang linggo na rin ang nakakaraan mula nang magbago ang mood ni Tyron. Laging masama ang mood nito at sumisigaw. Parang ginawa na nitong pastime ang mangsinghal ng tao na nagtatanong dito.
Kapag nagkakasalubong naman sila ni Tyron, halos sakmalin siya nito sa paraan ng pagkakatingin sa kanya. In the deepest part of her heart, she was hoping that he’d visit her in her room but he didn’t.
Pero kahit hindi na sila nag-uusap at palagi nitong kasama ang mahaderang babaeng iyon, masaya pa rin si Raine. And she had Tita Marian to thank for that. Ito kasi ang nag-insist na hindi mag-share ng kuwarto sina Careen at Tyron. She could also see that Tita Marian was the antagonist of Tyron and Careen’s relationship and that made her happy.
“Well, well, well.” Careen clucked her tongue, making her head snap at the direction of the woman she considered a vile creature on earth. “Ang mang-aagaw.”
Tumigil si Raine sa pagbaba sa hagdan at taas-noong sinalubong ito ng tingin. “Good morning. How’s your day?”
Careen sneered at her. “Wala akong panahon makipag-plastikan sa `yo.”
Gusto niya itong taasan ng kilay pero hindi niya ginawa. “Hindi ako plastic na tao. May sinabi ka kasi at alam ko naman na ako ang tinutukoy mo.”
Nang-uuyam itong ngumisi. “Guilty?”
“Oo,” pag-amin niya. “Bilang isang babae, alam kong masakit ang ginawa ko. Alam kong may girlfriend na si Tyron pero pinatulan ko pa rin. Kaya naman humihingi ako ng tawad sa ginawa ko. I’m sorry, Careen.”
She went rigid when Careen slapped her. Hard. Pakiramdam ni Raine ay nagdilim ang kanyang paningin sa lakas ng impact niyon. Pero hindi siya nag-react. Hindi siya lumaban. She knew that she deserved that slap.
“Para `yan sa pang-aagaw mo ng sa `kin.” Then she strode towards at her in a threatening manner. “Isaksak mo sa kukote mo na akin si Tyron. Akin siya! At sa oras na makita kong lumalapit ka sa kanya—”
“Ipinapangako ko na hindi na ako lalapit sa kanya. Malapit na akong bumalik sa Canada at hindi ko na siya makikita pa,” putol niya sa iba pa nitong sasabihin. “Pero siguruhin mo rin na hindi na siya lalapit sa akin. Because as far as I can remember, I keep pushing him away but he insists on staying. Hindi ko na kasalanan kung pupunta siya sa Canada para makita ako.”
Yeah, right. As if that will happen. Me and my hopes.
“Ang kapal rin ng mukha mo.” Nanlilisik ang mga mata ni Careen. “Hindi ka niya hahabulin kasi ako ang mahal niya.” Isang nanunuyang ngiti ang kumawala sa mga labi nito. “
Ako ang mahal niya. Hindi pa ba sapat ang isang linggong parati kaming magkasama para isiksik mo d’yan sa kukote mo na ako ang mahal niya at isa ka lang laruan?”
Parang may kumakatay sa puso ni Raine at ginigiling iyon sa sobrang sakit dahil sa sinabi nito. She wanted to cry. But she will not give this woman the satisfaction on seeing her cry. No way!
So with her head held high, she smiled at Careen. “Have a good day. May pupuntahan pa ako.”
Tuluyan na siyang bumaba sa hagdan at nagtungo sa labas ng bahay. Nang makita ang Bugatti na pag-aari ni Iuhence, sumakay siya sa passenger seat at inayos ang kanyang seat belt.
“Let’s go, Iuhence. Para makarating kaagad tayo sa Manila nang maaga,” aniya sa lalaki.
Mabilis na humarurot ang sasakyan palabas sa gate ng Zapanta Mansion.
Napatigil si Raine sa pag-aayos ng seat belt nang mag-umpisang manuot ang pamilyar na mabangong pabango ni Tyron.
Mabilis na bumaling siya sa driver’s seat at halos malaglag ang kanyang panga sa nakita. Hindi niya napigilan ang mapasinghap nang malakas. “Tyron…”
Bumagal ang takbo ng sasakyan at nagtama ang mga mata nila ng binata.
His butterscotch eyes smiled. “Hello, sweetheart. Miss me?”
radicalducati