Chapter 28
Chapter 28
HALOS magdilim ang paningin ni Zeke nang makita ang pagkukulay-ube ng kalahating bahagi ng mukha ni Annika.
"That son of a bitch will pay for this!"
"Shh," kaagad na inilayo ni Willa ang asawa mula sa natutulog na si Annika.
Pagkalipas ng mahigit labing-anim na oras na biyahe mula sa Italy ay matiwasay na nakauwi ang mag-asawang Zeke at Willa. At dahil umaga na raw nakatulog si Annika pagkatapos ng insidente sa cafe, hindi na ito ginising ng mga kasambahay sa mahimbing na pagkakatulog. Si Walter na nagbabantay rito ay tiniyak na walang dapat ipag-alala sa dalaga.
Kung napansin man ni Zeke ang mahigpit na pagkakahawak ng kapatid sa kamay ni Walter kahit ito'y natutulog, hindi na lamang niya iyon binigyang-pansin. Naisip na sa sandali ng panganib sa buhay nito ay tanging si Walter lamang ang naroroon kung kaya't hindi na siya magtataka kung magkaroon man ito ng attachment sa bayaw niya.
"They took all the CCTV footages around the area," report ni Red.
Nang malaman niya ang nangyari sa kapatid ay kaagad niyang tinawagan ang mga kaibigan kahit sa kalaliman ng gabi. Katulad ng inaasahan niya ay mabilis na rumesponde ang mga ito sa distress call niya. At kinabukasan pagdating nilang mag-asawa mula sa biyahe ay kasunuran din lamang nilang dumating ang mga ito. Magkakasama silang nag-usap-usap sa loob ng kanyang pribadong opisina.
"Maging ang loob ng cafe ay sinira nila. They made it look like it's been robbed."
"I'm sure Senator Constantinople's men had something to do with it. Para maitago ang ebidensya ng kahayupan ng anak niya. Pero kung sa palagay niya ay maililigtas niya ang anak niya sa kalaboso, he's got another thing coming. There's a back-up file of the CCTV footage inside the cafe."
"I know someone who can handle this case better than anyone," saad naman ni Rafe.
"Who?" baling ni Zeke sa kaibigan.
"Atty. Meredith Zamora."
"Is she one of your ex?" ani Red.
"Get your brain off from the gutter, Redentor. She's a hotshot lawyer."
"Sorry, my bad."
"Can you make the arrangement for us?"
"Sure, man."
"Thanks."
Nang makaalis ang mga kaibigan ay muling sinilip ni Zeke sa silid nito ang kapatid. Hindi nalingid sa kanya ang kislap sa mga mata ni Annika habang matamis na nakangiti kay Walter. Kinailangan pa niyang tumikhim ng ilang ulit para kunin ang atensyon ng dalawa.
"Kuya," ang tuwa ni Annika pagkakita sa kanya ay kaagad natakpan ng pag-aalala. Awtomatikong naitakip nito ang kamay sa pisnging nagkukulay-ube ang pasa.
"Walter, puwede bang iwanan mo muna kami?"
Mabilis na tumayo si Walter at lumabas ng silid.
"How are you?" inabot ni Zeke ang mukha ng kapatid at sinipat iyong mabuti.
Nagngalit ang kanyang mga bagang. Ni minsan man ay hindi niya ito napagbuhatan ng kamay kahit gaano pa katigas ang ulo. Tapos ay sasaktan lang ito ng kung sinong siraulo.
"I'm okay, Kuya."
"Tell me. Is this the first time he did this to you?"
"W-what do you mean?"
"Iyon ba ang dahilan kaya nakipagkalas ka sa kanya?"
Umiling ito. "No."
"Nagsasabi ka ba ng totoo?"
"Kuya..."
"This is not the time to hide anything from me, Annika. Tell me, have you been in an abusive relationship with him?"
"No, that wasn't the case, Kuya. Not at all. Pero siguro kung nagtagal pa ay hindi imposibleng mangyari 'yon. He has a temper. Kapag hindi nasusunod ang kanyang gusto ay mabilis siyang magalit."
"Magsasampa tayo ng kaso. Kailangang pagbayaran ng hayop na 'yon ang ginawa niya sa'yo."
"I-I don't think that's necessary."
"What the heck are you saying?"
"Si M-Mommy."
"What about her?"
"S-she told Trevor to do whatever means to get back with me."
Umalon ang dibdib ni Zeke sa biglang bugso ng galit. Somosobra na talaga ang kanilang ina. She will stop at nothing for personal gain. Maybe its about time he steps in. Kahit sariling anak ay handa nitong isakripisyo para lang mapataas pang lalo ang estado nito sa lipunan.
"I will deal with her."
"What are you going to do, Kuya?"
"You don't need to know. Just leave everything to me," pinisil ni Zeke ang kamay ng kapatid. "Rest. Magpapatawag ako ng doktor para tingnan ang kalagayan mo."
Paglabas ni Zeke ng kuwarto ni Annika ay tila sadyang nag-aabang sa kanya si Walter.
"Kuya."
"Walt."
Inilabas nito ang sariling cellphone at ipinarinig sa kanya ang recording ng tawag ni Annika nang mangyari ang tangkang panghahalay rito ni Trevor. At katulad ng sinabi ni Annika, pinagtibay lamang ng recording ang sinabi nito tungkol sa kanilang ina.
"Thank you, Walter. I appreciate what you did for my sister."
"P-pamilya na rin ang turing ko sa kanya, Kuya."
Hindi nalingid kay Zeke ang pamumula ng punong-tenga nito.
"I'm glad you think so," tinapik niya sa balikat ang binata.
Ang sumunod na mga araw ay ginugol ni Zeke sa paghahanda ng kaso laban kay Trevor Constantinople. Nagpalabas na rin siya ng restraining order upang hindi makalapit ang kanilang ina kay Annika sakali at tangkain man nitong kumbinsihin ang kapatid niya na iurong ang demanda. Dumating kasi ito kinagabihan. Ngunit matigas ang loob na hindi ito tinanggap ni Zeke sa sariling pamamahay.
Nasa proseso na rin ang pagpapawalang-bisa niya sa pagiging legal guardian ni Sandra ng mga assets ni Annika. It will be a long battle. Pero alam niyang habang dinidinig ang kaso ay walang magagawa ang kanilang ina hanggang sa sapitin ng kapatid niya ang tamang edad na mapasakamay na nito ang mana.
NAKITA ni Willa ang hapo sa mukha ni Zeke nang pumasok ito sa kanilang silid. Kinuha niya ang hinubad nitong business coat.
"Ginabi ka na. Gusto mo bang mag-shower muna? Iinitin ko ang pagkain mo."
"No. Just you."
Bago pa siya nakalayo ay banayad siyang hinatak ng asawa palapit dito.
"God, I've missed you," isiniksik nito ang mukha sa pagitan ng kanyang leeg at balikat.
Natatawang iniyakap ni Willa ang dalawang braso sa asawa.
"Ang OA naman ng Mister ko."
"OA? It's been two nights already, wife. Baka nakakalimutan mo, nasa honeymoon pa dapat tayo."
"Ay sus! Dalawang gabi ka pa lang namang na-diyeta kung makapagreklamo ka riyan parang dalawang taon na. Maghilamos ka na muna at ipaghahain kita ng pagkain mo. Nangangayayat ka na, o."
"I'm hungry. Pero ibang gutom ang nararamdaman ko," maaligasgas ang tinig na anas nito.
May kiliting mabilis na gumuhit pababa sa puson ni Willa sa paghagod ng dila nito sa kanyang leeg. Kaagad na naglimayon ang mga kamay nito sa kanyang katawan.
"Bakit ang dami mong suot?" paungol na reklamo nito nang buhatin siya at kaagad na ibaba sa kama.
"Napaka-reklamador mo. Maghubad ka na lang at ako na ang bahala sa sarili kong damit. Mauubos ang mga panty ko sa'yo."
Madalas nitong masira ang kanyang mga panloob kapag talagang atat na atat na itong maangkin siya. Ewan ba naman dito sa asawa niya. Hindi naman siya marunong manggayuma. Pero grabe ang pagkahumaling sa kanyang bibingka.
And speaking of bibingka, iyon kaagad ang kinain nito. Ayaw nito ng pre-heated. Gusto nito ay ito mismo ang mag-iinit. At sa ilang saglit pa ay naghahabol na ng paghinga si Willa.
"Zee-kee."
Lalo pa nitong ibinuka ang mga hita niya habang magaslaw na naglalaro ang dila sa gitna ng pagkababae niya.
"Aah, you taste so good, hon."
Naramdaman ni Willa ang pagpasok ng daliri nito sa lagusan niya. Napaarko ang katawan niya nang mabagal na kumawit iyon sa loob niya.
"Haa-aaah..." mariing bumaon ang mga daliri niya sa unan nang madagdagan ng isa pa ang daliring tila humuhukay sa kaloob-looban niya. He was stimulating her hotspot. Paikot at medyo mariing humahagod iyon sa loob niya. Giving her a very delicious, tingling sensation. "Zeek... ah!"
Habang labas-masok sa loob niya ang dalawang daliri nito ay humahagod naman ang dila nito sa ubod niya. Halos mawindang ang katinuan niya sa dobleng stimulation. Kasabay ng mariing paghalukay ng mga daliri nito ay inipit nito sa pagitan ng mga labi ang ubod niya. Mariin nitong sinipsip iyon habang humahalukay ito sa loob niya.
"Zee-keeee...!" ramdam niya nang biglang bumulwak ang katas niya. Habang nangangatal pa siya sa nakapanlalambot na sarap ay hinimuran nito ang pagkababae niya. "Ooh..."
"Your taste is one in a million, hon," pilyong sabi nito nang pumantay sa kanya at paghiwalayin pang lalo ang kanyang mga hita.
Nang madulas itong lumusong sa kaibuturan niya ay marahan niyang nahigit ang paghinga. Parang busog na busog ang pakiramdam ng lagusan niya sa tuwing bumabaon ito.
"Ah, honey."
Si Willa na ang kusang umabot sa mga labi ni Zeke. Ipinasok niya ang dila sa bibig nito at mapusok na nakipagtagisan sa dila nito.
"Umph, hmm..." ipinulupot niya ang mga braso sa leeg ng asawa.
Marahan itong naghugot-baon. Sa bawat hugot-baon nito ay sabay pa silang napapaungol.
"Oh, honey, you feel so good, soooo good, aah..."
Bawat atras-sulong nito ay sinasalubong niya. Their body swayed in perfect unison. Nagsimulang muling maipon ang init sa puno ng kanyang pagkababae.
"Zeke, Zeke."
"I'm close, too, honey. Ah, haa, haa."
Bumilis ang salpukan ng mga katawan nila. Nakita ni Willa ang malalim na emosyong nakasalamin sa mga mata ng kanyang asawa. Isang ngiti ang marahang gumuhit sa mga labi nito. Inabot niya ang mukha nito at pinalis ang pawis na namumuo sa noo nito.
"I love you."
"Oh, shit."
Naramdaman ni Willa nang biglang mag-orgasmo si Zeke. Nahigit nito ang paghinga at biglang parang nanigas sa ibabaw niya. Imboluntaryong napatirik ang mga mata ni Willa. Kasunod ng init na bumaha sa kaibuturan niya ay nag-climax siya. Damang-dama niya ang pagpintig ng pagkalalaki ng asawa sa loob niya habang parang kamay na mahigpit na kumapit sa kahabaan nito ang kanyang laman.
Narinig niya ang ungol na kumawala sa mga labi nito bago ibinaon ang mukha sa pagitan ng kanyang leeg at balikat.
"I love you, too, by the way," bulong nito.
Nakangiting iniyapos ni Willa ang mga braso sa pawisang likod ng asawa. Sa buong magdamag ay ilang beses pa siya nitong inangkin. At buong init naman niyang tinumbasan ang matinding pangangailangan ng asawa.
DALAWANG linggo pagkaraan ay isang tawag ang natanggap ni Annika mula kay Trevor.
"Iurong mo ang demanda kung ayaw mong mabunyag sa lahat ang bahong itinatago mo, Annika Myles Ambrose."
Parang pinanlamigan ng buong katawan si Annika sa banta ng dating nobyo.
"I have the video in my dash cam, Annika. Sa sandaling hindi mo iurong ang demanda, malalaman ng lahat kung anong klase ng pagkatao ang ikinukubli ng mukha mong parang santa."
radicalducati