Chapter 25
Chapter 25
"OOH," isang mahaba at impit na ungol ang umalpas sa mga labi ni Willa.
Nasa ilalim siya ng shower nang pumasok ng banyo si Zeke. Tulad niya ay wala ito ni isang saplot sa katawan nang pumailalim sa buhos ng shower kasama niya. Sa kislap ng pagnanasa sa mga mata nito ay kaagad nahulaan ni Willa na hindi paliligo ang pakay nito kaya ito pumasok ng banyo. At hindi nga siya nagkamali. Pinihit nitong pasara ang shower valve at mapag-angking sinakop ang mga labi niya at isinandal siya sa tiled wall.
Mula nang maging opisyal ang engagement nila may isang linggo na ang nakakaraan ay tila walang pagkatighaw ang init nito sa kanya. Kung mainit na ito dati pa, tila mas uminit pa ito ngayon.
Gumapang sa kanyang leeg ang mga labi nito at siniil siya roon ng halik pababa sa kanyang dibdib. Naisabunot niya sa buhok nito ang mga daliri nang pasalit-salit nitong sipsipin ang kanyang mga nipples. Daig pa nito ang gutom na sanggol. Napasinghap siya at bahagyang napaigtad nang suyurin nito ng isang daliri ang kanyang laman. Pumasok iyon sa kanya na bahagya niyang ikinangiwi.
"Zeke," protesta-daing niya.
"Sorry, hon," banayad nitong sinakop ang kanyang mga labi kasabay ng dahan-dahang paghagod ng daliri nito sa kanyang pagkababae.
Nang medyo dumulas na iyon ay malaya iyong naglabas-pasok sa loob niya.
"Ooh," napaungol siya. Ang ungol niya ay naging masarap na halinghing nang maging dalawa ang daliring humuhugot-baon sa kanya. "Zeeek... ah-haaa!"
Mabilis iyong naghugot-baon sa kaibuturan niya. His two digits were hitting a very sensitive spot at her portal. At sa bawat hugot-baon niyon ay para siyang maiihi na hindi niya maintindihan sa sobrang sarap.
"Umph, Zeke..." pakiramdam niya ay malapit na siyang sumabog nang ipihit siya ng nobyo paharap sa tiled wall.
"Put your hands on the wall, hon."
Parang wala pa sa sariling sinunod ni Willa ang sinabi nito. Sa isang mabilis at madulas na pag-ulos ay bigla nitong pinasok ang katawan niya.
"Aah!" hindi niya napigilan ang mapahiyaw nang mabanat nang husto ang loob niya.
Naramdaman niya ang isang kamay nito na umalalay sa may bandang puson niya habang ang isa'y tumaas sa dibdib niya.
"Aah," parang stress ball nitong piniga ang suso niya kasabay ng pagbayo nito mula sa kanyang likuran. "Uh, honey, ang sikip mo pa rin talaga. Oh, Willa, Willa..."
"Zeke, Zeee-keee... aah!"
Napuno ng mga ungol at halinghing nila ang malaking banyo. Sumasabay roon ang maingay na salpukan ng kanilang mga kaselanan at ang paghahabulan ng kanilang mga hininga.
"Aah...!"
Mariin at mabilis ang bawat pasok ng pagkalalaki ni Zeke sa katawan niya.
"Z-Zeke, Zeke, m-malapit na ako."
Lalong binilisan ni Zeke ang pagbayo.
"Zeee-keee! Aah...!"
Unang naabot ni Willa ang rurok. Halos mawalan ng lakas ang mga binti niya nang biglang manginig iyon at manghina.
Tuloy pa rin sa pagbayo si Zeke. Mariin at sagad. Sa huling ulos nito ay mahigpit nitong niyapos ang katawan ni Willa. Hanggang sa isang malalim na daing ang umalpas sa mga labi nito. Kasunod niyon ay naramdaman ni Willa ang pagpintig ng pagkalalaki nito sa kaloob-looban niya. Napasinghap siya at nahigit ang paghinga nang parang kiniliti ang loob niya. Pakiramdam niya ay muli siyang binalot ng nakapanghihinang sensasyon.
Inabot ni Zeke ang mga labi niya habang magkaugnay pa rin ang kanilang mga katawan.
"Hmm," kapwa may ngiti ang kanilang mga labi nang sila'y maghiwalay.
"I love you."
Parang ipinako ang mga paa ni Willa sa sahig ng banyo. Tama ba ang narinig niya?
Nakangiting idinikit ni Zeke ang mukha sa kanya.
"I'm not asking you to say you love me, too. My love is enough for the both of us to make it last for a lifetime."
Nangilid ang luha niya sa sinabi nito. Isinampay ni Willa ang dalawang braso sa balikat ni Zeke at tuwid na sinalubong ang mga mata ng kasintahan.
"Mahal din kita. Maha na mahal."
Sa sinabi niya ay mainit na sinakop ni Zeke ang kanyang mga labi. At kahit katatapos lamang nilang magsalo sa init ay muli silang nagtampisaw sa alab ng kanilang pagmamahalan. Magkahugpong ang mga katawan nila nang ilabas siya ng nobyo sa banyo at magkasamang bumagsak sa ibabaw ng kama. Naghalo ang tubig at pawis sa kanilang mga katawan habang mabilis at maingay na muling nagsalpukan ang kanilang mga katawan sa sayaw ng pag-ibig.
Isang linggo pagkaraan ay ikinasal sina Willa at Zeke sa huwes. Kahit simple lamang ang naging selebrasyon ay pinagkagastusan pa rin ni Zeke ang damit na isinuot ni Willa sa araw ng kanilang kasal.
It was a champagne silk, white dress. Simple lamang ang tabas ngunit napaka-elegante ng damit. Boat neck at semi-A line na ang cap sleeve ay Swarovski crystal. Kumpletong dumalo ang pamilya ni Zeke sa father's side—ang mga kapatid nito sa ama kasama ang current wife. Samantalang sa side ng ina naman nito ay tanging si Annika lamang ang dumalo. Si Vincent ay nag-abot lamang ng regalo kay Willa isang araw bago ang kasal. Hindi raw ito makakapunta dahil nasa New York ito sa mismong wedding day nila ng panganay nitong kapatid.
Gusto mang paniwalaan ni Willa iyon, pero may palagay siyang iniiwasan lamang nitong makita si Zeke. Samantala, bukod sa kapatid na si Walter, ang tanging guest niya sa kasal ay ang kaibigan niyang si Olivia at ang pamilya nito. Sinubukan niyang kontakin si Paige. Pero ayon sa napagtanungan niya ay nasa ibang bansa na ito kasama ng foreigner na boyfriend.
Sa kabila ng hindi nila pagkaka-unawaan dati ni Paige, naisip niyang kalimutan na lamang iyon at magsimula silang muli. Anuman ang mga nangyari ay ito pa rin ang nag-iisang tao na naging karamay niya sa pinakagipit na sandali sa kanyang buhay. Pero tulad niya, mukhang nakatagpo na rin ito ng lalaking magmamahal dito nang totoo.
Kapwa may ningning ang mga mata nina Willa at Zeke nang ihudyat ng huwes ang pagiging ganap nilang mag-asawa.
"You may now kiss your bride."
Isang mainit na emosyon ang biglang bumalot sa puso ni Willa nang magtagpo ang mga labi nila ni Zeke.
"I love you," madamdaming bulong nito nang yakapin siya pagkatapos.
Nagpalakpakan ang mga taong sumaksi sa kanilang kasal.
"I love you, too," maluha-luhang tugon niya.
Matapos ang kasal ay ginanap ang kanilang reception sa private beach resort na pag-aari ng kaibigan ni Zeke na si Redentor Madrid. Doon na rin sila magpapalipas ng gabi at kinabukasan ay lilipad sila sakay ng private jet ni Zeke patungo sa Italy para sa kanilang isang linggong honeymoon.
Si Samantha ay pansamantalang maiiwan sa pangangalaga nina Walter at Annika. Sa pagbabalik ng mag-asawa mula sa honeymoon ay ipapasyal naman nila sa Disneyland ang bata gaya ng ipinangako rito dati ni Zeke.
The whole event was spectacular despite its simplicity.
At nang sumapit ang gabi ay naging mas maalab pa ang pagmamahalan nina Willa at Zeke. Akala nga ni Willa, ngayong legal na siyang Mrs. Zechariah Sandejas ay mababawasan na ang init nito. Pero nagkamali siya.
"Zeee-keee...!"
Hindi na niya mabilang kung ilang ulit na niyang naisigaw ang pangalan ng asawa sa rurok ng kasukdulan. As soon as the last guest left the private beach house, mabilis siyang sinunggaban ng asawa at mainit na inangkin. Ni hindi na sila nakaabot sa kama. Pinatalikod siya nito sa likuran ng pinto at ibinaba ang zipper ng kanyang white dress saka hinawi ang cap sleeve niyon hanggang sa dumausdos ang tela sa kanilang paanan.
Sabik nitong kinamkam ang mga dibdib niya mula sa kanyang likuran. Mainit na hinagkan ang kanyang batok at tenga na ikinailig niya. Lumusong ang isang kamay nito sa loob ng lace panty niya at kaagad na hinaplos ang kanyang sentro. Baba-taas iyong humagod doon hanggang mamasa ang kanyang pagkababae. And then he slipped a finger between her folds, then another and rammed it inside her slick channel. Napaliyad siya kasabay ang pag-ungol. Hinatak ni Zeke ang panty niya pababa at ibinuka ang mga hita niya. Narinig niya ang pagbababa nito ng zipper. Hinugot nito ang dalawang daliri sa loob niya at bahagyang kinabig ang puson niya upang iposisyon siya sa tamang anggulo. Sa isang mariin at mabilis nitong pag-ulos ay kaagad na nag-isa ang kanilang mga katawan.
Nahigit niya ang paghinga kasunod ang isang mahabang ungol.
"Ooh, Zeke..."
"Very tight, hon... bend over. Yes, that's it. Aah, fuck... honey, you feel sooo good."
Mariin niyang nailapat ang dalawang kamay sa dahon ng pinto. Nang magsimula itong maghugot-baon ay nahatak ang katawan niya sa higpit ng kapit ng ari niya sa kahabaan nito. Mahigpit siyang humawak sa handle ng pinto.
Bumaba ang kamay ni Zeke sa ubod ng pagkababae niya. He wet his fingers with his own saliva and rubbed it against her clit. Napakagat-labi si Willa nang may mamuong kiliti sa puno ng pagkababae niya. Sinabayan nito ng galaw ang paghagod ng mga daliri sa perlas niya.
"Ooh," parang gustong umikot ng kamalayan ni Willa sa nakaliliyong sarap. Damang-dama niya ang matigas na laman na kumikiskis nang husto sa dingding ng pagkababae niya. Bagay na nagpabasa nang husto sa kanyang laman.
At hindi nagtagal bumilis ang pagbayo ng asawa mula sa likuran niya. Para itong hinete na naghahangad na makarating sa finish line. Sa lakas at bilis ng bawat bayo ni Zeke ay muntikan na siyang makabitaw sa handle ng pinto.
"Malapit ka na ba?" tanong nito sa kabila ng paghingal.
"M-medyo, umph...!" kasimbilis ng pag-atras-sulong ng kahabaan ng asawa mula sa likuran niya, tila mas naging masigasig ang mga daliri nito sa paghagod ng perlas niya. "Z-Zeke!"
Her senses heightened. The smell of sweat and sex filled her nostrils. At nang dumagsa ang pambihirang luwalhati sa sentro ng pagkababae niya ay muntik ng bumigay ang kanyang mga tuhod. Maagap siyang sinuportahan ng dalawang braso ng asawa upang hindi siya matumba. At the same time nagpatuloy ito sa paghugot-baon hanggang sa maramdaman niya ang pagbuhos ng mainit nitong semilya sa loob niya.
Kapwa hinihingal na saglit silang nawalan ng tinag. Pagkuwa'y humiwalay sa kanya si Zeke at binuhat siya patungo sa kama. He took off his clothes while staring at her naked body. Nang bumaba ito sa tabi ni Willa, akala niya ay magpapahinga muna sila. Pero hindi. Tila walang kapaguran siya nitong muling inangkin.
Hindi na halos niya maiangat ang mga braso at binti nang tantanan siya nito. Medyo paos na rin siya sa kauungol at kahihiyaw ng pangalan nito. Pero kahit nanlalambot sa pagod ay napangiti si Willa nang ibulong ni Zeke ang tatlong kataga na gustong-gusto niya.
"I love you."
"I love you, too," may ngiti sa mga labing nakatulog siya habang nakayupyop sa dibdib ng asawa.
radicalducati