One Night with the Billionaire (Filipino)

Chapter 10



Chapter 10

KUNG paano ang make-me-feel-good na sinasabi ni Zeke ay hindi alam ni Willa. Ganoon pa man ay hinawakan niya ang kahandaan nito at ibinaba-taas ang kamay roon. Tila mas tumigas at mas lumaki iyon habang hinihimas niya.

"Faster, honey."

Mas binilisan niya pa ang paghimas. Dinig niya ang paghingal ni Zeke at ang bahagyang pangangatal nito.

"Stop, stop. That's enough."

Kinuha ni Zeke ang kamay niya at hinagkan ang gitna ng kanyang palad. Hinawakan nito ang kahandaan at ikiniskis ang ulo niyon sa nakaungos niyang hiyas.

"Zeke," napasinghap si Willa sa kiliting biglang dumagsa sa sentro ng pagkababae niya.

Muli ay ikiniskis nito iyon, paikot na inihagod. Ramdam niya ang muling pamamasa ng kaselanan. At tulad ni Zeke, bumigat ang kanyang paghinga. Bahagyang nagkaroon ng hingal. Muli nitong ikiniskis ang ulo ng kahandaan sa kanyang hiyas. Paulit-ulit hanggang sa kusang kumiwal ang kanyang balakang.

Napadaing si Willa. Pagkuwa'y tumirik ang kanyang mga mata nang i-slide ni Zeke ang kahabaan sa pagitan ng mga labi ng kaselanan niya.

"Umph," sa isip ay natawag niya ang mga Santo na wala namang kinalaman sa mainit na aktong pinagsasaluhan nila. "Zeke, Zeke, ooh..."

"You're wet and ready, honey," iniangat nito ang kanyang mga binti nang lumuhod ito sa pagitan ng kanyang mga hita. "Brace yourself. This will probably hurt a little."

"M-masakit lang naman 'yon sa una, d-di ba?"

Tila naaaliw itong napangiti sa tanong niya.

"Masakit din 'yon kapag matagal kang hindi nakipagtalik."

"G-gano'n?"

Nakangiting hinaplos ni Zeke ang kanyang mukha.

"Don't worry, it won't hurt like the first time," paniniyak nito sa kanya bago yumuko upang paghugpungin ang kanilang mga katawan.

Dahan-dahang sumulong si Zeke. Napakagat-labi siya sa inisyal na discomfort.

"Try to relax, honey. I don't want to hurt you like the first time."

Natatandaan pa pala niya, saloob-loob ni Willa.

Naging marahas nga ito ng gabing iyon. Pakiramdam niya ay nawasak ang buong pagkababae niya nang angkinin siya nito. Ganoon pa man ay bumawi ito sa mga sumunod nilang pagtatalik. Ilang beses din siya nitong iniakyat sa glorya bago sila kapwa iginupo ng pagod. Ganoon pa man sa kabila ng pagod ay pinilit niyang huwag matulog. Hustong mahimbing ito ay patalilis siyang tumakas sa hotel.

"Ooh," kagat-labing daing niya. Ramdam niya nang tila mabanat nang husto ang kanyang pagkababae nang sumagad ang kabuuan nito sa kaibuturan niya.

Then he leaned forward hanggang sa maglapat ang mga dibdib nila. Yumuko ito at inabot ang isa niyang nipple. Marahan itong gumalaw. Bawat hugot-baon nito ay sumasabay ang ritmo ng pagsipsip nito sa tuktok ng kanyang dibdib.

Dama ni Willa ang lumalagong tensyon sa kaibuturan niya. Napaungol siya. Unti-unting bumilis ang pag-ulos ni Zeke. Naging mas mariin at mas matagal din ang naging paghitit nito sa nipple niya.

"Z-Zeke," nahigit niya ang paghinga. Medyo masakit na masarap ang ginagawa ng bibig nito sa nipple niya. "Umm..."

Inangat ni Zeke ang isa niyang binti at isinampay iyon sa braso nito habang umuulos.

"Oh!" may kung ano itong nakakanti sa loob niya sa pagbabago ng anggulo ng kanilang posisyon. "Z-Zeke."

Halos umikot ang kamalayan niya. Para siyang nakasakay sa isang napakatulin na sasakyan. Ang bilis-bilis! Hindi niya halos mahabol ang kanyang paghinga. Ang tensyon sa kaibuturan niya ay patuloy na lumago. Hanggang sa hindi na niya napigilan pa ang tuluyang paglaya niyon.

"Zee-keee...!" minsan pa ay parang kinombulsyon ang buong katawan ni Willa. Paisa-isang bumugso ang kanyang paghinga.

Samantalang binabalot ng nakapanlalambot na sensasyon ang buong katawan niya ay nagpatuloy lang sa pag-ulos si Zeke. Ngunit hindi nagtagal ay bigla itong tumigil. Isang mahabang ungol ang numulas sa mga labi nito bago hinugot ang sarili mula sa kanya.

"A-ano ang g-ginagawa mo?" bago lang ang lahat ng iyon sa kanya. Sa pagkakatanda niya ay hindi nito iyon ginawa minsan man noong gabing magtalik sila.

"Just a precaution. You're probably not yet ready to get pregnant."

Hindi siya kaagad nakapagsalita nang maunawaan niya ang ibig nitong sabihin.

Withdrawal method?

Namula siya sa sariling kainosentehan. Nagkaanak na sila at lahat ay napaka-inosente niya pa rin sa mga ganoong bagay. Matapos nitong mailabas lahat ay muli itong sumulong papasok sa kaibuturan niya. Napaungol siya. Sensitibo pa siya dahil katatapos niya lang mag-orgasmo. At ang simbolo naman nito ay masyadong magilas, hindi kaagad lumalambot. Damang-dama niya pa ang pagpintig-pintig niyon sa kanyang lagusan.

Mayamaya ay nahiga ito sa tabi niya sabay hapit sa kanya sa dibdib nito.

"Sleep. We'll have a long day tomorrow."

Nang ipikit ni Willa ang mga mata ay hind niya akalaing makakatulog siya kaagad. At nang muli siyang magmulat ng mga mata ay wala na si Zeke sa tabi niya. Hinanap niya ang hinubad ng nagdaang gabi pati na ang mga panloob. Wala siyang mapagpipilian kundi iyon ulit ang isuot.

"Good morning."

Gulat na napalingon si Willa sa pinagmulan ng tinig.

"G-good morning."

Nakita niyang nakatayo sa bukas na pinto ng silid si Zeke. Nakasandal ito sa hamba bago tumuwid at marahang isinara ang dahon ng pinto.

"Nagugutom ka na ba?" tanong nito habang naglalakad palapit sa kanya.

"A-anong oras na? Si Samantha...?"

"Sa palagay mo ba ay pababayaan ko siya?"

"H-hindi naman sa gano'n," bumaba na siya ng kama para magbanyo.

"It's already ten o'clock. And Sammy is playing downstairs, she already ate her breakfast."

"Um, magsi-CR lang ako."

"That way," itinuro nito sa kanya ang isang pinto.

Kaagad siyang nagtungo roon. Humanga siya sa ganda at laki ng banyo. Sa palagay niya ang sukat niyon ay kasinlaki lamang ng kubong tinitirhan nila. Napailing siya at naupo na sa inidoro para umihi. Matapos iyon ay naghilamos siya ng mukha. Nakakaakit maligo sa loob ng shower cubicle. O, di kaya ay magbabad sa malaking bath tub na naroroon. Pero naisip niyang wala siyang bihisan.

Pagpihit niya para lumabas ng banyo ay siya namang pagpasok ni Zeke. May dala itong damit.

"Tinawagan ko si Annika para padalhan ka ng bihisan. Here, hindi pa niya nasusuot ang mga ito dahil maluwag daw sa kanya. She thinks it will fit you better."

"Pakisabing salamat."

"There's no need to thank her. She's more than happy to unload her closet for you. Napakarami niyang damit na hindi naman lahat naisusuot."

"Salamat pa rin."

"If you want to take a bath, hurry up. You have a visitor waiting for you."

"Bisita?"

"Yes."

"S-sinong bisita?"

"You'll see. Go ahead and take a bath. Hihintayin na kita."

Magrereklamo pa sana siya nang makita niya ang kakaibang kinang sa mga mata nito.

"If you need someone to scrub your back, I'll be more than happy to oblige."

"Kaya kong maligong mag-isa," kinuha niya mula rito ang damit.

"Just a suggestion."

Napairap siya rito. Sa nahihiwatigan niyang kislap ng pagnanasa sa mga mata nito ay may palagay siyang may iba pa itong binabalak.

"I'll give you twenty minutes. If you're not yet out by then, I'll come and bathe you."

"Kaya kong maligo ng less than twenty minutes," irap niya rito.

"Don't do that."

"Ang alin na naman?"

"Huwag kang irap nang irap at baka halikan kita. Ikaw rin, hindi na magiging virgin ang lips mo bago pa man tayo ikasal," nangingiting sabi nito.

Napalunok siya. Talaga bang pakakasalan siya nito? Dahil lang gusto nitong halikan ang kanyang mga labi?

Lihim na napailing si Willa. Medyo maluwag yata ang turnilyo nito. Dahil lang sa halik na hindi niya gustong ibigay ay handa itong magpatali sa isang piraso ng papel?

Napakalaking kalokohan. Pumasok na siya sa banyo at mabilis na naligo. At dahil hindi niya na kailangang magtabo, kaunting kuskos at sabon lang ay tapos na siyang maligo.

Pati tuwalya rito, ang gaganda, saloob-loob ni Willa habang tinutuyo ang sarili ng puting cotton towel.

Fluffy at para iyong bulak sa lambot. Hindi magaspang ipamunas sa balat. Hindi tulad ng ginagamit nilang tuwalya sa bahay, bukod sa magaspang ay hindi na halos matukoy kung ano ang orihinal na kulay.

Napailing siya sa naisip. Para na rin kasi niyang inamin sa sarili na nagugustuhan niya ang lahat ng karangyaang iyon. Karangyaang alam naman niyang hindi niya dapat kasanayan. Sanay siyang magbanat ng buto at hindi dumedepende sa iba. Lalo na sa isang lalaki. Kung anuman ang mga plano ni Zeke, masaya na siya kung ilalaan na lamang nitong lahat iyon kay Samantha. Bilang ina ay gusto rin niyang makatikim ng luho ang kanyang anak.

"Aren't you done yet?"

Gulat na nahablot ni Willa ang kalalapag lamang na tuwalya at itinakip sa katawan.

"I already saw everything. Why are you covering yourself up?"

"Kahit nakita mo na ang lahat hindi ba ako puwedeng magkaroon ng privacy?"

Nagtiim ang mga labi nito at unti-unting lumakad palapit sa kanya.

"Hangga't naririto tayo sa loob ng kuwarto, hindi puwede sa akin ang privacy na sinasabi mo. You are mine, from head..." sumuyod ang tingin nito mula sa kanyang ulo pababa. "...to toe."

May kilabot na biglang naglakbay sa kanyang mga gulugod sa sinabi nito at sa paraan ng pagkakatingin nito sa kanya.

"Get dressed. Kanina pa naghihintay ang bisita mo. O gusto mo bang tulungan kita para mas mabilis?"

"L-lumabas ka na. Lalo akong matatagalan kung hindi ka lalabas," namumula ang mga pisnging tugon ni Willa. "At para sa kaalaman mo, hindi mo pa ako pag-aari."

Lumapit ito sa kanya. Naningkit lalo ang mga matang dati ng singkit. Napaatras siya. Sa kaaatras niya sa bawat hakbang nito ay lumapat ang likuran niya sa malamig na tiled wall.

"You're mine," ikinuwadro nito sa dalawang kamay ang kanyang mukha. "Get that in your pretty head, honey. You are my sole addiction. Whatever happens, I won't let you out of my sight until I get the cure for it."

Ipiniksi niya ang mukha.

"Get dressed before I change my mind at hindi na kita palabasin ng kuwarto."

Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Willa nang sa wakas ay lumabas din ng banyo si Zeke.

Siraulo talaga. Ano ang palagay niya sa akin, drugs?


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.