Chapter 7
Chapter 7
Chapter 7
NAPASULYAP ako sa orasan at nakita kong alas-sais na ng gabi. Ibig sabihin, isang oras pa lang ang lumilipas simula nang umalis sina Carla papunta sa resto-bar na pag-aari ng ate niya kung saan kami magse-celebrate. Ako na lang ang naiwan sa office dahil nauna na silang mag-out kanina.
Pinipilit nila ako kanina na sumabay na sa kanila sa pagpunta doon nang tapos na ang oras ng trabaho namin para makasiguro sila na sasama ako pero hindi ako pumayag. Gusto ko munang tapusin ang naiwan kong trabaho dahil hindi ko nga ugaling ipagpabukas ang mga iyon. Mahirap kayang matambakan ng trabaho. Ayokong matulad sa kanila na halos hindi na nila alam ang gagawin kapag sabay-sabay ang deadlines nila.
Nakailang sabi pa sa akin si Carla na sumunod raw ako at magagalit siya kapag hindi ako nagpakita mamaya bago sila umalis. Todo sabi tuloy ako na susunod ako at hindi ko babaliin ang pangako ko sa kanya.
Sighed.
Sa totoo lang, napapaisip ako kung susunod ba ako o hindi na. Nag-iisip ako kanina kung ano ang magandang idahilan sa kanila para hindi ako makasunod pero nakaka-guilty naman. Noong birthday ko last year, lahat sila pumunta. Nakakatampo nga naman kung hindi ako susulpot sa birthday ni Carla.
Kaya kahit ayoko at wala akong ibang choice, susunod ako sa kanila. Titiisin ko na lang ang pagmumukha ni Brixx. Ipagdadasal ko na lang na sana hindi niya ako buwisitin nang husto dahil baka maihambalos ko sa kanya ang mga mesa sa resto-bar. Huwag lang talagang sagarin ni Brixx ang pasensiya ko.
Bandang alas-otso y medya na ng gabi nang matapos ko ang mga kailangan kong gawin. Nag-unat muna ako ng katawan at marahang minasahe ang leeg dahil sa ngawit. Ang tagal ko ring nakaharap sa laptop ko at hindi ko na namalayan ang oras. I also checked my phone nang makita kong ang dami ng text messages at missed calls.
Halos pare-parehas ang laman ng mga text na galing kina Aila, Carla, at Gio. Nasaan na raw ako at naunahan pa raw akong dumating nina Joe at Mau. Si Mau naman ang daming miscalls. Bigla uling nag-ring ang cell phone ko habang hawak ko and Mau’s name caller flashed on the screen.
“Hello?” pagsagot ko sa tawag ni Mau.
Inipit ko ang cell phone sa balikat ko para maipasok sa loob ng leather bag ko ang laptop.
“Nasaan ka na?” Medyo maingay na ang background ni Mau pero mabuti na lang narinig ko siya nang maayos. “Nakailang round na kami ng beer dito pero wala ka pa rin.”
“Katatapos ko lang. Papunta na ako,” sagot ko. “Ang sakit sa tainga ng background mo. Sino ba `yang kumakanta at papaabangan ko na sa kanto?” pagbibiro ko kahit alam ko naman kung kaninong boses iyon.
Narinig kong tumawa si Mau. “Walang kamatayang Always ang tugtog. Alam mo na kung sino ang palaging kumakanta nito sa karaoke, `di ba?” Saka biglang sumigaw si Mau. “Hoy, Gio, stop na nga! Masakit daw sa tainga `yang boses mo sabi ni Cha!” Sabay tawa ni Mau.
“Heh! Bilisan na lang niya kamo pumunta rito para makapag-duet na kami!” sagot ni Gio na sobrang lakas dahil hawak nga niya ang microphone. “Bilisan mo na, Cha. Kantang-kanta na ako ng Hanggang Ngayon !”
Hanggang Ngayon by Ogie Alcasid and Regine Velasquez ang palagi naming kinakanta ni Gio kapag nasa karaoke kami. Hindi puwedeng hindi namin kantahin iyon kapag may karaoke kaming napuntahan.
“Narinig mo `yon, `te? Bilisan mo na raw!” Si Mau uli.
“Oo na. Papunta na talaga!”
“Oo nga pala, `te. Nakalimutan kong sabihin na may power interruption daw ngayon diyan. Narinig ko sa mga guard kanina bago ako umalis ng office. Alam mo na ba? Takot ka pa naman sa madilim kaya—”
Hindi na natapos ni Mau ang sinasabi niya nang biglang namatay ang cell phone ko. Pagtingin ko, lowbatt na. Nakalimutan kong isaksak sa charger habang tinatapos ko ang trabaho ko.
Ugh! Nakakainis. Bakit nawala sa isip ko? Hindi pa naman ako sanay na lowbatt ang cell phone ko. Hinanap ko sa bag ko ang powerbank pero hindi ko makita. Naalala kong naiwan ko iyon sa unit ko nang nakasaksak. Great. Kapag inabot ka nga naman ng kamalasan.
Nasabi pa ni Mau na may power interruption daw. Kailangan ko na agad makalabas sa office bago pa ako abutan ng brown out dahil never akong nasanay sa madilim na kuwarto o lugar.
I had nyctophobia or fear of darkness na nakuha ko noong bata pa lang ako. Noong minsang pinagtripan ako ng mga classmate ko at ikinulong sa abandoned room sa school namin. Iyak ako nang iyak noon kahit nakalabas na ako. Muntik pa akong isugod sa ospital dahil hindi ako makahinga.
Ever since that day and up to now, dala-dala ko pa rin ang takot ko. Na-traumatized na ako. Kaya ko pinili ang unit ko kung saan ako nakatira ngayon dahil hindi nawawalan ng electricity doon. Akala ko rin may generator na itong building kung nasaan ang office namin pero wala pa rin pala.
Pinagdadampot ko na ang mga gamit ko, saka dali-dali pinasok sa loob ng bag. Hindi ko na inayos dahil nagmamadali ako. Saka ko mabilisan na isinabit sa balikat ko ang leather bag ko.
Nang masiguro kong nakuha ko na ang mga gamit ko, dali-dali na akong tumayo at aalis na sana. Pero hindi pa ako nakakahakbang nang biglang nawalan ng kuryente. Hindi na ako nakagalaw mula sa kinatatayuan ko. Nanginig agad ang mga tuhod ko kasabay ng pamamawis ng noo.
Pinagpapawisan ako nang sobrang lamig. Patingin-tingin ako sa paligid pero wala akong ibang makita. Sobrang dilim. Pitch black lang ang nakikita ng mga mata ko. Bumalik na naman ang takot ko noon. Iyong eksaktong feeling nang makulong ako sa abandonadong kuwarto sa school namin kung saan may nagpapakita raw na mga kung ano-anong engkanto. Saka ko naramdaman na nanginig ang buong katawan ko.
Pakiramdam ko may mga matang nakatingin sa akin sa buong office. Parang may nagtatawanan. Parang may umiikot sa paligid ko. Hindi ko alam kung totoo ang mga iyon o sadyang produkto lang ng imahinasyon ko. Pero takot na takot na talaga ako. Gusto kong sumigaw pero walang lumalabas na boses.
Dahil sa sobrang takot at kaba, napaupo ako sa sahig. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng buo kong katawan kaya lalo akong natakot. Pati ang mga labi ko, nanginginig na rin. Napapikit ako nang maramdaman kong naiipon na sa gilid ng mga mata ko ang maiinit na luha.
Hindi ako gumagalaw sa kinauupuan ko nang marinig kong bumukas ang pinto ng office. May ilaw na nanggagaling doon sa flashlight o galing sa isang cell phone. Kahit alam kong may tao na, iyong takot ko hindi pa rin nawawala. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko.
“Cha?” May sumigaw ng pangalan ko. “Cha? Nasaan ka? Are you still here?”
Oh my God! Kilala ko ang boses na `yon. Si Brixx!
Gusto kong sumagot sa pagtawag ni Brixx sa akin pero hindi pa rin lumalabas ang boses ko. Napansin kong gumalaw ang ilaw na hawak ni Brixx at tumapat sa kinaroroonan ko.
“Charry!” muli niyang sigaw, saka siya natarantang tumakbo palapit sa akin.
Yumuko si Brixx at inilapag ang cell phone niyang pinanggagalingan ng ilaw para hawakan ako sa balikat. Nang magkatapat kaming dalawa, bigla akong yumakap nang mahigpit sa kanya. Para akong bata na naging safe sa feeling ng magulang niya. Todo kapit lang ako sa suot ni Brixx, saka ako biglang lumuha.
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Iyak lang ako nang iyak habang nakayakap kay Brixx. Para akong nagsusumbong sa kanya. Bahagya akong nakaramdam ng kaligtasan habang nakakapit sa kanya.
“Sshh. Don’t cry. I’m here. Huwag ka nang matakot.”
Naramdaman kong hinaplos-haplos ni Brixx ang buhok ko. And somehow, I felt really safe and relieved. Nasa ganoon kaming posisyon ni Brixx ng ilang minuto. Parehas nakaupo sa sahig habang yakap ko siya at hinahaplos naman niya ang buhok ko habang hinahayaan lang niya akong umiiyak.
Hindi nagsasalita si Brixx. Pinabayaan lang niya akong umiyak nang umiyak. And to be honest, sa bawat haplos na ginagawa ni Brixx sa buhok ko, unti-unting nawawala ang takot ko. Unti-unti na ako nagiging komportable nang naamoy ko ang mabangong katawan ni Brixx.
It was as if we were back in our college days kung saan gustong-gusto kong inaamoy ang pabango niya. Iyong amoy ng katawan niya. Isa iyon sa mga katangian na nagustuhan ko sa kanya noon.
“Okay ka na?” narinig kong tanong ni Brixx.
Hindi pa rin ako makapagsalita kaya marahan na lang akong napatango.
“Tara na. Kanina pa sila naghihintay sa `yo,” sabi niya saka ako inalalayan makatayo.
Todo kapit pa rin ako kay Brixx nang makatayo na kaming dalawa. Ramdam ng mga kamay kong nakakapit sa suot ni Brixx ang matipuno niyang dibdib. Nang gumalaw si Brixx, lalo akong napakapit sa kanya.
“Woah. Hindi kita iiwan, Cha. Don’t be scared. Kukunin ko lang ang mga gamit mo,” sabi ni Brixx bago yumuko para kunin ang mga gamit ko. Parehas niya itong sinabit sa balikat niya.
Kinuha niya ang cell phone at ginawang flashlight uli. Then naglakad na kami palabas ng office. Hindi makapaglakad nang maayos si Brixx dahil sa pagkakayakap ko sa kanya. Tumatagal tuloy kami dahil sa akin.
Walang kuryente kaya hindi gumagana ang elevator. We took the stairs instead. Habang naglalakad pababa, hindi ako humihiwalay kay Brixx. Sobrang dilim kasi ng nilalakaran namin at may takot pa rin akong nararamdaman. Good thing dahil mahigpit ang pagkakaakbay sa akin ni Brixx na parang takot din siyang mawala ako o mapunta kung saan.
Nasa lobby na kami nang bumalik na ang kuryente sa buong building. May mga security guards kaming nakasalubong at tinanong kung okay lang daw kami. Brixx nodded then they left us to make some rounds.
Hinayaan muna akong umupo ni Brixx sa isa sa mga upuan sa lobby para magpahinga after all, ang taas din ng floor na pinanggalingan naming dalawa.
“Here,” may inabot na panyo sa akin si Brixx.
Napatingala ako sa kanya at kitang-kita ko ang pag-aalala sa guwapong mukha ni Brixx. Tagaktak ang pawis ni Brixx sa noo. Sa aming dalawa, mukhang siya ang may kailangan ng panyo at hindi ako.
“Mukhang mas kailangan mo `yang panyo. You’re sweating.”
“I’m okay.” Pinunasan ni Brixx ang noo niya gamit ang kamay niya. “Ikaw na ang gumamit nito.”
Tinanggap ko ang panyo na ino-offer niya at pinunasan ang mga luha ko.
“Bibili lang ako ng tubig sa vending machine,” pagpapaalam ni Brixx.
Hindi na niya hinintay ang sagot ko dahil dali-dali na siyang tumalikod at pumunta sa vending machine sa dulo. Gusto ko sanang matawa dahil para siyang bading dahil nakalagay sa balikat niya ang bag ko. Kulay pink pa naman iyon na may flower. In all fairness, bagay naman sa kanya.
Nasa harap ng vending machine si Brixx nang mapasulyap siya sa akin. Binigyan niya ako ng matipid na ngiti at kinuha na ang tubig at bumalik kung nasaan ako nakaupo.
Inabot niya sa akin ang tubig. Siya pa mismo ang nagbukas ng takip. This time, nag-alangan na ako kung kukunin ko ba o hindi. Masyado na kasing hassle ang binigay ko kay Brixx ngayon. Isa pa, lukot na lukot na ang suot niyang polo dahil sa pagkakakapit ko kanina. God, para akong bata. Jusko.
“Kunin mo na. Hindi kita sisingilin,” sabi niya kasabay ng mahinang tawa.
“Sira.” Napatawa na rin ako, saka kinuha ang tubig. “Kunin ko na, ha. Nauhaw ako sa pag-iyak ko, eh.”
Iinumin ko na sana ang tubig nang mapahinto ako dahil nakatitig sa akin si Brixx.
“Talaga bang pati pag-inom ko titingnan mo?” pagtataray ko sa kanya.
Tumawa si Brixx. “Sorry,” sabi niya saka niya nilihis ang paningin niya.
Napatitig tuloy ako nang bahagya sa left side ng mukha ni Brixx. Ang kapal ng kilay niya. Ang gandang tingnan. Ang tangos ng ilong niya, makinis na pisngi. Nahiya yatang tumubo ang pimples sa mukha niya.
Jusko , Cha. Uminom ka na lang ng tubig, puwede ba?
So, I did. Ininom ko ang tubig sa bottle. Medyo nahirapan pa ako dahil nanginginig pa rin ang kamay ko pero nagawa ko namang ubusin ang laman ng bote sa isang lagukan lang. Uhaw na uhaw lang?
Grabe. Nakakauhaw talagang umiyak. Buwisit na power interruption iyan masyadong pahamak. Hindi ko akalain na aatakihin na naman ako ng nyctophobia ko dahil doon. Nakakahiya lang. Ang laki-laki ko na pagkatapos ganoon pa ang nangyari sa akin. Nakakahiya kay Brixx.
Sobra talagang nakakahiya sa lalaking ito dahil tinulungan na niya nga ako pagkatapos tinarayan ko pa.
“Sorry,” pagsasalita ko nang maubos ko na ang tubig.
Gulat na napatingin sa akin si Brixx at kunot-noo niya akong tiningnan. “For what?” walang ideya niyang tanong.
“Sa pagtataray ko,” nahihiya kong sagot. “You helped me `tapos tatarayan pa kita. Look, oh. Gusot-gusot na `yang damit mo dahil sa todo kong pagkapit sa `yo kanina.”
Napatitig siya sa akin at umiling-iling. “It’s okay, Cha. Kahit sirain mo pa `tong damit ko, hindi ako magagalit sa `yo,” sabi niya. “Okay ka na ba?”
Tumango ako. “Oo. Medyo nanginginig na lang ang kamay ko.”
Pinakita ko sa kanya ang mga kamay ko na bahagyang nanginginig.
Out of nowhere, biglang hinawakan ni Brixx ang mga kamay ko. Nagulat ako sa ginawa niya kaya hindi ko agad nabawi ang mga kamay ko. Saka nagulat ako dahil ang lamig ng kamay ni Brixx.
“Ang lamig ng kamay mo,” komento ko.
Nahihiyang ngumiti si Brixx—lumabas na naman ang dimples niya.
“Natakot kasi ako kanina. Hindi ko lang pinahalata sa `yo,” he confessed. “Akala ko matutulad ka kanina noong naabutan kita sa comfort room ng school. Remember? `Yong acquaintance party sa school `tapos nawalan ng kuryente—na `saktong nasa comfort room ka? Nagtataka ako kung bakit ang tagal-tagal mo kaya nag-alala na ako. Then, pagtingin ko sa `yo, nasa sulok ka ng comfort room at umiiyak. Halos hindi ka na makahinga. Damn.”
Napayuko si Brixx kasabay ng mahigpit niyang paghawak sa kamay ko.
He held my hand as if he was too afraid to let me go.
“Natakot ako na baka hindi ka na naman makahinga,” pagpapatuloy niya. “Hanggang ngayon pala may nyctophobia ka pa rin. Shit. Mabuti na lang nakita kita agad.”
Dahil sa sinabi ni Brixx, bigla kong naalala ang insidente na iyon. Iyong nalaman niyang may nyctophobia ako at naabutan niya ako sa comfort room at umiiyak sa sulok. Hindi ako iniwan ni Brixx sa comfort room at nakayakap lang ako sa kanya. Pinaramdam niya sa akin na hindi niya ako iiwan at nasa tabi ko lang siya.
Kahit tinatawag na siya sa stage para i-award ang Best Attire for Male hindi niya ako iniwan para kunin ang award. Instead, sinamahan lang niya ako sa comfort room at paulit-ulit na sinasabi na, “I’m here, Cha. I’m here.”
Magmula noon, sa tuwing aabutan ako ng gabi sa library ng school, sinusundo na ako ni Brixx. Sinisigurado niyang hindi ako aabutan ng power interruption sa school kung magkaroon man bago makaalis. Kung minsan naman, nasa library lang din siya at hinihintay akong matapos maglinis, saka kami sabay uuwi.
Para siyang bodyguard at the same time boyfriend ko noon. It was too magical for me to have him before.
Then later that month, malalaman ko na lang na hindi pala seryoso si Brixx sa akin.
We were almost a perfect couple. Sayang lang dahil hindi pala seryoso ang feelings niya sa akin. Umaasta lang siyang boyfriend ko para pampalubag loob sa mga ginagawa ko para sa kanya. Na out of guilt lang ang mga pinapakita niya sa akin dahil siguro kahit paano naaawa siya sa panloloko niya.
“Ano pala ang ginagawa mo rito sa office? `Di ba, kanina pa kayo umalis nina Carla?” pag-iiba ko ng topic, saka ko binawi ang kamay ko na walang planong bitiwan ni Brixx.
Kailangan ko nang ibahin ang topic namin dahil hindi na naman ako komportable—dahil nagsisimula na namang bumalik sa akin ang mga alaalang matagal ko nang kinalimutan.
“Ano… May naiwan kasi ako sa office. Kukunin ko sana, biglang nawalan ng kuryente,” sabi niya. “Mabuti naabutan pa kita doon. Akala ko wala nang tao dahil tahimik na sa loob.” Napaiwas ng tingin si Brixx.
Tumango-tango na lang ako, saka muling pinunasan ang mukha ko. Nang okay na ako, sinabi ko na kay Brixx na pumunta na kaming dalawa sa resto-bar. Sasabay na raw siya sa akin dahil nag-taxi lang daw siya pabalik dito. Pumayag na ako bilang kapalit sa pagtulong niya sa akin kanina.
Nauunang maglakad si Brixx papunta sa kotse ko kaya malaya kong natitigan siya habang naglalakad. Dala-dala pa rin niya ang hand bag ko na nakasabit pa rin sa balikat niya pati ang leather bag ko. It was like we were back to our college days again. Kung saan siya pa mismo ang nagdadala ng mga gamit ko. It was as if I was still living in a fairy tale and he was still my prince.
Kinuha sa akin ni Brixx ang susi ng sasakyan dahil siya na raw ang magmamaneho. Hindi na ako nakipagtalo dahil somehow I felt so tired. Si Brixx pa mismo ang nagbukas ng shotgun seat para makasakay ako.
Dumaan kami sa isang 24/7 cake shop para bumili ng cake para kay Carla. Wala na ang favorite flavor ni Carla kaya ang pinili namin ang mango cake. Siguradong maiinis nito si Mau dahil hindi siya kumakain niyon.
Hinihintay kong matapos ibalot ang cake habang nasa cashier si Brixx para magbayad. May sinulat pa siyang kung ano sa isang papel na akala ko credit card ang ibabayad niya pero cash naman. Weird.
“Credit card ba ang ginamit mo?” tanong ko sa kanya nang makabalik na kami ng kotse.
Umiling siya, saka tumingin sa akin. “Hindi. Bakit?”
“Kasi may pinasulat pa sa `yo sa papel, eh.” pagtataka ko. “Ano `yon?”
Ngumiti si Brixx. “Wala `yon.”
Hindi na ako muling nagtanong pero pansin na pansin ko ang kakaibang ngiti ni Brixx sa mga labi niya. Para siyang may ginawang kalokohan o ano. Hindi ko na lang pinansin dahil medyo pagod na ako.
Mabilis kaming nakarating sa resto-bar dahil wala nang masyadong traffic. Nauna na akong bumaba habang dala-dala ko ang cake dahil ipa-park pa raw ni Brixx ang kotse ko.
Pagpasok ko sa loob ng resto-bar, walang ibang customer kundi kami-kami lang. Mukhang isinarado ito ng ate ni Carla ngayong gabi para lang i-celebrate ang birthday ng kapatid. Close na close talaga silang dalawa.
Nasa harap si Gio at bumibirit na naman. Hindi na talaga niya binibitawan ang microphone once nahawakan niya. Sina Joe, Aila, Carla, at Mau naman nasa iisang table at umiinom. Napatingin sila sa akin at kumaway nang makita ako. Tumayo si Mau at nilapitan ako.
“Ate Girl!” Salubong sa akin ni Mau. “Mabuti naman dumating ka na.”
Nginitian ko siya. “Sorry. Medyo na-late.”
“Naabutan ka ba ng power interruption sa office?” nag-aalalang tanong ni Mau.
Tumango ako. “Oo. Mabuti na lang dumating si Brixx.” Biglang napangisi si Mau. “O, ano’ng klaseng ngiti `yan, aber? May meaning, eh. Sinasabi ko sa `yo, Mau.”
“Malisyosa ka! Por que ngumiti lang, may meaning agad?” Humalakhak siya. “Nasaan pala si Brixx?”
“P-in-ark lang `yong kotse ko.”
Pumasok na si Brixx at inabot sa akin ang susi.
“Here,” sabi niya, saka niya tiningnan si Mau at nginitian.
“Nakuha mo ba `yong nakalimutan mo sa office?” tanong ni Mau kay Brixx. “Mukhang nakuha mo nga.”
Natawa lang si Brixx, saka tinanguan si Mau at dumeretso sa table na inuupuan nina Joe. Nag-fist bump pa silang dalawa. Inabutan ni Aila si Brixx ng bote ng alak.
“Tara! Samahan kita sa kitchen. `Ando’n ang mga pagkain,” aya sa akin ni Mau.
Sinabihan ako ni Carla na kumain na muna bago ako uminom. Hinila ako ni Mau papunta sa kitchen.
“Akin na `yang cake. Ako na ang maglalabas sa box,” sabi ni Mau, saka ko ibinigay sa kanya ang box. “Kumuha ka na ng pagkain diyan.”
“Parang ikaw ang may birthday, ah?” sabi ko kaya napatawa kaming dalawa.
“Alam mo naman ako, makapal ang mukha.” Tumawa si Mau habang inilalabas ang cake.
Kumuha ako ng plato at kasunod ang pagkain. Carbonara at ilang piraso ng shanghai ang kinuha ko. Paborito ko ang dalawang ito. Mabuti na lang may ganitong niluto.
“Alam mo bang pinaluto pa ni Carla `yang carbonara sa ate niya especially for you?” sabi niya. “Gross! Bakit mango cake? Alam mo namang hindi ako kumakain nito! Ugh! Nakakainis!”
“Talaga? Ang bait naman ni Carla. I’ll give her a hug later,” sagot ko. “Si Brixx ang pumili n’yan. Besides, ano naman kung hindi ka makakain? Hindi naman ikaw ang may birthday.”
I laughed when she rolled her eyes.
“Saka alam mo ba?” pagpapatuloy ni Mau. “Kanina pa tanong nang tanong si Brixx kung anong oras ka darating.”
Bigla akong napahinto sa pagkain dahil sa sinabi ni Mau. Hindi nakatingin si Mau sa akin dahil abala siya sa paglalagay ng mga candles sa cake.
“Bakit mo sinasabi sa akin `yan?”
She shrugged. “I don’t know. Baka gusto mo lang malaman.” She looked at me. “Nang nabanggit ko kanina na magkakaroon ng power interruption sa office, napamura siya at dali-dali siyang nagpaalam sa amin na babalik daw sa office at may nakalimutan daw. Sobrang taranta talaga siya.” Binuhat ni Mau ang cake. “Hindi pala bagay ang nakalimutan ng kuya mo—kundi sino. Ang fishy lang talaga, ate girl.”
Binigyan ako ni Mau ng isang makahulugang ngiti bago iniwan sa kitchen mag-isa. Bigla akong napatitig sa kawalan nang dahil sa nalaman ko. Dali-dali raw nagpaalam sa kanila si Brixx kanina para bumalik sa office dahil may nakalimutan?
Kaya pala nang mapayakap ako kay Brixx kanina, ramdam na ramdam ko ang hingal niya na parang malayo ang tinakbo niya—pawis na pawis din siya. Huwag niyang sabihing mula pagbaba niya ng taxi sa tapat ng office, tinakbo niya ang lobby ng building hanggang sa floor kung nasaan ang office namin?
Ayokong mag-assume pero may nabubuong ideya sa utak ko. Pakiramdam ko sinadya ni Brixx na bumalik sa office dahil nalaman niyang may power interruption at alam niyang takot ako sa madilim na lugar. Na nag-aalala siya na baka kung ano ang mangyari sa akin once maabutan ako ng dilim.
No. Hindi puwedeng mangyari iyon. Nagkataon lang. Masyado lang malisyosa si Mau kaya naisip niya iyon. Imposibleng balikan ako ni Brixx sa office dahil nalaman niyang may power interruption at nandoon pa ako. May iba siyang pakay. May nakalimutan nga siya. Pero, wala naman siyang kinuha sa office, `di ba?
Shit. Ayoko nang mag-assume. Itong kaka-assume ko kaya mabilis akong masaktan.
Mabilis ko nang inubos ang pagkain ko at lumapit sa table. I greeted Carla a happy birthday once again and thanked her dahil sa carbonara. Inabutan naman ako ni Aila ng alak. Nahuhuli na raw kasi ako.
“O, ano nang nangyari diyan?” tanong ko sa kanila dahil tulog na si Gio sa mahabang upuan. “Lasing na?”
Tumawa si Aila. “Oo, girl. Kanina pa `yan nag-iinom habang nagko-concert. Hinayaan na lang namin dahil mukhang may problema siya. Binasted `ata ng nililigawan.”
“Ano nga ang pangalan ng nililigawan ni Gio?” tanong ni Joe. “Jovelyn ba?”
“Gaga! Jocelyn!” Tumawa si Mau. “Kawawa naman si Gio, boy. Mukhang mananatiling virgin dahil binasted ng nililigawan niya. Sana hindi siya maging fuckboy.”
“O, baka maging bading,” kantiyaw naman ni Carla. “OMG! `Di ba gano’n kadalasan? Considering na si Jocelyn palang ang niligawan ever ni Gio? Baka magkaroon siya nang hinanakit sa mga girls.”
Tumawa na naman si Mau, “True! `Tapos kay Joe na si Gio mai-in love.”
“Hala, bakit sa akin?” naalarmang tanong ni Joe. “Hindi puwede. `Di ko siya papatulan. Kay Brixx na lang.”
Napatingin kaming lahat kay Brixx. Ngumiti lang siya.
“I don’t swing that way, bro. Besides,” sabi ni Brixx. “May babae akong hinihintay at para lang ako sa kanya.”
“Awww. `Ayan na naman sa hinihintay si Brixx,” sabi ni Aila. “Hindi na darating `yon.”
“True! Kung mahal ka, hindi ka iiwan.” Si Carla naman. “Move on na, pretty boy. Ang daming ibang isda sa dagat hindi lang siya. Ang dami-dami mong puwedeng mabingwit.”
Umiling si Brixx. “She’s not just another fish to me,” sabi niya. “She’s my entire Pacific Ocean.”
“Aww!” sabay na sabi nina Carla at Aila. “Ang romantic ng line.”
“Maka-aw naman kayong dalawang. Mga aso ba kayo?” Si Mau. “Huwag ngang isda ang gamitin n’yong term. Dapat ‘ang daming ibang pechay baguio sa bukid. Ang dami-dami mong puwedeng anihin’ `tapos ang isasagot naman ni Brixx… ‘She’s not just another pechay Baguio to me. She’s my entire bukirin.’”
“Gross! Dugyutin talaga `tong babae na `to!” natawang komento ni Aila.
“Tse! Akala mo kung sinong malinis. Hoy, alak `yang iniinom mo, ah. Hindi holy water. Huwag magmalinis, ate girl.” Binuksan ni Mau ang alak na hawak niya. “Feeling malilinis `tong mga `to.”
Nagtawanan na naman ang buong barkada. Ang benta talaga forever ng mga hirit ni Mau. Medyo dirty nga lang.
“Guys, sino na kakanta nitong next song? Kay Gio `to, `di ba? Eh, tulog na siya. Stop ko na ba?” sabi ni Joe habang nasa tapat siya ng karaoke at hawak ang microphone.
“Huwag!” pagpigil ni Carla. “Sayang `yong mga next songs. May song request ako for Charry, eh. Kaso nasa dulo pa. Hintayin natin.”
“Eh, sino kakanta nito? Stop ko na lang?” tanong uli ni Joe.
“Huwag, p’re. Ako kakanta niyan.” Tumayo si Brixx at lumapit kay Joe para kunin ang mic.
“Really, p’re? Baka basagin mo rin ang eardrums namin, ah?” Tumawa si Joe. “Tama na ang isang Gio. Haha.”
Natawa si Brixx. “Sana hindi.”
“Marunong ba siyang kumanta?” bulong sa akin ni Mau. Katabi ko siya sa upuan.
“Unfortunately, yes,” sagot ko.
“Oh, wow. Total package si koya .”
“Brixx! Dedicated ba sa `kin `yang kakantahin mo?” kinikilig na tanong ni Carla.
“Uhm… no. `Yong next song na lang ang dedicate ko sa `yo,” sagot ni Brixx habang nakangiti.
“Eh, kanino mo i-dedicate `yan?” tanong naman ni Aila.
Ngumiti si Brixx, saka tumingin sa gawi ko. Bigla akong napaiwas ng tingin. Bakit ba siya tingin nang tingin? Mamaya, makahalata na ang mga kasama namin.
“This song is dedicated to the girl I’m still waiting to come back,” sabi ni Brixx habang naka-microphone. “It’s you. It has been you. And still you. Please, come back to me.”
“Aww!”
“Ang mga aso nagsisimula na naman.” Natawa na naman si Mau. “Bumalik ka na raw,” bulong ni Mau sa akin. Napatingin ako sa kanya na ngayon nakatingin na kay Brixx. Kitang-kita ko ang pagngisi niya.
Hindi ko na lang pinansin si Mau at muling tiningnan si Brixx na nasa harap namin. Pangako ni TJ Monterde ang kakantahin niya. Ngayon ko na lang uli siya maririnig kumanta after five years.
“Pangako mo sa `kin hindi magbabago. Ngunit bakit nagkaganito. Ako’y iyong nilisan. Wala man lang paalam. Ano ba ang naging dahilan?” Nagsimula nang kantahin ni Brixx ang first stanza.
“Wow! You’re so good!” puri ni Carla.
“Grabe, Brixx. I’m starting to fall in love with you!” Si Aila naman.
Ngiti lang ang iginanti ni Brixx sa kanilang dalawa.
“Ako pa ba sa puso mo? Nais kong malaman mo pagmamahal ko ay `di magbabago,” nagpatuloy si Brixx sa pagkanta saka tumingin sa akin. “Maghihintay na lamang ba. Ang puso kong nangangamba. Sa iyong mga pangako. Woohhhh. Pangako wohhhh oh hoh. Pangako woohh ohh.”
Biglang kumirot ang puso ko habang kinakanta ni Brixx ang mga linyang iyon. Hindi ko alam pero para kasing nakita ko sa mga mata niya ang iba’t ibang emosyon. Longing, regret, sadness, and love. Lahat iyon nakita ko sa mga mata niya habang magkatinginan kaming dalawa.
Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang tumingin sa mga mata niyang punong-puno ng pangungulila at pagsisisi. It was as if there was an emptiness in his eyes.
“Ano ang gagawin? Ako ba’y maghihintay pa? Ngunit bakit lumisan ka? Magbabalik ka pa ba? Dito sa piling ko?” patuloy lang si Brixx sa pagkanta. “Pangako mo sa akin. Aasahan ko. . .”
Itinuon ko na lang ang pag-inom ko ng alak. Halos maubos ko ang isang bote sa loob ng ilang minuto dahil sa sobrang tension. I didn’t know pero parang hindi ako mapalagay. Bigla-bigla rin akong nalungkot.
May kalungkutan na biglang nabuo sa loob-loob ko na hindi ko maipaliwanag. Parang gusto ko na lang tuloy bigla umiyak out of the blue. Napahinga na lang ako nang malalim.
Pinalakpakan nina Aila and Carla si Brixx at todo puri pa sa ganda raw ng boses nito. Si Joe naman biniro pa si Brixx na muntik na raw siyang ma-in love sa boses ni Brixx. Nagtawanan na naman sila.
“Hoy!” Tinapik ni Mau ang balikat ko. “Okay ka lang? Bigla kang nanahimik.”
“I’m just tired,” sagot ko.
Tumaas ang kilay ni Mau. “Tired o lonely? Huwag ako!” Saka siya tumayo. “Okay! Okay. Shot uli!”
Bumalik si Brixx sa inuupuan niya pero ramdam na ramdam ko ang pagtingin niya sa akin. Siguro tinitingnan niya kung ano ang magiging reaction ko sa kantang obvious naman na kinanta niya para sa akin.
Nag-usap lang sila habang umiinom at si Mau ang pinakamaingay. Parati naman. Ang liit-liit na babae pero ang bibig akala mo palaging sasabak sa giyera. Nagrereklamo siya dahil nairita na naman daw siya sa client niyang sobrang arte pero hindi naman daw pretty. Tawang-tawa kami sa reaction ni Mau.
“May new project ka ngayon, Brixx, `di ba?” tanong ni Aila kay Brixx.
Tumango si Brixx. “Yeah. Construction ng isang building for school’s library.”
“Wow. Big time. Binigyan ka agad ng ganyang project considering bago ka pa lang.” Si Joe naman. “Saang school, p’re?”
“Holy Angel University. Alma mater ko,” sagot ni Brixx saka tumingin sa akin. “Partner kami ni Charry.”
“Holy Angel?” balik na tanong ni Carla “`Di ba, `te, doon ka rin grumaduate? So, schoolmate kayo?”
Saglit kong tiningnan si Brixx, saka bumaling kay Carla at alanganin akong tumango bilang pagsagot sa tanong niya.
“Ngek! Magkakilala na ba kayo dati pa?” nagtatakang tanong naman ni Aila.
“Oo,” sagot ni Brixx. “Naging partner ko si Charry sa isang stage play—for Tangled. ”
Hindi ko alam kung dapat ko bang pasalamatan si Brixx dahil hindi niya sinabing may something sa amin noon kundi partner lang para sa isang stage play. O dapat ba akong mainis dahil inamin niyang schoolmate kaming dalawa. A part of me wanted to be mad at him for a reason.
Bakit hindi niya inaming may something kaming dalawa noon? Masyadong contradicting ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung gusto ko bang aminin ni Brixx iyon o hindi. Pero, bakit nga naman niya aaminin? Malamang hindi niya talaga sasabihin iyon dahil ayaw rin niyang malaman iyong panggagago niya sa akin.
Tumayo si Carla para kumanta. Nagpatuloy pa rin kami sa usapang hindi na ako komportable.
“Wow. Coincidence!” Si Aila uli. “Bakit hindi n’yo sinabi sa amin?”
“Hindi naman `yon big deal para sabihin pa,” sabi ko, saka uminom ng alak.
“So, Brixx,” sumingit si Mau. “Anong klaseng college student si Charry before? Gusto kong malaman since schoolmate kayong dalawa.” I’m not sure o talagang Mau emphasized the word schoolmate?
Napasulyap sa akin si Brixx, saka siya ngumiti na halatang may bahid nang kalungkutan. His sad smile made my heart ache. Geez. Bakit ako biglang nakaramdam nang ganito?
Wala akong ideya sa kung ano ang sasabihin ni Brixx about sa akin. Maybe, sasabihin niya kung gaano ako ka-manang noon. Kung gaano ako ka-out of trend when it came to fashion. Kung gaano—
“She’s the kindest and nicest student before,” pagsisimula ni Brixx. Hindi siya nakatingin sa amin. Naka-focus lang ang mga mata niya sa boteng hawak. “She helped me a lot. Siya lang `yong katangi-tanging tao na naniwala sa akin na puwede pala akong magbago. Na may chance pala na magbago ang sira-ulong kagaya ko.” Tumawa si Brixx pero halatang hindi iyon totoong tawa.
May habid nang kalungkutan ang pagtawa niya. Nakinig lang kaming lahat sa sinasabi ni Brixx.
“I was a fucked-up student before. Hindi ko sineseryoso ang pag-aaral ko. Ewan. Pakiramdam ko kasi wala namang future para sa kagaya ko. O, dahil nawalan ako ng gana dahil sa nararanasan ko noon. You know, family problem shits,” pagpapatuloy ni Brixx. “Pero nang dahil kay Cha at sa paniniwala niya sa akin, nagkaroon ako ng tiwala sa sarili ko. She made me realize that I still had hope. That I could still change for the better. I didn’t know that I needed to be saved before until she saved me. She became my light.”
Shit. Shit. Shit. Bakit parang gusto kong umiyak ngayon?
“Why do you speak like you were in love with her before, Brixx?” nagtatakang tanong ni Aila sa kanya.
Tumawa lang si Brixx, “Am I?” tanong niya. “Maybe.”
Natapos ang party ni Carla nang bandang mag-aalas-dose ng hatinggabi. Naiwan si Carla sa resto-bar dahil susunduin daw siya ng papa niya. Si Mau naman sumabay na sa pinsan niyang si Alex dahil may motor ito at malapit lang ang pinagtatrabahuhan nito sa resto-bar.
Ako naman nagmadaling magpaalam sa kanila dahil ayokong makisabay si Brixx sa akin pauwi ng condo. Ayoko siyang makasama na kaming dalawa lang dahil hindi pa rin ako nakaka-move on sa sinabi niya kanina.
Habang nagmamaneho pauwi, bumalik uli sa isip ko ang mga sinabi ni Brixx kanina. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mapaklang mapatawa. Hindi ko alam kung matatawa ako dahil nakakagago ang mga papuri niya sa akin o natatawa ako dahil ang galing niyang magsinungaling.
She made me realize that I still had hope. That I could still change for the better. I didn’t know that I needed to be saved before until she saved me. She became my light.
“Liar!” sabi ko sa sarili ko habang nagda-drive. “Ang galing mong magsinungaling. Liar! Liar!”
Pero kahit sobrang pagkainis ang nararamdaman ko nang dahil sa sinabi ni Brixx, hindi ko pa rin maialis sa isip ko na isipin kung paano nga kaya kung hindi ako niloko ni Brixx noon? Magbabago kaya ang mga bagay-bagay? Kami pa rin kaya hanggang ngayon? Nagpakasal na kaya kaming dalawa?
Ang daming paano na tumakbo sa isip ko nang dahil kay Brixx. Mga paano na alam kong mananatiling paano na lang dahil alam kong hinding-hindi mangyayari.
Things were already fucked up because of him. He already broke my heart. He already broke me.
Nag-park agad ako sa parking lot ng condo ko at agad na naglakad papasok. Pasakay na sana ako ng evelator nang bigla akong tawagin ng guard. May regalo raw para sa akin.
Wala naman akong inaasahan na regalo pero kinuha ko na rin since naka-address nga ito para sa akin. Kulay pink ang box na medyo mabigat. Hindi ko alam kung ano ang laman nito.
Nang nakapasok na ako sa unit, inilapag ko muna ang leather bag at hand bag ko sa couch, saka dumeretso ng kusina para buksan ang regalo. Dahan-dahan ko pang binuksan dahil natatakot ako na baka bomba ang laman at biglang sumabog. Ayokong mapahamak at marami pa akong pangarap sa buhay.
Bigla akong napatigil nang matanggal ko na ang pink na balot sa box. Sumalubong sa mga mata ko ang box ng cake shop na pinagbilihan namin ni Brixx kanina. Sigurado akong cake rin ang laman nito.
And I was right. Chocolate cake ang laman ng box. May nakalagay pang number five na candle sa ibabaw nito. May card din sa gilid kaya kinuha ko iyon at binasa.
It should be our fifth anniversary now. Do you still remember? Ako kasi, hindi ko makakalimutan ang araw na `to. Mula nang umalis ka, taon-taon ko itong sini-celebrate na mag-isa. Weird, `no? Considering na niloko kita dati. But anyway, happy fifth anniversary, Charry. I loved you. I still love you. And I will always love you.
Love,
Brixx
Hand written ito ni Brixx. Saka ko naalala ang eksena sa shop kanina. Iyong nasa cashier siya at may sinusulat. Ibig sabihin, ito iyong sinusulat niya.
Nawala na rin sa isip ko `yong date kung kailan naging kami ni Brixx.
Nanginginig kong inilapag ang card after ko iyong bahasin. Bigla ko na namang naalala ang nakaraan naming dalawa na pilit kong kinalimutan. Ang nakaraan namin kung saan minahal ko siya nang sobra-sobra pero sinaktan lang niya ako nang sobra. Ang nakaraan namin na akala ko magtatagal.
Saka ako napayuko dahil naramdaman ko na namang umagos ang maiinit na luha galing sa mga mata ko.
Muli na naman akong napaiyak. After five years, I was still crying for the same day, for the same guy—Brixx.
radicalducati