Chapter 11
Chapter 11
“K UNG natatandaan mo,” wika ni Romano sa tinig na kasinlamig ng yelo. “Sinabi ko sa iyo iyan noong gabi sa unit mo pero hindi mo gustong maniwala at makinig sa akin. You didn’t even want to give me a chance.”
“I... I want to listen now.”
He sneered. “Strange. Kung hindi pa galing sa ibang tao ay hindi ka magkakainteres. Anyway, sasabihin ko sa iyo. Nagkamali ang typist sa laboratory ng paglalagay ng impormasyon sa mga papel. Usually, kung hindi rin lang nakakahawa ang sakit at nakamamatay, ay naka-file na lang ang SOP na iyon. Nagkataong nagbiro ang doktor na tumingin sa akin kaya nag-abala akong hingin ang medical reports. In my stupidity, hindi ko napuna na mali ang ibang data. Only the sterile thing caught my attention.” t he pain and bitterness in his face broke Bobbie’s heart.
“I was devastated. You were an only child and no family other than your mother. You wanted bunch of children and so do I. It angered and pained me that I cannot give you a child. My pride was at the lowest level. The Fortalejos and the De Silvas are bunch of healthy men. Hindi ko kayang tanggapin. And you chosed that very moment to leave me at bumalik dito sa Maynila nang walang malinaw na dahilan.” a ng nag-aakusang mga mata nito’y tila patalim na gumuguhit sa puso ni Bobbie. “And after a few weeks tatawag ka at sabihing nagdadalang-tao ka? What do you expect me to think?”
“Romano...”
“I’m tired, Bobbie,” wika nito sa nagyeyelong tinig. “Pumasok ka na at malamig dito sa labas.” Pagkatapos ay pumasok sa loob ng bahay.
THE CLOCK strikes twelve pero hindi dalawin ng antok si Bobbie. Hindi niya masisi si Romano kung magalit man ito. Siya ang nagkulang ng tiwala. Kung hindi marahil siya bumalik sa Pilipinas ay malamang na sa mismong araw na sabihin niya ritong nagdadalang-tao siya’y agad na susuriin ni Romano ang mga dokumento at muling magpapasuri. But she was too hasty to leave dahil lang kay Joanna.
Matapos ang ilang sandaling pagmumuni-muni ay lumabas siya ng silid. Tinalunton ang daan patungo sa library sa ibaba kung saan natutulog ang asawa.
Ipinihit niya ang doorknob at bukas iyon. Marahang itinulak. Walang ilaw sa loob. Subalit alam niyang nakahiga sa sofa bed si Romano. Kahit paano’y nagsilbing tanglaw ang ilaw sa labas ng verandah na ang liwanag ay pumapasok sa silid.
Muntik pa siyang mapaigtad nang magsalita si Romano. “Why, this is such a surprise, Bobbie,” he mocked. “Four days without sex can be very frustrating, eh.”
“R-Romano, mag-usap tayo. I want us to work this marriage out...”
“Sure,” ani Romano na tumayo at inabot siya. Hinila patungo sa sofa bed. Bumagsak sa kandungan ng asawa si Bobbie. “Sa paraang alam ko, Bobbie. At sa paraang alam kong magkasundo tayo. Sex, as you call it.”
Akma niyang itutulak ang asawa nang maramdaman ang maninipis nitong balahibo sa mga palad niya and then the hardness of his arousal. She shivered with pleasure. How could this man affect her instantly gayong ni hindi siya makaramdam ng kahit na ano mula sa mga lalaking nagtangkang mapalapit sa kanya?
She sighed as she curled her fingers in his hair pulling him against her body. “That’s good, Bobbie,” bulong ni Romano sa mga labi niya. “I need you so badly today.”
How Bobbie ended up astriding her husband sa masikip na sofa bed ay wala siyang ideya. He was kissing her shoulders habang tinatastas ang tali ng roba niya. In seconds they were both naked. Strong hands caressed the silkiness of her flesh. His teeth teasing her rigid nipple, from one to the other.
There was violence and urgency in his lovemaking. Pero nagpabangon lang iyon ng higit pang pagtugon mula kay Bobbie. Their bodies joined and rocked in a wild primitive passion. Narinig niya nang isigaw ni Romano ang pangalan niya as they both reached their climax.
“Bumalik ka na sa silid mo, Bobbie,” ani Romano hindi pa man ito nakakabawi sa paghinga. Siya man ay nakasubsob pa sa dibdib nito. “Baka magising ang anak mo at hanapin ka.”
She froze sa kakaibang tono nito. Moved off him and sat on the carpet. “Romano, h-hindi mo ba ako naiintindihan kanina, gusto kong mag-usap tayo.”
“Kung gusto mong umalis pabalik sa Maynila ay umalis ka. Ihahatid ka ng chopper bukas ng umaga. Pero ikaw lang. Hindi mo maisasama si Troy. I’ll be damned kung inaakala mong papayagan kong palakihin ng ibang tao ang anak ko!”
Mabilis ang pagbangon ng panic sa dibdib ni Bobbie. “N-no. Please, listen...”
“Shut up, Bobbie! I’m tired... too tired for that matter. Ilang araw na akong walang tulog. Hindi ba ako maaaring magpahinga?” At sinabayan nito iyon ng dapa.
“R-Romano, please...” she whispered. Touched his naked back. Subalit hindi ito kumikibo. “P-please, listen...” s ubalit nanatiling hindi kumikilos ang asawa. At sa paraan ng paghinga nito’y alam niyang tulog na si Romano.
She controlled her sob at dinampot ang roba at isinuot. Pagkuwa’y maingat na lumabas ng silid. Hindi siya maaaring bumalik sa silid nilang mag-ina dahil magigising niya si Troy sa iyak niya. Naupo siya sa sofa sa living room at doon umiyak nang umiyak. Kung gaano siya katagal doon ay hindi niya alam. Tila walang pagkatuyo ang mga luha niya.
“Bobbie...” s i Emerald mula sa puno ng hagdan.
“M-Mom...”
Walang ingay na nakalapit si Emerald sa kanya. Hindi rin nag-abalang magsindi ng ilaw.
“I–I’m trying... to... save this marriage,” she sobbed hysterically nang maupo sa tapat niya ang biyenan. Lalo pang hindi makontrol ang iyak. “But he wouldn’t listen...”
“Do you want to tell me about it?”
“It’s my fault. H-hindi ko siya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag...” s inabi niya kay Emerald ang lahat ng dahilan kung bakit bumalik siya sa Pilipinas at ang pagtanggi ni Romano na anak nito si Troy.
“Gusto mong kausapin ko si Romano, hija?”
Mabilis siyang umiling. “He wouldn’t listen to you. Iinsultuhin lang niya ako. Mommy, please, kung tutulungan ninyo ako’y tulungan ninyo akong makaalis ng isla bago mag-umaga. Hindi ko kayang makitang maiiwan ko si Troy. Habang tulog siya’y gusto ko na lang umalis.”
“Are you sure this is what you want, Bobbie?”
Isang tango ang isinagot niya.
Hindi pa sumisikat ang araw ay inihahatid na ng tanaw ni Marco at Emerald si Bobbie sakay ng pickup patungong Kristine Hotel kung saan naroroon ang chopper na maghahatid sa kanya sa Maynila.
“Tama bang pinayagan mo ang manugang mong umalis?” Marco asked.
“Hindi ko siya kayang pigilan, Marco. At matigas ang loob ni Romano. At nauunawaan ko siyang hindi niya gustong makita ang anak habang paalis siya. Nararamdaman ko ang nararamdaman niya.”
“What now?” Marco asked worriedly.
“Hindi ko alam. Hayaan mong si Romano ang magpasya para sa buhay niya. We can only help kung kailangan niya ng tulong natin.”
HAPON na halos nang magising si Romano. Si Troy na matapos mapagod sa paglalaro at pamamasyal ay ayaw tumahan sa pag-iyak at hinahanap ang ina. Kinuha nito ang anak mula sa yaya at kinarga subalit ayaw tumigil sa pag-iyak ang bata.
“Hush, darling,” alo nito sa bata at hinagkan sa noo. Nilingon ang yaya. “Bakit ba ito umiiyak?”
“Hinahanap po si Ma’am, Sir...”
Nagsalubong ang mga kilay ni Romano. “Bakit, nasaan si Bobbie?”
“Ipinahatid ko sa Maynila kaninang madaling-araw,” ani Emerald na bumaba dahil narinig ang apo.
“Mom!” bulalas ni Romano. Ibinigay ang bata sa yaya na lalong lumakas ang iyak.
“Ilabas mo muna ang bata, Lucing,” utos ni Emerald. Pagkatapos ay binalingan ang anak na tumingala at inihilamos ang kamay sa mukha. “Iyon naman ang gusto mo, `di ba? Ang maiwan dito si Troy at paalisin ngayong umaga si Bobbie. Sinabi mo sa kanya iyan dahil hindi mo gustong makinig sa paliwanag niya. I’m ashamed of you, Romano. You only want your wife in your bed and—”
“Mommy, that’s not true!”
“Buhay mo iyan, Romano, bahala ka. Pinaalalahanan ka namin ng daddy mo nang sabihin mong mag-aasawa ka na. Ang sabi mo’y kaya mo. So take all the consequences.”
“What did she tell you?”
“There was a third party involve.”
He frowned. Sino? Sinabi ni Bobbie na magkaibigan lang ito at si Steven. “Is it Quidd?” nagtatagis ang bagang nitong tanong.
“Mali yatang pangalan ang narinig ko mula sa asawa mo,” ani Emerald na tumaas ang kilay. “Unless she’s Joanna Quidd.”
“HEY, NAKAKAISTORBO ka!” sigaw ng occupant sa kabilang unit na sumungaw sa pinto nang walang hintong katukin nang malakas ni Romano ang pinto ng unit ni Bobbie.
“Damn you!” ganting singhal niya rito. “If you want a fight, at my mood now I could probably kill you.”
Nakita siguro ng matandang lalaki ang hindi nagbibirong anyo ni Romano ay mabilis itong nagsara ng pinto. Si Romano ay patuloy sa pagkatok at pagdiin sa door chime. Hawak niya ang susi na hiningi sa administrador ng building. Kaninang umaga pa siya kumakatok at nang walang sumasagot ay umalis siya at pinuntahan si Quidd upang hanapin dito si Bobbie. Subalit ni hindi alam ni Steven na nakabalik na pala ito mula sa isla. Nakailang dial na siya subalit busy tone ang laging naririnig sa linya.
Alam niyang may tao sa unit dahil naka-lock sa loob. Idagdag pa ang tila musikang naririnig niya na hindi nakapag-alis sa kaba sa dibdib niya.
Muli siyang bumaba at makalipas ang ilang minuto’y may dalawang tao na siyang kasama. Maintenance men. Dinidistrungka ang pinto upang mabuksan ang loob.
“Thank you,” ani Romano nang mabuksan ang pinto. Muli niyang isinara ang pintong butas na. Lumakas nang bahagya sa pandinig niya ang musika na nanggagaling sa silid ni Bobbie. Sa malalaking hakbang ay tinungo niya ang silid ng asawa. Pabalyang binuksan ang pinto at halos mabingi siya sa lakas ng ingay ng component. Iyon ang dahilan kung bakit hindi marinig ang katok sa pinto. Sinadya ni Bobbie na gawin iyon. And the phone was off the hook.
“Bobbie!”
Si Bobbie ay nasa gitna ng kama at nakatitig lang sa kisame. A flicker of surprise showed her eyes nang makita si Romano.
Marahas na hinablot ni Romano sa saksakan ang kordon nang hindi malaman kung paano hihinaan ang component. At saka nilapitan si Bobbie at mahigpit na inangat sa pagkakahiga at niyakap.
“Oh, g od, ano ang ginagawa mo?” Ilang sandaling niyakap ang asawa at pagkuwa’y muling inihiga. Nagpalinga-linga, baka may ininom ito. Pagkatapos ay hinahanapan ng kung anong sugat ang katawan. Small relief filled his chest nang makitang wala kahit na anong palatandaang nagtangkang mag-suicide si Bobbie.
“R-Romano?”
“Oh, g od, sweetheart.” m uling inangat ang asawa. He was dying inside sa nakikitang anyo nito. Mugto at nangingitim ang mga mata. “What have you been doing?” Panic in his voice. “I’m taking you to the hospital!”
“I’m... all right,” she whispered at nagsikap kumawala.
“You are not!”
“Please, I am all right. I promise. Put me down, Romano. Where’s Troy?” At pagkabanggit sa pangalan ng anak ay naglabasan ang mga luha sa mga mata niya. Sunod-sunod ang iyak na ginawa.
“Hush, sweetheart, please. You’re scaring me. Don’t do this, Bobbie, please. You’ll get ill kung hindi pa man...” m uli nitong dinala sa dibdib ang asawa.
“I am ill!” she said almost in hysterical distress. “I’m losing Troy... and I’m losing you again. And I love you so much that it hurts.”
“I know... I know,” prantikong wika ni Romano sa nagsisikip na dibdib. Hinahaplos nang sunod-sunod ang likod ng asawa. “And I love you too, sweetheart. Very much. I have never stopped loving you for a minute. You’re wrong about Joanna. She was never my lover... never!”
Nag-angat ng mukha si Bobbie. Hinahanap sa mukha ng asawa ang katotohanan. Puno pa rin ng whiskers ang mukha nito. His eyes troubled and he looked older.
“Will you believe me this time, sweetheart?” he begged softly, pain laced his voice. Isang tango ang isinagot ni Bobbie.
“What she told you four years ago were all lies. She had never been my lover though she was very vocal to tell me that she wanted me. She knew about my medical records dahil nakalatag sa mesa ko iyon minsan at nakita niya. Iyon marahil ang narinig mo. At nang sabihin kong sa labas kami kumain ay kasama ang ibang executives. Napagpasiyahang isasama ko siya rito sa Maynila pagkatapos ng management trainee ko.
“Nang sabihin mong nanggaling dito si Joanna noong umaga ay agad ko siyang kinompronta. Inamin niyang kinausap ka niya but without malice. I didn’t believe her so I asked her to resign from her job.” He was explaining fast na para bang kung hindi nito gagawin iyon ay mawawala ang tsansang magpaliwanag.
Relief and guilt filled her. Subalit gusto niyang linawing lahat. “S-sa office ni... Nathaniel—”
“She asked forgiveness. Pati sa iyo. Pinakiusapan niya akong bigyan ko siya ng official recommendation sa bago niyang employer who is my friend. Kinabukasan nang araw na iyon ay pabalik na siya sa Houston. ” h uminga nang malalim si Romano. “Joanna was a friend, Bobbie. She was very efficient in her job sa kabila ng lahat. At kung parurusahan ko siya’y para akong walang-kuwentang tao.”
“Ang...sabi mo’y magkikita kayo roon...”
“Of course, dahil babalik ako roon para sa annual board meeting. Kasama ko kayo ni Troy.” Pagkatapos ay hinapit siya nito at mariing hinagkan sa ibabaw ng ulo. And then groaned as he whispered. “Oh god, so help me. I have a very jealous wife.”
Isinubsob niya ang mukha sa dibdib ng asawa. “Will you ever forgive me?”
“May kasalanan din akong malaki, sweetheart. Dapat ay noon ko pa ginawang ipasuring muli ang sarili ko nang sabihin mong nagdadalang-tao ka. But you left without any valid reasons so I thought you don’t really love me.” Itinaas nito ang mukha niya. He forced her to meet his eyes.
“Bilang panganay na lalaki ay matagal nang nasa pangalan ko ang rancho. Bago pa man kita ipahanap. I can’t seem to get you out of my system sa nakalipas na mga taon. Ipinasya kong hanapin ka. At kung wala kang commitment ay aluking muli na makisama sa akin. Handang tanggapin ang anak mo. At hindi ko kayang ipaliwanag sa iyo ang hapding naramdaman ko nang makita kitang masuyong nginingitian ni Quidd at pisil pa ang kamay mo. At gusto kong mamatay nang makita kong akin si Troy.”
She smiled. Happiness radiating from her lovely face. Then her hands moved upward. Unbuttoned his wet shirt and planted a soft kiss on his dark chest. Romano groaned softly.
WAKAS
from first page
This is my second letter. In my first one, I poured my sentiments about the sudden turn of events in Endlessly. My cries were there and until now I am still mourning for my beloved Diana Montero. The first time I read it I was really fuming and was about to eat a man whole! Now the wound has healed but the scar still remains...buried deep inside of me. Mind you, I took it so seriously.
But I screamed and yelled to my heart’s content when I read the message at the back page of Rose Tattoo 1 (Since Endlessly , it is only now that I had the courage to run and read through the pages of KS). If I may quote “...watch out for Lenny’s romance with Diana’s daughter.” Omigosh! I am on for a cardiac arrest. I hope you won’t change your mind, please. Lenny has grown up to be what a Fortalejo should. And I can’t wait to know and picture what does sweet young Diana look like...
I’ve read your Secrets 1. It’s beautiful too. Please continue on making good novels. I don’t mind spending. It’s worth it. - Jean Dalagan of Iligan City.
Hasta la proxima ves.
radicalducati