Romano 2 (Kristine Series 15)

Chapter 2



Chapter 2

“S O, THIS is Monique Hotel,” komento ni Bobbie nang nasa loob na sila ng lobby at inikot ng tingin ang de klaseng hotel. “Hmm. Hindi pahuhuli sa ibang five stars.”

“This is a five-star hotel, Bob.”

She smiled. Ikinawit ang braso sa braso nito. “What is the chance of our meeting Mr. Behind-the-macho-mask-lies-Eve?”

Napahalakhak si Kendal. “Iyan ang hindi ko kayang sagutin. This is his hotel and he lives at the Penthouse, so chances are eight to ten.” Nilingon siya nito at hinagod ng tingin. “Kahit pa siguro gay si Mr. Gascon ay natitiyak kong maa-attract sa iyo.”

Banayad siyang natawa. “Thank you, Ken. Bagaman alam kong hindi ako ganoon ka knockout.”

“Yes. You won’t hold the Miss Universe title, Bobbie. Though I can’t pin point what makes you so pretty and beautiful. And there’s something about you that men want to die for.”

She smiled, very please. Sa ilalim ng isip ay gustong bumangon ang isang halos ganoon ding uri ng papuri mula sa kaisa-isang taong minahal niya. But she pushed them all back to the deepest corner of her mind. Hindi ito ang panahon para isipin ang nakaraan.

“I’m not a beauty expert, you know,” patuloy ni Kendal. “ p ero kilala kita. You are a gem. And if I were a little younger, perhaps Nick Gascon’s age, hindi kita pakakawalan.”

Nilingon niya ang matandang lalaki na ang mga mata’y naka-concentrate sa daan. Umangat ang mga kilay niya. “What would Mother say if she hears you say that?”

Biglang nahinto sa paghakbang si Kendal. He stared at her. Inaarok ang sinabi niya. “You knew...” anito sa tonong halos pabulong.

She gently tapped his arm. “I’m her daughter, Ken.” At gusto niyang idagdag na nagmahal din siyang minsan kaya alam niya kung paano kumikilos ang mga umiibig. Tila ba rosas ang buong paligid. Tila ba walang katapusan ang kaligayahan. Sa pagkabanggit sa mga bulaklak na rosas ay may iglap na nais mangibabaw sa isipan ni Bobbie. Subalit mariin niyang isiniksik iyon sa kailaliman ng utak niya.

“I noticed those eye contacts, you know. Hindi ninyo naitago iyon. Kapag nasa isang pagtitipon kayong dalawa, hinahanap ng mga mata ninyo ang bawat isa.”

Tumikhim ang matandang lalaki. “So, we were that obvious, eh. Like foolish teenagers.” They stood there in the middle of the huge lobby. “And?”

“Don’t sound so insecure. I have nothing against my mother’s falling in love again, she’s only forty-seven. Still young and deserves to be happy. And if she’s happy with you…” She shrugged. “Then I am happier.”

Napabuntong-hininga nang malalim ang lalaki sa relief. “We’ve been wanting to tell you about it. Pero nag-aalala ang mama mo na baka hindi ka pumayag. She knows how you love your dad until now.”

“Yes,” sang-ayon niya nang walang pasubali. “Dad occupied a place in my heart that forever will be his. But I have a big heart, Ken. You can squeeze in.” She smiled at him, giving him the assurance he needed so much.

“I... I don’t know what to say.” g umagaralgal ang tinig nito. “After all, hindi lang pala isang magandang balita ang tinanggap ko sa araw na ito.” Isang nagpapasalamat na ngiti ang ibinigay ng matandang lalaki sa kanya. “I… I want to marry your mother, Bobbie.”

Hindi na yata maalis sa mga labi niya ang ngiti. “So when’s the big day?”

He was beaming with happiness. “Pagkatapos ng deal kay Nick Gascon at panatag na ako, sa La Crouix, darling. I’ll give your mother a beach wedding under the moonlight,” he promised. “At walang kokontra. Hindi lang kayong mga kabataan ang naghahangad ng beach wedding.”

May init na humaplos sa dibdib ni Bobbie. She could imagine her mother’s face glowing with happiness. “Bakit naghintay kayo nang ganito katagal?”

“Hindi ko gustong madamay ang mama mo sa financial crisis ko, Bob. Bagaman bale-wala sa kanya iyon. She’d go with me to the ends of the earth barefooted.” i sang nasisiyahang buntong-hininga ang pinakawalan ng matandang lalaki. “And this deal really mean so much to me, and for your mother.”

“Quidd!”

Napalingon silang dalawa sa pinanggalingan ng tinig. Isang lalaki ang palapit sa kanila. Una nang napuna ni Bobbie ang lalaki na naghihintay sa pagbaba ng elevator. Binilisan ni Kendal ang mga hakbang kasunod si Bobbie.

“Nick!” pabulalas na bati ni Kendal, sabay abot ng kamay sa binata. “I never thought we’d see you here. Biglaan lang ang plano naming dito mag-dinner.” Nilingon nito si Bobbie na palapit na at bago pa nito siya maipakilala ay muling nagsalita si Nick.

“Plano kong tawagan si Steven pagpanhik ko sa penthouse, Quidd. Mabuti naman at nagkita tayo.”

“May problema ba?”

n abaling ang tingin nito kay Bobbie. “She’s with you?”

“O, yes. This is Bobbie de...”

“Fajardo. Bobbie Fajardo, Mr. Gascon,” agap ni Bobbie sa pagpapakilala ni Kendal at matamis na ngumiti. Hindi itinago ng mga mata niya ang paghanga sa binata.

“Kulang ang description ni Kendal para sa lalaking ito,” ang nasa isip ni Bobbie. “At sira ang ulo ng mag-iisip na isa itong closet queen. The devil isn’t just handsome. He spells s-e-x and she felt like crawling at his feet.”

“And I’m so pleased to meet you,” idinugtong niya.

Nick twisted a corner of his lips. So, this is the missing Bobbie Fajardo de Silva. Tres chic, he thought in French. How would he know that he’d meet her here? At kasama si Kendal. May alalahaning bumangon sa isip niya. May ugnayan ba ang dalawa?

“So I have finally met you, Bobbie,” wika ng binata. Clasped her hand tightly yet in a friendly manner.

Umangat ang kilay ni Bobbie roon. “What does that mean?”

“Dito ba tayo mag-uusap?” natatawang wika ni Kendal. “I have made a reservation at the Seaside.” a ng tinutukoy nito’y ang isa sa mga eleganteng restaurant ng hotel. “Nagpatawag ako sa sekretarya ko bago kami nagtungo rito.”

“Of course, Kendal,” sang-ayon ni Nick na binitiwan ang kamay ni Bobbie. “Ang sasabihin ko actually ay para sabihing hindi ako ang makikipag-usap sa iyo bukas ng gabi.”

“Ano ang ibig mong sabihin? Kanselado ang meeting bukas ng gabi?”

Umiling si Nick. “Hindi. Pero ikinalulungkot kong sabihing may mahalagang bagay na itinawag sa akin ngayon lang mismo at hindi ko puwedeng ipagpaliban. Kung nahuli kayo ng dalawang minuto ay hindi ninyo ako aabutan bagaman nag-iwan ako ng mensahe sa manager ng hotel. It concerns my daughter Monique. I have to see her. Mawawala marahil ako ng tatlong araw.”

“Oh,” disappointed na usal ni Kendal. Pero agad ding nakabawi. “Kung ganoon ay i-reset na lang natin ang meeting ng anak ko sa iyo, Nick.”

“I am just sorry that I couldn’t make it. No matter what we do, family comes first…”

“I understand,” sang-ayon ni Kendal, sinikap itago ang disappointment sa mukha.

“But there’s no need for Steven to cancel the meeting tomorrow evening. Ang aking business associate ang makakausap ng anak mo bukas, Quidd. He is almost a relative. Kailangan niya ang exposure sa hotel business. His uncle is a major stockholder of Gascon Hotels International,” pahayag ni Nick. His business with Kendal Quidd is official at talagang gusto ni Nick na mabili ang fifteen percent shares ng ADI. Though Romano promised that the deal will be as he expected, kinakabahan siyang di-mawari na gagamitin ito ni Romano para sa isang personal na motibo.

And yet, he couldn’t say no to Bernard’s nephew or to be precise, grandson for that matter. Romano was as powerful as his father was before the retirement. Isa sa mga kinikilalang shrewd businessman sa murang edad. Penetrated the business world with ruthless acumen along with his cousin Lenny. Walang business deal na hindi nagtagumpay ang batang de Silva. Though it was rumored that his marriage life wasn’t as successful as his businesses.

Nick smiled to himself bitterly. You cannot have the best of both worlds. Sinulyapan nito si Bobbie. He shook his head inwardly, feeling sorry for Romano.

“Walang problema, Nick. Sana’y maayos mo kung ano man ang problema mo sa anak mo.” Bigla ang kasiyahang nadarama kanina ay nabantuan ng kaba at takot na baka hindi matutuloy ang negosasyon.

Tinapik ni Nick sa balikat ang nakatatandang lalaki. “Hindi nagbabago ang pagnanais kong bilhin ang fifteen percent shares sa ADI,” paniniyak nito na sa wari ay nahuhulaan ang laman ng isip ni Kendal. “Bukas ng gabi ay tuloy ang appointment kay Steven. Kung ano man ang desisyon ng aking representative bukas ng gabi ay siya ko ring desisyon, Quidd.” s inulyapan nito si Bobbie at nginitian bago ibinalik kay Kendal ang tingin. “Romano will see you tomorrow.”

Ano man ang dahilan ni Romano para muling makatagpo ang dating asawa ay hindi na niya gustong problemahin. All he wanted was to close the deal.

“R-Romano?” usal ni Bobbie. Siguro naman ay may ibang lalaking Romano rin ang pangalan.

“Yes, Romano de Silva. He’s one of the stockholders. I’m sure you’ve heard of him. Kristine Steel?” Kay Kendal ito nakatingin.

“Of course,” ani Kendal. Bilang negosyante’y kilala nito si Romano at nakatagpo nang minsan. But that was five years ago nang nagsisimula pa lang ang batang de Silva. At kilala niya ang pamilya ng ina ng lalaki.

Kung himatayin siya’y hinimatay na si Bobbie sa sandaling iyon. Wala sa loob na napakapit sa braso ni Kendal sa pagtataka ng huli. Napakunot ang noo ni Nick sa ginawing iyon ni Bobbie. May relasyon ba ang dalawang ito?

“I’d rather hurry now, Ken... Bobbie. Naghihintay ang chopper sa akin,” paalam nito. Muling inabot ang kamay sa kanya. “Nice meeting you again, Ma’am...hmm,” ani Nick na tumaas ang mga kilay nang maramdaman ang malamig na palad ni Bobbie. “Cold hands, warm heart.” He smiled at her. Pagkuwa’y binitiwan ang kamay niya at pumasok na sa kanina pa naghihintay na elevator patungo sa penthouse nito.

Inakay ni Kendal si Bobbie na maupo sa couch na nasa reception area. “Now, what is it? You went pale and cold when you heard the name of Nick’s representative.” Kinawayan nito ang isang waiter at humingi ng brandy.

Si Bobbie ay isinandal ang ulo sa headrest at pumikit. Ilang sandali pa’y iniaabot na sa kanya ni Kendal ang kopita ng alak.

“Drink this, Bobbie. Namumutla ka.”

Nagmulat siya ng mga mata at sa nanginginig na kamay ay inabot ang kopita at dinala sa bibig. Ang mainit na alak ay naglandas sa lalamunan niya at bahagyang nakatulong upang mabawasan ang tensiyon at nerbiyos.

Ibinaba niya sa side table ang kopita at tumingala kay Kendal na nakayuko pa rin sa kanya sa nag-aalalang mukha.

“R-Romano de Silva is Troy’s father, Ken.”

Bahagya lang ang pagkagulat na gumuhit sa mukha ni Kendal. Tumuwid ito ng tayo.

“What’s the big deal?” wika nito sa matatag na tinig. “So, he was your ex-husband. Ano ang problema? Isang ordinaryong bagay na lamang ang mag-asawang naghihiwalay. At sabi mo pa’y ibinigay niya sa iyo ang sole custody sa anak mo. He sounds like a reasonable man, Bobbie.”

Gusto niyang maghisterya sa tawa. Ibinigay sa kanya ni Romano ang sole custody para kay Troy. Iyon ang sinabi niya kay Kendal nang itanong nito ang ama ni Troy. Hindi niya deretsahang maipagtapat na hindi pa man ipinanganganak si Troy ay itinakwil na ito ng ama.

“T-there’s no need for me to accompany Steven tomorrow night, Ken,” aniya. “You won’t be needing me to close this deal. Steven can handle the transaction. We both know that. Besides, tiniyak sa iyo ni Mr. Gascon na hindi nagbabago ang desisyon niyang bilhin ang fifteen percent share of stocks sa ADI, hindi ba? Baka hindi lang magandang tingnan na naroroon ako.”

“That is not the point,” sagot ni Kendal. “Wala akong nakikitang problema sa pakikipagkita natin sa ex-husband mo, Bobbie. Why do you have to shrink at the thought of seeing him again? For all you know ay okay lang sa kanya ang makatagpo kang muli. Like meeting some old friends. Hindi mo siya maiiwasan habang-buhay.”

May katwiran si Kendal. Gayunman ay umiling si Bobbie.

“Unless he still means something to you until now?” pananantiya ni Kendal.

Napaangat siya ng tingin. “N-no. He means nothing to me now. Whatever I felt for him had died long time ago,” nang itanggi niyang anak niya ang dinadala ko sa sinapupunan ko. Tumuwid siya ng upo. Itinaas ang mukha nang wala sa loob. “Still, hindi pa rin ako handang makipagkita sa kanya.”

Sinuri siya nito ng tingin. “Hindi kita pipilitin kung hindi ka komportable sa muli ninyong pagtatagpo. Ayoko lang na nakikita kang ganyan. Nakita mo sana ang sarili mo kanina nang banggitin ni Nick Gason ang pangalan ng asawa mo. Ikaw man itong nasa katayuan ko ay mag-aalala ka rin. Anak na ang turing ko sa iyo, Bobbie, alam mo iyan.”

She forced a smile. “I know that. Thank you. Baka lang kasi masira ko pa ang gabing magsasara kayo ng deal.”

“If you say so.” n akangiting inabot ni Ken ang kamay niya at inalalayan siya sa pagtayo.

She hesitated. “Ken…”

Ikiniling ni Kendal ang ulo nang bahagya.

“There’s something you should know about Romano and me. Ang totoo niyan ay… asawa pa rin akong maituturing ni Romano. Hindi siya nag-file ng divorce o kahit ng annulment.”

Nagdikit ang mga kilay ni Kendal. “Really? Bakit sa palagay mo hindi nag-file ng divorce si Romano? Sa katayuan niya ay napakadaling gawin iyon. Ni hindi niya kailangang mag-effort considering his bunch of lawyers.”

“Hindi ko rin alam. Sa nakalipas na mga taon ay lagi kong inaasahang mapapadalhan ako ng divorce o annulment papers. But it never came.” Hindi niya gustong aminin dito na kung ang puso niya ang tatanungin noong unang mga taon ay hindi niya nais na gawin iyon ni Romano. Subalit hindi lang puso ang dapat ikonsidera sa nangyari sa kanila.

Kailangan din naman niyang pahalagahan ang sarili niya. Ang pride niya. At si Troy. Pinili ni Romano ang PA nito kaysa sa kanya. O kung hindi man pinili, ay nais ni Romano na dalawa sila sa buhay nito.

“Hmm.” Hinawakan ni Kendal ang baba. Tinitigan nang husto si Bobbie. “Posibleng may pagtingin pa rin siya sa iyo hanggang ngayon, hindi kaya?”

Muli gusto niyang matawa sa assumption na iyon ni Kendal. “For someone like Romano, hindi siya mawawalan ng babae. Magagandang babae.”

“But you are also beautiful!” Kendal said.

“Don’t patronize me, Ken.” Umiling siya. “You know the kind of women these rich and gorgeous men want for themselves.”

“Do not underestimate yourself, my dear. You are so lovely one can hardly forget you. Kaya lang ay hindi ko mailarawan sa isip kung paano kayong nagkapangasawahan. Romano’s a hard businessman, iyon ang reputasyon niya sa business world. And a bit of a playboy. Hindi ang uri ng lalaking tipo mo.” Umiling ito, may bahagyang puzzlement sa mukha.

“Isa iyong pagkakamali sa bahagi ko. Naming pareho, Ken. We were both very young then. Mas pinagagana ang puso kaysa sa isip.”

“ You were always sensible, my dear. Natitiyak kong kahit noong dalagita ka’y hindi ikaw ang uring padalos-dalos.”

You’re so wrong. Nagpadalos-dalos akong ibigay sa kanya ang puso ko, she thought.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya kasabay ng pagtayo. She smiled, ikinawit niya ang braso sa braso nito at tumayong kasama ito. “Naghihintay ang dinner reservation natin. I’m starving. ”

Bumulalas ng tawa si Kendal.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.