Epilogue
Epilogue
Epilogue
E
pilogue
AGAD
na sinalubong ni Inna ang asawa nang makapasok ito sa bahay. Hinihilot ni Havoc ang batok at balikat. “My Inna…” bati nito nang makalapit siya.
“Tesoro…”
Kinalag niya ang necktie ni Havoc saka ito hinalikan sa mga labi. “You’re early today.”
“Yep.” Agad itong yumakap sa kanya. “Office work bores me.”
Mahina siyang natawa. “Then don’t go to work. Tatakbo naman ang kompaniya mo kahit hindi ka pumasok lagi. Tulad noon. Lagi ka nga lang nasa club mo, eh.”
Havoc groaned and hugged her tighter. “Even if it bores me, I will still go to work for my little kitten and for my Inna. And for this fella right here.” Hinaplos nito ang tiyan niya saka iyon hinalikan. “Daddy is so excited to see you, baby.”
Nakangiting hinaplos ni Inna ang buhok ng asawa. “Matagal pa bago siya lumabas.”
“Kahit na. Excited pa rin ako.” Havoc kissed her lips and bit her lower lip. “Where’s my little kitten?”
“Fyre took her to an amusement park.”
Agad na naging pilyo ang ngiti ni Havoc. “We’re alone then.”
Kagat-labing tumango si Inna. “Yes. We’re alone.”
Humaplos ang kamay ni Havoc sa mayayaman niyang dibdib saka iyon pinisil. “So, I can do this?”
Kagat-labing umiling si Inna. “No. Grocery first—”
“And then we’ll make love?”
Natatawang tumango siya. “Yes. But I’ll buy some groceries first. You stay here and rest—”
“No. Sasama ako. Walang magbubuhat ng mga pinamili mo.”
Inna cupped Havoc’s face. “But you’re tired. You need to rest. You’ve been working really hard,
tesoro.
”
Havoc smiled at her. “Hindi ka puwedeng magbuhat ng mabibigat. I won’t let you. Kaya sasama ako.”
“Oo na.” Napipilitan siyang tumango. Hinayaan na lang niya ang asawa na masuyo siyang hinila palabas ng bahay.
They were still living in the beach house for five years now. Serenity was already seven years old and she was three months pregnant. It was not always happy every day, but they had been together for five years. And it was still going strong.
“Did you drink your milk this morning?” tanong ni Havoc nang nasa sasakyan na sila. “I know how much you dislike it.”
Napalabi si Inna. “Ahm…”
Sinulyapan siya ni Havoc. “Hindi mo ininom `yong tinimpla kong gatas, `no?”
Umiling siya. “It smells bad.”
“It’s for the baby,” he argued. “You want our baby healthy, right?”
“Eh, hindi ko nga kayang inumin, eh—”
“But it’s for our baby.” Havoc sounded irritated. “How hard is it to drink one glass of milk? Hindi naman `yon mahirap, `di ba?”
Gumuhit ang iritasyon sa mukha ni Inna. “Hindi ko kaya ang amoy ng gatas. Suka ako nang suka kanina, eh. It’s easy for you to say since you’re not the one vomiting every damn day!”
Hindi napigilan ni Inna na magtaas ng boses. Ilang beses siyang huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili. Itinigil ni Havoc ang sasakyan at ipinarada sa gilid ng kalsada.
“Gusto mo bang kausapin natin ulit ang OB mo?” May paglalambing sa boses ng asawa.
That was her husband. Kapag alam nitong iritado o galit na siya, hindi nito sinasabayan ang galit niya. Laging si Havoc ang unang nagbababa ng boses. Tulad na lang ngayon.
“I’m sorry.” Inna took a deep breath. “Sinubukan ko naman. Pero nasuka ako, eh. Susubukan ko na lang ulit mamayang gabi.”
Havoc sighed before gathering her in his arms. “Pasensiya na rin. Pagod lang ako kaya nataasan kita ng boses.”
Tumango si Inna saka ngumiti. “I know. I understand.”
Hinalikan siya ni Havoc sa mga labi saka ilang segundong tinitigan. “Bati na tayo? Hindi ka na galit?”
Tumango si Inna. “Bati naman tayo, ah.”
That made Havoc chuckle. “You know what I mean.”
Nagkibit-balikat siya. “No harm done.”
Tumango-tango si Havoc. Hinalikan ulit siya ng asawa sa mga labi. Ibinalik na nito ang atensiyon sa manibela at nagmameho na ulit.
“Should we visit your OB again?” Havoc asked.
Umiling si Inna. “No need. I’ll try later.”
“Kung hindi mo talaga kaya, baka may iba namang options na maibibigay ang OB mo.”
Isinandal niya ang katawan sa likod ng upuan saka naghikab. “Inaantok ako. Kakagising ko nga lang, eh.” Napasimangot siya.
“Rest,” sabi ng asawa niya. Inayos nito ang neck pillow na nasa passenger seat. “Gigisingin na lang kita kapag nandoon na tayo.”
Ipinikit ni Inna ang mga mata, pero hindi naman talaga siya nakatulog. Gusto lang niyang nakapikit ang mga mata niya.
Naramdaman niya ang pagtigil ng sasakyan. Naramdaman din ni Inna ang paghaplos ni Havoc sa buhok niya.
“My Inna… wake up. We’re here.”
Iminulat ni Inna ang mga mata saka naghikab ulit.
Napangiti ang asawa niya. “Still sleepy? You want me to book a hotel room, so you can rest while I buy our groceries?”
Umiling si Inna. “I’m okay.” Her husband always pampered her. “Mamaya na lang ulit ako matutulog pagbalik natin.”
“Sige.” Lumabas si Havoc sa sasakyan. Pinagbuksan siya nito ng pinto. Pinagsalikop din nito ang mga kamay nila.
Magkahawak-kamay silang pumasok sa grocery store. Kukuha na sana sila ng push cart nang tumunog ang cell phone niya sa bulsa. Kinuha niya iyon at sinagot ang tawag nang makitang si Fyre iyon.
“Fyre, how’s my kitten?”
“Hinahanap ka,” natatawang sabi nito. “Palabas na kami ng amusement park. Nag-grocery ka na ba? Ihahatid ba namin sa `yo o sa bahay n’yo na?”
“Walang tao sa bahay. Kasama ko si Havoc,” sagot niya.
“Ganoon ba? Sige, nasaan kayo?”
Agad niyang sinabi kay Fyre kung nasaan sila para doon na ihatid si Serenity.
“Tawagan mo na lang ako kapag malapit na kayo.”
“Malapit lang kami riyan. See you.”
“See yah.”
Nang patayin ni Inna ang tawag, masuyo siyang inakbayan ng asawa. Inalalayan siya nito papunta sa chocolate section para sa anak nila. Lahat ng chocolate na paborito ni Serenity ay inilagay ni Havoc sa cart. Kasunod niyon ay ang mga paborito naman niyang chocolate.
“How about those?” tanong niya sabay turo sa liquor section. “Baka bumisita si Monti sa bahay, wala nang alak doon.”
“Saka na,” sabi nito. “Mayroon pa namang isang bote ng Jack Daniels doon.”
Nakangiting yumakap si Inna sa braso ng asawa habang papunta sila sa fruit and vegetable section. Kukuha na sana siya ng cabbage nang may mahagip ang mga mata niya.
Mom! Dad!
Natigilan si Inna nang makitang napansin din siya ng mga ito. Nang makita ni Havoc kung saan siya nakatingin, he automatically wrapped his arm around her protectively.
Iyon ang unang beses na nakita ni Inna ang mga magulang pagkalipas ng mahabang panahon. Siguro nga, masama siyang anak. Hindi niya kasi sinubukang kunin uli ang loob ng mga ito nang makabalik siya sa Pilipinas.
Alam ni Inna ang kasalanan niya. Alam niya ang kahihiyang dinala niya sa pamilya. Pero sapat na ba iyon para abandonahin siya ng mga ito noong mga panahong kailangan niya ng tulong?
Iniisip niya noon na baka hindi lang niya naiintindihan ang kanyang ina. Pero ngayong ina na rin siya, hindi lubos-maisip ni Inna kung kakayanin ba niyang hindi makita ang anak niya kahit ilang buwan lang. Baka mabaliw siya. Noon ngang honeymoon nila ni Havoc, umuwi agad sila kasi miss na miss na ni Inna ang anak niya.
Now, she wondered, na-miss ba siya ng mga magulang niya?
“Mommy! Mommy!”
Agad na nawala sa isip ni Inna ang mga magulang. Masaya siyang napangiti nang marinig ang boses ng anak.
“Dada Meow!”
Kahit mabigat na si Serenity, nagawa pa rin itong buhatin ni Havoc saka hinalikan sa pisngi ang anak.
“Na-miss mo ba ako, little kitten?”
“Yes po.”
Inayos ni Inna ang headband ng anak na parang tainga ng pusa. “Wow! Pretty headband.”
Masayang itinuro ni Serenity si Monti. “`To Monti bought it for me.”
Napangiti si Inna at kumaway kay Monti. “Kumusta?”
Hinaplos ni Monti ang tiyan ni Fyre. “Damn good, I’d say.”
“Si Fym?”
“With Fyre’s parents,” sagot ni Monti saka tumingin kay Havoc. “May dumating na alak sa akin, galing Czech Republic. Let’s try it tonight?”
Nagtatanong na tumingin sa kanya si Havoc. “Can I?”
“Sure,
tesoro.
”
Tumingin naman si Monti kay Fyre. “I’m allowed to drink, right? I mean, do you need anything tonight?”
Fyre shook her head and smiled sweetly. “Just don’t get drunk or else I’ll bash your head on the nearest wall.”
Nauwi sa ngiwi ang ngiti ni Monti. Si Havoc naman ay natawa na lang. Natawa na rin sila ni Fyre.
The friendship between Havoc and Monti grew over the years to the point where they ventured and put up a businesses together. Matagal nang nawala sa isip nilang apat ang nangyari sa nakaraan. Mas naging close rin sila ni Fyre. Nasa bahay lagi ang mga ito dahil hinahanap ni Fym si Serenity. Tulad ng anak niya, mahilig din sa dagat si Fym.
To see her husband conversing happily with Monti as Serenity played with Havoc and Monti’s hair was something to behold. Masaya si Inna sa pagkakaibigan ng dalawa.
Wala sa sariling ibinalik ni Inna ang tingin sa mga magulang na walang imik lang na nakatingin sa kanilang apat, lalo na kay Serenity.
Look at me now, Mom. I’m happy with my family. I’m happy with Havoc and I’m in good terms with Monti.
Pero parang walang pakialam ang mga magulang ni Inna dahil hinila ng mommy niya ang kanyang ama palayo sa kanila.
Hindi pa rin nila ako tanggap.
Naramdaman niyang yumakap sa baywang niya ang braso ni Havoc. Hinalikan siya nito sa gilid ng noo. “Don’t mind them,” he whispered over her ear. “Maybe in time, they can accept us.”
Tumango si Inna saka masayang ngumiti.
“Aalis na ba kayo?” tanong niya kay Fyre.
“Nope.” Ngumiti ito. “Damihan n’yo na ang grocery. Makikikain kami sa inyo mamaya. Susunduin lang namin si Fym, `tapos pupunta kami sa inyo.” Pasimple nitong itinuro si Monti na ngayon ay kasama na ni Havoc na nagtutulak ng push cart. “Hindi matatahimik `yang asawa ko hangga’t hindi nauubos `yong alak na bigay sa kanya.”
Mahina siyang natawa. “`Yang asawa ko rin, hindi rin `yan matatahimik.”
“Drinking buddies, eh.” Fyre shook her head.
“Hayaan mo na, once a week lang naman uminom ang dalawang `yan.”
Fyre sighed. “Ano pa nga ba ang ginagawa ko? Anyway, kailangan kayo babalik sa isla? Nagyayaya si Monti. Hindi na kasi nakakaiskor kasi makulit na si Fym.”
Natawa si Inna nang maalalang nagyaya rin si Havoc noong isang linggo. “Hindi ko pa alam, pero niyaya ako ni Havoc. Kahit daw tatlong araw lang. Hindi pa kami nakakapag-usap ulit tungkol diyan. Pagod lagi sa trabaho, eh.”
“Eh, dati hindi nga `yan pumapasok sa kompanya niya,” komento ni Fyre na naiiling pa. “Laging nasa club niya. Ngayon, seryoso na sa buhay ang pinsan ko.”
“`Yon nga rin sabi ko sa kanya, ayaw namang makinig na magpahinga siya.” Nailing si Inna. “Kaya minsan, gusto ko ring pumunta ng isla, at least doon, nakakapagpahinga siya.”
“Oo. Nakakapagpahinga nga sila sa katatrabaho, pero, girl, tayo naman ang pagod. Puyat na nga, pagod pa. Lalo na `yang asawa ko, hindi makuntento sa isang round.”
Malakas siyang natawa. “Same with my husband.”
Parehas silang natawa ni Fyre. Napatingin sa kanila sina Havoc at Monti.
“Sa tingin ko, pinagtsitsismisan nila tayong dalawa,” sabi ni Havoc.
“Agree,” sabi ni Monti na tumango-tango pa.
Parehas silang napailing ni Fyre at sabay na lumapit sa kanya-kanyang asawa. Yumakap si Inna sa baywang ni Havoc at hinalikan ito sa pisngi.
“Thank you,” sabi niya.
Havoc frowned at her. “For what?”
“For making me happy,” Inna replied with a happy smile on her lips.
Havoc smiled and kissed her before whispering over her lips. “Happy wife, happy life. That’s my motto, My Inna.”
That made her smile even more. Inna stared at her husband lovingly who was now conversing with Monti about his “happy wife, happy life”
motto.
There was no perfect relationship. There was no perfect marriage. Her marriage with Havoc was far from being perfect. A lot of times, they argued over some things and decisions for their family. A lot of times, their decisions didn’t match. They shouted at each other and blamed one another. But at the end of the day, they would make up and talk about their differences and how to deal with them as a couple and as a family.
Hindi sila puwedeng matulog ni Havoc nang magkaaway, na may samaan ng loob. They always made sure to talk and converse to better understand each other. Iyon ang natutunan niyang magandang solusyon sa hindi nila pagkakasundo minsan ng asawa.
Conversation was always the key to a better relationship. And she was lucky to be married to Havoc Andrada. The man who loved her and their family more than he loved himself and the man who owned her heart, body, mind and soul.
W
akas
radicalducati