Iuhence Vergara (Possessive Series 2)

Epilogue



Epilogue

PITONG buwan pagkatapos ng kasal nina Mhel at Iuhence, natagpuan ni Iuhence ang sarili sa loob ng delivery room kasama ang pinakamamahal na asawa. She was about to give birth to their child. Nanginginig ang buo niyang katawan habang tinitingnan ang asawa na nakahiga. At dahil kaibigan niya ang doktor na magpapaanak sa asawa, hinayaan siyang sumama sa loob.

“Hayop ka, Iuhence!” sigaw ni Mhel habang nagle-labor. “Bakit mo ginawa sa `kin `to?!”

Namutla siya at kinain ng takot ang buo niyang pagkatao. Natatarantang hinawakan ni Iuhence ang kamay ng asawa at hinalik-halikan ang palad nito.

“Honey, I’m so sorry. I really am sorry,” hingi niya ng tawad sa asawa na panay pa rin ang sigaw sa sobrang sakit. “Hindi ko naman kasi alam na ganito kasakit `yon. Promise, hindi na kita bubuntisin.”

Gusto niyang pagsusuntukin ang sarili dahil sa pasakit na pinaparanas niya ngayon sa kanyang pinakamamahal na asawa.

His wife shrieked in pain again as she clutched her stomach.

“I hate you, Iuhence Vergara! I hate you! Bakit mo `to ginawa sa `kin?!”

Hinawi niya ang buhok na tumatabing sa mukha ni Mhel at hinalikan ito sa noo. “Honey, hold on, okay. Promise, hindi na kita bubuntisin. And you couldn’t possibly hate me. You love me, right?”

Tinapunan siya ng asawa ng masamang tingin. “Letse ka! Letse! I hate you— Araaaaaay!

Magsasalita sana si Iuhence nang marinig niya ang doktor. “Kaunting ire pa, Misis. Malapit nang lumabas ang baby n’yo.”

“Narinig mo `yon, honey? Malapit na. Iire mo na `yan,” wika niya na pinapalakas ang loob ng asawa. “Para ka lang niyan nilalabasan kapag nagtatalik tayo, mahal—”

“Manahimik ka d’yan! Hindi `yon magkaparehas!” Puno na ng pawis ang buong katawan ng asawa. “Oh, my God! Hindi na tayo magse-sex kahit kailan, Iuhence!”

Napanganga siya. “A-ano? Mahal naman, eh—”

“Aaaahhhh!” Mhelanie shouted in pain and then the sound of a baby crying filled the delivery room.

Nagkatinginan silang dalawa. Hinintay ni Iuhence ang doktor na sabihin ang kasarian ng bata. Nagpa-ultrasound sila para tingnan kung healthy ang babies nila pero hindi nila tiningnan ang gender para maging sorpresa iyon.

“Doktora?”

Ngumiti ito sa kanila. “It’s a healthy baby girl,” pag-iimporma nito sa kanila.

Hindi maipaliwanag ni Iuhence ang kasiyahang nararamdaman sa kaalamang paglabas niya sa delivery room ay tatay na siya. Sa wakas, may tatawag na rin sa kanya ng “daddy.”

Ngumiti si Mhel na pawis na pawis. “Welcome to the world, our beloved Kisses Iunie Vergara.”

Hindi niya napigilang halikan sa mga labi ang asawa. “Isa pa, mahal ko. Isang ire pa. Kaya mo `yan.”

Mhel smiled then she pushed and pushed until another cry filled the room.

“Wow,” manghang sambit ng doktor. “It’s another healthy baby girl.”

Kahit nababalot pa ng dugo ang anak ay kinalong ito ni Iuhence. Puno ng pagmamahal na tiningnan niya ang kakambal ni Kisses. “Hello, this is your handsome daddy. Welcome to the world, beautiful Hersheys Iumhe Vergara.”

PAGKALABAS ng delivery room, naroon ang mga magulang nina Iuhence at Mhel para salubungin sila. Ang mga ito muna ang nagbantay kay Mhel dahil uuwi siya sa bahay nila para maligo at para kunin ang mga gamit ng kambal.

Nang makabalik si Iuhence sa ospital pagkalipas ng ilang oras, naabutan niya ang mga magulang na nilalaro sina Kisses at Hersheys. Mabilis siyang lumapit sa kambal.

Nilukob ng kasiyahan ang puso niya nang makita ang mga anak. They were so beautiful and they looked alike. Mukhang mahihirapan sila ni Mhel na kilalanin ang dalawa. But they were their parents; of course, they could identify who’s who.

“Hello, baby Kisses.” He rubbed her cheeks then her small hand wrapped around his finger. Mahigpit ang hawak nito sa kanyang daliri at hindi niya napigilan ang isang butil ng luha na tumulo mula sa kanyang mga mata.

Ngayong nahahawakan na ni Iuhence ang anak nila ni Mhel, sobrang kaligayahan ang nararamdaman niya. Nag-uumapaw ang pagmamahal niya sa mga ito at ipinapangako niyang walang sinuman ang makakapanakit sa mga ito.

Iuhence then rubbed Hersheys’ nose. Same as Kisses. Mahigpit na hinawakan din nito ang kanyang hintuturo.

“They look so cute,” parang kinikilig na sabi ng kanyang ina. “Kamukha ko sila.”

“No offence, balae, pero kamukha ko ang mga apo ko,” sabi naman ng mommy ni Mhel.

“I can see a Tschauder in their appearance,” puno ng pagmamalaking sabi ng ama ni Mhel.

“No offence meant, balae, pero purong Vergara ang mukha nila,” sabad naman ng kanyang ama.

Hindi pinansin ni Iuhence ang apat at hinalikan ang pisngi ng mga anak. Binuhat niya si Kisses at inihiga sa tabi ng asawa. Pagkatapos ay kinarga naman niya si Hersheys.

Umupo siya sa gilid ng kama at nakangiting hinalikan si Hersheys sa noo. She looked so tiny in his arms.

Nakita niyang nagmulat si Mhel at kaagad na hinanap ng mga mata nito ang kanilang mga anak. When Mhelanie saw Kisses by her side, her eyes soften.

“I’m a mom now,” anito at hinaplos ang pisngi ni Kisses, pagkatapos ay inabot nito si Hersheys at hinaplos din ang pisngi. “Hindi pa rin ako makapaniwala na kambal ang anak natin.”

Napangiti si Iuhence. “Oo nga. Alam kong kambal sila pero nagulat pa rin ako nang lumabas silang dalawa.”

Hinawakan ni Mhel ang kamay niya at pinisil iyon. “Thank you—”

“No. Thank you because of you, I am now a father. And I promise to be the best father in the whole wide world.” Dumukwang siya at hinalikan sa mga labi ang asawa. “And I promise to be the best husband for you, my love.”

“Iuhence,” puno ng pagmamahal na hinaplos ni Mhel ang kanyang pisngi. “You already are the best husband.”

Five years later...

“DADDY! Daddy!” sigaw ng maiingay niyang kambal na anak habang malakas na kumakatok sa pinto ng kuwarto nila ni Mhelanie.

“Daddy! We know that you’re awake!” wika ng matinis na boses na iyon na walang iba kundi si Kisses. Ito ang pinakamakulit sa kambal. “Open up, Daddy yow.”

Nagtagis ang mga bagang ni Iuhence. He locked the door for a reason.

Nagbingi-bingihan siya habang mabilis na naglalabas-masok sa mainit na pagkababae ng kanyang asawa.

“Ohhh, Iuhence... bilisan mo.”

“Oh, yeah.” He groaned. “God, I love you—”

“Daddy! Daddy! Daddy!”

Nagpakawala siya ng buntong-hininga, saka hinugot ang kahabaan mula sa pagkababae ng asawa.

“Later,” nakangiting sabi ni Mhel.

“Promise?”

“Yes.”

“Okay.” Umalis siya sa pagkakakubabaw dito at mabilis na nagdamit. Ganoon din ang ginawa ni Mhel.

Nang maayos na ang hitsura nilang dalawa, binuksan ni Iuhence ang pinto para papasukin ang makukulit na anak.

“Good evening, Daddy,” matamis ang ngiti na wika ni Kisses. Ang tuwid nitong buhok ay umaabot na sa balikat.

“Good evening too, Daddy,” bati naman ni Hersheys. Unlike Kisses, curly, at medyo mahaba ang buhok nito na lampas-balikat.

Kulay-berde ang mga mata ng kambal at namana naman ang kulay-tsokolateng buhok ni Mhel.

“Ano’ng ginagawa n’yong dalawa dito? Hindi ba kapag gabi, alone time na nina Daddy at Mommy?”

Sabay na tumango ang dalawa, saka sumimangot.

“Kasi naman, we are about to sleep na. But the telephone in our bedroom rang. Akala namin ikaw po ang tumatawag, but it was Tito Tyron. He said na pinapasabi n’yo raw na may chocolate kayo sa room n’yo at dito kami matutulog sa room n’yo.”

Nasapo niya ang noo. He should have known that it’s a bad thing to put a telephone in their bedroom. Pero ginagamit nila ang telepono kapag gusto nilang papuntahin ang dalawa sa kuwarto nila at doon matulog. Hindi naman niya alam na gagamitin iyon ni Tyron laban sa kanya.

Si Tyron na naman ang dahilan kung bakit nabitin na naman sila ni Mhel. Hindi iyon ang unang pagkakataon. Mukhang naghihiganti ang loko-loko dahil gawain niya rin noon ang paglaruan ang sex life ng mag-asawang Tyron at Raine gamit ang anak ng mga ito na si Timber.

Malalim siyang napabuntong-hininga. “Pasok na kayong dalawa. Wala kaming chocolate pero puwede kayong matulog sa tabi namin ni Mommy.”

Malapad na ngumiti ang dalawa, saka patakbong lumapit sa kama at nahiga sa gitna niyon. Nasa kanan si Mhelanie, nasa gitna ang kambal, at siya naman ay nahiga sa kaliwa.

These two were his beautiful angels, pero nang lumaki na ang mga ito, they became his beautiful little devils.

“Mommy, sleep ka na po,” wika ni Kisses at humarap kay Mhel.

“Daddy, sleep ka na rin,” wika ni Hersheys na nakaharap sa kanya.

Nagkatinginan sila ni Mhel at pareho silang walang choice kundi sundin ang dalawa. Hindi kasi matutulog ang mga ito hangga’t hindi pa sila tulog.

When he closed his eyes a hand caressed his cheek. Alam kaagad ni Iuhence na si Mhel iyon dahil naroon pa rin ang kuryenteng dumadaloy sa kanyang katawan kapag hinahawakan siya nito. Hindi iyon nawala sa anim na taong pagsasama nilang dalawa.

“Bukas na lang, mahal ko,” anang asawa sa mahinang boses.

He opened his eyes and stared lovingly at her. “Bukas talaga? Promise `yan, ha?”

Tumango ito. “Bukas. Kapag pumasok sila sa school. You can have me.”

Napangiti siya. “Sige. Absent muna ako bukas. Susulitin ko na wala ang dalawang she-devil na ito—”

“Daddy! Sleep ka na.”

“Ikaw rin, mommy ko.”

Mhelanie closed her eyes and so did he. Damn. Bitin na naman ako. Thanks to his daughters, his little she-devils who managed to irritate him to the core. But most of the time, these two brought him happiness. Kahit makukulit ang dalawang ito, nagpapasalamat pa rin si Iuhence sa Panginoon na ibinigay Nito sa kanila sina Kisses at Hersheys. Ang cute na cute at makukulit niyang anak na palaging dahilan ng pagkabitin nilang mag-asawa.

But that’s family, right? Good times and bad times. They would stick together. No matter what.

T he E nd


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.