Chapter 20
Chapter 20
NAKAPIKIT si Iuhence habang nakasakay siya sa private plane niya na patungong Spain. Kung may patrol plane lang na nagmo-monitor sa bilis ng lipad nila ay baka kanina pa sila dinakip. Iuhence concluded that Valerian Volkzki was better off as a business man rather than a freaking crazy pilot. Nagtataka siya kung paano ito nagkaroon ng lisensiya para maging isang piloto.
“Kapag namatay ako sa sobrang bilis magpalipad ni Valerian, mumultuhin ko talaga siya,” wika ni Dark na mahigpit na nakakapit sa armrest ng upuan.
Mahinang tumawa si Ymar. “Bakit mo naman siya mumultuhin? Para sa dagdag kaalaman, mas unang namamatay ang piloto kaysa sa pasahero.”
Nagkibit-balikat si Dark. “I know that. Sinabi ko lang `yon para may masisi ako habang nabubuhay pa ako.”
“Ikaw, Lander, sino’ng mumultuhin mo?” tanong ni Calyx sa katabi.
Sumagot si Lander sa bored na boses. “Si Iuhence, kasi siya naman ang dahilan ng lahat ng ito.”
Umalma siya. “Anong ako? Kusa kayong sumama.”
Mahinang tumawa si Calyx, saka umiling-iling. “Oo nga pala. Mananahimik na ako.” Tumingin ito sa direksiyon niya. “Just pretend that I didn’t ask.”
Itinirik ni Iuhence ang mga mata. “Puwede bang huwag kayong maingay? Nag-iisip ako ng magandang gagawin pagdating natin Spain.”
“O, huwag daw kayong maingay,” saway ni Lander sa mga kaibigan na hindi naman nag-iingay. “Nagmo-moment si Vergara. Naiistorbo n’yo siya.”
Mariin niyang ipinikit ang mga mata na agad din namang iminulat nang marinig ang boses ni Valerian sa speaker box.
“I have good news and bad news for you, my fellow handsome men,” anunsiyo nito. “The good news is we are already inside the boarder of Spain. Ang bad news, hindi naka-register ang private plane na ito kaya hindi tayo makakalapag sa kahit na anong airport. At nakatanggap ako ng mensahe galing sa Air Command Center nila na kapag hindi tayo umalis kaagad, magpapadala sila ng military jet para pasabugin tayo. So,” Valerian sighed dramatically, “ipagpapatuloy ba natin ang biyahe sa ngalan ng pag-ibig o babalik tayo para mabuhay pa nang ilang taon?”
“What? No!” Iuhence roared in frustration. “Nandito na tayo, eh. Wala bang AirJem Airlines dito—”
“And no, walang AirJem Airlines dito. Hindi ko feel ang Spain dahil sa pananakop nito sa Pilipinas, kaya hindi ako nagpalagay ng flights,” dagdag ni Valerian na lalong dumagdag sa frustration na nararamdaman niya.
“No, no, no, no! This is not happening right now!” Napatingin si Iuhence sa labas ng bintana ng eroplano. “Malapit nang magbukang-liwayway. Mag-uumpisa na ang kasal. No. No. No way!” Sinapo niya ang mukha at paulit-paulit na iniuntog ang ulo sa upuan. “Fuck it! Fuck this! I screwed up!”
Mukhang napagdesiyunan ni Valerian na umalis na lang at bumalik sa Canada dahil naramdaman niya ang pag-ikot ng eroplano pabalik. They’ve wasted seven hours for nothing!
“Fuck!” sigaw ni Iuhence at iniuntog ang ulo sa bintana ng eroplano.
The frustration, anger, hopelessness, fear, and pain that he was feeling went through his eyes and became tears. Nararamdaman niya ang maiinit na likido na dumadaloy sa kanyang mga pisngi.
“I can’t lose her. Hindi ko kayang mawala si Mhelanie. I can’t bear the thought that someone is touching her, kissing her, and owning her. Hindi ko kaya.” Inihilamos niya ang kamay sa mukha at tumingin sa mga kaibigan. “Wala na bang ibang puwedeng daanan? Kahit maglakad ako, gagawin ko, makarating lang ako sa Spain. I have to see Mhelanie. Ngayon ko kailangan ang moral support n’yo.”
Tumayo si Calyx at naiiling na tumingin sa kanya “Love is full of shit. Kaya nga ayokong ma-in love. It can crush a man’s confidence, ego, and pride. It can steal a man’s spirit. Pero kahit gaano pa ako nandidiri sa salitang love, I say, ipaglaban mo ang nararamdaman mo, Vergara. Because you won’t shed a single tear if you don’t love that woman truly.” Pagkasabi niyon ay pumasok ito sa cockpit.
Pagkalipas ng ilang minuto, lumabas si Calyx na nakangiti. “Good news, may AirJen Airlines daw si Valerian sa Paris. From there we can take a commercial plane. One to two hour flight. Ibig sabihin, bago mag-alas-otso ng umaga, nasa Spain na tayo. Madrid to be exact.”
“Kailan ka pa tumulong sa mga love-sick fool?” natatawang tanong ni Lander kay Calyx.
Iningusan lang ito ni Calyx at bumalik sa upuan nito at humalukipkip.
“Thank you, Vargaz,” pasasalamat niya kay Calyx.
Nagkibit-balikat lang ito. “After this, ililibre mo talaga ako sa Las Vegas. Magpapakalasing ako roon hanggang sa hindi ko na kayang maglakad.”
“May problema ka ba, pare?” tanong ni Lander dito.
“Kung makapagtanong ka naman parang wala kang alam,” sagot ni Calyx.
Napailing-iling na lang si Iuhence sa mga kaibigan. Thank God! Magkikita rin tayo, Mhelanie. Just wait.
PAGKALAPAG ng eroplano, mabilis ang mga kilos na bumili sila ng ticket. Of course, wala nang available na ticket. Pero sa tulong ni Valerian, nakakuha sila ng limang ticket.
“Kapag nahanap n’yo si Knight Velazquez, tell him my name. Baka ipahabol niya kayo sa naglalalakihang aso niya.”
“Ano’ng mayroon sa pangalan mo?” nakakunot-noong tanong ni Lander.
“My name is a gem, pare,” pagmamalaki ni Valerian.
Umiling-iling sila. Kilala nila ang pangalang Knight Velazquez dahil kilala iyon sa business world. Pero hindi pa ito nakausap ni Iuhence. Pero mukhang magkaibigan ito at si Valerian dahil naalala niya noong nag-Skype sila ni Valerian, binanggit nito ang pangalang Knight Velazquez.
“But kidding aside, banggitin n’yo sa kanya ang pangalan ko. And, guys, itong plane na sasakyan n’yo, hindi ito sa Mad—”
“Thanks for helping, Valerian,” sabi niya sa kaibigan. “I really appreciate it.”
“No, Vergara. This plane is not going to Madri—”
Hindi na natapos ang sasabihin nito dahil pumasok na sila sa loob ng eroplano dahil paalis na iyon.
Habang nakasakay sa eroplano, panay ang dasal ni Iuhence na sana hindi pa nag-uumpisa ang kasal. Na sana may nangyaring aberya para hindi iyon matuloy at makahabol pa siya.
Parang napakabagal ng bawat minuto. His heart felt hopeful, yet, it also felt fear like he never felt before. Sa tanang buhay niya, isang beses lang siyang natakot. At iyon ay noong bumagsak ang Pacific Pearl Shipping Lines dahil sa kanyang kagagawan. At ngayon. Natatakot siya na baka hindi na niya maabutan si Mhelanie.
Pero kailangan niyang labanan ang takot. Kailangang maniwala siya na aabot siya, na mapipigilan niya ang pagpapakasal nito sa ibang lalaki.
DAHAN-DAHANG nagmulat ng mga mata si Mhelanie at tumambad sa kanya ang hindi pamilyar na silid. Magpa-panic sana siya nang maalalang nasa Palacio Velazquez Hotel pala siya na nakatayo sa Barajas, Madrid, kung saan ginanap ang kaarawan ng ama ni Knight. Hindi na sila nakauwi ni Knight kagabi sa bahay ng mga ito kung matatawag ngang bahay ang Velazquez Palacio na nakatayo sa puso ng Barcelona. Magmamadaling-araw na kasi nang matapos ang birthday party ng ama nito.
Napaigtad si Mhel nang makarinig ng katok at bumukas ang kuwarto. Si Knight.
“Hey. `You awake?”
Nag-inat siya ng mga braso. “Oo. Kagigising ko lang.Bakit?”
“Magbe-breakfast na tayo kasi uuwi pa tayo sa Seville. May dadaanan ako roon bago tayo bumalik sa Canada.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Mhel. “Seville?” Tulad ng Madrid at Barcelona, siyudad din ang Seville. “May bahay kayo do’n?”
“Oo. Sa San Pablo. I own the house. Hindi iyon pag-aari ng pamilya ko.”
“Ahh. Okay.” Umalis siya sa kama. “Maliligo at magbibihis lang ako.”
“Okay. Hihintayin kita sa breakfast table.”
“Sure.”
Nang sumara ang ang pinto ng kuwarto, pumasok si Mhel sa banyo at naligo. Pagkatapos ay nagbihis siya. Simpleng sundress lang ang suot niya na kulay baby pink—binili iyon ni Knight—at itinali ang kanyang buhok. Naglagay siya ng light makeup at pinaresan ang sundress ng gladiator sandals.
Lumabas siya sa silid na inookupa at nagtungo sa breakfast table.
Sabay silang nag-agahan ni Knight pero walang namutawi na salita sa kanilang mga bibig. Pareho silang walang imik.
Hanggang sa makasakay sila sa helicopter na maghahatid sa kanila sa San Pablo, Seville, wala pa rin silang imik.
NANG lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Iuhence at ng mga kaibigan niya, mabilis silang lumabas ng eroplano at halos liparin nila ang distansiya patungo sa parking lot ng airport.
Nang makakita ng taxi, agad na nilapitan niya iyon.
“You speak English?” tanong niya sa driver.
Tinitigan lang siya ng driver na pinagtanungan. Napapalatak na naghanap siya ng iba pang taxi.
“Vergara!” tawag sa kanya ni Lander. “May nakaintindi rito ng English,” wika nito habang itinuturo ang driver ng isang taxi na ilang dipa ang layo sa kanya.
Mabilis siyang sumakay sa passenger seat at ang apat naman ay sa back seat. Dahil hindi kasya ang mga ito, si Calyx ang pinaupo ng mga ito sa sahig ng taxi.
“I bought myself an Aston Martin dahil ayokong makipagsiksikan. Pero dito rin pala ako babagsak sa sahig ng taxi,” reklamo ni Calyx. “Fuck shit!”
Napapantastikuhang napatingin ang driver sa backseat.
“Don’t mind him,” sabi ni Iuhence.
“Okay. Where in Seville, se ñ or ?” tanong ng driver sa kanila.
“Seville?” gagad niya. “Aren’t we in Madrid?
“No,” sagot ng driver at itinuro ang karatula na nasa gilid ng airport. May nakasulat doon na ‘Welcome to San Pablo, Seville.’
Nagkatinginan silang magkakaibigan.
“No! This is not fucking happening again!” he shouted in anger and frustration. “No...” nanghihinang napadaus-dos si Iuhence sa kinauupuan.
“How far is Seville to Madrid?” Si Ymar ang nagtanong.
“More than a five hour drive,” sagot ng driver.
“Oh, God. Ang malas natin,” paanas na wika ni Calyx.
“Is there a Velazquez Palace in Madrid?” tanong niya. Hindi siya susuko! Hindi! Kailangan niyang makita si Mhelanie. “How far is it from here?”
“Velazquez Palace?” ulit ng driver. “There is a Velazquez Palacio here in Seville. It is owned by Count Don Knight Velazquez.”
He is a fucking count?!
Nagkatinginan sila ng mga kaibigan at ibinalik ang atensiyon sa driver.
“Can you take us there?” tanong niya.
“Of course.” Binuhay nito ang sasakyan at pinaharurot ang sasakyan patungo sa Palacio Velazquez.
Pagkalipas ng ilang minuto, tumigil ang taxi sa harap ng isang magara at malapad na gate. Sa likod ng gate ay may mga puno at mahabang rock pathway na hindi nila makita kung saan nagtatapos.
Binayaran niya ang driver at lumabas silang magkakaibigan.
Nang makaalis ang taxi, humarap sila sa malaking gate.
“Walang doorbell,” wika ni Dark.
“Isa lang ang ibig sabihin n’on,” ani Lander. “Kung sino man ang may-ari ng bahay na ito, siguradong ayaw niyang maistorbo.”
“Paano naman natin maipapalam ang presensiya natin kung walang doorbell at wala ring guard?” nakakunot-noong tanong ni Calyx.
“Aakyatin natin ang gate,” sagot ni Iuhence.
Napanganga ang mga kaibigan niya.
“Please tell me that you are just kidding,” gulat pa ring wika ni Ymar.
Lumapit siya sa gate at nag-umpisa nang akyatin iyon. “Para kay Mhelanie, gagawin ko `to. Baka nando’n siya sa loob.”
“At kapag wala siya sa loob?” tanong ni Lander.
“Then we’ll go to Madrid. Kung kailangan kong suyurin ang buong Spain, gagawin ko makita ko lang siya. You don’t have to come with me,” aniya habang inaakyat pa rin ang gate.
His friends let out a loud grunt before climbing the gate with him. Napangiti si Iuhence. Magkakaibigan nga talaga sila.
After a moment of dangerous gate climbing adventure, nakapasok din sila sa gate.
Bumuga ng marahas na hininga si Calyx at puno ng sarkasmo na nagsalita. “Nakapasok din tayo sa wakas. Pagkatapos kong sumabit at matusok, buhay pa naman ako. You’re welcome, Vergara. What now?”
“Sundan natin ang pathway na ito,” wika niya at itinuro ang mahabang pathway.
“Cool,” Lander said dryly. “Let’s go and trespass on the Velazquez Palacio.”
Lakad-takbo ang ginawa nila hanggang sa makarating sila sa dulo ng pathway kung saan nakatayo ang malaking bahay. It’s a modern castle and it is breathtaking.
“Wow,” Dark uttered in astonishment.
“This is grand,” ani Ymar habang nakatingin sa bahay na nasa harap nila.
“Fuck. This palace is pretty awesome,” komento ni Lander.
Akmang lalapit sila sa mataas at malapad na pintuan nang bumukas iyon at lumabas ang isang lalaki na walang emosyon ang mukha.
Nang makita silang ng lalaki, natigilan ito at kumunot ang noo. “Who are you and what are you doing in my home? And how did you get in?”
“Who are you?” balik-tanong ni Dark sa lalaki.
“I am Knight Velazquez, the owner of this house that you just trespassed.”
Humakbang sila palapit dito. “I’m Iuhence Vergara. And I’m here for Mhelanie Tschauder. Is she here?”
“Why would I answer your question—”
“And Valerian Volkzki said hi,” dagdag niya. Baka nga magbago ang isip nito kapag narinig ang pangalan ni Valerian.
“Where is that man?” tanong ng lalaki.
“In Paris. Guarding my plane.”
“Oh. Okay. Pasalamat ka at kaibigan n’yo si Volkzki. Kung hindi, ipapalapa ko kayo sa mga aso ko.”
Napaawang ang kanyang bibig. Marunong naman palang managalog, eh, nag-English pa siya.
“Nasaan si Mhelanie? Nandito ba siya? Mag-uumpisa na ba ang kasal?”
“Kasal?” Nakakunot ang noong gagad ni Knight.
“Oo. Nakausap ko ang daddy ni Mhelanie, sabi niya ay ikakasal kayo dito sa Spain.”
Tumaas ang sulok ng mga labi ng lalaki. “That sly man.” Umiling-iling ito at binuksang muli ang pintuan. “She’s in her room. Third floor, on the left wing. Hindi ka mahihirapang hanapin `yon. Isa lang ang silid sa left wing.”
“Salamat.” Nginitian niya ito at mabilis na pumasok sa kabahayan at naiwan ang kanyang mga kaibigan sa labas.
Malalaki ang mga hakbang ni Iuhence patungo sa ikatlong palapag. At nang makarating doon, mabilis niyang nahanap ang kuwarto na tinutukoy ni Knight.
Nang buksan niya ang pinto, nakita niya si Mhelanie na nagbabasa ng libro.
“Mhelanie...”
The woman froze and then looked up at him. Halos mahulog ang mga panga nito sa sobrang gulat nang makita siya. Nanlalaki ang mga mata ng dalawa at nabitawan ang aklat na hawak.
“Iuhence...”
radicalducati