Iuhence Vergara (Possessive Series 2)

Chapter 14



Chapter 14

NAPASIMANGOT si Mhel nang magising na wala si Iuhence sa kanyang tabi. Sanay na siyang nagigising na katabi ang lalaki at kapag ganoong wala ang binata, hindi magandang ang bungad ng umaga sa kanya.

Nawala ang panunulis ng nguso niya nang pumasok sa kuwarto si Iuhence. Ngumiti ito sa kanya.

“Hey, honey.” Lumuhod ito sa gilid ng kama, saka siya hinalikan sa noo. “Good morning.”

Humikab si Mhel. “Good morning.” Nag-inat siya. “Bakit ang aga mong magising? Saan ka ba nagpunta, ha?”

“Kinausap ko ang sekretarya ko.”

“Ah, okay.” Umalis si Mhel sa kama at naglakad patungo sa banyo. Bago siya pumasok doon ay nilingon niya ang binata. “Bawal ang manyak sa banyo. Naka-lock ang pinto,” malapad ang ngiting sabi niya.

Umiling-iling si Iuhence at mahinang tumawa. Siya naman ay tuluyan nang pumasok sa banyo at ini-lock ang pinto.

Pagkatapos maligo, wala na sa kanilang silid si Iuhence nang makalabas siya sa banyo. Mabilis siyang nagbihis at hinanap ang binata. Natagpuan niya ito sa kusina, nagluluto ng pancake.

“Mukhang gumagaling ka na sa pagluluto ng pancake, ah,” wika ni Mhel, saka nilapitan si Iuhence at hinalikan sa pisngi. “You’re improving.”

“For you, I’ll improve,” anito at kinindatan siya.

She giggled. “Aww… That’s so sweet of you.” Pinanggigilan niya ang mga pisngi ng binata. “Thank you, Iuhence.”

Gumuhit ang nakakapanghina ng mga tuhod na ngiti nito, saka dumukwang palapit sa kanya at hinalikan ang kanyang mga labi.

“May sorpresa ako sa `yo,” anito nang pakawalan ang mga labi niya.

Namilog ang mata ni Mhel sa excitement. “Talaga?” Pumalakpak siya sa sobrang saya. “Ano naman `yon?”

“Kumain muna tayo.” Pinaupo siya ni Iuhence.

Mabilis na inubos ni Mhel ang pancake na niluto ng binata. Akmang kukulitin na niya ito tungkol sa sorpresa nang marinig niya ang malakas na tunog. Sa hula niya ay helicopter iyon.

Kumunot ang noo niya. “Ano `yan?”

Huminga nang malalim si Iuhence. “It’s my company’s helicopter. Aalis na tayo, pupunta na tayo sa lungsod.”

Matiim itong tumingin sa kanya na parang bang binabasa ang reaksiyon niya at laman ng kanyang isip. Pinanatili naman ni Mhel ang emosyon sa mukha at itinago ang tunay niyang nararamdaman.

“Babalik na tayo sa totoong mundo kung saan nagkakandarapa ang mga babae sa `yo.” Tipid siyang ngumiti. “Sige, ihahanda ko na ang mga gamit ko. After all, you are still my kidnapper and I have no resources to escape from your clutches.”

WALANG-BUHAY na nag-empake si Mhel. Pupunta na sila sa lungsod at iiwan ang isla kung saan ipinakita ni Iuhence ang sweet side nito. Natatakot siya na baka kapag nasa lungsod na sila ay hindi na siya pahalagahan ng binata at mawala ang nakilala niyang Iuhence Vergara sa islang iyon.

Umaasa siya na sasabihin na nito ang nararamdaman bago pa man sila umalis. Pero mukhang aasa na lang siya. Mukhang nakalimutan na nga yata ni Iuhence ang nangyari at mga sinabi nito sa yate.

Ang sakit naman.

Ayaw niyang mawala ang Iuhence Vergara na umangkin sa kanyang puso. Yes, Iuhence now owned her heart and she’s afraid that he might break it if they went to Manila. Ngayon pa lang ay kinakain na ng selos ang puso niya sa isiping nagkalat sa Maynila ang magagandang babae na siguradong handang paligayahin ang binata nang mas higit pa sa kaya niya.

But what choice did she have? Sasama siya rito dahil wala naman siyang pamasahe pabalik sa Russia.

Pagkalipas ng ilang minuto, pareho silang walang imik ni Iuhence habang nakasakay sa helicopter na papuntang Maynila. Napatingin siya sa kamay ng binata na hinawakan ang kamay niya at pinisil iyon.

Tumingin siya sa mga mata nito at may kislap iyon ng kalungkutan.

“Ano’ng problema mo?” tanong ni Mhel.

Malaya silang makapag-usap dahil may suot silang helmet na soundproof at mayroon iyong mini-mic at mini-speaker sa loob para magkarinigan silang dalawa.

Napakunot-noo siya nang kunin nito ang kanyang braso at nag-drawing doon gamit ang hintuturo.

He drew the letter “I.” Pagkatapos ay letter “L” and then “O.” Lalong lalong lumalim ang pagkakakunot ng kanyang noo nang hindi niya maintindihan ang sumunod na letra na isinulat ni Iuhence. Hindi siya sigurado kung “V” ba iyon o “U.” Hanggang sa matapos itong magsulat, tanging “I,” “L,” “O” lang ang letra na naintindihan niya na isinulat ng binata sa braso niya.

Kinuha ni Mhel ang kamay ni Iuhence at nag-drawing doon ng question mark. She wanted him to know that she didn’t get what he was trying to draw.

Nginitian lang siya ni Iuhence, saka pinagsalikop ang mga kamay nilang dalawa.

Magkahawak-kamay sila hanggang makarating sa Maynila. The helicopter landed on the roof top of Pacific Pearl Shipping Line building. Mula roon, sumakay sila sa Bugatti Veyron ni Iuhence at pumunta sila sa pamilyar na bahay ng mga magulang nito.

Hindi niya makakalimutan ang malaking mansiyon ng mga Vergara.

“Ano’ng ginagawa natin dito?” tanong ni Mhel kay Iuhence habang nakatingin sa malaking mansiyon. I’m freaking nervous!

Hinawakan ng binata ang kamay niya at pinisil iyon. “May dadaanan lang tayo, `tapos pupunta na tayo sa penthouse ko.”

“Okay.” Huminga siya nang malalim, saka lumabas ng sasakyan.

Hinawakan siya ni Iuhence sa siko at halos mapugto ang hininga niya sa sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso. Nang buksan ng binata ang pinto ng mansiyon, sinulyapan muna siya nito bago siya masuyong hinila papasok.

“Iuhence…” Bakas ang kaba sa boses ni Mhel.

“You’ll be fine,” anito at iginiya siya patungong sala.

“Anong you’ll be fine? Akala ko ba may dadaanan ka lang dito? Kunin mo na at nang makaalis na tayo. I don’t want to meet your parents—”

“Bakit naman?” Kumunot ang noo ni Iuhence at nagdilim ang ekspresyon ng mukha. “May mali ba sa mga magulang ko? Bakit ayaw mo silang makilala? Hindi naman sila nangangain ng tao—”

“It’s not that.” Panay ang hinga niya nang malalim at tingin sa paligid. “Nakakahiya kasi, eh. Malalaman nila na magkasama tayo sa isla. Ano na lang ang iisipin nila?”

“Mhelanie, trust me—”

Isang malakas na singhap ang nagpatigil sa pag-uusap nila ni Iuhence. Mabilis niyang nilingon ang pinanggalingan niyon. Standing at the bottom of the staircase was none other than Othella Vergara, Iuhence’s mother.

“Oh, my God!” Iuhence mother exclaimed. “Is that you, Mhelanie?” Malalaki ang hakbang na nilapitan siya nito at sinapo ang kanyang mukha na parang sinusuri iyon. “Do you remember me from eight years ago?”

Napalunok siya bago nakipagbeso sa ina ni Iuhence. “Good afternoon po, Ma’am. And yes, naaalala ko po kayo.”

Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa mga labi nito. “Good morning din sa `yo, iha.” Biglang sumeryoso ang mukha ng ginang na ikinakaba niya. “Anyway, tama ba ang narinig ko ngayon-ngayon lang? Magkasama kayo ni Iuhence sa isla? Kayong dalawa lang?”

Nag-init ang mga pisngi ni Mhel. Nahihiyang tumango siya.

“Sumama ka ba sa kanya nang buong puso?” tanong uli ng ginang.

“Ahm…” Ayaw niyang magsinungaling. “Kinidnap po ako ng anak n’yo.”

“Mhelanie!” reklamo ni Iuhence nang lapitan ito ng ina at piningot.

“Ikaw talagang bata ka! Kailan ka natutong mangidnap, ha?” galit na wika ni Mrs. Vergara habang pinipingot pa rin ang anak.

“Mommy— Ouch! Mom, let go of me. Si Daddy ang sisihin n’yo. Nakakahiya kay Mhelanie. Ang laki-laki ko na, pinipingot n’yo pa rin ako.”

Natigilan ang ina nito at tumingin sa kanya. “Mhelanie, sagutin mo ako.”

“Ano po `yon?” hindi nakatigin sa ginang na tanong niya.

“Girlfriend ka ba ng anak ko?”

“Mom!” Iuhence shouted and went to her side. Nakatakas ito sa pingot ng ina. “Huwag ka ngang magmadali, Mommy. Nililigawan ko pa lang siya.”

Mas malakas pa sa yabag ng kabayo ang tibok ng kanyang puso. Her heart was beating so fast like she’d been in a horse race. Nililigawan?

“`Yan ba ang panliligaw mo?” sikmat ng ina ni Iuhence. “You kidnapped her and you called that courting?!” Lumapit ito sa kanila at piningot na naman ang anak. “Pareho lang kayo ng daddy mo. Mag-ama nga kayo.”

Natawa nang mahina si Mhel. Hindi maipinta ang guwapong mukha ni Iuhence dahil sa pagpingot ng ina.

“Mommy, huwag mo na akong pingutin,” nakangiwing wika nito. “Masakit kaya. Tama na. Mommy naman, eh.” Parang bata na nagmamaktol ang binata at hindi niya mapigilang matawa.

Iuhence glared at her. “Don’t laugh at my misery, Mhelanie! Help me.”

Binelatan niya ito. “`Buti nga sa `yo,” nakangising aniya. “Sige pa po, pingutin n’yo pa po `yang anak n’yo. Natakot po talaga ako nang sobra noong kidnapin niya ako. When I woke up, mas nadoble ang takot ko, `tapos nalaman ko pong siya pala ang kumidnap sa akin.”

Puno ng pag-unawa at pag-aalala ang mukha ng ginang nang bumaling sa kanya. “Ano’ng ginawa sa `yo nitong loko-loko kong anak?”

“Pinaamoy po niya yata ako ng pampatulog kasi namalayan ko na lang po na nasa isla na niya ako.”

Naningkit ang mga mata ni Mrs. Vergara at pinukol ng masamang tingin si Iuhence. “Hindi kita pinalaki para mangidnap ng babae! Alam kong loko-loko ang daddy mo, pero hindi ko alam na mangingidnap ka rin ng babae katulad ng ginawa niya sa akin noon—”

“I did that because I want her to notice me!” sigaw ni Iuhence na ikinatigil ng ginang.

Pati rin siya ay natulos sa kinatatayuan at nakatitig sa binata habang ang puso ay nakikipagkarera sa sobrang bilis ng tibok niyon.

Nakaawang ang mga labi ni Mhel nang salubungin ni Iuhence ang gulat niyang tingin.

“Kinidnap kita kasi gusto kong makilala mo ako bilang ako. Hindi bilang si Iuhence Vergara na tinakbuhan mo walong taon na ang nakararaan.” Lumapit ito sa kanya at hinaplos ang kanyang pisngi. Her heart went crazy. “Truthfully, I’m not sorry that I kidnapped you. Nagpapasalamat pa nga ako at naisipan ko ang ideya na iyon.”

Napailing-iling siya at marahang tinampal ang pisngi nito. “I should be really mad at you for kidnapping me, but, ironically, I’m not. At least not anymore.”

Iuhence grinned wickedly. “Dapat nga magpasalamat ka pa sa akin, eh. You reached heaven a couple of times because of me—”

“Oh my, God!” Tumili ang ina ni Iuhence at lumapit sa kanya. Inilapat nito ang kamay sa kanyang tiyan. “May laman na ba, hija? Magkakaapo na ba kami?” Mangiyak-ngiyak ang boses nito.

Umawang ang mga labi ni Iuhence sa ina. Mayamaya ay hinawakan siya nito sa braso at hinila palabas ng mansiyon.

“Saan na kayo pupunta, Iuhence?” tanong ni Mrs. Vergara na nasa likuran nila at hinahabol sila. “Please take good care of my grandchild!”

“Argh! Coming here was a mistake,” Iuhence muttered under his breath as they stepped out of the mansion. “Hindi pa nga ako nakakapagtapat, apo kaagad,” mahinang bulong nito kaya hindi siya sigurado kung tama ang kanyang narinig.

Nang sumakay si Mhel sa Buggati Veron ng binata ay pinaharurot nito iyon paalis sa malaking mansiyon.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.