Let me be the One 1

Chapter 10



Chapter 10

“Mister Park?” Bungad ko pagkasagot ng tawag niya.

“Hija, ang sabi ko di ba rumors tungkol sa inyo ni Sol? Ano ‘tong nababalitaan kong Kyohei?”

Napahawak ako sa noo ko.

“Pasensya na po,” sagot ko.

“May klase ka ba ngayon? Kung wala, mag-practice ka muna sa Mini Concert Room. I’ll see you there later, alright? See you,” saad niya at saka ibinaba ang tawag.

Napabuntong hininga ako at nagsimulang maglakad papunta sa Mini Concert Room. May klase ako pero wala akong interes mag-aral dahil sa matatalim na matang ibinibigay ng mga kaklase ko sa akin.

Pagkapasok ko ng Mini Concert Room ay narinig ko kaagad ang tugtog ng piano na nagmumula sa may stage. Dahan-dahan akong naglakad papalapit hanggang sa umabot ako sa may gilid at nakita ko si Sol na tumutugtog.

“I can't believe you had the nerve to say the things you said. They hurt so bad that they ended our relationship.”

Napatingin ako sa kanya habang kumakanta siya. Hindi ko alam kung nagkataon lang ba pero napansin kong tumitingin siya kay Aliyah.

“I can't believe it… Three years go down the drain.”

Napangiti ako ng mapaait. Three years? Mukhang para kay Aliyah nga ang kinakanta niya.

“Oh how I wish things would of happened so differently. I try'd to save it so many times but you still couldn't see.”

Tiningnan ko si Aliyah. Nakatingin lang din siya kay Sol habang nakangiti pero umiiyak. Napailing ako at agad na tumalikod sa kanila. Why do I have to feel this way? Ano bang nangyayari sa akin?

Alam ko namang mahal na mahal niya si Aliyah. Alam ko namang three years ‘yun. Alam ko namang wala akong mapapala sa nararamdaman kong ito. Alam kong hindi ako mamahalin ni Sol. Alam kong ginagamit niya lang ako. Alam ko pero… nasasaktan pa rin ako.

“Oh! Nandito ka na pala. Kanina pa kita hinihintay. Let’s go in my office.” Saad ni Mr. Park nang makasalubong niya ako.

Pagkapasok ko sa office niya ay agad akong naupo sa may couch.

“May gusto sana akong sabihin sa iyo,” saad niya pagkaupong-pagkaupo ko.

“Ano po iyon?” Kunot noong tanong ko.

“Ikaw ang magiging 'the one'." Sagot niya. “Gagawa tayo ng Musical Play tungkol sa kantang 'Let Me Be the One'.”

Napakunot ang noo ko,naguguluhan ako.

“Alam mo naman ang kantang Let Me be the One, hindi ba? Gagawan natin ng Musical play iyon at kayong tatlo nina Aliyah at Sol ang bida.”

“P-po?”

“Ang magiging kwento ay ikaw ang dahilan ng breakup ni Sol at Aliyah pero na-realize ni Sol na mahal niya pa si Aliyah at hindi na siya masaya sa relationship n’yong dalawa. At dahil doon ay mapagdedesisyunan mong i-gigive up mo na siya.”

Natawa ako ng pilit sa narinig ko. Musical Play? Hindi iyon basta magiging musical play lang. That musical play will tell our stories.

☆☆☆

“How are you doin’?”

Saglit akong natigilan sa paglalakad nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.

“Should I answer that?”

“Sol—”

S-Sol? Sumilip ako sa isa sa mga silid na katabi lang ng mini concert room. Nakita ko si Sol at Aliyah na nag-uusap.

“I’m sorry,” saad ni Aliyah.

“For what? For leaving me clueless or for replacing me right after the day you broke up with me?”

“Sorry for everything.”

“What’s this? What are you up to?” Tanong niya.

“Don’t be mean to me, Sol.”

“Mean? All I have for you right now is hate, Aliyah. I hate you for not trusting me. I hate you for leaving me clueless. And I still can’t believe that you’re no longer mine.”

“Sol, I’m so sorry. I’m very sorry.”

“You’re killing me, did you know that?” Tanong niya habang seryosong nakatingin kay Aliyah.

“Please, don’t make this hard for me...for us,” umiiyak na pagmamakaawa ni Aliyah.

“Then tell me, why do you have to do this to me?”

Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ang hirap niyang tingnan habang nagmamakaawa sa babaeng mahal niya?

“I love you so much. And this is the best thing to do. To end everything between us.” Saad ni Aliyah at saka tumakbo paalis.

Aalis na sana ako para hindi niya ako makita, pero too late. Natigilan siya nang makita ako. Pinunasan niya ang luha niya at saka umalis.Tinignan ko si Sol na naiwan sa loob bago ko napagpasyahang umalis na rin. Nakarating ako sa may soccer field at doon naupo sa may ilalim ng puno. Mula sa kinauupuan ko ay tanaw ko ang playground ng school. Nanatili ako ng ilang sandali sa lugar hanggang sa may nagsalita sa tabi ko.

“Mind if I sit here beside you?”

☆☆☆

Naglalakad ako ng mag-isa sa hallway ng school at tulad ng dati, nagtitinginan sa akin ang ibang mga estudyante at pagkatapos ay magbubulungan.

“Ugh!” Sigaw ko nang may biglang bumuhos sa akin na malamig na tubig mula sa itaas.

Eto na naman, binubully na naman nila ko. Basang basa ang buong katawan ko at nanginginig ang tuhod ko dahil sa lamig. Bakit ba nila ginagawa sa akin ‘to?!

“Ooooh…poor Renesmee. Ilusyunada kasi! Hindi pa kasi layuan si Sol Oppa! Edi sana hindi nangyayari sa kanya ‘to!”

Nagtawanan ang mga tao sa paligid. Kailan ba ko masasanay sa ginagawa nila? Ako na lang parati ang laman ng issues. Kailan ba nila ko titigilan? Ayos lang naman sana, makakaya ko naman ‘to eh, kung kasama ko si Sol na lumalaban.

Binalewala ko na lang ang pagtatawanan at pang-aapi nila sa akin. Nagsimula na lang uli akong maglakad kahit basang basa ako. Ang hina. Napakahina ko. At naiinis ako dahil hindi ako ‘to. Hindi ako mahinang tao.

Napaupo ako nang bigla na lang akong mabunggo sa isang tao. Iniangat ko ang ulo ko at nagulat ako nang makita siya.

“Kyo? Anong ginagawa mo rito?”

“Eto, nagbabalik trabaho.” Mabilis na sagot niya.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Sa mga panahon ngayon, isa lang ang alam kong kailangan ko. Isang kaibigan. Gusto ko siyang mawala sa harapan ko at mapag-isa pero hindi ko magawang ipagtabuyan siya dahil alam kong... kailangan ko ng masasandalan—kailangan ko ng kasama.

Hinubad niya ang jacket na suot-suot niya at ibinalot niya iyon sa akin para hindi ako ginawin.

“Tara. May pupuntahan tayo.” Aya niya.

“Saan?” Tanong ko.

“Sa lugar kung saan may band-aid para sa sugatang puso. Oh ano, wag mong sabihing hindi ka sasama? Eh alam ko namang may hiwa ‘yan.”

Walang sali-salitang hinila na lang niya ako at hindi na hinintay pa ang magiging opinyon ko sa sinabi niya. Sa sinasabi at ipinapakita sa akin ni Kyo, bakit pakiramdam ko'y kilalang kilala niya na ako?

Sa loob lang ng labing-limang minuto ay nakarating kami sa lugar na sinasabi niyang may band-aid para sa sugatang puso. Hindi ako makapaniwala. Si Kyo? I mean si Kyohei Sagara na isang gangster ay may alam na ganitong lugar? Isang…bahay ampunan?

“Kyo, bakit mo ko dinala dito?”

“Ipapaampon na kita.”

Ugh! Sasagutin ko pa sana siya pero may madreng lumapit sa amin.

“Oh… Kyohei, hijo. Napadalaw ka? Ang tagal mong hindi dumalaw dito ah? Kamusta ka na?”

Ngumiti si Kyo. “Pasensya na kayo, sister. May arogante at pasaway na tao kasi akong binabantayan. Isa siyang klase ng tao na napakabagal mag-isip. Yung tipong kailangang sampung ulit mong uulitin ‘yung sinabi mo bago niya maintindihan. At isa pa, ‘yung taong ‘yun ay may malalim na sugat sa puso na kailangan kong pahilumin.”

“Ganun ba, hijo? Mukhang mas mabuti pa ngang samahan mo muna ‘yung taong ‘yun para maghilom na ang sugat niya.”

“Oo nga po.”

Napatingin sa akin ‘yung madre. “Oh teka, may iba ka pa lang kasama. Akala ko'y si Li—”

“Naku! Siya po si Renesmee.”

“Hello po.” Bati ko.

Agad na kumunot ang noo niya. “R-Renesmee? Aba. Ang tagal mong—”

“Kuya Kyohei!” May mga batang nagtakbuhan papunta sa amin.

“Sino pa ‘yang kasama mo? Asan po si Mommy?” Tanong ng isang bata. Mommy?

Kinarga siya ni Kyo at ginulo ang buhok. “May inaasikaso ang Mommy n’yo. Busy siya kaya hindi siya nakasama sa akin ngayon.”

Halata ang pagkadismaya ng mga bata nang marinig nila ang sinabi niya.

“Ngayon ko lang nalaman na may girlfriend ka pala, Kyo. Buti may pumapatol pa sa’yo?” Nang-aasar na saad ko.

Seryoso siyang tumingin sa akin at saka pilit na ngumiti.

“I’m a victim of fixed marriage, Renesmee.”

Unti-unting nawala ang ngiting meron ako. “I’m sorry. I didn’t know.”

“Ayos lang. Wala kang dapat ihingi ng tawad.” Sagot niya at saka tumawa.

☆☆☆

Hingal na hingal ako habang tumatawa ng malakas. Ang saya. Sobrang saya. Ngayon lang ako nakadama ng ganitong kasiyahan. Saya na dulot ng mga batang kasama ko ngayon. Sina Riri, Ar ar, Che Cheng, Openg at ang lahat ng mga bata dito sa kumbento ang nagpasaya sa akin. Masaya dahil ipinaramdam nila sa akin ang sense of belongingness.

“Huli ka!” Sigaw ni Kyo nang mahuli niya ako.

“Ayieeeeh.” Asaran ng mga bata.

Unti-unti ay na-realize kong nakayakap na pala sa akin si Kyo mula sa likuran. Namula pareho ang mukha naming dalawa at mabilis kaming humiwalay sa isa't-isa.

“Yeheeeey! May bago na kaming mommy at daddy!” Sigawan ng mga bata. Naku naman.

“Ganyan talaga sila.”

"Ang saya, Kyo." Nakangiting saad ko sa kanya.

Ngumiti rin siya. “Sorry, pero kailangan na nating umalis.”

“Aaay. Bakeet?” Sigawan ng mga bata nang marinig ang sinabi ni Kyo. Bakas ang lungkot sa mga mukha nila. Maging ako, ayaw ko pang umalis. Gusto kong mag-stay pa rito ng mas matagal. Pero kahit ayaw ko pang umalis ay di ko mapilit itong si Kyo. Pwede naman daw kaming bumalik next time, kailangan na daw talaga naming umalis. Hindi ko alam kung bakit pero parang nagmamadali siya masyado.

Nagpaalam muna kami sa mga bata at saka kami lumabas ng kumbento. Pagkasakay ko sa sasakyan niya ay may dumating na isang pamilyar na sasakyan. Hindi ko makita kung sino ang nasa loob ng kotse pero parang pamilyar sa akin ang kotseng iyon. Isang itim na BMW.

☆☆☆

Ang ingay. Ang dilim. At puro nagsasayawan ang nakikita ko.

“Walanjo ka talaga Kyo! Binabayaran ka ng lolo ko para ilayo ako sa mga ganitong lugar hindi yung ikaw pa ang nagdadala sa akin dito!” Sigaw ko para marinig niya, ang lakas kasi ng tugtog. Nasa club kami. Pagkatapos naming manggaling sa kumbento ay dito agad kami dumirecho.

“Hoy! Hoy! Hoy babae!”

“You punk! It's young lady! Young lady!”

Nasa gitna kami ng crowd. Sumasayaw. Hindi sweet dance kundi pang-party. Huminto ako sa pagsayaw at umalis sa gitna ng crowd. Lumapit ako sa may bartender na naghahalo ng mga alak. Biglang sumulpot sa tabi ko si Kyo.

“Wag kang iinom!” Pagbabawal niya.

“At bakit?” Tanong ko. Tinaasan ko siya ng kilay.

“Aba! Itong babaeng ‘to talaga! Baka mamaya makatulog ka na naman dyan at ako na naman ang kawawang mag-uuwi sayo!”

“Gusto kong uminom! Bakit ba?! Tsaka, dinala-dala mo ko dito tapos pagbabawalan mo akong uminom? Edi sana dinala mo na lang ako sa bahay para matulog!” Sagot ko.

“Tumigil ka nga dyan. Baka sa susunod sa hotel na kita dahil nyan eh.”

“Bastos!” Sigaw ko sabay hampas sa kanya. Pero di tulad kanina, instead na indahin niya ang hampas ko ay bumawi siya at kinurot ang pisngi ko. Um-order siya ng alak at ibinigay sa akin ang isang baso.

“Oh ano, kaya mo bang inumin ‘yan?”

“Of course. I need this. I heard it can heal a broken heart.”

Agad nawala ang ngiti sa mga labi niya. “Sabi ko naman, di ba? Bagong pag-ibig, Renesmee. Bagong pag-ibig.”

“I can’t. I can’t love just like that, Kyo. I feel like I can’t love anybody but him.. And yeah, it sucks.”

Tiningnan ko siya sa mga mata niya. “Kung ang short cut ay ang bagong pag-ibig, Kyo. I’m still willing to take the long path. I will just let myself feel the pain…until it hurts no more.”

Ininom ko ang alak at mabilis itong nagkaroon ng epekto sa akin.

“Shakespeare?”

Ngumiti ako ng pilit at saka tumango. Napayuko ako nang makaramdam ako ng pagkahilo. Sumisikip ang dibdib ko at unti-unti ay bumabalik sa ala-ala ko ang lahat.

☆☆☆

“Mind if I sit here beside you?”

“No problem.” Sagot ko. Tinap ko ang tabi ko para maupo siya.

“This place is relaxing, huh?” Saad niya pagkaupo sa tabi ko. Tumango ako bilang sagot. Pareho kaming tahimik at nakatingin lang sa playground. Napangiti ako. Ngiting pilit.

“Ngayon ba, naaalala mo pa rin si Aliyah dahil nakikita mo ‘yang playground kung saan kayo nagkakilala noon?”

Huminga siya ng malalim. “Kailanman hindi siya nawala sa isip ko.”

Napangiti ako. “Thanks for being honest, Sol.”

“Am I already hurting you?”

Hindi ko alam kung matatawa ba ko o maiinsulto sa tanong niya.

“I want to break you heart. You’re aware of that, right?”

Ngumiti ako ng napakalapad at tumingala sa langit.

“You can’t break my heart. I won’t let you do that.”

Natawa siya ng mahina. “I’m just kidding. Don’t worry, I’m not going to do that. I don’t want to hurt anybody ‘cause I know how it feels.”

Ngumiti ako ng pilit at saka tumingin sa kanya.

“I know someone who doesn’t want to hurt anybody too. But then, he doesn’t realize that he already did.”

Kumunot ang noo niya. “Is that.. me?”

Hindi ako umimik.

“Are you hurt? Is it because of Aliyah? Because I can’t forget her?”

“Sol...” Nanghihinang tawag ko sa kanya. “May lahi ka bang sadista?”

Hindi ko alam kung naiintindihan niya ba ang tanong ko o naiintindihan ba niya ang nais kong iparating sa kanya. Mahal ko siya…at iyon ang masakit na katotohanan.

Sumandal siya sa balikat ko at tumingin sa kalangitan. Ginaya ko siya at tumingin din ako sa kalangitan.

“Nakikita mo ba yung pinakamakinang na star? Para sa akin, ikaw ‘yun. Isang napakaningning na star. Napakakinang at napakataas mo. Hindi kita maabot.”

Nakita ko sa sulok ng mata ko na ngumiti siya. “You're like a star to me as well.”

Napatingin ako sa kanya at nagulat ako ng makitang nakatitig pala siya sa akin.

“Because you shine on the darkest part of my pathetic life.”


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.