Chapter 8
Chapter 8
Chapter 8
Chapter Eight
S
AMANTALA’Y
kausap ni Bernard si Marco nang mga sandaling iyon.
“Hindi ko gustong panghimasukan ang suliranin ng puso mo, Bernard. Pero gusto kong tiyakin kung ano ang relasyon mo kay Jewel?” simula ni Marco.
“Bakit mo ako tinatanong ng ganyan?” ang binata na nagdikit ang mga kilay.
“Malimit kayong magkasama, halos sa maraming pagkakataon. Pagkatapos, nitong huli’y nabalitaan kong nakikipag-date ka sa ibang babae. Baka nakakalimutan mo, Bernard, na kapatid ni Emerald si Jewel. Hindi natin gustong magkaroon ng `di pagkakaunawaan sa loob ng pamilya. Galing na tayo diyan sa mahabang panahon,” patuloy ni Marco na itinaas ang mga binti sa ibabaw ng center table.
“Hindi ko gustong magpaliwanag sa iyo tungkol sa mga affairs ko, Marco. Ganoon pa man, para sa ikatatahimik ng loob mo ay sasagutin kong lahat ang mga sinasabi mo,” naiiritang wika ng binata.
“Jewel and I are friends kung hindi man matawag na magkamag-anak. Never—uulitin ko—never na nagpahiwatig ako sa kanya na maliban sa pagiging magkaibigan ay mayroon pang hihigit doon. I escorted her sa lahat ng mga lakad niya because she asked me to. No more, no less.”
“And what about this other woman?”
“That other woman is my business, Marco. Nilinaw ko na sa iyo ang tungkol sa amin ni Jewel.
s
iguro naman ay sapat na iyon.”
Huminga nang malalim si Marco, tinitigan ang pamangkin. “Iba ang naging pakahulugan ni Jewel sa mga ipinakikita mo sa kanya, Bernard.”
“Hindi ko siya gustong saktan, Marco, pero para sa akin, isa lamang siyang nakababatang kapatid. All my life, I was made to believe na ang mga anak ni Romano ay mga kapatid ko. At iyon ang nararamdaman ko. Kahit nang malaman kong mali ang paniniwalang iyon ay walang nabago sa damdamin ko para sa asawa mo at kay Jewel.”
“Then talk to her. Linawin mo `yon sa kanya. Sa nakikita ko’y hindi maiiwasang hindi siya masaktan pero mabuti nang hanggang maaga ay magkaunawaan kayo.”
Bahagyang tumango si Bernard habang isang mukha ang lumalarawan sa isip. Mukhang pilit nitong inaalis sa isip subalit nagpupumilit na gumiit doon. At nararamdaman niyang gustong manikip ng dibdib.
PAGKATAPOS ng pangyayaring iyon kina Sandra at Jake ay sinikap ng huli na iwasan muna ang asawa. Nahihiya ito sa sarili sa ginawa kay ‘Sandra.’
At si Alexa ay hindi huminto sa pagdalaw sa kapatid sa kabila ng pagkaalam ni Jake na umaalis siya sa hapon. Hindi niya maaaring pabayaan ang kapatid.
Maliban pa sa ang ginagawa niya’y paraan upang hindi mapagtuunan ng isip ang nangyari sa kanila ni Jake.
Gusto niyang masaktan sa ginagawang pag-iwas nito pero wala siyang magawa. Simula pa’y ganoon na ang trato sa kanya ng asawa and sex didn’t change their relationship.
Halos sumabog ang dibdib niya sa matinding takot at kaba nang datnan, isang hapon, na bakante ang kinalalagyan ng kapatid sa ICU.
“A-ang kapatid ko?” aniya sa nurse na lumapit.
Ngumiti ang nurse. “Nasa kuwarto na ang kapatid mo, Miss. She regained consciousness two hours ago.”
“Oh!” Gusto niyang himatayin sa kaligayahan. “P-paano’ng nangyari?”
“Ang binatang kasama ninyo no’ng isang linggo ay dalawang beses pa uling nagbalik dito, kasama minsan ang mama ninyo. At kanina’y laking gulat niya nang magmulat ng mga mata ang pasyente.”
“Si Bernard!” Hindi siya makapaniwala. Nag- uumapaw ang damdamin sa tuwa na nagmadaling lumabas ng ICU si Alexa at patakbong pinanhik ang fourth floor kung saan naroon ang silid ng kapatid.
Sa pasilyo ay nakasalubong niya si Eleanor. “Mama!”
“Alexa, anak!” Niyakap siya nito kasabay ng marahang pag-iyak. “Nagkamalay na ang kapatid mo, Alex. Nagkamalay na siya!”
“Gusto ko siyang makita, Mama ”
“Tara sa silid niya. Naroon din si Bernard. I’ve tried to call you pero nakaalis ka na raw.” Binuksan nito ang pinto ng suite ni Sandra.
Magkasabay na lumingon sa kanila ang dalawang nasa loob. Amazement ang rumehistro sa mukha ng kapatid at pagkailang naman ang kay Bernard. Ano man ang gusto niyang itanong sa binata’y hindi mangibabaw sa isip niya.
“K-kamukhang-kamukha kita...”
s
i Sandra.
“We’re... twins.”
Sinulyapan ni Sandra ang ina. “How?”
“Mahabang kuwento, Sandra, at huwag kang mag-alala dahil malalaman mo rin. Ang mahalaga’y nalaman mong may kakambal ka, anak. Si Alexa. Halos araw-araw ay dinadalaw ka niya at kinakausap.”
“I heard voices... ng babae, `tapos lalaki.” Sumulyap ito kay Bernard na nasa isang tabi.
“Magpapaalam na muna ako, Alexa, Tita Eleanor.” Sinulyapan nito si Sandra.
“Will you be back? Dadalawin mo uli ako bukas?”
s
i Sandra.
Tumango ang binata, nahihiyang tumingin kay Alexa.
“Sasamahan kita sa labas, Bernard. Sandali lang ako, Mama, Sandra.” Sumabay siya sa binata paglabas nito.
“Gusto kong pasalamatan ka, Bernard, sa pag- uukol mo ng pansin kay Sandra,” aniya nang nasa pasilyo na sila.
“Maliit na bagay, Alexa. Ang totoo ay nahihiya ako sa iyo. Noong una ko siyang makita ay hindi ko maipaliwanag ang sarili ko. Naaawa ako sa kanya. Sa isip ko ay ikaw ang naroroon at walang malay. Technically alive and yet dead. She was so helpless. So I was compelled to come back. Na sa palagay ko ay magkakaroon ng kaugnayan si Sandra sa mga buhay kung patuloy akong babalik at kakausapin siya,” paliwanag ng binata.
“Naiintindihan ko. Iyon din ang naramdaman ko nang una ko siyang makita.”
“Do you mind if I’ll visit her again?” alanganing tanong nito.
Mabilis na umiling si Alexa. “Dalawin mo siyang muli, Bernard, please. Sa nakita ko’y mukhang nagkahulihan kayo ng loob ni Sandra.” May bahid ng panunukso ang tinig niya na hindi nakaligtas sa pandinig ng binata.
“Alexa...?”
“Masyado kang seryoso, Bernard. Gusto lang kitang patawanin,” depensa niya.
Nang makaalis ang binata ay bumalik sa silid ng kapatid si Alexa.
“Mom partly told me about us,” salubong ni Sandra. “But no matter what happened, Alexa, I’m glad, that I have a sister.”
Inabot ni Alexa ang palad ng kapatid at ikinulong sa mga palad niya. “Ako rin, Sandra.” Pagkatapos ay nilingon si Eleanor. “Mama, ano raw ang sabi ng doktor sa kalagayan niya? Hindi ba dapat na magpahinga siya?”
“Oh, please, huwag n’yo akong patuluging muli,” protesta nito. “Talk to me, Alexa.Tell me everything about yourself.”
“She will make it, Alexa. Iyon ang sinabi ng mga doktor na sabay-sabay tumingin sa kanya kanina. Magkakaroon siya ng series of test bukas at malaking pag-asa ang sinabi ng doktor na nilampasan na ng kapatid mo ang krisis,” nakangiting sinabi ni Eleanor.
“Kung uuwi agad si Bernard ay malalaman ng Daddy ang pangyayaring ito and I hope luluwas siya agad.” Bumaba ang tingin niya sa kapatid. “Ano ang magiging reaksiyon mo sa Daddy, Sandra?”
“Tulad mo, Alexa, gusto kong makilala ang tunay kong ama,” paniniyak ni Sandra. “At tayo, marami tayong babawiin. I have always wanted to have a sister.”
Hindi makasagot si Alexa. Nagbabara ang lalamunan sa emosyon.
Makalipas ang mahigit kalahating oras ay nagpaalam na siya upang umuwi. Bagaman hindi pa sana siya gustong pakawalan ng kapatid ay napahinuhod niya ito nang mangakong babalik kinabukasan.
Habang nasa daan ay abala ang isip niya kung paano na ngayong nagkamalay na si Sandra? Hindi pa nila sinasabi ni Eleanor ang tungkol sa pagpapakasal niya kay Jake. Pero pasasaan ba at darating ang oras na kailangan na nitong malaman ang totoo. O, baka, mamayang gabi lang ay magkalakas-loob na si Eleanor na sabihin dito ang katotohanan.
Nakahinga siya nang maluwag nang mapunang wala pa ang kotse ng asawa sa garahe kaya hindi na niya napagtuunan ng pansin ang isang kotseng bahagyang nakahalang sa driveway.
Tinanguan lamang niya ang hardinero at boy na nasa labas at dere-deretso na sa loob. Nahahapo siyang naupo sa sofa. Pasado alas-sais na at ipinagpapasalamat niyang hindi siya naunahang umuwi ng asawa. Inihilig niya ang ulo sa sandalan at pumikit.
Isang halik sa mga labi ang nagpamulat sa mga mata niya. Isang hindi-kilalang lalaki ang nasa harap niya. “Sino ka?” gulat na tanong niya.
Mula sa pagkakayuko sa kanya ay tumuwid ang lalaki. Mataas ito at mestisuhin. Magandang lalaki.
“Sino ako?” amused nitong gagad kasabay ng malakas na tawa. “Mahigit dalawang buwan lang akong nawala ay hindi mo na ako kilala? Nagka- amnesia ka ba?”
Litong-lito siya. Si Ryan ba ang lalaking ito o isa sa mga kaibigan ng pamilya? Hindi niya malaman kung paano makatitiyak dahil kung kapatid ito ni Jake ay malaking-malaki ang kaibahan ng dalawa.
“At talaga palang pinakasalan kang tuluyan ni Jake, Sandra. Hindi ko akalaing para lamang makasipsip nang husto sa Papa ay gagawin niyang pakasalan ka,” patuloy ng lalaki at doon niya natiyak na si Ryan nga ito.
“W-wala pa si Jake, Ryan.”
“There. And I thought you don’t remember even my name. Kung sabagay ay pabor sa akin na nandito ka sa mansiyon, Sandra. Magiging madali para sa akin na puntahan ka dito, `di ba, honey?” Nilapitan siya nito at akmang yayakapin subalit mabilis siyang umiwas at tumayo.
“Wala kang karapatang gawin sa akin iyan, Ryan. May asawa na ako!”
“Well, well... naging asawa mo lang si Jake ay nagkaganyan ka na? Ano’ng akala mo, Sandra, nakasandal ka sa pader? Nagkamali ka, my dear.”
At mabilis siyang nahawakan nito sa braso at hinatak.
“B-bitiwan mo ako!” Nagpumiglas si Alexa.
“Stop this foolishness, Sandra, and kiss me like you used to.” He was urging her seductively. Dumapo ang mga labi nito sa leeg niya. Nasindak si Alexa at marahas na itinulak ang lalaki sa pagkabigla nito.
“Shit! Ano’ng gusto mong palabasin? Playing hard to get?”
“M-may asawa na ako, Ryan—”
“Walang gusto sa iyo si Jake! Ako ang may gusto sa iyo, Sandra. Ako ang nagmamahal sa iyo at alam kong ako rin ang mahal mo.” Lumalakad ito papalapit sa kanya habang nagsasalita.
Nalito si Alexa. Kung mahal nito si Sandra at mahal din ito ng kapatid tulad ng sinasabi nito, bakit hindi ang dalawa ang nagtakdang magpakasal?
“H-huwag kang lalapit!” aniya na humakbang paatras. Nahawakan niya ang isang ashtray sa likod ng chest na naatrasan niya. “H-hindi ko gustong ibato sa iyo ito.”
Ngumisi lamang ang lalaki bagaman kinakitaan ng bahagyang pagkabigla. “You won’t do that, Sandra. Kaya ka pumayag na magpakasal kay Jake ay upang mapalapit sa akin.”
“Huwag kang lalapit.” Akma niyang ibabato ang ashtray sa lalaki nang mula sa likuran ay nagsalita si Jake.
“
i
baba mo `yan, Sandra,” utos nito at binalingan ang kapatid. “Layuan mo ang asawa ko, Ryan.” Bagaman hindi nagtaas ng tinig si Jake ay may bahid ng panganib sa tono nito.
Sabay na napalingon ang dalawa sa malaking pinto. Nakatayo roon si Jake at humakbang papalapit sa kanila.
i
binalik ni Alexa ang ashtray sa kinalalagyan niyon, nakahinga nang maluwag.
“Well—well... the high and mighty Jake Atienza!” bulalas ni Ryan, inilahad ang isang kamay. “Congratulations, Jake! Ngayon ako naniniwala na ang tungkulin mo sa buhay ay paluguran ang Papa. Kung sabagay, kung ako rin ikaw ay ganoon din ang gagawin ko. With my father’s millions na gusto mong mapasaiyo, bakit nga ba hindi?”
Nagtagis ang mga bagang ni Jake. “Kung hindi mo gustong bisitahin ang dentista mo bukas, Ryan, at mabasag ang mukhang malimit mong ipagmalaki ay aalis ka ngayon din.” May banta sa tinig nito.
Nagkibit ng balikat si Ryan. “Relax, Jake! Hindi ako magtatagal. Tiniyak ko lang na totoo ang balitang pinakasalan mo si Sandra.” Nilingon nito si Alexa, ngumisi. “Welcome to the family, Sandra! I’ll see you, again.” Pagkatapos ay humakbang palabas at bahagyang tinapik ng kamao ang braso ni Jake.
Naupo sa sofa si Alexa nang mawala sa paningin si Ryan.
“Are you all right?”
Marahan siyang tumango. Concern ba ang nakita niya sa mga mata ng asawa o imahinasyon lamang niya?
“Magbihis ka at sa labas tayo kakain,” wika nito na ikinatitig niya kay Jake.
“M-magbibihis?” ulit niya. “S-saan tayo kakain?”
Nagkibit ito ng balikat. “Kung saan mo gusto.”
“A-ano’ng isusuot ko?” Lumarawan sa isip niya ang laman ng kanyang wardrobe.
Natawa si Jake. “Anything. Huwag lang `yang kupas na maong at
t
-shirt na suot mo ngayon. Hindi ako makapaniwalang I’ve been seeing you in those denims mula nang makasal tayo, Sandra. Where’s the sophisticated, elegant and classy Sandra Montejo na kilala ko?”
Umiwas siya ng tingin at tumayo.
Hindi ako si Sandra
,
Jake!
gusto niyang sabihin pero sa halip ay dumeretso sa hagdan.
Sinundan siya ng tingin ni Jake.
Sa itaas ay hindi malaman ni Alexa kung alin sa sariling mga damit ang isusuot. Anuman ang gawin niya’y walang akma sa mga iyon sa suot ni Jake na evening suit. Maliban sa hindi na mamahalin ay binili niya ang mga damit on practicality purposes.
Sinulyapan niya ang hiniram na dalawang gown na ipinilit ni Eleanor. Masyadong pormal sa tingin niya para sa pagkain lamang sa labas bukod pa sa pagkaseksi-seksi ang yari.
Napagtuunan niya ng pansin ang isa sa mga regalo sa kanya ng ina. Isang simpleng itim na damit. Walang manggas at tatlong pulgada ang layo bago dumating sa tuhod niya. Isa iyong straight-fitting dress na pinakatanggi-tanggi niyang bilhin ng ina dahil napakamahal para sa isang simpleng damit lang. Kung wariin niya, ang halaga niyo’y ilang damit na niya ang katumbas.
Kinuha niya iyon sa hanger. Naghubad at isinuot ang damit. Tulad noong una niyang isinuot sa department store ang naturang damit, na pinagbilhan nito ay bagay sa kanya, naiilang lamang siyang magsuot ng ganitong uri ng damit na nakalitaw ang bahagi ng hita niya.
Pagkatapos maglagay ng polbo at lipstick, inalisan niya ng tali ang buhok at hinayaang nakalugay. Kinuha ang tatlong pulgadang high heeled shoes na kasama ring binili ni Eleanor at isinuot.
Napangiti siya sa kanyang anyo sa salamin. “Hmm... fine feathers make beautiful bird,” aniya sa sarili. Pagkatapos ay bumaba. Kinabahan. Ano ang sasabihin ni Jake sa gayak niya? Hindi kaya siya alangan?
Nasa ibaba ng hagdan ang asawa at pinanonood ang pagbaba niya. Sa kaba niya’y baka nadulas na siya sa hagdan dahil sa taas ng takong ng kanyang sapatos kung hindi lamang iyon carpeted.
“D-do I look all right?” kinakabahang tanong niya.
Nakita niya ang kislap sa mga mata nito nang hagurin siya ng tingin.
“Now, there’s the Sandra that I used to know. And yet... so different and so unlike.”
“Meaning, okay na sa iyo itong suot ko?” Gusto niyang makatiyak.
“You’re beautiful...” marahang usal ng lalaki.
“Thank you, kung hindi ka nang-iinsulto,” sagot niya na inabot ang kamay nitong inilahad sa kanya sa huling baitang ng hagdan.
Tumaas ang mga kilay ni Jake sa sinabi niya. “I mean it, Sandra. But was I always very insulting?” amused nitong tanong.
“Are you asking if the color of blood is red or the sky is blue?”
Bumulalas ng tawa si Jake. Manghang napatitig sa asawa si Alexa. Noon lamang niya nakitang tumawa nang may pagkaaliw ang lalaki. lyong totoong tawa. Somehow, sa tingin niya’y nabawasan ng ilang taon ang edad nito.
Pagkatapos ay hinawakan siya nito sa braso at inakay sa library. Dinukot ang susi sa bulsa at isang vault ang binuksan. Mula roon ay kinuha ang jewelry box na ibinigay sa kanya ni Don Benedicto.
Binuksan ni Jake ang kahon at kinuha mula roon ang isang ternong hikaw at choker chain na may mga batong emerald. Ikinabit nito sa leeg niya ang choker at ganoon din ang hikaw.
“Perfect,” wika nito.
“B-baka ma-holdup tayo nitong ginagawa mo.”
Muling natawa si Jake. “Let’s go, Sandra!”
Sa isang five-star hotel nagtuloy ang dalawa. At sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay ni Alexa ay naranasan niya ang mga bagay na kinasanayan ng kapatid.
Pinakikiramdaman siya ni Jake, habang siya‘y hindi malaman kung paano magre-react sa ganoong luxury.
“You’re strangely silent, Sandra.”
“Ano ang inaasahan mong sasabihin ko, Jake?”
“Like why did you really wanted this marriage,” kaswal na sabi ng lalaki habang hinihiwa ang steak.
“H-hindi ba at alam mo kung bakit?” naiilang niyang sagot.
“Alam ko nga ba, Sandra?” makahulugang tanong nito.
Iniwas niya ang mga mata sa asawa at ipinagpatuloy ang pagkaing gustong magbara sa kanyang lalamunan.
“Well, aakalain ko bang magkatagpo tayo rito, Jake, Sandra?”
s
i Ryan na hindi nila namalayang lumapit. Isang magandang babae ang kaakbay nito.
“Hello, Ryan, Marcie!” kaswal na bati ni Jake sa mga ito.
“Hello, Jake,” ang babaeng tinawag na Marcie. “Hindi mo ba ako ipakikilala sa asawa mo?”
“Sandra, I want you to meet Ryan’s wife, Marcie. My wife Sandra, Marcie,” pagpapakilala ni Jake. “Join us,” anyaya nito sa dalawa. Hinila ang isang upuan para sa babae na umupo naman.
“I’m pleased to meet you, Sandra.”
Asawa? May asawa ang Ryan na ito? Hindi ma-absorb ng isip ni Alexa ang natuklasan.
Ang babaeng hindi pa halos nakakaupo ay agad ding tumayo at napahawak sa braso ni Ryan. “Honey, suot niya ang mga alahas ng mama mo!” Napatitig din sa leeg ni Sandra si Ryan.
“Ano ang ibig sabihin nito, Jake?” wika nito sa nagtatagis na mga bagang. “Bakit nasa asawa mo ang family heirloom?”
“Nasa public place tayo, Ryan, baka nakakalimutan mo. Huwag kang gumawa ng eksena,” matabang na sagot ni Jake na patuloy sa pagkain.
Pahablot na hinila ni Ryan ang silya at naupo. Tinitigan si Sandra. “Paanong napunta sa iyo ang mga alahas ng Mama, Sandra?”
radicalducati