Chapter 7
Chapter 7
Chapter 7
Chapter Seven
K
ANINA pa gising si Alexa pero hindi niya gustong bumangon. Alam niyang sa ganitong oras ay nakaalis na ang asawa at pagkatapos ng nangyari noong nakaraang gabi ay nakadama siya ng lungkot, ng emptiness.
Yes. Jake made her a woman. It was beautiful! Pero nakalulungkot isipin at damhin na ang lalaking pinakasalan niya at pinaghandugan ng kanyang sarili ay kilala siya bilang si Sandra. At ang nangyari kagabi was based purely on sexual needs.
Kumain lang siya ng tanghalian at pagkatapos ay nagbihis na’t nagtungo sa ospital. Nagulat pa siya nang datnan sa labas ng ICU ang amang si Roberto.
“Daddy!” Yumakap at humalik siya sa ama. “Bakit nandito ka sa labas? Sino ang kasama mo?”
“Sumabay ako kay Bernard paluwas ng Maynila, Alexa. Mayroon kasi siyang bibilhin para sa farm. Tuloy sumama na siya rito sa ospital sa pagdalaw ko sa kapatid mo. Nasa loob siya, anak.”
Nakadama siya ng galak na malamang narito si Bernard. “Papasok ako, Papa.” Pagkatapos niyang magsuot ng blue robe at mask ay nilapitan niya si Bernard.
“Thank you for coming, Bernard,” usal niya.
Nilingon siya ng binata. “You’re so alike, Alex, and yet so unlike. Hindi ko matukoy kung ano pero iyon ang nararamdaman ko,” anang binata habang patuloy sa pagtitig sa walang malay na si Sandra. “Will she ever wake up?”
“We can only hope and pray, Bernard. Pero sinabi ng doktor na nagno-normalize na ang blood pressure ni Sandra at magandang palatandaan iyon. Maaaring isa sa mga araw na ito’y gigising ang kapatid ko.” Puno ng pag-asa ang tinig niya.
Tumango ang binata.
Makalipas ang kalahating oras ay magkakasabay silang lumabas ng ICU. Idinaan ni Bernard si Roberto sa bahay ni Eleanor at inihatid si Alexa.
“Ano ang binili mo para sa farm?” kaswal niyang pakikipag-usap sa binata habang tumatakbo ang sasakyan.
“Spare part para sa tractor.” Nilingon siya ni Bernard. “Kumusta ka na, Alex?”
“Mabuti naman, Bernard. Sa ngayon ay wala pang suliraning bumabangon.”
“Nakikita ko sa mga mata mo ang bagong kislap, Alexa.”
Nagyuko ng ulo si Alexa sa sinabi ng binata. Nakadama siya ng guilt.
“Siguro nga ay wala akong dapat na ipag-alala sa iyo. At sana nga ay maging maligaya ka, Alex, dahil ako ang unang-unang masasaktan kung masasaktan ka.”
“Salamat, pero wala kang dapat na alalahanin, Bernard. Mababait ang mga Atienza.”
Hindi na nagsalita ang binata at ipinagpatuloy ang pagmamaneho hanggang makarating sa mansiyon.
“Tumuloy ka muna,” anyaya niya bago bumaba. Natanaw niya ang Mercedez ni Jake sa driveway. “Ipakikilala kita kay Jake.”
“Sa ibang pagkakataon na lang, Alex. Dadaan pa ako kay Marco bago bumalik sa Paso de Blas mamayang madaling-araw. Marami kaming pag- uusapan,” iwas ng binata. Hindi pa ito handang makita at makilala ang lalaking sa paniwala’y sanhi ng pagkawala ni Alexa sa buhay nito.
“Ikumusta mo na lang ako kay Marco, Bernard.”
Tumango si Bernard at nilingon ang mansiyon. “Some house! Nagkakakitaan pa ba kayo diyan?”
Lumabi si Alexa. “Hindi maliit ang bahay n’yo sa farm, Bernard.”
Tumawa ang binata. “Bahay ni Marco iyon, Alex. Nagkataon lang na nitong mga nakalipas na buwan ay narito sila sa Maynila dahil may kasong hawak si Marco at hindi pa nadedesisyunan ng korte.” Muling lumingon sa mansiyon ang lalaki. “You married an affluent man,” anitong may hinanakit sa tinig.
“Alam mong hindi `yon ang dahilan kaya ako nagpakasal kay Jake,” she accused him softly.
Humugot ng malalim na paghinga si Bernard. “I know. I’m still hurting, Alex. Lalo at nakikita ko ang kakaibang ningning sa mga mata mo.” Pagkatapos ay pinisil ang palad niya. “But I’ll get by.”
“Alam ko, Bernard, at alam ko ring makakatagpo ka ng babaeng talagang iniibig mo at mamahalin nang higit sa pagtinging inuukol mo sa akin,” banayad niyang sinabi bago binuksan ang pinto ng pickup at bumaba.
Pinaandar na ng binata ang sasakyan. Inihatid ng tanaw ni Alexa ang papalayong sasakyan bago pumasok sa bahay.
Naisip niya, marahil ay nasa library si Jake kaya tuloy-tuloy siya sa kanyang silid. Subalit pagbukas niya ng pinto ay nakitang naroon ang asawa, sa tapat ng bintana.
“Sino ang lalaking `yon, Sandra, at saan kayo nanggaling?” bungad nito.
“N-narito ka pala,” ang nabiglang sagot niya, sabay ng pagsasara ng pintuan.
“Sagutin mo ang tinatanong ko.” Humakbang ito papalapit habang nagsasalita. “Sino ang lalaking iyon?” Ikinakaila ng mahinahong tinig ang galit nito.
“Si... Bernard. Isang kaibigan.”
“Ano ang pinag-uusapan at ginawa ninyo ng kaibigan mo sa loob ng pickup at matagal kayong bumaba?” May talim sa tinig ni Jake na tila humihiwa sa kalamnan niya.
“Kinumusta lang niya ako, Jake, at—”
“Kinumusta? Halos apat na oras kayong magkasama at hanggang kanina ay nagkumustahan pa rin kayo! Huwag mo akong patawanin, Sandra! I know your reputation with men!” Hindi gusto ni Jake na sabihin iyon sa asawa.
Totoong nakilala nitong playgirl ang asawa bago pinakasalan pero hindi ba sapat na patunay ang pangyayari kagabi para mapatunayan nitong malinis si Sandra? Kinakain ng hindi matukoy na damdamin ang isip ng lalaki.
“Nalaman ko mula sa mga katulong na tuwing hapon ay umaalis ka ng bahay. Saan ka nagpupunta? Ang kaibigan mo bang iyon ang lagi mong kasama o iba-iba?” Naniningkit ang mga mata nito sa galit at marahas na hinawakan sa braso si Alexa.
“Ano ba ang sinasabi mo, Jake? W-wala akong ginagawang masama,” katwiran niya bagaman hindi masagot kung saan siya nagpupunta tuwing hapon.
“Paano mo ipapaliwanag sa akin ang pag-alis mo tuwing makapananghali?”
Hindi makasagot si Alexa. Ano ang sasabihin niya?
“Ilang lalaki ang kailangan mo, Sandra? Kulang pa ba sa iyo ang ginawa ko kagabi?” Hindi kayang isipin ni Jake na may kinakatagpong iba ang asawa.
“How dare you?!”
“Kulang pa ba, ha, Sandra?” Muli nitong hinapit ang asawa at marahas na siniil ng halik sa pagkabigla ni Alexa. His mouth and teeth were hurting her at nakadama siya ng takot sa ginagawa ni Jake.
Pagkatapos ay binitiwan siya at pagalit na pinagbubuksan ang mga butones ng blouse niya. Ang iba’y nalaglag mula sa kanyang blouse.
“J-Jake! Ano ang ginagawa mo?” ang nahintakutang wika niya.
“This is what you want, `di ba? Ibibigay ko sa `yo ang gusto mo, Sandra. If it was sex that you want, then I’m perfectly capable of satisfying you!” Naglalabas ng apoy ang mga mata nito nang itulak siya sa higaan. Pagkatapos ay ang zipper ng jeans niya ang pahablot nitong ibinaba.
“Oh, Jake, please... ano ba ang nangyayari sa iyo?” Nagmamakaawa na ang tinig niya.
Napapikit si Alexa nang tuluyan siyang mahubdan. Hindi na niya alam ang sasabihin at gagawin.
Si Jake ay mabilis na tinanggal ang sariling kasuotan. “Binalaan na kita, Sandra. I told you to stop flirting around.”
“H-hindi sa ganitong paraan, Jake, please.” Akma siyang babangon subalit nasa tabi na niya ang asawa at hinawakan siya sa batok and kissed her wildly and roughly.
His hands all over her body uncaring where it landed.
Totoong walang gentleness sa ginagawa si Jake pero hindi maipaliwanag ni Alexa kung bakit sa kabila niyon ay may nararamdaman siyang init sa sariling katawan. Gusto niyang manggilalas sa sarili dahil ang marahas na paraang ginagawa ni Jake ay pumukaw ng ganoon ding pagtugon mula sa kanya.
She just wanted to be passive at hayaan ang asawa sa ginagawa nito sa katawan niya, but the violence and the driven urgency about him awakened all her senses.
“Sandra... oh, Sandra! I know this is what you want!” His voice thick. From anger and passion.
She twisted and writhed beneath him. At hindi makapaniwala si Alexa sa sariling pagtugon.
He was masterful and domineering as he possessed her in a heart-stopping way. Nothing in her life had prepared her sa ganitong uri ng pag-angkin. Naroon pa rin ang pain and discomfort pero paano niya mapag-uukulan ng pansin when the spasm of pleasure was so intense na pakiramdam niya’y nasa loob siya ng isang buhawi.
It was torture. It was pain. And it was a devastating ecstasy. An almost savage passion that made her wonder why she didn’t faint.
His movements had stopped already at humihingal nitong ibinagsak ang sarili sa leeg ni Alexa. At saka pa lamang bumalik sa normal ang pakiramdam ni Alexa, pakiramdam niya’y humupa na rin ang nag-aalimpuyong buhawi.
Gusto niyang hawakan at damhin ang buhok ni Jake. A rush of love filled her. Pero paano niya gagawin iyon? Hindi niya maaaring mahalin si Jake. Dahil sa malao’t madali ay kasusuklaman siya nito. And sooner or later Sandra would take her place as his wife.
Hindi niya nagawang pigilan ang pag-alpas ng mga hikbi sa isiping iyon. Biglang nag-angat ng ulo si Jake at hindi niya nagawang itago ang mga luha.
“Oh, hell!”
s
i Jake na hinawakan siya sa batok. “I’m sorry, Sandra, kung nasaktan kita. You made me do it.”
Pinahid niya ng palad ang mga luha at nagpilit kumawala mula sa asawa. “I’m all right, Jake. Hindi mo ako sinaktan, physically at least,” kalmanteng tugon niya na sinabayan ng tayo. “Tulad ng sinabi mo, it was sex that I want and I enjoyed it.” Pagkatapos ay lumakad siya nang deretso papasok sa banyo.
Ibinagsak ni Jake ang sarili sa kama. He must be mad! None of his past experiences did he make love to a woman like that. But then, no other woman had aroused passion and anger in him at the same time. At sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng maraming taon, he felt totally satiated and complete. Sandra made him felt that way.
radicalducati