Get Naked (Hubaderos Book 1: Neo)

Chapter 25



Chapter 25

HE should have seen this coming. Pero hindi akalain ni Neo na ganoon pala kasakit na parang sipa sa dibdib ang mararamdaman niya nang makitang pumasok sa bakuran nina Macy si Kael at sinalubong pa ito ng dalaga sa harap ng bahay. Itinigil niya talaga ang kotse pagkatanaw sa dalawa. Hindi niya namalayan kung gaano siya katagal na nakamasid lang sa bahay ng mga San Pedro hanggang sa may tricycle na bumusina sa kanyang likuran. Nang ipinagpatuloy niya ang pagmamaneho ay nakaramdam siya ng pag-iinit ng mga mata.

Tumuloy pa rin siya sa restaurant na sana ay pagdadalhan niya kay Macy kung natuloy lang siya sa bahay nito, o kung pagbibigyan siya sa imbitasyon niya ngayong mukhang nakikipagmabutihan na pala ito kay Kael.

Parang tukso pang ang kantang pinapatugtog sa loob ng restaurant ay ang musikang pinagsaluhan nila ng sayaw noon ni Macy. How could he forget that moment? Sa sandaling iyon ay nakaramdam din siya ng hindi maipaliwanag na selos dahil tinuturuan niyang sumayaw si Macy para sa ibang lalaki.

Your eyes are where I’m lost in… Underneath the chandelier… We’re dancin’ all alone… There’s no reason to hide… What we’re feelin’ inside… Right now

He thought it was all sexual, na nagiging possessive lang siya kay Macy sa aspetong iyon. Pero sa pagdaan ng mga araw na ipinagpatuloy nilang dalawa ang kanilang mainit na relasyon ay unti-unti na siyang nakaramdam ng kakaiba. Isang banyagang damdaming unti-unting lumago sa pagdaan ng mga araw. Something so intense and powerful it was making him really scared.

Nang umuwi si Neo ay wala siyang imik na dere-deretsong pumasok sa kanyang kuwarto, hindi pinansin sina Arabella at Clay na nanonood ng TV sa salas.

For a while, he stood in front of his bed, just staring at it. Ang kanyang kama na saksi sa maraming maiinit na sandaling pinagsaluhan nila ni Macy. And, not just hot and wild sex. The bed was also a silent witness to how they would just lay there and cuddle, and talk about random stuff in the middle of the night. And there were so many times that he would watch her sleeping soundly in his arms, caressing her hair and cheeks, thinking how lucky he was to be with her.

And now, he screwed it all up. It was over…

Marahan siyang naglakad palapit sa kama at naupo sa gilid niyon. Basa ang kanyang mga mata na inabot ang isang unan doon. Her pillow. Bahagya niyang niyakap ang unan at inamoy ang naiwang bango roon ng dalaga. God he missed her so much it was killing him. Hanggang sa namalayan na lang niya ang sariling umiiyak na yakap-yakap ang unan.

“Tarantado. Tanga. Gago,” paulit-ulit niyang mura sa sarili.

Ilang sandali ang lumipas nang may kumatok sa kanyang kuwarto at binuksan ang pinto. Pumasok doon si Clay. Mabilis naman niyang pinahid ang basang mukha.

“O, itatago mo pang umiiyak ka? Dinig na dinig ko sa hallway ang mga paghikbi mo,” sabi nito. “What happened?” protective ang boses ng kapatid.

Umiling siya.

“Why can’t you tell me? I’m your big brother, Neo.”

“Matutulog na ako,” pag-iwas nito sa topic.

“You know what. This is like grade school all over again. Naalala mo noong umuwi kang umiiyak galing school `tapos, ayaw mong ipakita sa `min ni Mommy kung hindi pa kita nahuli?”

Of course he remembered. Grade two si Neo noon at nakalimutan niyang gawin ang assignment sa English. Pinahiya siya ng teacher at pinatayo sa harapan ng klase hanggang matapos ang period. Kinantiyawan si Neo ng kanyang mga kaklase at dinaan niya naman sa tawa, pero nang pauwi na, noon na siya naiyak dahil sa kimkim na pagkapahiya at inis. Nakita siya noon ni Clay sa likod-bahay at napilitan siyang umamin sa kapatid kapalit ng pangako nitong huwag siyang isusumbong sa mommy nila.

“Hindi ako aalis dito hangga’t hindi ka nagsasabi sa `kin. What the hell is wrong with you? Kung inaakala mong nakakabawas sa pagkalalaki ang pag-iyak, pagpapakita ng kahinaan o pagsasabi ng problema sa iba ay nagkakamali ka,” sermon pa ng nakakatandang kapatid. “Palagi ka na lang ganyan. Sinasarili mo ang mga problema mo o anumang bumabagabag sa `yo. Is it really so hard for you to show us your vulnerability?”

“Ano ba’ng gusto mong gawin ko? Maglasing, `tapos, magdrama ako sa `yo?” pasinghal niyang tanong kay Clay.

“If that what it takes for you to talk, then let’s go.” Hinigit siya ng kapatid patayo. “Uminom tayo!” Halos kinaladkad siya ni Clay palabas ng kanyang kuwarto.

Sa sunroom nauwi ang magkapatid. Nang makita naman ni Arabella na bitbit ni Clay ang bote ng Bacardi Millennium ay nagtatalak ito. Huwag daw iyon ang inumin nila dahil koleksiyon ni Arabella ang alak. Ibinigay nito ang Grand Marnier Cuvee 1880.

Kalahati na ang nauubos mula sa bote ng alak; si Clay ay alalay lang sa pag-inom, halatang ayaw malasing dahil gustong makinig sa ihahain na kadramahan ni Neo. Desidido talaga itong pakantahin siya.

Fine.

Nag-umpisang magkuwento si Neo ng nakita kaninang pupunta sana siya sa bahay nina Macy. Hindi siya sigurado kung dahil ba iyon sa epekto ng alak o talagang melodramatic lang siya ngayong gabi dahil kaunting-kaunti na lang ay maiiyak na naman siya.

“Sigurado kang manliligaw ni Macy `yon?” tanong ni Clay nang matapos magkuwento si Neo. “Nakita mo lang na pumasok sa bahay nila—”

“He had flowers with him, okay?” putol ni Neo sa sinasabi nito.

“Baka bulaklak lang `yon ng kalabasa o katuray.”

“You’re not making me feel any better, Kuya. And may I remind you that you have no sense of humor at all?”

“Ano naman kung manliligaw nga? Sigurado ka bang sasagutin `yon ni Macy?”

“You don’t know the whole story,” halos lumalabing sabi ni Neo. He hated this… this drama’s bullshit. Pag-iinarte nga siguro ang tawag sa ganito. “Noon pa may gusto si Macy kay Kael—sa gagong `yon na kulang na lang may halo sa kanyang ulo. Bakit hindi na lang siya ipa-canonize sa Vatican para malubos-lubos na ang kagandahang-ugali niya kuno?” bitter na litanya pa niya.

“Dapat tumuloy ka pa rin sa bahay nila nang magkaalaman na.”

“Para mas maipamukha sa `king talunan ako?” Noon na siya nagpahid ng namamasang mga mata. Taragis, maiiyak na naman siya. “Para akong gago. Akala ko, mahal na niya ako kasi nararamdaman ko naman `yong pagbabago ng trato niya sa `kin. Umasa lang pala ako. Putang-ina!”

Okay na sana ang lahat sa pagitan nila ni Macy kundi lang dumating si Santo Kael. Noon niya napansin ang pagbabago ng mood ng dalaga. She seemed to look happier, she was even giddier than ever. At nasasaktan siya at hindi pala siya ang dahilan ng lahat ng iyon, na natuldukan noong akala nitong buntis ito sa kanya. She didn’t really want him, she didn’t need him at all. Katawan lang ang nakuha niya kay Macy at nasasaktan siya para doon dahil gusto niyang angkinin nang higit pa roon ang dalaga.

“Naramdaman mo `yon kasi mahal mo na rin siya?” panghuhuli ni Clay sa kanya.

Inubos ni Neo ang natitirang laman ng baso.

“Hey, moron, does Macy even know about your true feelings?” inis na tanong pa ng kuya niya.

“Does it matter now?”

“Sarap mong kutusan. Hindi ka pa pala nagtatapat sa kanya, nagdadrama ka na agad! Tell her that you love her, you fucking wuss!” gigil na sabi ni Clay. Hindi palamura ang kuya niya. At ngayong narinigan niya ang kapatid ng F word, alam niyang talagang inis na ito sa kanya.

“I’m not a wuss, all right? I want to have her, I want to pursue her… I- i t’s just that…” Nasapo ni Neo ang sariling noo. “Para akong gagong nagsabi kay Mommy na huwag nang habulin pa si Daddy dahil may iba na siyang mahal. `Tapos, heto naman ako ngayon, aagawin si Macy mula sa lalaking kinababaliwan niya nang matagal nang panahon?”

“Your case is different. Isa pa, ang tagal nang naghahabol si Mommy kay Daddy, at kailangan nang matigil `yon. Ikaw, may pag-asa pa.”

“P-pero… ang sakit-sakit pala, Kuya!” halos ngawa ni Neo na may luha sa mga mata. “`Yong may isang babaeng mahal na mahal mo, `yong handa mong ibigay sa kanya ang buong mundo… `t-tapos, aayawan ka pala nang ganoon-ganoon.”

Umakbay sa kanya si Clay. “That’s life, bro. Sometimes you gotta eat shit to live.”

Hindi na niya pinigil ang tuluyang pagpatak ng mga luha. Humagulhol siya sa dibdib ng nakatatandang kapatid. Malakas na hagulhol. Ibinuhos na niya lahat ng sama ng loob, lahat ng sakit na hindi niya nagawang masabi, lahat ng bigat ng dibdib mula sa mahabang panahong pagsasarili ng kanyang mga nararamdaman. For the longest time, he thought he could bear it all; he thought he would be okay masking his inner insecurities with a cheerful facade. Pero may breaking point din pala siya.

Minsan lang siyang magdrama, lulubos-lubusin na niya. Bukas, pangako ni Neo sa sarili, kakausapin niya si Macy. Dahil ang totoo, kahit naman nakita niyang may kasama itong ibang lalaki ay hindi siya matatahimik hangga’t hindi niya nasasabi sa dalaga ang tunay niyang nararamdaman. Bahala na kung ano ang kalalabasan. Sa ngayon, baka puwedeng magdrama muna siya? `Tang-ina, puwede nang pang-Oscar’s ito!

“Gago!” biglang singhal sa kanya ni Clay at itinulak ang ulo niya.

Hindi niya namalayang suminga na pala siya sa t -shirt nito!

“What the hell, Neo?” puno ng disgustong sabi nito.

“Sorry, `di nga napigilan, eh.” Nagpahid siya ng basang mukha. “`Yan ang napala mo sa pagpilit na magdrama ako.”

Padarag itong lumayo sa kanya. “Pumasok ka na sa kuwarto mo kung hindi kakaladkarin na naman kita!” banta pa nito bago siya iniwan.

Nagkukusot ng mga matang nagsalin siya uli sa kanyang baso ng alak saka deretsong tinungga iyon bago niya isinubsob ang mukha sa mesa. He was a fool for acting this way. Siya itong unang natakot noong nagbalik sa buhay ni Macy si Kael. He was threatened that he was going to lose her. He acted like a total prick and pushed her away from him when he was sick and secretly hurting from her possible incoming rejection. Huli na nang ma-realize niyang mali siya, dahil si Macy na mismo ang tumapos ng relasyon nila at ayaw na siyang bigyan pa ng pagkakataon.

Pagpasok ni Neo sa sala ng bahay ay nasalubong niya naman roon ang kanyang ina. Tumigil sila sa harap ng isa’t isa.

“I- i blew it, Mom,” halos ngumawang sabi niya. Iyon ang unang pagkakataon na nagsabi siya ng sama ng loob sa ina.

“Why don’t you just cut the crap and go tell her that you love her?” nakapamaywang na sagot ni Arabella sa kanya. Galit ang boses nito, pero sa mga mata ay mababanaag ang pag-aalala at pagmamahal ng isang ina.

“Mommy—”

“God damn it, Apolonio! Ano pa’ng hinihintay mo? Hindi na dapat ipinagpapabukas ang ganyan. Go take a shower and I will drive you to her house.”

“P-pero gabi na—”

“Now, young man!”

Nanlalaki ang mga matang lumapit sa kanila si Clay. “What the hell is this?”

Humalukipkip dito si Arabella. “Pupunta kami sa bahay nina Macy.”

Hindi na lang mga mata ni Clay ang nanlaki, pati na rin mga butas ng ilong. “Are you both insane? Alam n’yo ba kung anong oras na? It’s almost midnight!” bulalas nito sabay kumpas ng dalawang kamay sa ere.

Inirapan ito ng ina. “Wala akong pakialam. In love ang anak ko and by God, he will tell it to the whole wide world!”

“Well, news flash, mother! The world is not ending tonight. May bukas pa—”

“Pupunta kami sa ayaw mo at sa gusto mo!”

“Shut up, you two!” pagpapatahimik ni Neo sa dalawa. “I’m gonna go take a shower now.”

“Yes!” tili ni Arabella.

“No!” kontra naman ni Clay.

Neo raised his hands in the air and walked away.

“THIS is insane!” inis at natatarantang sabi ni Clay nang ihinto nito ang sasakyan sa harap ng bakuran nina Macy. “Baka mapagkamalan tayong magnanakaw.”

“Don’t be stupid, Clarencio!” asik dito ni Arabella. “May magnanakaw bang naka-Mercedez-Benz? Killjoy ka talaga kahit kelan, hindi ka na dapat sumama.”

Noon na rin parang naalimpungatan si Neo sa pagpayag sa kalokohang naisip ng kanyang ina. “Tama si Kuya. Baka puwedeng ipagpabukas na lang natin `to.”

Lumingon ito sa kanya mula sa passenger seat. “Nandito na tayo, pupuyatin mo ako para sa wala?”

Nagbuga siya ng hangin. “I really want to see her and talk to her, all right? Kaso, huwag ngayon, nakakahiya sa kanila.”

“Anak,” tawag sa kanya ng ina. “I want to hear something from you. Alam ko na ang isasagot mo pero gusto kong marinig.”

Tumingin sa ina si Neo, naghihintay ng katanungan mula rito.

“Are you really in love with Macy? Or is this just about having her? Neo, anak… you know, love is not a possession,” napakaseryosong sabi nito at alam ni Neo kung saan iyon nanggagaling. She was talking about herself, about how she held on to that “love” that she had for her ex-husband.

“I know what I feel, Mom. I know it’s real. Kulang ang magdamag para ipaliwanag ko sa inyo ang nararamdaman ko para kay Macy,” sagot niya sa ina. “Mahirap ipaliwanag, basta ang alam ko lang ay hindi pa ako nakaramdam ng ganito. This is why I got scared at first. This is not even close to what I felt for Reina. And I don’t want to hold back anymore. I’m going to tell Macy how much she means to me, and if she’d let me, I’m going to do everything to make her feel my love for the rest of my life.”

Inabot ni Arabella ang kamay at humawak naman siya roon. “I’m proud of you,” naiiyak pa nitong sabi. Tumingin din ito kay Clay. “Alam kong marami akong pagkukulang sa inyong magkapatid pero nagawa ninyong lumaking mabubuting tao. I must’ve done something right after all.”

Natahimik ang loob ng kotse ng ilang segundo bago nagsalita si Clay. “Let’s go home,” sabi nito. “Maaga ka na lang bukas, Neo. Haranahin mo pa siya kung gusto mo.”

“Bababa ako!” pigil naman ni Arabella bago na i-start ng panganay ang makina ng kotse. “Ako ang makikipag-usap kay Macy kung ayaw ni Neo,” umiingos pang sabi nito.

“No. Stay in the car, Mommy. Ako lang ang bababa,” desisyon ni Neo, pinuno ng hangin ang dibdib.

“Jesus tap dancing Christ!” sapo ang noo na naibulalas ni Clay nang buksan ni Neo ang kotse at lumabas mula roon.

Pumasok siya sa bakuran ng mga San Pedro pero hindi ang front door ang kanyang pinuntahan. Nagpunta siya sa bintana ng kuwarto ni Macy at kumatok doon. Tatlong set ng magkakasunod na maingat na pagkakatok bago nagbukas ang ilaw sa loob.

Sliding glass ang bintana sa kuwarto ni Macy at nang matapos maitaas ang Venetian blind ay nagulat ito nang makita siya sa labas.

He saw her mouth his name in disbelief.

“Open the window, please,” pakiusap niya sa dalaga.

“What the hell?!” gulat na tanong sa kanya ni Macy pagkabukas nito ng bintana. “Bakit—A-ano’ng ginagawa mo dito?”

“I’m sorry to bother you like this, hindi ko lang kasi kayang maipagpabukas ang sasabihin ko sa `yo. Can I come in? This won’t take long, I promise.”

Natatarantang pinapasok siya sa bintana ni Macy at muntik pa siyang matumba mula sa pagtalon roon.

“Dis-oras na ng gabi, Apolonio!” asik ni Macy na ingat na ingat na hindi tumaas ang boses.

“I know, I know,” sagot niya. “Kasama ko sina Mommy at Kuya.”

Lalong nataranta ang dalaga. “Oh, my God! A-anong drama ninyong mag-iina ngayon?!”

“I just wanna talk to you, sweetheart,” pagpapakalma niya sa dalaga.

“Hello! Uso na po ang cell phone!”

“Ayokong sa telepono lang tayo mag-usap. Marami akong gustong sabihin sa `yo at hindi ko na kayang ipagpabukas pa. Ang totoo ay p-papunta sana ako dito kanina nang makita kong bisita mo si Kael.”

Lumabi ito sa kanya. “R-really?” Nakasilip siya ng pag-asa sa nakita niyang kislap ng mga mata nito. God, how he wanted to just grab her and kiss her so endlessly. “O, ano naman sa `yo kung bisita ko nga siya?” pagtataray nito.

“N-nanliligaw ba siya?” nagtatampong tanong ni Neo.

“Oo.”

“I see.” Ngumiti siya nang malamlam, namimigat na naman ang dibdib. Ganito ba talaga ang nasasaktan pagdating sa pag-ibig? Parang aatakihin siya sa puso. “Alam mo, gusto kong magalit sa kanya pero hindi ko rin siya masisi.” Matindi ang ginagawa niyang pagpipigil sa sarili na hawakan si Macy. He wanted to have her, to hold her for eternity. And, damn him for realizing it too late. “P-pero puwede bang makiusap?” pagmamakaawa niya sa dalaga.

Nagsalubong ang mga kilay ni Macy, naguguluhan siguro sa ikinikilos niya.

“Nakikiusap sana ako na k-kung tama ang sabi mong nahuhulog lang ang loob mo sa isang lalaki dahil sa magandang trato niya sa `yo, puwede bang sa `kin mo na lang gawin `yon?” halos pagmamakaawa niya. “Puwede bang sa `kin ka na lang mahulog? I will catch you, I promise.”

“N- n eo…”

“Huwag na si Kael, Macy.” Pumiyok na ang boses niya.

Alam ni Neo na magmumukha siyang katawa-tawa sa ayos niya ngayon na halos umiyak sa pagmamaakawa pero wala na siyang pakialam. Nakababa na lahat-lahat ang depensa niya. He felt so vulnerable at that moment—his heart, soft and unguarded. Naked. Kung maaabot lang siguro ng kahit na sino ang puso niya sa mga sandaling iyon ay puwede iyong mawasak. But he wasn’t afraid of getting hurt anymore.

“Ako na lang sana. Ako na lang… Kung nagawa mong isuko sa `kin ang Bataan, puwede bang… puwede bang pakidagdagan mo kahit konti? Kahit hindi na buong Pilipinas, kahit buong Luzon na lang ang ibigay mo sa `kin. Kontento na ako doon. At ipinapangako ko sa `yo, aalagaan kita…”

Nanlalaki ang mga mata ng dalaga. “Apolonio, lasing ka ba?!” mayamaya ay bulalas nito.

HINDI puwedeng magkamali si Macy. Alak ang naaamoy niya sa hininga ng hindi inaasahang bisita. Lokong ito at sumugod nang dis-oras ng gabi at akala pa naman niya ay totoo na ang— Argh! Lasing lang pala?!

“I’m not drunk,” tigas na pagtanggi ni Neo. “Nakainom ako kanina, pero nag-shower na ako at nagkape bago pumunta rito.”

“Umuwi ka na nga!” asik niya sa lalaki. “Saka na tayo mag-usap.”

Hinawakan siya ni Neo sa braso. “Sweetheart, listen… Ngayon ko na gustong sabihin ang lahat ng `to,” pakiusap nito. “At alam ko ang mga sinasabi ko, alam ko kung ano ang nararamdaman ko para sa `yo.”

Nararamdaman daw? Could it be…? Oh, my God.

Ayaw niya sanang mag-assume pero pinangunahan na si Macy ng sarili niya. Kusa na siyang kinilig nang bongga kahit wala pa mang confirmation sa kung anumang nararamdamang iyon ni Neo.

“I want you in my life, Macy,” he told her in his voice that sounded aching.

“Uh, really? Eh, bakit mo ako sinabihang itigil na ang magandang trato ko sa `yo? You literally pushed me away, you brute!” hindi niya naman napigil isumbat. Aba, dapat lang naman siguro, ano? Pinaiyak kaya siya nang bongga ng lalaki!

“I was dumb,” sising-sising sabi ni Neo.

“And a schmuck!” asik niya sa lalaki.

“Yes,” mapagkumbabang pag-amin nito. “I was an asshole, a douchebag. But you see…” He sighed, his face in pain while running his fingers through his hair. “Buong buhay ko, hindi ako nasanay magpakita ng kahinaan. Hindi lang ikaw ang pinagkaitan kong makita ang ibang katauhan ko, Macy. I kept myself in a happy bubble. I guess naging defense mechanism ko `yon sa nangyari sa parents ko. Hindi ako sanay na nagsasabi ng problema sa kahit na sino, hindi ako sanay na ipakitang nalulungkot ako, na nasasaktan ako.

“Ayokong may makaalam na marunong din pala akong umiyak o magalit. Gusto ko na ang nakikita lang ng lahat ay ang masayang ako. Kasi, sa palagay ko, `pag nagbaba ako ng depensa at ipinakita ko ang lahat ng kahinaan ko ay sasaktan ako ng mundo.”

Macy was listening to him with confusion and wonder. Ano ang nangyayari sa lalaking ito at nagdadrama ng ganito? Pero gusto ni Macy ang nakikita niyang parang malambot at sensitibong katauhan ni Neo. He was standing in front of her right now, free of any pretensions, giving her all of himself amidst doubts and fears. God, she felt she could even touch his heart. At sa sandaling iyon din ay lalo pang minahal ni Macy ang lalaki.

“Pero noong naging malapit na ako sa `yo, parang napakadaling ipakita kung ano ang nasa likod ng mga pagtawa ko. I wanted to bare everything to you—my heart, my soul… It seemed so easy to do, but I was still scared, so I held back a little,” pagtatapat pa ni Neo. “That’s why I kind of pushed you away. Sinabi kong ayaw kong masanay sa magandang trato mo sa `kin kasi ang totoo, nahuhulog na pala ako sa `yo nang hindi ko namalayan at natatakot akong mabigo nang bumalik si Kael sa buhay mo.”

“Y-you… you’re really falling for me?” hindi makapaniwalang usal ni Macy.

Parang nahihiya naman si Neo na tumango at ngumiti. “Hard and helplessly, baby.”

This is real, she thought. She could really feel it. Oh, my God! Totoo iyong assumption niya. Why, he had really fallen for her!

“Bakit hindi mo sinabi agad?!” halos tili niya.

“Hindi ko nga na-realize agad. Siguro, nahihiya rin ako sa sarili ko kasi kinantiyawan kita noon tungkol sa ganito—na nagkakagusto ka lang sa mga lalaking maganda ang trato sa `yo. Look at me now, I became the very person that I made fun of. Doble-doble ang balik ng karma dahil hindi lang ako simpleng nagkagusto sa `yo,” namumula ang mukhang sabi ni Neo.

Gusto niyang matawa. “Karma is a bitch, they say.”

“Isa pa, nakita kong naging mas masaya ka nang dumating si Kael.

I hated that. So I guess it’s more of a self-preservation thing. I was protecting myself from getting hurt.”

Macy scoffed and then she laughed out loud. “Masaya ako kasi nasiguro ko nang wala na akong pagtingin sa kanya! Natatawa rin ako sa irony dahil ang tagal kong nagkagusto sa kanya `tapos, noong ligawan na niya ako ay hindi ko na siya gusto.”

Namilog ang mga mata ni Neo. “R-really? So, basted siya sa panliligaw sa `yo?”

“Yes.”

Hindi nagtagal kanina sa kanilang bahay si Kael. Hindi na rin ito nangulit pa nang sabihin niya nang harapan sa lalaki ang totoong nararamdaman para dito. Masama ang loob ni Kael, nahalata niya iyon pero nagpakalalaki naman ito at maayos na tinanggap ang kanyang desisyon.

“T-totoo?”

“Totoong-totoo! Wala na akong gusto sa kanya, `no?”

Parang nagkaroon ng fireworks ang mga mata ni Neo na kanina lang ay parang maiiyak na. “Am I being too presumptuous to ask you right now if I the reason why you rejected him?”

Inirapan ito ni Macy. “Assuming ka na masyado, ha?”

“Nahawa na yata ako sa `yo.”

“Gagong `to. Mas malala ka kaya!”

Si Neo naman ang tumawa. “Sorry, it’s just that… it was too much.” Muli itong sumeryoso. “Ang sakit-sakit pala sa dibdib noong inakala kong ayaw mo na sa `kin. I felt like dying slowly.”

“I felt the same way, noong itinaboy mo ako,” pagtatampo niya.

“I’m really sorry, sweetheart. I will never do that again.”

“When did you finally realize you’ve fallen for me?”

“The other day, when you told me you might be pregnant. Kahit noong sinabi mong negative ang resulta, doon lang tuluyang nag-sink in sa `kin na sa kabila ng takot na baka mawala ka rin sa `kin isang araw ay mas malaki pala ang kagustuhan kong sumugal na makasama ka habang-buhay, na gusto kong bumuo ng pamilya kasama mo. I wanna be with you, Macy.”

Macy was drowning in too much bliss. She had been dreaming all her life to hear something so beautiful like this. Ang akala niya ay sa mga love songs at romance stories lang niya mae-experience ang ganoon. But here she was right now. At ngayong may lalaking nagsasabi na sa kanya ng ganoon ay hindi napaghandaan ni Macy ang pagdagsa ng samut-saring emosyong sa kanya. Her chest was bursting.

“Oh, Neo.” She cupped his face with her hands. “Just do not push me away ever again, okay?”

Tumango ito ng ilang beses. “Never again. I promise.”

“I wanna be here, Neo,” sabi niya, sabay dampi ng palad sa kaliwang dibdib ng binata. “Always.”

“Then I will keep you in there forever, baby.”

When Neo opened his arms, Macy lovingly threw herself against his body. “I’m so in love with you,” she whispered against his neck. “I’m all yours, Neo. I am giving you my whole world.”

Magsasalita sana si Neo nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ni Macy. Iniluwa niyon ang kanyang ama na may hawak na itak.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.