Get Naked (Hubaderos Book 1: Neo)

Chapter 23



Chapter 23

SABADO noon at nasa bahay si Macy nang tumawag si Kael sa kanya.

“I’m sorry, tatlong araw mo na palang hinihintay ang sagot ko,” nahihiyang sabi niya sa lalaki nang banggitin nito ang tungkol sa pagkain nila ng dinner sa labas.

“It’s okay. Makakapaghintay naman ako hanggang Pasko,” sabi nito na sinundan ng mahinang tawa.

“Hindi ako puwede ngayon,” nakangiwing sagot ni Macy. “May gagawin akong importante. If I were you and if you’re wanting to catch up, yayain mo si Zara—”

“I’m asking you out for a date, Macy.”

Nanlaki ang kanyang mga mata. “A-ano?”

“You heard it right.”

“B-bakit?”

Tumawa si Kael. “Anong bakit?”

“Bakit mo ako idi-date?” Sorry naman pero shocked lang siya. Ang tagal kaya niyang naging crush si Kael at hindi siya noon pinapansin ng lalaki. Pagkatapos ngayon, biglang may pa-date na?

“May gusto ako sa `yo.”

Parang nagkaroon yata ng magnet sa pagitan ng kanyang mga kilay na hinila ang mga iyon padikit sa isa’t isa.

“Kung ayaw mo ng date, ligawan na lang kita,” sabi pa ni Kael.

“Ligawan?!” Napatayo si Macy mula sa pagkakaupo sa gilid ng kanyang kama.

“May magagalit ba?”

Si Neo ang una niyang naisip. But then, Neo was not her boyfriend, was he?

“W-wala. Wala naman.”

“Pumapayag ka na?”

“I’m sorry, Kael. P-pero…” Nag-iisip siya kung paano tatanggi na hindi sasama ang loob ng kanyang kausap. Natahimik naman ang kabilang linya, naghihintay ng kanyang sasabihin. “I have to say no.”

“Why?” mahinang tanong ng lalaki.

“Why? It’s not gonna work. Believe me.”

“Kahit kaunting chance ba ay wala?”

“W-wala. Sorry talaga.” Bumuntong-hininga si Macy. “Magsasayang ka lang ng panahon. Saka magiging unfair ako sa `yo `pag hahayaan lang kitang—Teka nga muna, matanong ko lang, ha? Bakit bigla-bigla ay nagkagusto ka sa `kin?”

“Matagal na akong may gusto sa `yo, Macy. High school pa lang tayo.”

“H-ha?!”

“Ayoko lang kasing magka-girlfriend habang nag-aaral pa ako noon. Hindi `yon ang priority ko. `Yon ang dahilan kaya iniwasan kita matapos kong malaman na crush mo pala ako. `Tapos, noong namatay sa atake sa puso si Tatay bago ako maka-graduate ng college, ipinangako ko kay Nanay na ako ang magpapaaral sa dalawang kapatid ko. Kaya `ayun, nagkaroon naman ng magandang opportunity abroad, nakasubsob lang ako sa trabaho at walang panahong magka-girlfriend.

“Ngayon ay okay na ang dalawang kapatid ko. Ikakasal na nga ang isa sa kanila. So I thought maybe it is about time for me to have a life. Pag-uwi ko dito ay ikaw agad ang naisip ko, Macy. May gusto pa rin pala ako sa `yo hanggang ngayon.”

“Wow,” nalululang sabi niya.

“Kaya masisisi mo ba ako kung gusto kong magpursige sa pagsuyo sa `yo?”

“No, not at all.” Ngumiwi siya. “But then, ayoko namang paasahin ka sa wala. Unfair `yon para sa `yo.”

“I understand. But please, let me try. Wala ka namang nagugustuhang iba, hindi ba?”

Sasabihin ba ni Macy ang tungkol sa nararamdaman niya kay Neo?

Sasagot sana siya kay Kael nang tawagin siya ng kanyang ama para kumain ng tanghalian. Narinig yata iyon ng lalaki at ito na ang unang nagpaalam sa kanya.

KINABUKASAN ay hindi na nakatiis si Macy dahil sa kanyang pag-aalala. Dala ang mga lutong ulam na binili sa karinderya ay pinuntahan niya si Neo sa bahay nito.

“Why are you here?” Iyon ang naging bati sa kanya ng lalaki nang pagbuksan siya ng pinto.

His voice was like trying to sound cold and detached. Nabura tuloy ang matamis niyang ngiti.

“Dinadalaw kita, obvious ba?” medyo mataray niyang sabi.

“Macy, gusto mo bang mahawa?”

Hindi niya pinansin ang pagsusungit nito. “Dinalhan din kita ng mga pagkain. Kumusta na ang pakiramdam mo? Nagpapahinga ka ba nang maigi? You know, okay lang na huwag ka munang pumasok sa trabaho. Ako na’ng bahala sa farm.”

“I’m fine. Hindi mo ako kailangang alagaan.”

“Alagaan?” She scoffed. “Ano ka, bata? Nagpunta lang ako rito para kumustahin ka, ano? And, well… Dinalhan na rin kita ng mga pagkain. Alam ko namang wala pa ang kasambahay mo dito para ipagluto ka ng masasarap.” Gago talaga. Heto siya at nag-aalala na at lahat-lahat, ito pa ang may ganang sungitan siya?

Pumasok si Macy sa loob ng bahay kahit walang go signal si Neo. Tuloy-tuloy siya sa kusina at inilagay ang mga pagkain sa mga mangkok at pinggan. Embutido, mechado, at chop suey ang mga ulam na binili niya.

“Naubusan ako ng nilagang baka at tinola nila. Maigi sana `yong may sabaw ang kainin mo. Teka, may kanin ka ba? Ipagluluto kita—”

“Macy, hindi mo kailangang gawin ito,” medyo inis namang sabi ni Neo. “Babalik na dito si Ate Julie dahil uuwi dito sina Kuya at Mommy next week. May mag-aasikaso na uli dito sa bahay.”

Noon na kumawala ang pasensiya ni Macy. “What the hell is wrong with you? Bawal ba akong mag-aalala sa `yo?”

Naghilot ito ng batok. “Hindi kita binabawalan—”

“`Yon naman pala, eh.”

Bahagyang tumaas ang boses ni Neo. “Ayoko lang na palagi mo itong ginagawa, all right?”

She looked confused at him. “W-what do you mean?”

“This.” Iwinasiwas nito ang isang kamay. “Don’t you get it?”

“Hindi kita maintindihan!”

“I just—” Magkasabay na nagtikom ang mga kamay at bibig nito.

“What?!” malakas niyang tanong kay Neo, niyugyog ang kaliwang balikat nito. “Tell me!”

Nagbaba ng tingin ang lalaki. “I just don’t wanna get used to all of these. H-hindi ko na nagugustuhan,” flat nitong sabi sa boses na pinipilit magtunog na buo at matatag.

Macy’s mouth was open for a while, but she couldn’t find the right words to say. Pina-process pa rin ng utak niya ang kanyang narinig.

“I’m sorry,” sabi ng binata, tinangkang hawakan siya sa braso pero nailayo niya ang sarili bago iyon nagawa ni Neo. “It’s just…” Nagtagis ang mga ngipin nito. “Damn it,” he hissed in between his teeth. “I don’t know how to say this right,” napakahinang usal nito.

“You want us to stick on just having sex? Is that it?” kastigo rito ni Macy. “Just plain fucking, nothing else? `Yon ba ang gusto mo, Neo? Magsi-sex na lang tayo, `tapos, back to business na. Ganoon ba?”

Hindi ito nakasagot. Malakas ang kutob ni Macy na tama ang kanyang mga sinabi. So, it all came down to this? Pagkatapos ng lahat-lahat? Well, bullshit! Siguro, kung sinabi lang sa kanya ni Neo nang mas maaga ay masisiyahan pa sana siya. May pagkakataon pa sana siyang isalba ang sarili mula sa pagkahulog dito. But she had a shitty luck, she guessed.

“A-ang hirap lang kasi na… na nasasanay ako sa mga paglalambing mo, sa mabuting trato mo sa `kin. As much as it’s making me happy, I don’t think I should want them anymore, Macy,” hirap na hirap na paliwanag ng lalaki.

“Ah, so okay lang sa `yo na lambingin mo ako, na alagaan mo ako? Okay lang sa `yo na sanay na sanay na ako sa mabuting trato mo sa `kin? Pero pagdating pala sa `yo… `pag ibinabalik ko pala ang mga paglalambing at pag-aalaga mo, hindi puwede? Dahil ayaw mong masanay?” sumbat niya sa lalaki. “Bakit, Neo? Bakit?!”

“Sweetheart…”

“Do not call me that. You know what… fuck you!” Dinuro niya ang mukha nito. “Ipokrito ka rin, eh. Ikaw itong mas maraming pinadama sa `kin na magaganda at wala kang narinig na reklamo sa `kin. Kung ayaw mo palang suklian ko `yon, sana sinabi mo na nang mas maaga. At sana… sana rin hindi mo ako hinayaang masanay sa `yo, `di ba? Hindi `yang magre-react ka na lang ngayong na-realize mong ayaw mo pala ng ganitong set-up. Pinatagal mo pa talaga? Pinaabot mo sa puntong… Putang-ina, Neo!”

Muli siyang tinangkang hawakan ng lalaki at sa pagkakataong iyon ay mabalasik niyang tinampal ang kamay nito palayo sa kanya.

Nanginginig na ang boses ni Macy. “You’re being unfair.” Parang pinipiga ang dibdib na tinalikuran na niya si Neo. “You’re right. Baka mahawa nga ako ng sakit mo. So, please, don’t come to work unless you’re one hundred percent well. Bilang konsiderasyon na rin sa aming mga katrabaho mo,” she told him so unapologetically before she swiftly headed for the front door.

PAGSAKAY sa secondhand Honda Civic ng kanyang ama ay napahampas si Macy sa manibela dahil sa frustration at pagpipigil umiyak.

Bakit siya iiyak? Wala pa siyang lalaking iniyakan at wala siyang balak gawin iyon! Pagkain lang naman ang katapat ng heartache niya. Magpu-food trip siyang mag-isa.

Tatlong hampas pa sa walang-malay na manibela at padarag niyang binuhay ang makina ng sasakyan. Marami siyang iniisip, may pilit siyang tinitimbang. Ngayon lang niya na-realize kung gaano niya hinayaan ang sarili sa pagkahulog kay Neo. She didn’t really hold back. She gave him everything, not just her naked body. She gave him her trust, her heart… And that moron was so insensitive enough not to care about her feelings for him. Ayaw raw masanay? Ngayon pa magsasabi ng ganoon, pagkatapos nitong i-enjoy ang mga paglalambing niya? Isang libo’t kalahating gago rin pala!

Ganoon pala iyon, kailangan niya munang masupalpal nang harapan para magising sa katotohanan. But what was freaking new, right? Hindi ba’t ganito rin naman ang kinauwian ng mga pagsinta niya sa ibang lalaki? Umasa siya, nag-assume… bokya pala sa huli. Dapat natuto na siya ng leksiyon noon kina Gerald at Ralph. Dapat hinarangan na niya ng mala-Great Wall of China na pader ang sarili at naging mas maingat. But no. She fell hard and fast like a rapid waterfall after a heavy rain.

Sa downtown ng Estrella tumuloy si Macy at pilit na nilibang ang sarili. Kumakain siya sa food court ng mall nang tumawag naman si Kael. Walang gana niyang sinagot ang cell phone sabay irap sa dalawang babaeng tumingin sa sangkaterbang pagkain sa kanyang mesa, tatawa-tawa pa ang mga bruha. Sa dami naman kasi ng kanyang in-order ay parang nag-hunger strike siya ng isang linggo at ngayon lang makakakain. Pancit bihon, three-piece fried chicken, sweet and sour pork, breaded pork chop, kikiam, squid balls, with rice and soup on the side. May dessert pa siyang malaking bowl ng halo-halo. Grabe, dinaig na niya ang magsasaka o karpintero sa paglamon, mukhang siyang patay-gutom!

“Is this a bad timing?” apologetic na usisa ni Kael.

“Medyo,” pagtatapat ni Macy. “Sorry, Kael.”

“You sound upset. Is everything okay, Macy?” nag-aalalang tanong nito.

“Okay lang ako, lumalamon nga ako ngayon. Bakit ka pala napatawag?”

Awkward itong tumawa. “Baka puwedeng mag-usap na lang tayo sa ibang araw. Ayokong kulitin ka kung hindi maganda ang mood mo.”

The irony, huh? Isa pa ang lalaking ito, eh. Kay Kael niya unang naranasan na mabokya nang pasimple nang iwasan siya ng lalaki. Pagkatapos heto ngayon, nagbabalik si Kael. May feelings daw pala sa kanya, inuna lang ang mga pangarap at responsibilidad sa pamilya. Gusto niyang humanga rito sa aspetong iyon dahil sa totoo lang ay wala pa siyang kilalang tao na kayang magsakripisyo nang ganoon. Pero sa isang maliit namang parte ng kanyang pagkatao ay gusto niyang mainis. Really, inaasahan ba ni Kael na may gusto pa siya rito after all those years?

Pinilit tumawa ni Macy. “Ano ba’ng sasabihin mo?”

“`Yong tanong ko kasi, hindi mo na nasagot.”

Hinalo-halo niya ng straw ng iniinom na sago’t gulaman. “Anong tanong?”

“Kung may ibang lalaki kang gusto?”

“Ah, `yon ba?” Napasimangot siya. “Wala,” flat niyang sagot kahit sa isip ay pumaparada ang pagmumukha at abs ni Apolonio Alonte.

Tanga kasi siya. Napatikman lang ng masarap na sex at paglalambing ay na-fall na siya. Dapat sex na lang kasi. Dapat… Hay. Ano pa nga ang magagawa niya? Nangyari na ang lahat, hindi na niya mababago iyon. Ang tanging magagawa na lang niya ngayon ay pilitin ang sarili na kalimutan na ang feelings para kay Neo.

Yeah, as if napakadaling gawin niyon.

Diskumpiyado naman si Kael. “Sigurado ka?”

Lalong sumimangot si Macy. “Oo.” Bumuntong-hininga siya. “B-but that doesn’t mean na pinapayagan na kitang i-date mo ako. Sorry talaga. Maghanap ka na lang ng ibang babae.”

“I understand. Hindi naman ako masyadong umaasa, b-basta sana lang kahit paano ay hayaan mo akong mahalin kita, Macy.”

Gusto niya yatang mabulunan sa narinig. Bigla-bigla ay nakaramdam siya ng awa at simpatya. Hindi rin niya napigilan ang flattery. Here was a selfless man who seemed to be so wanting to love her with all his heart. Not to mention that she used to have feelings for him. Gusto niya tuloy masaktan din sa ginagawa niyang pangbabasted kay Kael. Imagine, ang tagal nitong kinimkim ang pag-ibig para sa kanya. Baka kung ibang babae lang diyan ay sinunggaban na ang inihahain sa kanya ni Kael.

“I don’t want to give you false hope, Kael. I kinda know the feeling.” I’ve been there already, and the latest one is breaking me down into tiny pieces.

“Magagalit ka ba sa `kin kung sasabihin kong hindi ako basta susuko?”

“Bahala ka na nga. Ang sa `kin lang naman… You’re a good guy, you know? I don’t wanna break your heart.”

“I’ll be fine, I promise.”

Naisip ni Macy na mas maigi siguro kung harapan niyang mabasted si Kael. Baka mas magising ito sa katotohanan. Gaya niya…

TATLONG araw nang hindi mapakali si Macy. Noong una ay pinoproblema niya kung paano pakikiharapan si Neo sa trabaho. Alam niyang ang isyu sa kanilang dalawa ay hindi na magpapabalik pa sa dati nilang relasyon.

Hindi pa ito bumabalik sa farm. Wala rin itong text o tawag sa kanya. And, hell, no. Hindi siya ang unang bibigay. Ayaw nitong makipag-usap, then fine! Sabi sa kanya kanina ni Aling Pacing ay nakita nito sa palengke kahapon si Julie at ibinalita nitong nasa Estrella na pala ang kapatid at ina ni Neo. Inisip ni Macy na iyon siguro ang dahilan kaya hindi pa bumabalik sa trabaho ang lalaki. Huwag naman sanang nabinat sa sakit, kawawa naman—Heto na naman siya! Nag-aalala na naman. Wala lang kadala-dala, ` teh ?

It was over. Ano pa nga ba? Masakit man para sa kanya ay hindi niya ipipilit ang sarili sa taong nagtataboy sa kanya.

Pero may ibang lumiligalig ngayon kay Macy. Hindi pa dumarating ang monthly period niya at panay ang sakit ng kanyang ulo. Kain din siya nang kain ng kung ano-ano. Gusto niyang isiping naglilihi na siya pero puwede ring stressed lang siya dahil sa nangyaring pag-aaway nila ni Neo.

Isang araw pa ang pinalipas ni Macy bago siya bumili ng home pregnancy test kit. Nagpasya siyang pumasok muna sa opisina at doon gamitin iyon, tamang-tama namang naroroon na si Neo.

“Hey,” nakangiting bati nito sa kanya saka lumapit.

He was about to kiss her on the cheek but she coldly turned away.

“Ayoko na ring masanay, Neo, so, please stop doing that,” she blatantly told him. Inilabas niya ang test kit mula sa bag, pilit humihinga nang normal. “Mabuti pala at nandito ka na, you need to know about this. One week na akong delayed, hindi ko alam paano nangyari dahil wala naman akong palya sa pag-take ng pills. Pero sabi nila, walang one hundred percent sure na—”

“You’re pregnant?!” bulalas ni Neo.

Ay, bakit parang excited lang?!

Ayaw niyang tingnan ang mukha nito. He looked surprised but in a good way. Umaliwalas ang mga mata ni Neo. At parang may kumukurot sa kanyang dibdib dahil doon.

“H-hindi ko pa alam. Ite-test ko pa ang ihi ko.”

Lumapit si Macy sa pinto ng restroom pero bago pa siya nakapasok roon ay maagap siyang hinawakan sa braso ni Neo.

“I’m with you in this, Macy,” he assured her.

Hindi niya nilingon ang lalaki. “Hindi ko ipapaako sa `yo ang bata if ever,” matatag niyang sabi sa lalaki. “Wala kang dapat ipag-alala.”

“What do you mean?”

“Wala kang dapat panagutan. Ginusto ko ang nangyari sa `tin. Desisyon ko ang pagbubuntis kung sakali.”

“Anak ko rin `yan—”

Tumawa nang mapakla si Macy. “Look at us. Hindi pa nga confirmed na buntis ako, nag-aaway na tayo.”

Banayad na tumaas sa kanyang balikat ang kamay ni Neo mula sa kanyang braso. “Look, I’m sorry, okay?” mahinahong sabi nito. “Hindi ko gustong awayin ka noong nagpunta ka sa bahay. It’s just that… I’m not used to getting sick, a-and when I do, I get so irritated and I turn into an asshole.”

Tiningnan lang niya si Neo. Gusto nang matunaw ng kanyang kaloobang ilang araw nang nagngingitngit pero pinanatili niya ang tigas at lamig na pinaghirapan din niyang ipalibot sa sarili.

“I have to test my pee now.”


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.