Chapter 17
Chapter 17
NAALIMPUNGATAN si Macy nang may marinig siyang dumaing ng “aray!” Nagulat pa siya nang makitang katabi niya sa kama si Neo. Oh, that was right. Natulog pala siya sa bahay nito ngayong gabi.
“What happened?” sita niya sa lalaki. Nagkusot siya ng mga mata. Sa liwanag na naaaninag niya mula sa Venetian blinds ng bintana sa kuwarto ni Neo ay nalaman niyang mag-uumaga na.
Sapo nito ang bibig. “Nahampas mo ako,” he mumbled.
“Oh, I’m sorry!” sabi ni Macy sabay yakap sa lalaki. “Sabi ko naman sa `yo, hindi ako sanay na may katabing natutulog.”
“Paano na lang kung may asawa ka na?” he asked her in his raspy morning voice. “Lagi mong gigisingin ng right hook mo?”
Humagikgik si Macy. “Eh, masasanay din siguro ako.”
Sabay pa silang umusod palapit sa isa’t isa. Natawa siya nang maramdaman niya ang bukol sa ibaba ng puson nito. Natulog sila kagabi nang walang damit sa katawan. Pagkatapos ng mainit na pagtatalik nila bago matulog ay kinatamaran na nilang magsuot ng mga damit.
“Gising na gising na siya, o.”
“Morning wood.” He chuckled. “Hey—” Napaigtad si Neo nang hawakan niya ang pagkalalaki nito.
“Gisingin ko lalo,” pilyang banat niya at hinimas ang kahabaan nito.
“You’re naughty, Macy.”
“Gisingin mo rin `yong partner niya, tulog pa yata,” maharot na hamon niya. Alam ni Macy na gagawin iyon ng lalaki kahit hindi niya sabihin.
Sa ilalim ng kumot ay hinagilap ni Neo ang kanyang pagkababae at pinaglaro ang mga daliri roon. “Hello there, beauty.”
“Hmmm,” she moaned as she continued stroking his hard length. Her other hand began caressing his balls.
Napakagat-labi si Macy nang maramdamang bumibilis na ang paggalaw ng mga daliri ni Neo sa kanyang ari. Dumidiin ang pagmasahe ng hinlalaki nito sa kanyang clitoris at napapagiling na siya dahil sa masarap na sensasyon.
“I think it’s awake now,” nakangising sabi nito saka sabay na ipinasok ang dalawang daliri sa kanyang butas. “Ah. So warm, so moist…” he groaned then he twirled his long digits inside her before pumping them in and out.
“A-ah!” she shrieked when he hit her G-spot. “Neo, baka mag-squirt ako. Madudumihan ang kama!” nagpa-panic na sabi niya sa lalaki.
Minsan na siyang pinag-squirt nito, noong nakaraang linggo. Gosh, she was officially like those porn actress now. She. Fucking. Squirted. How about that, huh? Ilang babae diyan ang masasabing na-experience nila ang ganoon? Or, mas tamang tanong, ilang babae diyan ang may sex partner na kasinggaling ni Apolonio Alonte?
Binagalan ni Neo ang pag-atake sa kanya. “Maybe later then.”
“Kakain muna ako nang marami kasi nanghina ako pagkatapos kong mag-squirt. Grabe, ganoon pala `yon, ano? Nakakaubos ng lakas. `Buti na lang malakas ka’t naalalayan mo ako, kundi bumagsak ako sa banyo.”
“But you love it.”
“Hmm, siyempre. Gosh, it was so hot…” sabi ni Macy. “And dirty,” she added then she grazed her teeth over his chest and tongued his nipple.
It didn’t take long for them to play with each other’s genitals. Hindi na rin sila nagbago ng posisyon, hindi na rin nila inalis ang kumot nila sa katawan. Nakatagilid silang magkaharap na naghugpong ang mga kaangkinan.
“O-oooh!” daing ni Macy at iniangat ang isang hita para palalimin pa ang pagkakabaon ni Neo sa kanya.
Yumakap siya sa kasiping nang mag-umpisa itong umurong-sulong sa kanyang butas.
“Good morning fuck,” natatawang sabi nito at pinabilis ang pagbayo sa kanya.
“Aaaah, yeah. A very good morning indeed,” ungol naman niya at iniyakap ang isang hita sa lalaki.
The bed shook with them as Neo pounded mercilessly into her wet heat. Nagawang sumingit ang isang kamay nito sa pagitan niya at ng kama at humawak iyon sa kanyang puwet.
“Yeees, squeeze my ass like that,” nasasarapang sabi niya sa lalaki.
Her tits shook wildly as he sped up his thrusts. She liked that, by the way. Gusto niya ang pakiramdam na naaalog ang mga suso niya tuwing nagbabanggaan sila ng katawan ng kanyang kapareha. She even liked watching them jiggle. Mas nakakadagdag ng init, mas nakaka-turn on.
Idinikit lalo ni Macy kay Neo ang ibabang katawan, lumikha ng mas malakas na ingay ang salpukan nila nang na-sandwich sa pagitan ng kanyang dalawang hita ang lower torso ng katalik.
“Aaah, fuck,” he groaned. “Kahit kada umaga mo akong masapak sa paggising, basta may laging ganito ay okay lang,” sabi pa nito bago isinubsob ang mukha sa kanyang mga dibdib.
She then realized that she loved being in this position. Iyong magkaharap sila at magkadikit ang mga katawan. Maybe because they perfectly fit as they could perfectly rock their bodies together. Or maybe, because they were holding each other in a tight embrace. Parang ang lambing lang, parang napaka-romantic.
Nooo!
She must not associate the word romance to sex. Magkaiba ang mga iyon. Well, puwede namang pag-isahin dahil ang sex ay puwede ring pisikal na pagpaparamdam ng romansa at pag-ibig. Pero iba ang set-up nila ni Neo. Iba. At iyon ang dapat niyang itatak lagi sa kanyang kukote.
“Aah, Macy. You feel so good, kitten. So fucking good,” he groaned against her breasts.
Noon na siya umakyat sa sukdulan. “N-Neo, I’m coming na,” she told him, more of a plea. “Aaaaah… I want you to come with me.” Lumakas ang kanyang pag-ungol nang tumirik na ang kanyang mga mata. “With me, baby, please. With me!”
“I’m with you, sweetheart,” narinig niyang sabi ng binata na nag-angat ng mukha. “I’m coming with you.”
And he kissed her deeply in her mouth when they came, swallowing each other’s screams and shrieks of primal satisfaction. She went up so high she kept punching his back for that intense sensation that she couldn’t contain.
“Mmmm… gosh, Neo! That was so good,” Macy muttered in between the smacking sounds of their lips as they continued kissing while they went down from their orgasm.
“Yeah, it was, my sweet.”
Yakap-yakap pa rin siya ni Neo. At sa puntong iyon na nanghihina pa ang katawan niya dahil sa taas ng narating na climax ay napakasarap na pakiramdam ang dulot ng pagkakahawak nito sa kanya. She felt being taken care of, she felt important.
“Ang sarap-sarap pala ng morning sex kahit mabaho ang hininga natin!” biro ni Macy mayamaya.
Tumawa si Neo. “Well, if you sleep here every weekend, we can do this every morning.”
She pushed herself closer to him, lay her head against his chest. Hindi siya mahinang klase ng babae. Gullible siguro siya minsan at hopeless romantic din, but she was never too weak to depend on anyone. Pero sa mga pagkakataong ganito, parang gustong-gusto ni Macy na maging mahina at magpahawak na lang kay Neo. It was making her happy that way. And by God. She was wanting to be held like this for a long time. Maybe forever?
Jusko, may forever na siyang nalalaman?! Erase. Eraaase!
“Okay,” sagot niya sa suggestion nito. “But not every time, ha? Baka magduda si Papa, eh. Hindi lang nagtatanong `yon sa `kin kasi ever since ay hindi siya mahigpit talaga.”
“Boto naman sa `kin `yon, walang problema kung sakali.”
“Gago.”
Nanukso pa ito. “Tinawag mo pala akong baby.”
Tumingala siya sa mukha ni Neo. “Ha? Kelan?”
“Earlier, when you told me to come with you.” He was grinning boyishly. “Wala ka kasing endearment sa `kin kaya na-shock tuloy ako,” eksaherado pang banat nito.
She pinched his nipple. “Slip of the tongue.”
“Palusot.”
“Hmmm, tulog muna tayo, Neo,” malambing na sabi na lang niya at yumakap sa batok nito.
PASADO alas-otso ng umaga nang magising si Macy, wala na sa kanyang tabi si Neo. Hindi na siya nag-aksaya ng panahon na ibalik lahat ng kanyang damit sa katawan, dinampot niya na lang ang maluwang na puting shirt na pantulog sana niya kagabi at isinuot. Pumasok siya ng banyo bago hinanap sa loob ng bahay ang lalaki.
Malaki ang bungalow na bahay ng mga Alonte. From floor to ceiling ang mga glass window niyon. Maluluwang ang kuwarto ng mag-iina na tig-iisa ng banyo. May tatlo pang extra na mga kuwarto ang bahay at isang malaking guest bathroom. Bukod sa dining room ay mayroon pa iyong breakfast nook na katabi ng kusina. Paglabas ng back door ay mayroong lanai doon na nakaharap sa halamanang natatamnam ng puro matataas na ornamental plants. Sa harap ay may patio na nakaharap naman sa malawak na lawn na natatamnan ng blue grass.
Nasa hallway si Macy nang marinig niyang may kausap si Neo sa telepono. Parang seryoso at galit ang boses ng lalaki. She mouthed “good morning” when he caught her in a glance. Nilampasan niya ang lalaki sa sala matapos itong tumango sa kanya. Dumeretso siya sa kusina.
May nakasalang na kape sa coffeemaker, mayroon din siyang nakitang mga pakete ng hot dogs at bacon sa lababo na may tubig, dini-defrost siguro ni Neo. Nagpiprito na siya nang pumunta roon ang lalaki.
“Good morning, babe,” bati nito sa kanya, hinalikan siya sa pisngi. “Ako na dito,” alok nito.
“Ako na, para magpiprito lang, eh.”
Tumahimik na si Neo, niyakap na lang siya mula sa likuran. Narinig niya ang mahinang pagbuntong-hininga nito habang nakapatong ang baba sa kanyang balikat.
“Is everything okay? Sino’ng kausap mo sa phone kanina?” hindi niya napigilang itanong.
“Si Mommy. Wala `yon,” sagot ni Neo, humalik sa kanyang balikat.
“Ahm, wala ka namang problema sa family mo, Neo?”
Bumuntong-hininga ito, mas malakas. Tinakpan niya ang kawali saka ito hinarap. Madilim ang mukha ng lalaki na parang pinipilit nitong paaliwalasin.
“You can talk to me, you know?” mabini niyang hikayat sa lalaki.
“I’m fine, Macy,” sabi ni Neo, parang pinilit lang ngumiti. “Huwag mo akong alalahanin.”
“You sure?”
“Yeah.” Hinalikan siya sa noo. “Hey, let’s talk about our camping. I was checking the weather earlier, walang ulan sa forecast hanggang next weekend.”
“Cool. It’s a go then?”
“Kung wala kang ibang lakad.”
“Saan naman kaya ako pupunta?” Pinisil niya sa ilong ang lalaki. “Palagi na tayong magkasama tuwing weekend, hindi mo ba nahahalata?”
“Right.” Tumawa ito. “Walang palya. Malala na yata `to, Macaria. Masyado na tayong addict sa isa’t isa, baka kailangan na natin ng rehab.”
Tumawa rin siya at kinurot ito sa puson. “Well, binawasan naman natin ang anuhan sa farm. Saka mas gusto ko dito, Neo. Though nakaka-excite `yong patago tayong nagsi-sex sa suite mo during office hours, I feel more secure and safe `pag tayong dalawa lang dito.”
“Alam ko. Kaya nga hindi ko pa pinapauwi dito si Ate Julie, nagtataka na rin siya kahit tuwang-tuwa naman sa uber-extended paid vacation niya.”
“Kawawa ka naman, ikaw na tuloy naglalaba at naglilinis.”
“No biggie. Iyon nga lang, magtiyaga kang nakikita akong may suot na gusot na polo shirt sa trabaho kasi hindi ako marunong magplantsa.”
“Naks! Self-conscious lang?”
“Siyempre, gusto ko lagi akong guwapo sa paningin mo.”
Ikinawit ni Macy ang isang kamay sa batok nito. “Guwapo ka pa rin kahit anong suot mo, o kahit wala kang suot.” She winked at him.
Hahalikan sana siya ni Neo nang sabay silang makaamoy ng nasusunog na pagkain. Sabay din silang napamura nang makitang sunog nga ang parte ng hot dogs at bacon na nakalapat sa kawali.
“I’ll just go buy us breakfast,” prisinta na lang ni Neo at pinatay ang stove.
“Kasi naman, nagluluto ang tao, iniistorbo mo,” biro niya.
“Nagpapaistorbo ka naman kasi,” he retaliated, squeezing one mound of her bums.
“Baka may iba ka pang stock ng pagkain diyan, magluluto na lang ako.”
Umiling ang lalaki. “Nah, bibili na lang ako.”
“Palagi ka na lang bumibili ng lutong pagkain. Ayaw mo bang kainin ang mga luto ko? I’m a good cook, you know,” may himig-tampong sabi ni Macy.
“Ayaw ko lang na mapagod ka,” nakangiting sagot ni Neo. “Baka wala ka nang energy `pag rambulan na.”
Inirapan niya ang lalaki na tinawanan nito. Akala siguro ay pabiro lang ang pag-irap niya, pero ang totoo ay nagtatampo siya.
Parang tanga lang, bakit naman siya magtatampo, aber? Sex lang, pure sex lang naman talaga ang relasyon nila ni Neo at pumayag siya sa set-up na iyon. Bonus na lang na maganda ang trato sa kanya ng lalaki at hindi niya nararamdamang ginagawa lang siyang parausan nito.
Parausan. Hindi ba ganoon naman ang ginagawa nila sa isa’t isa kaya nga nasa ganitong set-up sila? Saka naisip ni Macy, sana nga ay ganoon ka-literal na lang ang relasyon nila. Parausan. Iyong kapag kailangan nilang maglabas ng init ay magsi-sex sila, tapos na. Ganoon. Wala nang lambing-lambing, wala nang sleepover, wala nang dinner sa labas, wala nang random chitchats. Kaso, parang huli na kung hihilingin niya kay Neo na itigil na nila ang extracurricular activities sa labas ng mga pagsisiping nila. Nasanay na siya. Pero natutuwa man si Macy ay gusto na rin niyang mainis sa kanyang sarili.
radicalducati