Chapter 16
Chapter 16
NAPAMURA si Macy nang ma-check niya ang loob ng kanyang bag at walang makitang ibuprofen o anumang pain-killer pills doon. Kanina pa sumasakit ang ulo niya at masama ang kanyang mood.
“What’s wrong?” nag-aalalang sita ni Neo sa kanya, tumayo ito mula sa swivel chair at nilapitan siya.
“Nakalimutan kong magdala ng gamot sa sakit ng ulo,” nakasimangot na sagot niya.
He gently reached her right temple and massaged it with his fingers. “If you’re sick, I can drive you home.”
“I’m not sick. Ganito lang ako minsan bago ang period ko. Nahihilo akong masakit ang ulo.”
“Sigurado ka bang dahil sa monthly period mo ito? Paano kung naglilihi ka?”
Inalis niya ang kamay nito. “Apolonio, huwag ka ngang magbibiro ng ganyan!”
Hindi naman ito natawa, seryoso yata ang kumag. “Just saying. Alam naman nating walang proteksiyon sa sex na one hundred percent effective. At saka inihanda ko na ang sarili ko bago ako nagdesisyong makipag-sex noon na puwede akong makabuntis.”
“Hindi naman siguro. Naramdaman ko na ito dati.”
Nangalumbaba si Neo sa kanyang mesa. “Ayaw mo bang magka-baby tayo?” nakangiti nitong tanong.
She stared at him like he was an alien from a galaxy far, far away. “Okay lang sa `yo?”
“Why not? Siguradong guwapo at maganda ang magiging anak natin.”
She was shocked at herself that she was not freaking out with the idea of having a kid. Siguro dahil matanda na rin siya, handa na siya para doon. Saka naisip ni Macy noon na puwede siyang mabuntis kahit may proteksiyon at hindi na siya natakot para doon.
Dumeretso ng tayo si Neo at hinigit siya sa braso. “Tara, may gamot sa suite,” yaya nito sa kanya.
Akbay-akbay siya ng lalaki na pumasok sa suite nito. Pinaghintay siya sa sofa roon at mabilis naman itong bumalik mula sa banyo. Si Neo na rin ang kumuha ng tubig mula sa water dispenser.
“Maybe you should lie down?” suggestion nito sa kanya nang mainom niya ang gamot. “Take a nap. O, matulog ka lang hanggang gusto mo.”
Bumuntong-hininga siya saka tumango. Inalalayan siya ni Neo na lumapit sa kama. Ito pa ang nag-alis ng kanyang mga sapatos nang maupo siya.
“Neo,” usal niya nang halikan siya sa noo ng lalaki saka kinumutan.
“Yes?” masuyong sagot nito habang marahang hinahaplos ang kanyang pisngi.
“Stop acting so sweet to me.”
“I’m not acting, silly,” he said with a boyish chuckle.
“Mas gusto ko `yong inaasar mo ako,” nakangusong sabi niya.
“Inaasar pa naman kita.”
“Hindi na palagi.”
“Nauubusan na ako ng pang-asar. Palagi na kasi tayong magkasama.”
“Hindi ka ba nagsasawa sa `kin?”
Umiling ito. “Hindi.” Then he kissed her eyelids ever so gently. “Now, sleep, my sweet.”
“Mmm,” she murmured and her right hand reached for his nape. “Stay here for a while,” lambing niya.
“Akala ko ba, ayaw mong pagdudahan tayong may ginagawang milagro dito?”
Hindi inintindi ni Macy ang sinabi ni Neo, ayaw niyang pakawalan ang lalaki. Must be her hormones. Nagiging clingy at needy ang pakiramdam niya ngayon. “Please? Dito ka lang sa tabi ko kahit hanggang makatulog ako, `tapos, balik ka na sa office. Sige na, please?”
“Sweetheart, you don’t need to beg. I can lie down here with you forever.”
He was smiling as he kicked his shoes off his feet. Nang umayos ito ng higa sa kama ay siya na ang humila rito para halikan ito sa bibig.
They tenderly kissed, achingly sweet and blissful. Macy slept with a smile in her face.
NAGKUSOT ng mga mata si Macy nang maalimpungatan siya at agad na napabangon nang mapansing katabi niya sa kama si Neo.
“What the hell?” bulalas niya, medyo disoriented pa ang kamalayan.
Nagising naman ang lalaki at nag-iinat na bumangon. “Nakatulog pala ako.”
“Anong oras na?” natatarantang tanong niya.
Tumingin sa wristwatch si Neo. “Past three.”
Agad bumaba ng kama si Macy. “Naku, Apolonio! Baka may naghanap sa `tin sa opisina!” Mabilis siyang nagsuot ng mga sapatos.
“Relax, nasa baba naman si Lynne para pagtanungan nila kung wala tayo doon.”
“Bakit ka kasi natulog din?”
Tumayo na rin si Neo. “Hindi na ako makaalis sa tabi mo. Ang higpit ng yakap mo sa `kin. Ayaw ko namang magising ka kung gagalawin ko ang kamay mo kaya natulog na rin ako.”
Inirapan ni Macy si Neo saka siya naglakad papunta sa pinto. Tumatawa namang sumunod ito sa kanya.
“I hate to say this, pero sana laging masakit ang ulo mo para lagi kang malambing sa `kin.”
Siniko niya ang lalaki nang humalik ito sa kanyang balikat mula sa likuran. “Ikaw ang tumigil sa kalalambing sa `kin, Neo, ha?”
Yumakap ito sa kanyang baywang. “I don’t even think of doing it.”
Napangiti si Macy at napahawak sa mga kamay nito. “Basta mo na lang akong nilalambing, ganoon?”
“Oo, ganoon na nga. I can’t help it, Macy.”
She asked him with a prolonged “why?”
“I’m not sure. Para kasing… parang pinapalambot mo ako. You’re making me melt into a puddle.” Nagkamot ito ng batok. “Shit, ang corny. `Kita mo nang ginagawa mo sa `kin, Macaria?”
Natawa siya sa kilig at sa ideya na kalambing-lambing pala siya. Bago sa kanya ang experience na iyon at nasisiyahan siya nang husto. She was even at a loss for words.
Sunod itong humalik sa buhok niya. “Let’s go out for dinner,” ungot nito.
“Okay. Magkita na lang tayo sa downtown mamaya.” Kumawala na siya mula sa lalaki. “Now, let’s get back to work.”
“Hey,” pigil ni Neo sa kanya bago pa niya naabot ang doorknob. “Come here,” lambing nito at hinila siya para halikan sa bibig.
There it was again, the sweet, chaste kiss. That kiss that always gave her joy and serenity.
Kinurot niya sa tiyan si Neo nang sa wakas ay huminto na sa paghalik sa kanya ang lalaki. “Pakawalan mo na nga ako,” tumatawang sabi ni Macy, tawang may halong parang nerbiyos.
Nervous from what? From that strange beating from her heart? What the hell was that, anyway? Bakit may ganoong nalalamang pagtibok ang kanyang puso? Uh-oh.
Nah. Bagong gising lang ako.
“I want you to take a week off,” sabi ni Neo bago siya nakalapit sa pinto. “Doon ka lang sa bahay n’yo, magpahinga ka.”
“Neo, I appreciate your concern, pero okay lang ako. Rereglahin lang ako, `no? Hindi ako magkakasakit.”
Matigas naman itong nanindigan. “That’s an order. `Pag pumasok ka, iuuwi kita sa bahay n’yo.”
Tumawa si Macy. Hindi naman nagbibiro si Neo, naghihintay ito sa pagpayag niya.
“Yes, Sir.”
NAGULAT si Macy isang Biyernes ng gabi nang bumisita sa kanilang bahay si Neo. May dala itong bote ng Black Bottle brandy, isang maliit na bilao ng pancit palabok at isang tray ng bibingkang malagkit. Hindi siya agad nakapagsalita nang mapagbuksan niya sa pintuan ang lalaki, bagkus ay pinanlakihan niya lang ito ng mga mata. Hanggang sa narinig na lang niyang nagsalita ang kanyang papa mula sa likuran.
“Macy, aba, patuluyin mo si Neo!”
“S-sorry, t-tuloy ka,” natatarantang sabi niya.
Bakit nandito sa bahay nila ang mokong na ito at may mga bitbit na anik-anik?
“Magandang gabi ho,” nakangiting bati ni Neo sa kanyang ama na dali-daling sumalubong dito at agad na kinuha ang bigay nitong alak.
“Nadalaw ka, hijo?” parang excited na tanong dito ni Gabriel.
“Napadaan lang ho,” sagot ni Neo na tinapunan siya ng matamis na ngiti. “Kumusta na, Macy?”
“I’m fine,” kaswal na sagot niya sa lalaki. “Sabi ko naman sa `yo na hindi mo na ako kailangang pagpahingain.”
Inilapag nila sa center table sa sala ang mga dala ni Neo. Nagpunta naman sa kusina si Gabriel para kumuha ng mga baso at pinggan.
“Bakit ka nandito?” mahinang tanong niya sa lalaki pagkaupo nito.
“Para kumustahin ka,” hindi naaalis ang ngiting sagot ni Neo.
“Tatlong araw pa lang akong wala sa farm, uy.”
“But I missed you, Macy.”
“Hoy, kung nagpunta ka rito para—” Hindi niya natuloy ang sasabihin dahil pabalik na sa sala ang kanyang ama. “Sa kuwarto lang ako, `Pa,” paalam niya na pasimpleng inirapan ang lalaki.
Nagtaka naman ito. “Hindi ka ba kakain ng mga dala ni Neo? Paborito mo ang mga ito, ah.”
“Mamaya na lang po, busog pa ako mula sa hapunan natin,” palusot ni Macy kahit ang totoo ay halos maglaway siya sa mga pagkaing nasa mesita.
Nanatili siya sa kanyang kuwarto na pasimpleng nakikinig ng usapan ng dalawang lalaki sa sala.
“Akala ko kanina dadalaw ka ng ligaw sa anak ko,” narinig ni Macy na sabi ng kanyang ama.
Gabriel San Pedro! Juskolooord! tili niya sa isip with matching sapo pa sa noo.
Narinig niyang tumawa si Neo. “Ayaw namang paligaw sa `kin ng anak n’yo kung sakali. Hindi raw niya ako type.”
Aba, ang gago at sumakay pa sa biro ng kanyang papa!
“Ewan ko ba sa anak kong `yan, masyadong maselan sa mga lalaki. Gusto ko na sanang magkaapo habang malakas pa mga tuhod kong makipaghabulan sa mga bata.”
Ngayon lang narinig ni Macy na nagsalita ng ganoon si Gabriel. Hindi siya kinukulit ng ama tungkol sa non-existent love life niya dahil alam nitong nag-e-enjoy siya sa pagiging single.
“Malay n’yo, magkakatotoo bigla ang gusto n’yo?” sabi ni Neo.
Maryosep, Apolonio! Huwag mo akong bubuntisin, gago kaaa!
“Hindi naman ako istrikto pagdating sa lalaking pakakasalan ng anak ko,” sabi ni Gabriel. “Basta sigurado akong nagmamahalan sila, kontento na ako roon.”
“Parang ayaw niya yata ng lalaking hindi mabait at hindi niya kasundo. Role model para sa kanya ang marriage n’yo ng inyong yumaong asawa.”
Tumawa ang ama ni Macy. “Role model? Kung alam lang ng batang `yan kung paano kami mag-away ni Lena. Napakaselosa ng misis kong `yon, nagger din. Pero hindi namin pinarinig o pinakita sa mga anak namin kung paano kami mag-away. Saka palagi naman naming naaayos ang mga gusot, hindi kami natutulog nang hindi nagkakabati.”
Napatango-tango si Macy dahil sa narinig. Noong bata pa siya ay may mga pagkakataong inilalabas silang magkapatid ng kanilang lolo’t lola. Inilalayo sila ng mga ito mula sa kanilang bahay. Kapag nagtatanong naman siya ay sinasabi lang ng matatanda na may pinag-uusapang mahalagang bagay ang kanilang mga magulang. Naiisip din noon ni Macy na baka nag-aaway nang patago ang mga magulang, but a bigger part of her—her young, idealistic part—was thinking that they were not fighting at all.
“Ang importante naman ho ay `yong hindi nawawala ang pagmamahal n’yo sa isa’t isa,” sabi naman ni Neo.
“Tama ka, hijo. Lahat naman ng tao ay nag-aaway-away rin minsan. Parte na `yan ng buhay.”
Lumipas pa ang mga sandali at ginugol iyon ni Macy sa panonood ng mga craft at hack videos. Narinig na lang niya ang pagkatok ni Gabriel sa pinto ng kanyang kuwarto.
“Anak, matutulog na ako. Ikaw nang bahala kay Neo. Huwag mo muna siyang pauuwiin hanggang lasing pa,” bilin nito sa kanya at umalis na bago pa siya nakasagot. Alam sigurong gising pa siya dahil narinig ang sounds ng kanyang pinapanood.
Wala si Neo sa salas nang lumabas si Macy ng kuwarto. Nakita niya ang lalaki mula sa hallway na nagdidikit sa kusina, silid-kainan at sala ng bahay.
“Bakit ikaw ang nagliligpit?” sita niya rito.
“Lasing na ang papa mo, naparami ang inom,” sagot ni Neo.
Inagaw niya sa lalaki ang mga dala nitong pinggan at baso. “Ako na.”
“Ang sungit mo na naman,” nakangusong sabi nito.
“Bakit ka kasi nagpunta rito nang walang paalam?” usisa niya sabay lagay ng mga pinggan at baso sa lababo.
“Gusto nga kitang makita.”
Hininaan niya ang boses. “If you’re thinking of having sex with me, sorry to tell you, pero may period pa—”
“Whoa, whoa! Macaria, bakit napakamanyakis lagi ng tingin mo sa `kin?”
Sinimangutan niya si Neo. “So, andito ka talaga para lang makita ako, ganoon?”
“Yes. Na-miss nga kita. Wala akong maasar sa office.”
Inirapan niya si Neo. “Gago.”
Hinawakan siya sa kamay ng lalaki at hinila pabalik sa sala. “C’mon, I bought these food for you. You gotta eat them, baby.” Pinaupo siya sa sofa at ito rin ang naglagay ng pagkain sa kanyang plato. “Gusto mo, initin ko muna sa microwave?” tanong pa nito.
Noon na siya napangiti. “Huwag na. Masarap naman ito kahit malamig na,” sabi niya sabay piga ng kalamansi sa pancit palabok. “Hindi ka yata nakakain?” puna niya nang tuluyang mapansing kakaunti lang ang nabawas sa mga dala nitong pagkain. “Binirahan ka kasi ng daldal ng tatay ko.”
“Hinihintay lang kitang lumabas,” sagot nito na sinabayan ng kindat.
“Shut up.” Sinubuan niya ng pancit si Neo. “I better get you a clean plate,” sabi niya habang ngumunguya ito. Pinahid pa niya ang nag-smudge na palabok sauce sa gilid ng bibig nito.
“Huwag na. Subuan mo na lang ako, mas sweet.”
Hinila ni Macy ang tainga ng lalaki saka mahina siyang nagsalita. “Apolonio, ha? Behave ka! Baka nakikinig lang sa `tin si Papa.” Hanggang sa may maisip siya. “You know what? Tara na lang sa likod-bahay. May papag doon.”
“Papag? Shit, sige, tara na!”
Tumawa siya. “Hala, na-excite sa papag? Loko, may regla nga ako ngayon, hindi ba?”
“`Ayan ka na naman, Macaria. Na-excite ako sa papag kasi gusto kong mahiga. Mas berde pa sa lumot ang utak mo.”
Pasalampak silang umupo sa papag na yari sa kawayan na nasa silong ng puno ng kaimito na pinutulan ng malalaking sanga. Nagkuwentuhan sila habang kumakain, tungkol lang sa kung ano-ano. Inaamin ni Macy na na-miss din niyang kausap si Neo. At, oo na, kinilig din siya sa biglaang pagdalaw at sa kawalan nito ng balak na gapangin siya sa kuwarto.
Nang matapos silang kumain ay hinila siyang mahiga ni Neo.
“Look at the moon,” sabi nito sa kanya nang naging visible na ang bilog na buwan na lumitaw mula sa mga ulap. “Isn’t it beautiful?”
“Hmm, yes, it is,” nakangiting sagot ni Macy.
“Come here,” mahinang yaya ng lalaki at hinila siya pausod at pinaunan sa braso nito.
She had missed his scent, too. That fresh, manly scent that smelled of clean water and outdoors. Naging pamilyar na sa kanya ang amoy na iyon.
Inabot ni Macy ang pisngi ni Neo at humalik doon. “Thank you sa foods,” very grateful na sabi niya. “Ang totoo, ilang araw na akong nagki-crave ng mga pagkaing gusto ko, tinatamad lang akong magluto o lumabas ng bahay para bumili.”
Hinalikan naman siya sa buhok ng lalaki. “Sana tinawagan mo ako para maibili kita.”
“Huwag na `no? Nagkataon lang na naka-leave ngayong linggo si Tia, `yong kasambahay namin.”
“You know, I was thinking… Since hindi na gaanong umuulan, gusto mo bang mag-camping tayo? May camp site sa Rio Delfino. We can spend a night or two in there.”
“Sure,” pagpayag niya agad.
Bigla niyang na-imagine ang bonfire sa gabing madilim, nasa harap sila niyon ni Neo, magkatabing nakaupo. That would be very romantic.
Romantic? Hell, no. No, no, no!
Walang romance ang relasyon nila ni Neo, malinaw ang kanilang usapan. Pero heto siya at pumapayag na katabi siya ng lalaki ngayon sa paghiga at pinapanood ang magandang kalangitan. Walang kinalaman sa sex ang ginagawa nila ngayon.
They started talking about random things. Isa pa iyon. Nawiwili na siyang kausap ang binata sa kahit na anong topic. Hinding-hindi siya naiinip kahit hindi siya interesado sa mga ibang pinag-uusapan nila. Somehow, Neo made random things look interesting to her.
Hanggang sa maramdaman niyang dumapo ang bibig ng lalaki sa kanyang sentido. “I think I should get going,” sabi nito, mahahalata sa boses ang kaunting panghihinayang.
“Kaya mo bang magmaneho? Baka lasing ka pa.”
Mahina itong tumawa. “I’m not drunk, silly.”
Nakakainis. Ang totoo ay ayaw pa niyang umuwi si Neo. Weird, but she felt like she was wanting to lie down with him in there for the whole night. Oh, no. Ano na ang nangyayari sa kanya? Nagagayuma yata siya sa ganda ng gabi.
“Salamat sa pagpunta rito, Neo,” sabi niya saka masama ang loob na kumalas mula rito.
“My pleasure.” Inalalayan siya nitong bumaba mula sa papag. “Huwag mo na akong ihatid sa kotse ko, baka maisipan kong itanan ka.”
Tumawa si Macy. “Dami mong alam.” Itinuro niya ang gilid ng bahay. “Dumeretso ka lang diyan. Ingat sa puno ng bougainvillea, hindi pa nati-trim ni Papa ang mga sanga, baka matinik ka.”
“Okay. Good night, Macy.”
“`Night.” Pinanood niyang humakbang palayo sa kanya si Neo. Pero hindi pa ito nakakarating sa daanan sa gilid ng kanilang bahay ay huminto ito at binalikan siya.
“O, may nakalimutan ka?”
“Oo.”
“Ano?”
Hinawakan siya ni Neo sa magkabilang-pisngi. “Ito.”
And, he gave him the sweetest kiss ever that seemed to caress every fiber of her being. Hawak-hawak ni Macy ang mga labi nang tumalikod na si Neo. Daig pa niya ang isang teenager na tulala mula sa unang halik. Kumaway ito nang nakatalikod bago tuluyan nang umalis.
radicalducati