Get Naked (Hubaderos Book 1: Neo)

Chapter 15



Chapter 15

“LAGI ka bang naglalakad nang nakahubo sa bahay mo?” natatawang tanong ni Macy nang nasa kusina sila ng bahay ni Neo at parehong nakahubo’t hubad. Ang sabi ng binata sa kanya, huwag na muna silang magbihis dahil maghuhubaran din naman sila mamaya. May point naman ito, sayang lang ang effort na ibalik ang mga damit nila kung tatanggalin din naman makalipas ang ilang minuto.

They just had a steamy sex in the garage, hindi na sila nakaabot sa loob ng bahay sa tindi ng kasabikan. Ipinatong siya ni Neo sa hood ng isang kotse doon.

“Hmmm, it’s like having a threesome with a woman and a car,” sabi niya sa binata bahang umuulos ito sa kanya. “Kaya pala enjoy na enjoy ka.”

Tumawa si Neo. “You’re so dirty, you know that?”

“Uh-huh.” Ikinawit niya ang mga binti sa baywang nito. “And you love it!”

Magdadalawang buwan na rin silang may sexual relationship at hindi pa naman siya nagsisising pumayag para doon. It was a very bold move and people who knew her would sure freak out about it but she didn’t care. Pero siyempre, discreet pa rin ang relasyon nila ni Neo. Actually, parang nakatulong pa ang dirty secret nilang dalawa sa enjoyment ng mga pagsisiping nila.

“Ngayon lang ako mag-isa dito kaya sinasamantala ko na,” sagot ni Neo sa tanong ni Macy. Iniinit nito ang tirang pizza sa microwave.

“Hindi pa ba bumabalik ang kasambahay n’yo?”

“Nawili yata dahil pinagbigyan ko ng paid vacation, humirit nang humirit,” iiling-iling na sabi ni Neo.

“Ang bait mo naman!”

“Mahigit ten years na rin kasi si Ate Julie sa amin, tumandang-dalaga na siya sa trabaho. She deserves to take a long break. Baka makahanap siya ng asawa.”

Naglabas si Macy ng isang two-liter Coke mula sa refrigerator, siya na rin ang kumuha ng mga baso. Feel at home na siya sa bahay ni Neo dahil madalas sila roon magtagpo tuwing weekend.

“I like your house, by the way. Gusto ko ang distansiya sa mga kapitbahay,” sabi niya sa lalaki nang kumakain na sila. “I love your plants, too, especially the cacti and succulents in your sunroom.”

“Thanks. Sila ang pampalipas-oras ko.”

“Wala sa isip ko na mahilig kang mag-alaga ng mga halaman. Si Papa kasi, kahit Agri grad, hindi nahilig sa pagtatanim, kahit sa bukid ni Lolo. Lagi niyang sinasabi na ang science ng Agriculture ang pinag-aralan niya.”

Napabagal ang pagnguya ni Macy sa pizza. Sa pagdaan ng mga araw ay hindi lang galing sa sex ang nadidiskubre niya kay Neo. She found out that he liked to read books, too. Paborito nito sina Stephen King at James Patterson. He was also interested in astronomy. Marami itong libro tungkol doon at mayroon pa itong malaking telescope. Maraming followers ang Instagram account ng lalaki dahil sa magagandang pictures ng mga halaman na post nito. Matiyagang sumasagot din si Neo sa mga tanong doon tungkol sa paghahalaman.

Akalain mo nga naman. Noon, ang akala lang ni Macy ay magaling itong mang-asar. Who could’ve thought he was this interesting?

Wow, interesting talaga?

“Kanya-kanyang hilig lang siguro. Bata pa ako ay fascinated na ako sa mga halaman, lalo `yong mga weird tingnan,” sabi ni Neo.

“Yeah, like those mimicry plants, especially the splitting rocks!” amazed na bulalas ni Macy. “Parang galing lang sila sa pre-historic era o ibang planeta! Tambay uli ako sa sunroom mamaya, ha? I wanna read a book while in there. Malapit ko nang matapos `yong It .”

“Stay there as long as you want, Macy.”

Palubog na ang araw habang nagbabasa ng libro si Macy sa loob ng sunroom. Napangiti siya nang sumindi ang ilaw doon.

“Thank you,” sabi niyang hindi inaalis ang tingin sa binabasa.

Lumapit naman sa kanya ni Neo. “Hindi ko talaga in-on ang ilaw para makapagbasa kang mabuti,” sabi nito saka lumuhod sa harap niya.

“Hmm, may masama ka palang balak, ha?” sabi niya na sumulyap sandali sa lalaki.

Hubad pa rin si Neo, hindi pansin ang exposure nito mula sa labas ng glass wall ng sunroom dahil kakahuyan ang nasa harap niyon. Siya naman ay naka-bra at panty lang.

“Magbasa ka lang,” sabi nito saka pinaglayo ang kanyang mga hita.

“O-oh!” singhap ni Macy nang hawiin ni Neo ang parte ng panty niyang nakatabing sa kanyang pagkababae.

She continued reading while Neo was lapping her pussy like a hungry dog. Kaso, paano naman kaya siya makakapag-concentrate sa pagbabasa? There was a hottie giving her a goddamn cunnilingus!

“S-shit!” she shrieked when he nibbled and sucked her clitoris.

“O, nasa climax ka na sa binabasa mo?” pilyong tanong nito, nag-angat ng mukha mula sa kanyang ari.

“Climax ka diyan!” angil niya kay Neo.

“Huwag mo akong pansinin,” sabi pa nito at muling isinubsob ang mukha sa pagitan ng kanyang mga hita. “Keep reading, kitten.”

Huwag niya raw itong pansinin? Paano kaya? Argh. Tadyakan kaya niya ang lalaki?!

Pero nagmistulang challenge naman sa kanya ang ginagawa nito. Makakapagbasa pa kaya siya habang tinatrabaho ni Neo? Gaano nga kaya siya makakatagal bago mag-come gayong hati ang atensiyon niya?

Hanggang sa may ipinasok ang lalaki sa loob niya. Noon na siya nag-alis ng tingin mula sa hawak na libro. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makaramdam siya ng vibration.

“N- n eo!” bulalas ni Macy.

Nakangisi itong nagsalita, hawak ang isang kulay pink na parang controller; may kulay gold na tali iyong konektado sa nakapasak sa kanyang ari. “It’s a little vibrator, nabili ko sa isang charity event na sponsored ng ATI. Naalala kong nakatago pa pala sa kuwarto ko.”

Magsasalita sana siya nang may pinindot ito sa controller at naging mas intense ang vibration na nararamdaman.

“A-aaah!” daing niya, nabitiwan na ang libro sa sahig.

Wala na siyang pakialam sa kuwento ng It . In fact, wala na siyang pakialam kahit magpakita pa si Chris Hemsworth sa labas! She was being sent into a different erotic heights and she was loving it.

Tuwang-tuwa naman si Neo sa kanyang reaksiyon. “I’m guessing that you like it?”

Napaliyad si Macy nang tumindi pa ang vibration. Buong matris na yata niya ang nayayanig. Halos mamilipit siya sa sarap, hindi niya alam kung ibubuka pa ang mga hita o pagdidikitin ang mga iyon. “Neo! Shiiiiit!”

Nang igalaw ni Neo ang vibrator at ilabas-masok sa kanyang kaangkinan ay doon na siya pinanigasan ng mga kalamnan at tumirik ang mga mata.

Macy was already lost in a feverish state, heat soaring up higher in ecstasy. “Yes, do it like that… sige pa! Faster… faster… O-oh, myyy! Magka-come na ako, Neo!”

Napakalakas ng kanyang sigaw nang abutin niya ang sukdulan. My God. How this man was able to give her different kinds of pleasure was beyond her understanding. Parang bawat pagtatalik nila ay iba-ibang klase ang nakukuha niyang pagka-high.

“Grabe… g-grabe ka,” hihingal-hingal na sabi ni Macy nang hugutin na ni Neo ang vibrator mula sa kanya.

It was a three-inch plastic shaped like a penis. It had a smooth dome, at may maliliit na massaging dots. Ginawa talaga para masiyahan ang babae mula vibration at hindi mula sa size.

“Uy, baka ginamit mo ito sa ibang babae, ha?” naalala niyang itanong kay Neo.

Tumawa ito bago sumagot. “Nah. Ayaw ng ex ko.”

“Ugh.” Nagmamalaki siyang nagtaas-noo. “She was boring then.”

“Hindi siya kasing-wild mo.”

Lalo pa siyang nakadama ng pride. “Oh, I know.”

Tumayo si Macy kahit medyo nanghihina pa ang mga tuhod. Itinuro niya ang reading chair kay Neo, iminuwestrang umupo ito roon.

“You’re scaring me,” eksaheradong sabi nito sabay tayo.

“Just sit the fuck down,” nakangising sabi niya sabay dampot sa baso sa katabing mesita ng upuan at ininom ang natitirang Coke doon.

Inumpisahan niya ang blowjob sa pamamagitan ng paghalik-halik sa kahabaan ng lalaki, saka niya ipinahid-pahid ang dulo niyon sa kanyang mga labi na parang isang lipstick. She then stuck her tongue out and slapped it with the cock, tasting its precum.

“F-fuck!” he groaned when her mouth went down on his manhood.

When she hummed against his stick that reached her throat, Neo almost succumbed to insanity. Panay ang bayo nito sa mesita, panay ang padyak ng mga paa. Hihinto naman siya sandali, at lalong nanggigigil ang lalaki. Nag-pump ang bibig niya sa ari nito, mabilis; pagkatapos ay titigil, saka ngingiti dito nang nakakaloko. At kung magmamakaawa na ang tingin ni Neo sa kanya ay saka niya itutuloy ang pagtatrabaho.

Sa gulat niya ay tumayo si Neo habang subo niya ang pagkalalaki nito. Holding the back of her head, he fucked her mouth like it was her pussy. Maririin ang pagsulong nito; sabik, gutom. Parang pinaparusahan siya sa ginawa niyang pag-torture dito. Kumapit naman siya sa pang-upo ng lalaki para hindi mawalan ng balanse sa pagkakaluhod.

“You and your sinful mouth,” parang nagdedeliryong sabi nito.

Macy tightened her grip on his butt when he reached his climax. Hindi niya pinakawalan ang ari nito nang akmang huhugutin iyon ni Neo. He came so hard inside her mouth, his warm load flowing down her throat. She never stopped sucking his dick he had to beg her in the end. Yeah, because how dare him to stop her sweet torture!

“Please let it go, sweetheart. Shit, enough, enough! It’s already sore!”

She was smiling devilishly when she gave him her mercy.

“Puwede bang hindi ka na umuwi?” nakangiting sabi ni Neo nang alalayan siyang tumayo. “Dito ka na lang matulog sa bahay.”

“Hmm, some other time, I guess.”

Nangantiyaw naman ito. “Umiiwas ka lang yatang makasama ako nang mas matagal.”

“Ayoko lang masanay masyado dito sa bahay n’yo, ano? Sobrang komportable na ako dito at baka ayoko nang umuwi sa `min.”

“Okay.” Malambing siyang hinapit sa baywang ng lalaki. “How about instead of going home at seven tonight ay mga alas-diyes ka na lang umuwi? Sabi mo, hindi naman nagtatanong sa `yo ang papa mo kung saan ka nagpupunta tuwing weekend.”

“Ngayong gabi lang, ha?”

Ang usapan nilang alas-diyes ay nauwi sa hatinggabi. At hindi lang puro sex ang ginawa nila sa maraming oras na iyon. Nawili sila sa pagkukuwentuhan at paglalaro ng scrabble. Kapwa pa sila nagulat nang mapansin nila ang oras. Unti-unti na niyang ini-enjoy ang mga sandaling kasama si Neo at hindi lang dahil sa kanilang mga pagtatalik. Somehow, there was this little voice inside her that was starting to warn her about something…

“NAKAKAHALATA na ako,” tukso ni Neo kay Macy nang isang umagang pagpasok nito sa trabaho ay may bigay itong macaroons sa kanya.

Inirapan naman siya ng babae. “Ano ba? Sabi nang tira lang `yan mula sa ginawa ko kahapon.”

“Hindi mo ba natatantiya kung gaano karami dapat ang gawin mo para wala kang tira? Last week kasi, may bigay kang egg tart sa `kin.”

“Uy, Apolonio, ha? Huwag mo ngang bigyan ng ibang kulay ang pagbibigay ko sa `yo ng baked goodies. Mahirap naman kayang tantiyahin kung gaano karami ang makakain namin sa bahay.”

“Akala ko kasi siniseryoso mo ang panggagayuma sa `kin,” banat pa ni Neo saka inamoy ang nasa loob ng Ziploc bag.

“Akina na nga `yan,” asar na sabi ni Macy at hinabol siya habang papunta sa kanyang mesa. “Ibalik mo na sa `kin at sa iba ko na lang ibibigay,” nagtatampong sabi pa nito.

Iniiwas niya mula sa babae ang bag ng macaroons, inilagay sa likod ang kamay niyang may hawak doon. “Pikon ka naman,” tumatawang sabi niya saka masuyong hinawakan ito sa baywang.

“Dami mo kasing arte. Nakakainis ka kahit kelan!”

“Sorry na. Thank you dito.” Hinalikan niya si Macy sa noo. “Kain tayo sa labas mamayang uwian, gusto mo?” mayamaya ay alok niya.

“Libre mo `ko?” parang may halong lambing na sabi nito.

“Palagi naman.”

“Gago.” Bahagyang nagpumiglas mula sa kanya si Macy. “Bitiwan mo na nga ako.”

“Can I kiss you first?” ungot ni Neo.

Inilapit ni Macy ang mukha sa kanya. “Dali na.”

He kissed her tenderly on her lips. She let out a sweet moan as she responded to it. Neo liked the way she held his chest and clung to his nape. Pakiramdam niya, bukas na bukas ang pagkatao ni Macy sa kanya. He had noticed that before and he had been noticing it more and more lately. Walang pagpipigil ang babae pagdating sa kanya, lahat ay sinasabi nito. Wala rin itong pangingimi sa pagpaparamdam sa kanya ng pagnanasa, sa pagkukusa nitong maglublob sa init kasama niya.

“Hmm, what do you call that kiss? Malambing?” nakangiting tanong nito sa kanya nang maghiwalay ang kanilang mga bibig.

“Depends on how you received it,” nakangiting sagot ni Neo, ayaw pa ring bumitaw ang kanyang mga kamay mula rito. Weird, because he had no desire to have sex with her right now. Parang gusto lang niyang halikan nang halikan ang babae.

Parang mas lumiwanag ang ngiti nito. “Felt like a sweet, chaste kiss.”

“Then, baby, it was a sweet, chaste kiss.”

“Medyo weird lang. Parang hindi bagay sa `yo ang word na chaste.”

“Palagi na lang mahalay ang dating ko sa `yo.” Humalakhak si Neo. “Sometimes I think you look at me like I’m a walking penis.”

“Hindi naman, lokong `to! Parang ano, awkward lang, ganoon. Ano’ng magagawa ko, eh, purely sexual nga ang set-up natin, `di ba?”

“Hindi ka sanay na naglalambing ako sa `yo?”

Nagkibit-balikat si Macy. “Parang ganoon.”

“Ayaw mo ba?”

She wrinkled her cute nose. “G-gusto,” parang nahihiyang pag-amin nito.

“Wala naman palang problema. Gusto ko rin naman ang mga paglalambing mo sa `kin.”

“Ha? Naglalambing ako sa `yo?”

“Itong pagbigay-bigay mo sa mga pagkain, para sa `kin ay malambing iyon—” Kinurot siya ni Macy sa tiyan. “Aray!”

“Assuming ka lang, Apolonio!” Kumalas na ito mula sa kanya.

Then it all dawned to him. He was becoming exactly like her. Dahil sa magagandang ipinapakita nito sa kanya ay nagiging presumptuous na rin siya. A warning bell in his mind began to ring.

It was loud.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.