Get Naked (Hubaderos Book 1: Neo)

Chapter 13



Chapter 13

DALAWANG araw nang nagtataka si Macy kay Darius dahil parang iniiwasan siya ng lalaki. Nang ikatlong araw na ay hindi na siya nakatiis. May karapatan naman siguro siyang kastiguhin ito. Investor siya ng Alonte Mushroom Farm at boss din siya ni Darius.

“Are we okay, Dar? I mean, wala naman siguro akong nagawa na hindi mo nagustuhan kaya iniiwasan mo ako?” deretsang tanong niya nang mag-abot sila sa lobby.

Nagkamot ito ng ulo, parang natataranta sa pag-iisip kung ano ang isasagot sa kanya. Okay, what the hell?

“Don’t get me wrong,” paglilinaw pa ni Macy. “Hindi ko binibigyan ng kulay ang pakikipaglapit mo sa `kin. Wala akong inaasahang ibang espesyal na rason. Nagtataka lang ako, that’s all. Ayokong may nakakasamaan ako ng loob na wala akong kamalay-malay, lalo pa kung nasa iisang trabaho tayo.”

“Delikado kasing sumakay ka sa motor ko kaya binawi ko `yong paghahatid ko sa `yo pauwi kahapon,” sabi ni Darius sa kanya sabay kibit-balikat.

Diskumpiyado siya sa paliwanag nito. “`Yon lang ba? Ano rin ang nangyari sa mga dessert na pabaon sa `yo ng mama mo? Ayaw mo nang ipatikim sa `kin kasi hindi na masarap?”

“Sige na nga,” pagsuko ni Darius. “Iniiwasan kita kasi ayaw ni Neo na makipag-date ako sa `yo.”

“W-what?”

Biglang nag-loading ang utak niya sa dalawang bagay. Gusto siyang i-date ni Darius? At ayaw raw ni Neo?!

Ilang sandaling hindi niya alam kung alin ang unang bibigyan ng reaksiyon. Ang pangalawang isyu ang pinili niya.

“Ano’ng pakialam ni Neo kung sino ang gusto mong i-date?” tanong ni Macy.

Kahapon ay gusto niyang magtaka dahil panay ang tanong ni Neo sa kanya kung naayos na ba ang Wrangler jeep na kasalukuyang nasa talyer. Sinagot lang niya ang lalaki na baka hindi na iyon maisalba at nagbabalak bumili ng bagong sasakyan ang kanyang ama. Parang may sasabihin pa ito nang pumara siya ng tricycle pero ayaw naman niyang isiping gusto siyang ihatid pauwi ni Neo.

“Hindi `yon ang isyu. `Yong ikaw ang ide-date ko, `yon ang ayaw ni Neo,” pagtatama ni Darius.

“Whatever! Why are you letting him control your life, Darius?”

Tumawa ito. “Nabuking tuloy ako sa `yo. Macy, I like you a lot, I really do. Pero ayokong saktan ang kaibigan ko—”

Namaywang siya nang wala sa oras. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan man sila ng ibang trabahador ng farm.

“At bakit naman siya masasaktan, aber?”

“Ang bagal mo pala,” tatawa-tawang sabi ni Darius. “Macy, may gusto si Neo sa `yo.”

Literal na napanganga si Macy. Kung puwede lang malaglag ang panga niya sa lupa sa tindi ng shock. Sunod-sunod siyang umiling, halos mawagwag ang utak sa kanyang bungo. “No, i-it can’t be.”

Nagkibit-balikat naman ang lalaki. “Duda ko lang naman. Hindi naman kasi mahilig makialam `yon sa buhay ko, hindi rin mahilig magalit—”

“Pinagalitan ka?”

Bago pa nakasagot si Darius ay mabilis niyang iniwanan ang lalaki. Halos hingal-kabayo siyang bumalik ng opisina at inabutan roon na kausap ni Neo si Lynne. Mukhang masayang nag-uusap ang dalawa dahil sa gilid ng mesa nakaupo si Neo, samantalang si Lynne ay nasa swivel chair nito. Parang lalong nag-init ang ulo niya.

Dali-daling tumayo ang agricultural technician at nagpaalam sa dalawa.

“Yes?” seryosong sita ni Neo kay Macy na nakatayo sa harap nito.

“This is about Darius and I think you already know why. Bakit kailangan mo `yong gawin sa kaibigan mo, ha?” mataray niyang kastigo kay Neo.

“Madaldal rin talaga ang gagong `yon.”

“Apolonio!” asik ni Macy rito. “What the hell? Bakit mo siya pinagbawalang i-date ako?”

Naningkit ang mga mata nito. “Gusto mo rin ba siyang ka-date?”

“Wala ka nang pakialam doon. Wala naman sa `yo kahit si Michael Myers pa ang ka-date ko, hindi ba? Ang isyu rito ay `yong pagbabawal mo sa kaibigan mo sa gusto niyang gawin sa personal niyang buhay.”

“Kailan ka pa naging advocate sa tamang turingan ng magkaibigan?”

Dinuro niya ang mukha nito. “Don’t you go sarcastic on me!”

Bumuntong-hininga si Neo. “I was just trying to protect you.”

“Protect me against what? Alam ko ang pagiging playboy ni Darius noon, okay? Naikuwento na niya sa `kin.”

“And you’re okay with it?” parang hindi makapaniwalang tanong ng lalaki.

“As I’ve said, wala ka nang pakialam! I’m a grown-up woman, as you can see.”

“And yet nahuhumaling ka pa rin sa mga lalaking mababait sa `yo.”

Macy scathingly scoffed. “So `yon talaga ang dahilan? Akala mo na napo-fall na naman ako dahil mabait sa `kin si Darius?” Bakit parang disappointed yata siyang iyon ang narinig niyang rason sa pagprotekta sa kanya ni Neo? Ano pa ba ang ibang inaasahan niya, ang sinabi ni Darius na baka may gusto si Neo sa kanya? “H-hindi ako tanga,” mapait niyang sabi sa mababang boses. “I can handle myself, hindi ko kailangan ang proteksiyon mo.”

Mabilis na bumaba sa mesa si Neo nang talikuran niya ang lalaki. Mabilis siyang lumabas ng pinto ng opisina pero nahabol siya ni Neo bago siya nakababa sa hagdanan, pinigil siya sa braso sa tangka niyang pagwo-walk out.

“I’m sorry,” sabi nito, malumanay na ang boses. “Ayaw ko lang masaktan ka. Nakita na kita dati sa ganoong sitwasyon at ayoko nang maulit `yon.”

Humarap siya rito. “Wala akong gusto kay Darius,” deklara niya.

Parang may kung anong kuminang sa mga mata nito dahil sa narinig. “Really?”

Muling tumaas ang boses ni Macy. “Oo. At kahit meron man, wala ka nang pakialam pa dahil wala naman akong pakialam kung ilan nang babae ang ginalaw mo pagkatapos nating—”

“Wala na akong ibang babaeng ginalaw mula nang may mangyari sa `tin. Well, I tried. It didn’t work.” Ang kinang sa mga mata ng binata ay napalitan na ng apoy.

Napalunok siya sa narinig.

“B-bakit?” mahina niyang usisa.

“Because…” Humigpit ang hawak nito sa kanyang braso. “I couldn’t stop thinking about having you… taking your body…” Neo sounded desperate and frustrated. “Gusto kong maulit lahat ng pinagsaluhan natin, Macy. At marami pa akong gustong gawin sa `yo.”

May kumabog sa kanyang dibdib sa narinig na iyon, kusang umawang ang kanyang bibig.

Nagpatuloy sa pagsasalita si Neo; parang nahihirapan, nagpipigil pero nanggigigil. “You’re driving me crazy. I never stopped wanting you, kitten.”

Kitten. God, how she missed him calling her that. At tinatawag lang siyang ganoon kapag nagtatalik sila. Suddenly, she felt an instant rush of sexual tension. Sa mga sandaling iyon, na-realize ni Macy na pareho sila ng nararamdaman—ng pangangailangan ni Neo.

“Y-you want me…?” hindi kumukurap na sabi niya. “You want to… fuck me… again?” pagpapatuloy niya sa kanyang sinasabi.

“Yes. Again and again. Hindi mo alam kung gaano ako nahihirapang nakikita kita halos araw-araw at nagpipigil akong angkinin ka.”

“Oh, Neo,” she couldn’t help bursting.

He gritted his teeth. Ang apoy sa mga mata nito ay naglalagablab na. He looked like he wanted to rip her clothes right there and just fuck her senselessly. And, by God, she wanted it, too!

“Please tell me you feel the same way,” parang pagmamakaawa pa nito.

“I do.”

NEO grabbed the hair from the back of Macy’s head and tilted her face. Bago pa siya nakapiyok ay sakop na ng binata ang kanyang bibig. He greedily kissed—no, fucked — her mouth, tasting it over and over. Sinuklian naman niya iyon ng init, ng pananabik. Ramdam na ramdam niya ang makamundong pangungulila nila sa isa’t isa at natutuwa siyang malaman na hindi lang pala one-sided ang kanyang nararamdaman.

Habang mapusok silang naghahalikan ay iginiya siya ni Neo papasok sa suite nito. Kumalampag ang pinto pagkasara niyon dahil pabalya siyang isinandal doon ng binata. Sa sobrang init at pagkasabik ay mararahas din ang pag-atake niya sa kaniig. May kalmot na ito sa braso at nawalan na yata ng isang butones ang polo shirt nito.

“You have no idea how much I’ve missed this, Macy,” halos mapugto ang hiningang sabi ni Neo at walang pasabing hinablot nito ang suot niyang underwear.

“Of course, I have an idea. You just ripped my panties, bastard!” maiingay ang paghingang sagot ni Macy at halos punitin niya ang pang-itaas nitong damit.

“And the feeling is mutual. Hinahanap-hanap mo rin ito, galing sa `kin.”

“Yes!” she hissed and she bit his shoulder. Magsisinungaling pa ba siya? Ipinagkakanulo na siya ng kanyang katawan.

Napaungol ito at sinuklian ang karahasan niya ng pagpasok ng tatlong daliri nito sa kanyang ari. She felt a glob dripping down her inner thigh when he pumped his fingers in and out of her.

“Neo, ang pinto!” paalala niya nang walang tigil ang ingay ng kalampag ng pinto.

Hinugot nito ang mga daliri mula sa kanya at sunod siyang isinandal sa glass wall.

“Relax, hindi tayo makikita sa labas,” sabi agad ni Neo bago pa siya nakapagsalita nang napansin niyang tanaw na tanaw nila ang labas ng suite. Makikita roon ang malaking parte ng Alonte Mushroom Farm.

He scooped her boobs from her bra and pulled down the neckline of her dress to reveal them. Agad nitong nilamas at hinalikan ang mga iyon.

“They’ve missed you, too,” she told him with a giggle.

She was feeling so giddy and horny. Pakiramdam ni Macy ay ang tagal na naipon ang sexual tension sa pagitan nila ni Neo at ngayon ay pinapakawalan na nila ang lahat ng iyon.

Pinatalikod siya ng lalaki, bahagyang idiniin sa likod para dumukwang. Inilapat niya ang dalawang palad sa makapal na salamin.

“Neo,” tawag ni Macy nang lingunin niya ang binata at nakitang inilalabas ang wallet. “You can fuck me bare. Magti-take na lang uli ako ng emergency pill.”

“Are you sure about this, Macy?”

“Yes. I want to feel your everything, Neo. And I miss you coming inside me.”

Mabilis itong nagbaba ng pantalon at itinutok sa kanyang butas ang sabik na ari nito. Their genitals were both throbbing when he stroked her slit and butt crack with his cock.

Hindi na nagtagal si Neo dahil ramdam din nito na kailangang-kailangan na nila ang bawat isa. In one hard ram, he was inside her, all the way to the hilt. Sabay silang malakas na napaungol.

Nagtutop ng bibig si Macy.

“You can moan and scream all you want, kitten. Tawagin mo ang pangalan ko, isigaw mo kung gaano ka nasasarapan. I want to hear it all,” hikayat ni Neo sa kanya, inalis sa kanyang bibig ang kanyang kamay. “My suite is sound-proof, ako lang ang makakarinig sa `yo,” sabi nito saka inumpisahang mag-urong-sulong.

“O-oh… Oooh, shit, shit, Neooo!” malakas niyang halinghing dahil sa hatid ng sensasyong nag-uumapaw sa init at sidhi.

“Hindi na ako tatagal, Macy,” babala sa kanya ni Neo, hinila siya patayo at hinawakan sa puson. “I’ve had blue balls for a long time now.”

“Malapit na rin ako,” sabi niya.

He pounded on her harder, her tits being crushed on the glass wall. Hinila nito ang kanyang mga kamay pataas saka idiniin ang kanyang mga pupulsuhan sa dingding habang pabilis nang pabilis ang mga pagsulong nito.

“Aaaah, Macy! I want to fuck you like this over and over again,” sabi nito sa kanya, ibinaon ang mukha sa kanyang leeg. “And one night is no longer enough for me.”

“Y-you want us to… o-ooooh… do this every time?” Hirap na siyang huminga at panatilihing dilat ang mga mata dahil sa paparating na luwalhati.

“I just can’t get enough of you. You’re driving me mad with lust. Pumayag ka lang at ipinapangako ko na wala kang ibang mararamdaman sa `kin kundi puro sarap.”

“Yes.”

“Yes?”

“Yes! Oooooh, yes, yes… yeeees!” Macy screamed when she exploded in her orgasm.

Good Lord, how she had missed this. Gusto niya tuloy pagsisihan ang ilang linggong nagdaan, kung bakit nag-inarte pa silang dalawa ni Neo. Ano ngayon kung nasa trabaho sila pareho? Sila ang mga boss ng Alonte Mushroon Farm.

Three hard pounds and Neo came undone, spurting his load several times inside her, almost howling in carnal pleasure.

“Fuck, fuck…” he murmured as he nuzzled her cheek with his nose. She could feel the heavy beating in his chest from her back. Ah, how she has missed leaning against his hard, warm body.

“Oh, Neo… Neo…” Macy whimpered, reaching his nape with her right hand.

“Wala nang bawian, ha?” paniniguro nito at hinalikan ang kanyang buhok.

“Paano ang set-up natin?” tanong niya nang hilahin siya ni Neo papunta sa kama.

Napatili si Macy nang sabay silang bumagsak sa malambot na kutson. She could smell his fresh manly scent on the blue bedding set. Parang ang sarap matulog doon.

“We’re gonna have sex whenever and wherever we want,” he answered her, kicking his pants and shoes off. Tumagilid ito ng higa at humarap sa kanya.

Hindi siya nagsalita. Malakas ang boses na nagdidikta sa kanya mula sa kanyang isip. Gusto niya ang suggestion ni Neo.

“Gusto mo rin ito, Macy,” panghuhuli pa nito. “Huwag ka nang magkaila dahil ramdam na ramdam ko sa bawat galaw ng katawan mo ang pangangailangan mo bilang babae. I can give you what you want, and so much more.”

Parang naghahain lang ito ng business deal sa kanya. Isang deal na alam na alam ni Neo na hindi niya kayang tanggihan. Ipinagkanulo na talaga siya ng kanyang katawan sa lalaking ito. Wala siyang kawala dahil hindi na niya kayang ipagkaila ang kanyang pangangailangan sa lalaki.

“Bakit pa natin gagawing komplikado ang lahat? We’re both single and consenting adults and we want each other,” sabi pa ni Neo.

“Right,” mahinang sagot ni Macy, nakatingin sa puting kisame. “P-pero ano’ng tawag natin sa gagawin natin? We definitely don’t want to date each other. Ayaw din natin ng relasyon.”

He reached for her boob and played with its peak. Napasinghap siya nang pisilin at hilahin nito ang matigas na tuktok.

“We don’t have to be in a relationship to have sex with each other, Macy.”

“No strings attached?”

“Yes. We’ll be fuck buddies. Friends with bene—”

“Frenemies with benefits, parang mas bagay.”

“Unless…” He chuckled. “Unless, well… unless you fall in love with me.”

“Hindi ako mai-in love sa `yo, `no? Asa ka pa! Ginusto ko nga ito kahit hindi kita boyfriend.” Kinurot niya sa tagiliran si Neo, tumawa naman ito.

Inilibot ni Macy ang tingin sa loob ng suite. Maluwang iyon, studio-type. May salas na may black leather couch, loveseat at reclining chair. Itim din ang mga muwebles ng dining area, may island bar sa kusina na may tatlong stool. It was a very cozy place.

“Hey, I like that photograph of you!” mayamaya ay sabi niya nang mapansin ang isang malaking naka-frame na larawan ni Neo na nasa sahig at nakasandal sa dingding. Dark ang background at nakasuot ng itim na boxer shorts ang lalaki habang nakahiga sa unan ang isang braso sa parang kahoy na papag.

“Ah, kuha `yan ni Colberto, ang baliw kong pinsan na official photographer ng ATI. Minsan, pinagti-trip-an niya kaming gawing subject niya. Pati `yong kuya kong pinaglihi sa seminaryo, napilit niyang mag-topless sa pictorial.”

“I think it’s very artistic. I love your wet hair. At `yang seryosong facial expression mo sa photo, emote kung emote. Bakit pala hindi nakasabit sa dingding?”

Ngumiwi si Neo. “Hindi talaga `yan naka-display dito kasi ibinigay ko dati kay Reina. Ibinalik niya sa `kin noong mag-break kami.”

“Ah.”

“Gusto mo ba? `Di ko alam ang gagawin ko diyan, eh. Iuwi mo na lang.”

“ Jusko! Kung makita ng tatay ko `yan? `Buti sana kung `di ka niya kilala.”

Tumawa ito saka umusod palapit sa kanya. “I’m excited to do this with you, Macy,” sabi nito, hinalikan siya sa balikat.

“Ano pala ang gagawin mo sakaling hindi ako pumayag na maka-sex mo uli?” interesadong tanong niya.

“Simple. I will seduce you. Madali ka namang bumigay sa `kin.”

“Heh!” Hinampas niya sa braso si Neo. “Kailangan ko palang mag-take ng contraceptive pills,” mayamaya ay naisip ni Macy.

“Kung ano ang gusto mo, `yon ang masusunod. Just be wary with the side effects, I don’t want you to suffer.”

She was touched by his concern that compelled her to kiss him on his mouth. “Balik na tayo sa trabaho?” nakangiting sabi niya sa binata.

Sumimangot ito. He looked so darn cute. “Pagkatapos mo akong halikan nang ganoon kainit? Huwag kang mambitin, Macaria.”

Tumawa siya saka bumangon. Hinubad niya ang damit at iniitsa iyon sa sahig.

“This shirt needs to go, Mister,” nakangising sabi niya kay Neo at hinila paalis sa katawan nito ang polo shirt.

“You know, next time we’ll have sex, we should be careful with our clothes. Wala ang nanay ko sa bahay at nakabakasyon din ang maid namin. Hindi ako marunong manahi.”

“Di tatahiin ko,” sagot ni Macy sabay kindat. “Let me fuck you, Neo,” mapang-akit na sabi niya sa binata at sinampahan ito.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.