Get Naked (Hubaderos Book 1: Neo)

Chapter 12



Chapter 12

Present day…

“HIWALAY na kayo ni Krista?” kunot-noong tanong ni Clay kay Neo.

Tinatamad siyang tumango nang dalawang beses.

“Akala ko ba nagkakasundo kayo? Ang daming pumoporma sa kanya sa ATI, meron pang isang modelo. Pero sa `yo lang pumayag makipag-date.”

Nagkibit-balikat siya. “I think it will not work out.”

“Neo, wala pang isang buwan mula nang mag-date kayo ni Krista.”

“Doesn’t matter. Bakit pa patatagalin kung alam ko nang walang pupuntahan? I don’t want to hurt her in the process.”

Damn, muntik na nga niyang ipahiya si Krista nang tumanggi siyang makipag-sex sa babae. Mabuti na lang binigyan niya ng konsolasyon. Hey, it was just his fingers, but he gave her a really nice orgasm.

“Is this about Reina?” nagdududang tanong ni Clay.

“No, no.” Sunod-sunod ang iling niya. “And, please, for the sweet name of fuck, big brother, tigilan mo na ako sa katatanong mo. Daig mo pa ang nanay natin.”

“Pinag-uusapan n’yo ba ako?”

Napalingon ang magkapatid sa kanilang ina na biglang sumulpot sa garden. Nakabihis-panlabas ito, may hawak na kopita ng chardonnay, at namumungay na rin ang mga mata. Lumapit ito sa kinaroroonan nilang garden table at hinalikan sila sa kanilang mga noo. Amoy-alak at sigarilyo ang kanilang ina.

Dinampot ni Arabella ang isang piraso ng pig in a blanket mula sa plato ni Neo. Kumagat ito mula roon at sinundan ng inom.

“Lalabas na naman kayo?” nakasimangot na sita niya.

“Ang boring kasi dito sa bahay ng kapatid mo,” sagot ni Arabella at inubos ang hawak na pagkain.

“Ang aga-aga, umiinom na agad kayo,” napapailing namang sabi ni Clay.

Tumawa si Arabella. “See what I mean, Neo? Napaka-killjoy ng panganay kong anak, lagi akong inaaway.” Bumaling ito kay Clay. “Kaya hindi ka nagkaka-girlfriend niyan, eh. Loosen up, son. Get a life, will you?”

“Kelan kayo uuwi sa Sinagtala?” tanong ni Neo sa ina.

“I don’t know, hijo. Nag-e-enjoy pa ako sa mga amiga ko rito. And, well, ayaw ni Leopold sa probinsiya,” sagot nito.

“You’re not really serious about that guy, are you?” usisa ni Clay.

Deretsong inubos ni Arabella ang kalahating kopita ng chardonnay.

“I don’t trust him,” segunda ni Neo kay Clay. “He’s shady.”

Pinanlakihan siya ng mga mata ng ina. “Minsan mo lang siyang nakilala, Apolonio!”

“You’re like twice his age!” sagot ni Neo sa ina.

“And so what? Ipinagpalit din naman ako ng magaling n’yong ama sa babaeng mas bata sa `kin!”

Sabay pang napahilot sa noo ang magkapatid.

“Ynez is only five years younger than you,” malumanay na sabi ni Clay sa inang nagtaas ng boses. “At hindi `yon ang dahilan kaya—”

“Pinagtatanggol n’yo pa ang mga de-putang `yon? I hope they both burn in the hottest part of hell!”

Tumayo si Neo. “Why can’t you just let it go? Maraming taon na ang lumipas. Don’t you think it’s about time to—”

Hindi natapos ni Neo ang sasabihin dahil lumagapak sa pisngi niya ang palad ng ina. Tumayo rin si Clay at hinawakan sa braso si Arabella.

“Hindi mo alam kung gaano kasakit ang ginawa sa `kin ng dalawang `yon!” bulyaw pa ni Arabella kay Neo. “Wala kang karapatang sabihan ako kung ano ang dapat kong maramdaman.”

“I just don’t want you to destroy yourself over something that you can no longer fix,” paninindigan ni Neo sa ina. “You were doing fine. `Tapos ngayon, heto kayo’t parang… parang nagwawala!”

“I was never ever fine!” singhal nito sa kanya. “I can’t believe I’m hearing this from you, Neo! Hindi por que nagburo ako sa probinsiya nang ilang taon ay okay na ako. You don’t know how I feel! You don’t!” Dinuro nito ang mga anak. “Both of you, you fucking bastards!”

Ibinato ni Arabella ang kopita sa lupa at padarag na iniwanan sila. “Manang-mana kayo sa putang-inang tatay n’yo, mga makasarili! Hindi n’yo iniisip ang totoong nararamdaman ko! Mga walang kuwenta!” malakas na sabi nito habang papalayo sa kanila.

Bumalik sa upuan si Neo, nagtatagis ang mga bagang.

“And everybody’s telling me to get married,” sarkastikong sabi ni Clay sabay pabagsak na umupo rin.

“I didn’t mean to yell at her.”

“But you meant every word that you said. And I couldn’t agree more. Naiinis sa `kin si Mommy sa mga sinasabi ko sa kanya, akala niya, siya lagi ang tama. Pero ngayon ay nakarinig na rin siya sa wakas mula sa isa pang anak niya. Maybe she’ll start to think things over.”

“Matagal ko nang gustong sabihin `yon sa kanya.”

“I’m glad you spoke up. Akala ko, tatahimik ka na lang diyan. Sometimes your silence bothers me, Neo.”

“Silence? Mas tahimik ka nga sa `kin.”

“You know what I mean. Hindi ka nagsasabi sa `kin ng problema; palagi na lang na dinadaan mo sa biro ang lahat. You know, it’s okay to show the world that you’re sad or pissed off over something. Kung gusto mong magalit, magalit ka lang. You’re not a clown, man.”

Bumuntong-hininga si Neo. Hindi sanay ang mga tao sa paligid niya na nagpapakita siya ng negatibong emosyon. He even caught his mother off guard a while ago. Wala siguro sa hinagap nito na sasagot siya nang ganoon. Sa mga nagdaang taon, kapag nagta-tantrums ang kanilang ina ay nananahimik lang siya sa tabi. Si Clay ang palaging matiyagang kumakausap dito, ang palaging katalo nito.

He had been holding his tongue because he knew that he would hurt his mother if he told her what was on his mind all these years. Instead, he chose to cheer her up, to make her laugh. Ginawan niya ng ornamental garden si Arabella at sunroom sa kanilang bahay sa probinsiya para may pagkaabalahan at libangan ito. But all his efforts had gone to waste now. At kumawala na ang pasensiya niya kanina.

“Go home, Neo,” sabi ng kanyang kuya nang hindi siya nagsalita habang tinatapos ang pagkain. “Ako na’ng bahala kay Mommy.”

HINDI kami close, giit ni Macy sa isip para pigilin ang sariling mangulit kay Neo tungkol sa pagbabakasyon nito sa Manila. Isang linggo nang nakauwi ang lalaki at hindi pa sila nag-uusap tungkol doon. Nang tanungin niya ito ng “How’s your vacation?” ay sumagot lang ang lalaki ng simpleng “It was fine.” Flat ang boses nito, ni hindi nakangiti. Business-minded na agad kahit wala pa namang alas-otso nang nasa opisina siya?

Anyway, bakit ba niya pinapakialaman ang personal nitong buhay? Wala na siyang pakialam kung ilang babae ang ginalaw nito sa Manila. Ugh, bakit parang ang bitter niya? Siguro dahil parang ipinapamukha lang ng katotohanang iyon na heto lang naman siya, single and no sex life ang peg.

Sa hindi niya kayang maging sexually promiscuous, ano? Oo nga’t nakipag-casual sex na siya, pero hanggang doon lang pala ang kaya niyang gawin—sa iisang lalaki lang. Masyado yatang ginalingan ng Apolonio na iyon at hindi niya kayang isipin ang sariling may ibang lalaking kinaka-sex pagkatapos nito. Parang ang pathetic lang. Hindi lang naman si Neo ang lalaki sa mundo. Hindi lang ito ang kaya niyang maging sex partner!

Yeah, right. And as if naman may iba pang lalaki ang magpapakita ng interes sa kanya. Ang huling nagtangkang makipag-date kay Macy ay isang katrabaho niya noon na halos nai-date na yata ang lahat ng single employees ng pinanggalingan niyang kompanya. Natural, tumanggi siya.

Pero ang tanong talaga ay kung kaya nga ba niyang makipag-casual sex uli?

Natigil sa pagmumuni-muni si Macy nang bumukas ang pinto ng opisina at sumilip doon si Neo.

“Macy, I’m going out early for lunch. May gusto kang ipabili sa labas?” tanong nito.

“Wala,” kaswal niyang sagot.

“Wala kang ibang gustong kainin? Hindi ka ba nagsasawa sa mga pagkain dito?”

“Ang galing ng cook ng farm, libre pa ang food dito. Ako pa ba ang magiging choosy?”

Hindi na ito nagpumilit pa. “Okay.”

Mag-aala-una na ng hapon nang bumaba si Macy sa break room para mananghalian. Wala nang ibang kumakain doon kundi si Darius.

“Ipinagtira kita ng adobong sitaw na may giniling na karne ng baboy at ginisang upo na may sahog na hipon,” nakangiting sabi sa kanya ni Aling Pacing, ang singkuwentay dos na ginang na cook ng farm.

Pumuwesto siya sa isang mesa malapit sa counter. Nakakadalawang subo na siya nang magsalita si Darius na nakapuwesto naman sa dulo ng mahabang mesang katabi niya.

“Ang konti ng kanin mo, Ma’am,” puna nito.

Nilingon ito ni Macy. “Mahirap nang mapasubo ako sa kain. Ang sasarap pa naman ng mga pagkain dito,” sagot niya.

“Nagda-diet ka ba? Hindi na kailangan!”

Sumabad si Aling Pacing. “Siyanga naman, Macy. Huwag mong gawing parang otap ang katawan mo. Ang ganda nga ng mga kurbada mo, sexy!”

Tumawa lang siya saka ipinagpatuloy ang pagkain. Mayamaya ay tumayo si Darius at lumapit sa kanya.

“Ma’am, baka gusto mo ng leche flan? Gawa ni Mama, lagi akong pinapabaunan nang marami,” alok nito at may inilapag na plastic food container sa tabi ng plato niya.

“Darius, ilang beses ko nang sinabi sa `yo na huwag mo akong tawaging Ma’am,” sabi niya sa lalaki.

“Pasensiya na, nasanay lang,” ngingiti-ngiting sagot nito.

“Thank you dito,” pasalamat niya, sinuklian ang ngiti ng lalaki.

“Anytime, Macy. Kung gusto mo, araw-araw kitang bigyan ng dessert.”

“Naku, Darius, ha?” sabad uli ni Aling Pacing. “ Duma-da moves ka kay Macy!” pang-iintriga pa nito.

Tatawa sana si Macy nang makita niyang papasok sa break room si Neo, mukhang masama ang tingin sa kanilang tatlo. Walang imik itong lumapit kay Aling Pacing. Hindi na niya inintindi kung ano ang mga sinabi nito sa ginang. Binibilin siguro ang tungkol sa mga lulutuin. Nang paalis na roon si Neo ay sumulyap lang ito sa kanya, parang may gustong sabihin ang mga mata pero hindi naman niya matukoy kung ano.

Himala. Ngayon lang nakita ni Macy na parang nilubugan ng araw ang pagmumukha ng lalaking ito na ipinaglihi yata sa circus o piyestahan dahil araw-araw niyang nakikitang maganda ang mood ng lalaki. Ano kaya ang nakain ni Neo sa tanghalian at natutong sumimangot?

PARANG may sapi ng masamang espiritu si Neo nang tingnan siya ni Darius. Lalo namang dumilim ang mukha niya sa lalaki.

“Are you listening, Darius?” maawtoridad niyang tanong sa tauhan.

“Oo. Nagtataka lang ako kung bakit mo tinatanong at bakit ganyan ang reaksiyon mo,” sagot nito, hindi nagpatinag sa bahagyang pagtaas ng kanyang boses bagaman nahahalata niyang nag-iingat din. “Hindi kami nagde-date ni Macy. And what’s wrong if I want to date her?”

Parang umakyat yata ang dugo sa ulo niya. “I don’t want you dating her,” mariin na sabi niya kay Darius, pigil na pigil na umangat ang kamay at duruin ito sa mukha.

“Wala naman sa rules na bawal magkarelasyon ang mga empleyado mo rito, hindi ba?”

“Hindi `yon ang pinupunto ko. Kilala kita pagdating sa mga babae.”

“Whoa!” Nagtaas-kamay ito. “Iniisip mo bang ako pa rin ang Darius na campus playboy? Pards , bata pa ako noon, marami pa akong kalokohan sa katawan. Noong nag-graduate tayo ay graduate na rin ako sa pagiging pabling. Nagbagong-buhay na ako.”

Umiling si Neo. “Hindi ako kumbinsido.”

Tumawa ang kaibigan. “ Taragis . Nagseselos ka lang ba?”

“Bakit ako magseselos?” Shit, bakit defensive ang tono ng pagkakasabi niya? “Pinoprotektahan ko lang ang assistant manager ko.”

“C’mon, pards. Umamin ka na kasi. Ngayon lang kita nakitang galit at dahil pa sa isang babae. Sabihin mo lang sa `kin kung off-limits ako kay Macy dahil sa `yo at hindi ako magdadalawang-isip na layuan siya. Ganyan ka kaimportante sa `kin bilang kaibigan ko.”

“Sinabi nang…” Nagbuga siya ng hangin.

He was being pissed off and he hated it. Much more, he hated expressing and showing it. Hindi siya ang taong mahilig magpakita ng inis o galit. Isa pa ay madalang siyang makaramdam ng ganoon. He always looked at the brighter side of life.

“Hindi ako nagseselos,” mariing sabi niya kay Darius.

Right. Pero kung naiisip niyang hinahawakan ng gagong ito si Macy ay gusto na niyang maghuramentado. What the fuck was going on? Ganoon ba siya kabaliw na makatalik uli si Macy at ayaw na niyang may ibang lalaking gumalaw dito? Come to think of it, siya nga ay ayaw na niyang may ibang babaeng maka-sex mula nang may mangyari sa kanila ni Macy. There must be some logical explanation to all of these. Hindi naman siguro siya nagayuma o nakulam?

Gago. Logical pala, ha?

Ngumisi si Darius. “Sinabi mo, eh. Hayaan mo, hindi ko na siya ide-date. You can relax now,” nakakalokong sabi pa nito.

Pigil-pigil ni Neo ang sariling sapakin ang kaibigan. Siya na lang itong nag-walk out at mainit ang ulong umakyat sa kanyang opisina. Nagulat naman si Macy nang pabalibag niyang isara ang pinto.

“What’s wrong?” kunot-noong sita sa kanya ng babae.

“Nothing,” mahinang sagot niya saka padarag na naupo sa kanyang swivel chair at dinampot ang Rubik’s Cube doon.

“If it’s about work, you can talk to me,” sabi ni Macy makaraan ang ilang minutong salubong pa rin ang kilay niyang nagso-solve ng Rubik’s Cube.

“It’s not about work,” pagak niyang sagot.

“Okay.”

Ramdam ni Neo na mayroon pang gustong sabihin si Macy pero nagpigil na ito.

Hindi sila nag-imikan ng babae hanggang sa sumapit ang uwian. Ilang araw na siyang lihim na naiinis sa kaswal na pakikitungo nila ni Macy sa isa’t isa mula nang magtrabaho ito sa farm. He didn’t like it but he chose to keep it that way. Iniiwasan niyang mapalapit kay Macy kahit maging magkaibigan lang sila dahil baka lalo lang siyang ma-obsess na maka-sex ito. Isa pa, parang iwas din sa kanya ang babae at interesado ito sa kanilang farm manager.

He never thought it could be that difficult. But damn it, just seeing her almost every day—being with her in the same room; watching her walk, move; the way she ran her fingers through her sexy hair. Yes, those alone were enough to drive him mad with desire. And her scent… holy fuck. Mabangong amoy pa lang ni Macy ay nagwawala na ang hormones niya. His balls were aching like they were about to explode. May mga oras na nagpupunta siya sa kanyang suite sa oras ng trabaho para pakawalan ang init ng katawan gaya na lang kahapon na ang sexy ng suot nitong damit. Agad naglumikot ang imagination niya pagkakita pa lang kay Macy na papasok ng pinto ng opisina. Agad in-imagine ni Neo na inaangkin niya sa napakainit na eksena ang babae. Him ripping her panties but leaving her sexy mini dress on while banging her against the wall. Taking her hard and deep until she was trashed.

Pero hindi na siya nakokontento lang sa mahahalay na mga naiisip. Hindi na rin siya nakokontentong mag-masturbate lang. He wanted Macy. He wanted to kiss her again, touch her, taste her. How he missed caressing her plump pussy, finger-fucking her while watching her go out of breath while climaxing. Most of all, he had been dying to bury himself inside her again, flood her depths with his cum. It was so bad he felt like he was in a withdrawal from a drug addiction.

May mga gabing hindi siya makatulog at palagi itong iniisip. Iniisip ni Neo ang maiinit na sandaling pinagsaluhan nila ni Macy, ang mga bagay na gusto pa niyang gawin sa babae. It was tormenting as hell. He felt like dying a slow, painful death.

Tormenting? Slow, painful death? Putang-ina. Nagiging melodramatic na siya. And all because of sex? Baka kailangan na nga niyang ipaalbularyo ang sarili.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.