KLWKN

Chapter 5



Chapter 5

“Isa talaga kayong mga alamat mga ser!” masayang sabi ni Owen habang tumutulong na mag linis. “Iba talaga ang convincing powers ng mga Pomaki boys ano?” masayang sabi ni Thea.

“Hi, ate Thea!” bati ni Alvin kay Thea.

Nang nasal abas na kami para ikandado yung restaurant. Nakapulong sila sa isang tabi at nag kukulitan. Samantalang kaming dalawa ni Chi busy sa pag lalagay ng lock.

“Hanggang kalian ba ‘yang pagiging supladita mo, ate?”

“Huh?” ngumuya ito ng bubble gum bago tuluyang nag salita. “Hindi ako pysch major,pero I can attest you na I am an empath.” Proud na sabi niya.

“And so?” biglang irita ‘yung facial expression ni Chi. “Pag ready ka na mag kwento, we can talk about it. Madaldal at nakakairita lang ako pero trust me, I am a good listener.”

Trust? Iyon yata ang isa kong problema. Ang mag tiwala.

Hanggang sa may narinig kaming babaeng nag iiskandalo. She was drunk. At may mga kasama itong mga babaeng mukhang mga warfreak din.

“Anong nangyayare?” tanong ni Thea na noo’y katatapos lang mag tapon ng basura. “Omg! May eksaherada!”

“Uuwi na ako..” pag papaalam ko sa mga ito. Ngunit hinatak ako ni Thea, “Maaga pa! Maki-chika muna tayo. Broom!!!!” sabay hatak ng dalawa sa akin papalapit sa Pomaki Band.

“Ganyan ka ba ka manhid, Miggy?” Tahimik lang ako sa isang tabi na pinag mamasdan ang mga ito. Napapakamot na lang din si Miggy sa nangyayare. Halos mag smudge na rin kasi ‘yung mascara nung isang babae kakaiyak.

“Sorry Miss, pero hindi kita kakilala. Naiintindihan ko ‘yung nararamdaman po kaso—” nanlaki ang mga mata naming nang biglang sampalin ito ng babaeng lasing.

“Hoy! Suray! Kahit babae ka babanata—” pinigilan ni Jap si Alvin. “Pri, kalma!” doon na din nakisali sina Chi.

“Bhie, mag hunus dili ka! Walang jowa ‘tong kaibigan namin.” Nakatingin lang sa akin si Chi at Thea. Tinignan ko din ang mga ito.

“Rose!! Rose!” tawag sa akin ni Chi. Si Miggy naman ay natatawa lang sa ginagawa ng dalawang ito. “Rose,” mapang asar na saad ni Miggy. Sinamaan ko sila ng tingin, dahil wala akong balak maki-join sa anumang kagaguhan nila.

“Ito ba? Siya ba ang girlfriend mo?” sabay baling ng tingin ng lahat sa akin. “Huh?” blunt na reaction ko sa babaeng nag aakusang boyfriend ko daw si Miggy.

“She’s not pretty,”

“Kase she’s not you!” iritang sabi naman ni Chi sa isang tabi. Subukan lang dumapo ng kamay ng babaeng ito sa akin, at sinasabi ko. Mag hahalo ang balat sa tinalupan.

“Hindi ko boyrfriend si Miggy.” Diretsong sabi ko.

“Eh bakit tinatawag ka nila? Bakit ikaw ang tinuturo nila?” napatingin ako kay Miggy na noo’y nakatingin sa akin habang nag pipigil ng tawa.Nag sisimula na din maningkit ang aking mga mata dahil ayoko sa lahat ang dinadamay ako.

“Alam mo, wala akong paki sa’yo at wala din akong paki kay Miggy. Huwag kang desperada. Bahala kayo riyan. Respeto din sa sarili mo.” Nag tawanan ang mga ito sa sinabi ko.

“Pero kasi Miggy, In-add mo ako kahapon. Nag chat ka pa nga hindi ba?” sabi nung babaeng nangungulit kay Miggy. Halos mag wala na ito. Don was trying to push this girl kasi nakikita niyang humihigpit ang higit niya kay Miggy.

“Miss, off limits na tayo.” Kalmadong pantataboy ni Don. Linapitan ko si Miggy

“Ayan ang napapala ng pagiging pala kaibigan mo, ‘yung para sa’yo normal na approach para sa iba nilalandi mo sila!” natawa lang si Miggy sa sinabi ko. “Hindi naman effective sayo e.” sabay wink nito sa akin.

“Bwisit!” inis na sabi ko.

Hanggang sa may barangay patrol kaming narinig. Medyo nagiging maingay na din kasi kami. Lalo na ‘yung babaeng buwang.

“Anla, ano gang nangyayare dine?” tanong ni Owen na kagagaling lang din sa loob ng bar habang inilalagay nito ang susi sa kanyang bag.

May narinig kaming mga pito. Nag katinginan lang kaming lahat. Shet, first day ko tapos adventure agad?

“Takbo!!!!” sigaw ni Owen. Nag kanya-kanyang takbo ang mga ito. “Mabilis ka bang tumakbo?” tanong sa akin ni Miggy.

“Huh?”

“Hoy! Bumalik kayo dito!” sigaw nung isang barangay tanod. “Sabi ko, tara! Takbo!”

Nagulat ako nang biglang higitin ni Miggy ang kamay ko. Ayoko ng pakiramdam pero wala kasi akong choice. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Ang alam ko lang tatakbo ako kasama ang pinaka kinaiinisan kong tao sa buong mundo.

“Ano ba kasing atraso mo doon?”

“Hindi ko nga kakilala ‘yun!” walang lingon na sabi ni Miggy habang patuloy pa rin kami sa pag takbo.

“Dito!” hinatak ako ni Miggy papasok sa isang eskenita. Nahiwalay na kami sa iba. Ako at siya lang ang mag kasama.

“Ang saya non! Sana palaging ganon! Exciting!” masayang anunsyo nito. Napansin kong nakahawak pa rin ito sa kamay ko. Napatingin din si Miggy sa kamay ko.

“Bitawan mo nga ako!” sabay taboy ko sa kanyang kamay. Napakamot na lang si Miggy sa kanyang ulo, “Sorry.” halos hingal kabayo kaming dalawa. Kinuha nito yung panyo niya at binigay sa akin, “Gamitin mo muna ‘to, pawisan kana e.”

Kinuha ko na lang yung puting panyo na inalok niya. “Sino ba kasi ‘yon? Jowa mo?!”

Kumunot ang noo niya, “Hindi nga. Wala akong girlfriend. Hindi ko nga kakilala ‘yon. Promise, cross my heart.” I rolled my eyes heavenwards.

“Hmm, libre na lang kita ng super late dinner.”

Nandito na din naman kami sa tapat ng 7/11.

“Tara pasok muna tayo diyan sa may 7/11. Para makalibreng aircon din.” Narinig nito ang iyak ng aking sikmura.

“Kain tayo siopao, gutom din ako.” Hindi na lang din ako umimik at sumunod na lang sa kanya. Pag pasok pa lang naming sa 7/11 sinalubong na agad ito ng mga nag tatrabaho doon.

“Bakit hindi mo i-try humabol ng konsehal? Ang dami mong kakilala!” Natawa na lang si Miggy sa sinabi ko. “Mister Friendship nga kasi, remember?”

Napamasahe na lang ulit ako sa aking ulo dahil na stress na ako sa mga ginagawa ni Miggy.

“Upo ka muna, ako ng bahala.” Nag wink lang ito sa akin. Dahil na din siguro sa pagod kaya wala na akong panahon makipag talo pa sa kanya. Tumahimik na lang ako sa isang tabi at pinag masdan ang mga pulubi na natutulog sa tabi ng 7/11.

Sa totoo lang, maswerte pa rin ako. Kasi kahit na nag kanda leche leche na ang buhay ko, may bahay pa rin ako at magulang. Iyon nga lang, hindi ako masaya.

“Bola-bola o asado?” tanong ni Miggy sa akin.

“Kahit ano.” Tipid na sagot ko. Kumuha din ito ng kape dahil late na din naman. “So,”

Nilapag nito ang tray sa harapan ko. Umupo din ito sa tabi ko. Pinag mamasdan namin ‘yung mga batang may hawak na sampaguita at mga batang nag bebenta ng balot. Napalingon ako kay Miggy na noo’y tinatanggal na yung papel ng kanyang siopao. Bakas sa mukha nito na masaya siya.

I don’t know if I really hate Miggy. Or maybe I just hate the fact that I wanted to be happy just like him pero hindi ko kaya.

“B-bakit?” tanong nito sa akin habang punong puno ng siopao ang kanyang bibig. “May dumi ka lang sa mukha.” Pag sisinungaling ko. Napabuntong hininga na lang ako pag katapos at muling nilingon ang mga bata sa labas.

“Ang sarap maging bata ano?” hindi ko nilingon si Miggy at kinain ko na din yung siopao na binili niya. “Kumusta ka naman, Sandrine?” sunod na tanong nito sa akin.

“Bakit ba interesado kang malaman kung okay lang ako?” umayos ito ng upo, at humarap sa akin habang hawak niya ang siopao niyang may kagat na. “Tulad ng sinabi ko, I just wanted to be friends with you. Period. Concern lang, makulit pero sincere naman ako. hehe”

“Kahit ayaw kong maging kaibigan ka?” nag punas muna ito ng bibig bago sumagot sa akin. “Hindi ako naniniwala. Alam ko deep down gusto mo rin mag ka kaibigan. Pinipigilan mo lang sarili mo. I know hindi ako ‘yung mga trip mong kaibigan pero ako trip kita e.”

“Huh?”

“I mean, trip. Gustong maging kaibigan.” Tumahimik na lang ako at binaling ang atensyon sa siopao na kinakain ko. “You know the reason why I sang cry earlier?”

Hindi ako umiimik. Tahimik lang ako.

“I’ve seen you cry countless times.” Kumunot ang noo ko at tinignan ko ito. “Sa puntod ni Pacco.” Napabuntong hininga ako nang sabihin ‘yon ni Miggy.

“Kaya nga gusto ko sanang maging kaibigan mo. Kahit isa lang ako.” Naisip ko tuloy kung gaano ka tsaga sa akin si Miggy.

“You can tell me everything. O kaya kahit hindi ka umimik. I will try to understand your silence. I mean the story beneath that silence.” I can feel his sincerity. Ako lang talaga ‘tong matigas.

“Thank you Miggy.” Ngumiti lang ito ulit bilang pag tugon. “Pero maiba ako, hindi mo ba talaga girlfriend yung kanina?”

“Hindi nga, hindi ko nga kakilala ‘yun!”

“Eh ano lang?”

“Isa lang ‘yung nagiging girlf friend ko. Kaso wala e, hindi forever.” Malokong sagot nito sa akin. “Babaero ka siguro, ano? Pa good boy ka lang pero style mo bulok.” umiling si Miggy.

“Ako ‘yung nakipag hiwalay.” Nairita ako sa diretsong sagot sa akin ni Miggy, “See, you’re a jerk. May third party siguro no? I knew it!”

“Never akong nag cheat sa kanya. Nakipag hiwalay ako sa kanya kasi alam ko hindi ko siya mapapasaya habang buhay. Tapos na yung chapter ko sa buhay niya.” Ngumiti ulit ito sa akin na para bang confident siya sa reason niya.

“Sus, liar.” Sabay inom ko ng kape.

“She deserved someone who will stay. Iyong hindi siya iiwanan. I get it, jerk ako sa part na linigawan ko siya tapos iniwanan ko siya sa ere. I just have my own reasons, I needed to hurt her kasi ‘yon ang sa tingin kong tama.”

“Eh gago ka pala e! Bakit mo nga naman linigawan kung iiwanan mo rin pala?”

Natawa ito sa reaction ko. “Gago nga siguro ako, kaso may mga bagay talaga na kailangan mong iwanan. Kasi mas makakabuti ‘yun. Ayoko siyang ikulong sa kasinungalingan na magiging kami hanggang dulo.” Napa buntong hininga si Miggy habang naka titig sa kanyang kape.

“Eh nasaan na ‘yung ex mo?” inayos niya ang kanyang upo at kinuha ‘yung cellphone niya. Hinanap niya ito sa facebook. “Heto siya, Yvette Salazar.”

Maganda ‘yung ex ni Miggy. She’s taking tourism din kaso sa ibang school. May bagong boyfriend na ito. “She is my first love, kaso sabi mo nga gago ako.” Sabay off niya ng phone nito.

“Pero hayaan na natin, atleast she’s happy. Proud ako kasi, kinaya niya.”

“That’s lame,” napangiti na lang si Miggy sa sagot ko. “I needed to let her go.”

“You caused her pain. Kaya deserve niya talaga maging masaya. What a jerk.” Natawa ulit ito sa sinabi ko. “Totoo naman e! Ang dali para sa’yo na iwanan siya.” Bigla itong napatingin sa kawalan.

“Siguro sa susunod na buhay, pag pinayagan hindi ko na papakawalan..”

“Bakit kailangan next life pa? Pwede naman ngayon? Sinaktan mo lang yung tao.” Yamot na sagot ko rito.

“I did. But I have no choice.” Napabuntong hininga na lang ito. Hindi ko din maintindihan kung saan nanggagaling ang inis na ‘to. Siguro nasasayangan lang ako.

“Tsaka sa pag kakaalam ko, she’s doing great. Kinaya niya naman din ng wala ako.” Linamukos niya na ang lalagyan ng siopao pag katapos ng kanyang huling kagat. He was still chewing pero nakangiti pa rin ito sa akin.

“Eh ikaw?” natahimik lang ako sa tanong ni Miggy.

“Parang ikaw, kinakaya mo rin naman diba? At alam kong kakayanin mo pa sa mga susunod na araw.” Sabay higop ni Miggy sa kanyang kape. “Sana,” mahinang sagot ko dito.

Bigla ko tuloy naisip si Pacco. Siguro kung hanggang ngayon buhay pa ‘yun panigurado masayang masaya kaming dalawa.

“Alam mo kung nasaan man si Pacco ngayon, he’ll be proud of you.”

“Siguro,” Tipid na sagot ko. “Yaan mo pag nag kita kami, ku-kwentuhan ko siya kung gaano ka naging matatag. Malay mo bukas, okaya sa makalawa mag kikita kami. You’ll never know.”

“Ang dami mo talagang alam no?” napangiti ito sa sinabi ko. Hindi ko din alam kay Miggy sa kabila ng pang babasag ko ng trip niya ni minsan hindi ko siya nakitang nagalit sa akin. Minsan gusto ko na lang din paniwalaan na mabait talaga ito.

“Ako pa! After nito, ihahatid na kita. Pasensya kana at late na tayong umuwi. Pero promise hindi ko talaga kakilala ‘yung babaeng ‘yun.” Pag aasure nito sa akin. “Bahala ka diyan, wala akong pake.”

Pag katapos din ng usapan namin lumabas na kami ng 7/11. Chineck ko yung phone ko, ang daming missed calls ni Mama. Sumilip si Miggy sa phone ko. Mabilis ko naman itong itinaob at sinimaan ito ng tingin.

“Mama mo?” binalik ko sa bulsa ‘yung phone ko.

“Napaka chismoso mo.” Iritang sabi ko. Almost 2am na din pala.

“Uwi na ako,” pag papaalam ko kay Miggy. “Sandali, ihahatid kita. Nandyan ‘yung motor ko. Alanganin oras na kung uuwi ka pa.” Kinuha niya yung susi sa bulsa niya tapos kinausap yung guard. Nakipag apir pa ito.

“Kuya salamat po, sa uulitin! Babalik ako dito sa susunod na araw.” sabay abot nito ng 100 kay manong guard. “ Ayos ka talaga no?” binalik niya ang wallet nito sa kanyang bulsa.

“Syempre!” kinuha nito ang isa pang helmet na naka tago sa maliit na compartment ng kanyang motor. Kulay yellow ito. Sa hindi kaalamang rason, napangiti ako. Yellow is my favorite color.

“Tara?” naka suot na ang helmet ni Miggy, “Huwag kang mag alala, dahan dahan lang tayo.”

“G?” Inaabot niya sa akin ‘yung helmet. Since wala naman option at late na din. Sumama na ako kay Miggy. “Susulitin lang natin ang gabi.”

Sumakay ako at pinaandar na ni Miggy ang kanyang motor. “Joy ride na this!” Masayang sabi ni Miggy. Hindi ako komportable, pero meron sa loob loob ko na ayos lang na pag katiwalaan si Miggy.

“Ang ganda ng KLWKN ngayon, napakaliwanag ni Luna!” sigaw ni Miggy. Samantalang ako hindi ko maiwasang mapatingin sa kalawakan. Parang mga diamanteng nag kalat sa kalangitan ang mga bituin na napaka ningning.

“Ayun ‘yung orion oh! Big bang!” masayang sabi ni Miggy.

Hindi ko maintindihan ‘yung nararamdaman ko sa mga oras na ‘yon. Pero pakiramdam ko may kung anong tuwa sa puso ko.

“Oh kay sarap sa ilalim ng kalawakan,” nag simula itong kumanta ng Kalawan ng Music Hero.

Natawa ako bigla sa ginawa ni Miggy. “Kumapit ka at lilipad tayo!” sumunod ako sa sinabi ni Miggy. Kumapit ako sa kanya,

“Whooo!!!!!” sumigaw ito na akala mo walang ibang tao sa paligid. “Ang sarap mabuhaaaaaay! Whoo!!!!” sigaw nito habang ako tahimik lang sa likod. Bawat hampas ng malamig na hangin at mga tunog ng mga kuliglig ay nag dudulot nang kung anong kagalakan sa buong pagkatao ko.

“Sana hindi na matapos. Sana hindi..” He exclaimed while still singing the song of KLWKN. Kahit nag mamaneho ito ng kanyang motor, sinusubukan niya pa rin akong lingunin. He always assure that I am okay. Despite the fact na sobrang snob at cold hearted ko sa kanya for almost 4 years, he never stopped reaching out to me. He always makes sure that I am comfortable kahit ang hirap ko din minsan kausapin.

If only I can open my heart again, baka pwede ko siyang papasukin. He’s offering me a genuine friendship pero sadyang matigas lang ako. Maybe in time, pag okay na. Baka pwede kong I-consider.

Miggy is kind, Miggy is patient. Rose is rude, Rose is impatient.

Napabuntong hininga na lang ako nang marealize ko ang pinag kaibahan naming ni Miggy.

“Thank you for this day, Sandrine.” Hindi ko na muling sinagot pa si Miggy.

Hanggang sa kung saan saan na napunta ang kwentuhan namin.

Walang tigil sa pag kukwento si Miggy tungkol sa solar system, stars at kung anu-ano pa. Tahimik lang ako. Nakikinig sa mga kwento niya.

Itinuro ko na sa kanya yung kanto papasok sa bahay namin. Tulad ng ineexpect ko, hinihintay na ako ni Mama. Mukhang stress na stressed ito. Dahil halos 3am na din.

Nagulat ito dahil hindi sila sanay na makita akong may kasamang ibang tao. “Sandrine, anong oras na bakit ngayon ka lang? Hindi mo ba alam na kanina pa kami nag aalala sa’yong bata ka?”

“May ginawa lang ako.” Tipid na sagot ko. Napatingin na lang sa akin si Miggy. “Ahh eh, Tita!”

Tinanggal ni Miggy yung helmet niya at nag mano sa mama ko. “Uhm, ako po si Miggy. Kaklase po ako ni Sandrine.” Nagulat si Mama sa sinabi ni Miggy.

“Kaibigan po ako ni Sandrine, este Rose.” Sabay tingin sa akin ni Miggy. “Ah, ganon ba?” nakangiting sabi ni Mama habang nakatingin ito sa akin.

“Kaibigan ka ni Rose, kamo?”

“Feeling close lang ho tita, pero hindi pa official friends. Semi-friends pa lang ho!!” sabay ngiti sa akin ni Miggy. Napabuntong hininga na lang si Mama, Dahil alam kong nagagalak ito at may kaibigan na ulit ako.

“Yinaya ko po kasi si Rose na mag part time doon sa bar na pinag ta-trabauhan ko. Gusto niya po kasi ng part time job. Okay naman po siya tita. Atsaka, mabait po ‘yung boss namin! Astig po ‘yun! Tsaka huwag po kayong mag alala at ihahatid ko po palagi si Rose.”

Napangiti si mama sa sinasabi ni Miggy.

“Masyado ka ng madaldal. Umuwi ka na salamat sa pag hatid.” Ibinigay ko na kay Miggy ang kanyang helmet at diri-diretso na akong pumasok sa aming bahay. Hindi ko na ito nilingon.

“Good night Sandrine! Bukas ulit sa school, sweet dreams!” masayang sabi nito sa akin. “Mag iingat ako huwag kang mag alala.” Sagot nito sa kanyang sarili. Napahapo na lang ako sa aking noo at dirretso ng pumasok sa bahay.

“Sige tita, mauuna na po ako. Huwag po kayong mag alala at sanay na ako diyan sa anak niyong masungit. Hehehe” Narinig ko pang mag usap si Miggy at si Mama.

Pero, masyado na akong napagod ngayon araw na ‘to. Dumiretso ako sa aking kwarto at muli kong tinignan ‘yung repleksyon ko sa salamin.

Bahagya akong napangiti.

Hindi ko maitanggi. Nag-enjoy ako ngayong gabi.

Salamat, Miggy.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.