Chapter 4
Chapter 4
Dala ko ‘yung hoodie ni Miggy. Maaga pa lang nasa Respira na ako, its 7:15 am na himala at mukhang hindi papasok si Miggy. Napatingin ako sa paper bag kung saan naka suot ang hoodie ni Miggy.
Isosoli ko lang naman ‘yung hoodie tapos hindi ko na ulit kakausapin. Five more minutes, pag wala pa rin babalik na ako sa university. Nag palingon lingon sa loob ng coffee shop pero walang anino ni Miggy. Mukhang tahimik yata ang araw ko ngayon?
Inayos ko na ‘yung mga gamit ko at papasok na ako. Wala na din sense kung hihintayin ko pa si Miggy, mukhang hindi na rin naman ito papasok. Inilagay ko na yung mga ginamit kong utensils sa taas ng trash bin, clean as you go kasi dito sa Respira.
Nang aktong palabas na ako, nagulat ako kay Miggy na noo’y hingal kabayo tila ba may hinahabol ito.
“Isang cappuccino venti to go!” he is wearing a black gray hoodie from ck again. “Ate, pahingi na din ng tubig. Dine in. heheh”
Natigilan ito nang makita ako, “Oi! Good morning!”
“Nakapag breakfast kana?” I just nod my head as an answer. “Hintayin mo na ako, sabay na tayo.”
Tinignan ko yung oras, we’re already 5 minutes late. Pero okay lang naman siguro kung malate kami kahit papaano.
Nang makuha n ani Miggy ang kape niya, ininom niya ito na animo’y ngayon lang siya uminom ng kape. “Akala ko hindi na ako makakainom ng kape e.”
“Anong nangyare? Akala ko ba 4:30 lagi gising mo?” masungit na tanong ko. “Nag oversleep kasi ako. Nanood kasi ako ng friends kagabi. Malapit na kasing ma expired ang subscription ko sa Netflix sinulit ko na.” sabay kamot nito sa kanyang ulo.
“Hinihintay mo ba ako?” masayang sabi nito habang nakatingin sa akin. “Asa ka.”
“Ayy, akala ko pa naman.” Ibinigay ko sa kanya yung hoodie niya na nasa paper bag. “Isosoli ko lang ito.”
“Hindi naman ako nag mamadali na kunin,” sabi nito sa akin habang hinahabol niya ako. Mabilis kasi akong mag lakad kaya parang patakbo na ito kung mag lakad. “Sapat na ‘yung isang beses. Ayokong mag ka utang na loob sa’yo.”
Ipinasok ni Miggy yung paper bag sa bag niya. “Pero salamat.”
Ngumiti lang si Miggy as an answer. “But it doesn’t mean na mag kaibigan na tayo. Pag katapos nito huwag mo na akong kakausapin.”
Pag katapos noon ay dumiretso na kami sa classroom. Nag tinginan lang ang mga classmates namin. Samantalang si Miggy, pinalakpakan lang ng mga kaibigan niyang ugok.
“You’re 15 minutes late, sa susunod pag late hindi na pwedeng pumasok sa klase ko.” Masungit na sabi ni Miss Agoncillo. “Kasalanan ko po, hinintay po kasi ako ni Rose.”
Napatingin ako kay Miggy nang sabihin niya ‘yon. “Nag pa hintay po kasi ako.”
Nag hiyawan lang ang mga tao sa classroom. I massage my head dahil Miggy is giving me stress. “Iba din!” panunukso ni Alvin.
“Congrats Yaman, you’re no longer invisible.” Saad nung kaklaseng kong irregular. Hindi ko na ito pinansin at dumiretso na ako sa upuan ko. Tumabi na din si Miggy sa akin. Proud na proud na katabi ako.
Napailing na lang ako, at nag take na lang ng notes. Ayoko na lang din makipag talo sa mga ito. Dahil lalo lang nila akong aasarin.
Habang nag susulat ako, panay pa rin ang pag papapansin ni Miggy. Hanggang sa matapos ang buong oras ni miss Agoncillo, dire-diretso pa rin ang pang bubwisit nito sa akin.
“Nag e-enjoy ka talaga na bwisitin ako, ano?” nakapikit ito sa mga oras na ito. At nakasandal sa kanyang inuupuan. “Masaya lang. May bagong kaibigan na ako e.”
“Hindi moa ko kaibigan,” pag ri-reject ko sa kanya. “Pareho na din ‘yon. Okay na ‘yun. 5% friends na tayo.” Lumipat na din ng upuan sila Jap, Alvin at Don.
“Sana all may new friend.” Makulit na sabi ni Jap habang naka akbay ito kay Alvin na noo’y dumidipa sa kanyang gitara. “Miggy, may gig tayo mamaya baka makalimutan mo.” Pag ri-remind ni Don.
“Pupunta ka?”
“Hinde.”
I am saving money for my future, ayoko din mag stay sa bahay kaya baka subukan kong mag trabaho. Since I am paying my own bills, napag desisyonan ko na mag hanap ng part time job this year kahit sa mga fast food chain.
Nang papunta na ako sa sakayan ng pedicab nakita ko ‘yung signage nan aka dikit sa Respira. Wala ‘yun kaninang umaga. Naka sulat ito sa isang neon orange na papel.
URGENT! Looking for a part time waitress.
Nag hahanap sila ng part timer. Ayos!
“Uhm, excuse me,” tuloy pa rin ito sa pag pu-punas ng mga lamesa. Hanggang sa linapitan ko na ito at tinapik. Medyo nagulat ito sa akin. May suot pala siyang earpods kaya hindi niya ako narinig.
He is wearing a cashmere long sleeve. Sa mga koreanovelas ko nakikita ang mga ito usually. Mukha itong yayamanin plus his rolex watch.
“Ano ‘ga iyon? Hindi mo ga nakikita? Ako’y nag iimis dine?” Akala ko hapon, pero ang lala ng accent ng kanyang Batangueno. Nag pamewang ito at mukhang nairita sa pang iistorbo ko.
“Pasensya na. Nakita ko kasi yung signage nag hahanap kayo ng part timer tuwing thursday hanggang sabado. Pwedeng mag apply?” tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
“Ah gay’on? Parne, ikaw muna ay pomarine!” pag yayaya niya sa loob ng Respira.
“Oh, are ga! may bago kayong kahuntahan tuwing huwebes hanggang sabado.” Ngumiti ang dalawa sa akin bilang pag bati. Hindi ko alam kung paano ako sasagot. Dahil awkward akong tao.
“Ano gang pangalan mo?”
“R-Rose.” mahinang sabi ko.
“Ako nga pala si Owen Toshiko.” Naririnig ko lang ang pangalan ni Owen pero never ko pa itong na meet sa personal. “B.s Management ang course ko, 4th year na ako. Ikaw ga?”
“Bs Tourism Management, 3rd year.” Tipid na sagot ko ulit. “Kaklase mo si Miggy?” bakit tila lahat ng tao sa paligid kakilala siya? Sabagay, bat pa pala ako mag tataka? Parang lahat naman yata kaibigan niya.
“Uy!!” nginitian ko lang ito ng alanganin.
“Theanga pala. Bs Psychology, 3rd year din ako. Naks! Mag ka batch tayo. Ayos!” Sabay ngiti nang matangkad na mukhang matalinong babae sa akin. Naka suot pa ito ng apron na pang barista. Sila din ang barista dito sa Respira. Kaya namumukhaan ko sila.
“Ikaw ‘yung regular costumer namin dito. Ikaw ba ‘yung girlfriend ni Miggy?” napakunot noo ako sa sinabi ni Thea. “Huh?”
“Ahh, so chismis lang pala. Hehe” Sabay tawa ni Thea sa akin habang tinatanggal nito ang kanyang pag ka puyod ng buhok. Lumapit din ‘yung isa pang mukhang anime na babae sa akin na katatapos lang halos mag ligpit ng mga upuan.
“Uyy! Rose!” natawa ako nang I approach niya ako, siya kasi yung madalas na kumukuha ng orders ko tuwing umaga, “I’m Kria. Chi na lang para cute. 2nd year taking Bs Mass Communication. Nice meeting you, I mean formally. Alam mo bang gustong gusto kitang kausapin pero parang ang aloof mo sa people,” sabay ngiti nito sa akin.
“Huwag ka na mag dalawang isip tanggihan ‘yung offer. Promise, mag e-enjoy ka! Tamang watch lang ng banda every Friday, tapos laging food trip! Galante ‘yan si boss e.” excited na sabi ni Chi habang nag a-apply ito ng kanyang liptint.
Nag thumbs up naman si Owen sa amin.
“You’re close with Migoy ‘di ba?” Umiling lang ako bilang tugon kay Chi. “Alam mo bang ang daming gaga na nag kakagusto sa kanya?” parang gusto ko yatang mag back out. Trabaho ang pinasok ko, hindi ‘yung pag usapan si Miggy.
“Thursday ngayon, pwede ka na mag simula mamaya.” Sabi ni Owen habang nakatingin sa kanyang ipad. “Chinicheck ko lang areng mga nag papa reserved. Puno pala tayo mamayang gabi.” Excited na sabi ni Owen.
“So, ano? Okay na?” tanong ni Owen sa akin. “S-sige.” Tipid na sagot ko.
Pag katapos naming mag usap dumiretso na agad kami sa bar kung saan ako mag wu-work. They gave us simple black t-shirt na may naka tatak na pangalan ng bar. City Life Bar, I don’t usually go to places like this.
“Iaayos mo lang yung mga table napkins, tapos yung mga baso ilagay mo na din at chopsticks.” Pag i-explain ni Thea na noo’y may hawak ng tray ng plato. She seems expert kasi ang dami niyang nadadala sa isang kamay niya lang.
“Here,” ibinigay sa akin ni Chi ‘yung tab. “Since high tech si Boss Owen-chan, dito mo na ilalagay ang mga orders. Heto ‘yung menu.”
Bukod sa pagiging bar nito, fancy Japanese-Brazilian restaurant din ito.
Habang nag aayos ako ng mga tables, may mga grupo ng kalalakihan na pumasok. Hindi ko pinansin ang mga ito, hanggang may pamilyar na amoy na naman akong na aamoy.
“R-Rose?” kasabay ng pag tawag nito ng pangalan ko ang pagbagsak ng baby bangs ko sa mukha, “Anong ginagawa mo dito?”
“H-hoy! Off limits!” sabay hatak ni Chi sa akin. “Bawal pang kausapin si Rose madami pa siyang gagawin, now if you excuse us..” hinatak ako ni Chi papalayo kay Miggy.
“Anong ginagawa nila dito?” tanong ko kay Chi, “Uhm, Heto..” ay pinakitang poster sa akin si Thea.
“What? Pomaki band?” tumango ang dalawa. “Alam mo bang lumalakas ang restaurant ni Boss dahil sa Pomaki Band?” napasapo ako sa aking noo ng marinig kong sabihin nila ‘yon.
Talagang kahit saan yata ako mapunta naka dikit na sa akin si Miggy. “Tsaka, bakit ba naiinis ka kay Miggy? Ang bait niya kaya.”
“Ayoko lang sa kanya.” Diretsong sabi ko kay Thea. “Pero bakit lagi kayong mag kasama sa Respira?” curious na tanong ni Chi.
“Gusto niya lang na bwisitin ako.” Kumuha ako ng tubig at uminom. “Hanggang kalian sila tutugtog?” nag katinginan ang dalawa at nag tawanan.
“May contract sila sa CIB, kaya wala din kaming idea.” Habang sinasabi ‘yon ni Chi pinag mamasdan ko si Miggy na noo’y may hawak ng gitara. Naka indigo tommy highfigler na swear shirt ito tsaka pants. Tapos naka off white sneakers, naka mustard yellow din itong bonnet. Hindi ko naman itatanggi na gwapo si Miggy. Ayoko lang talaga sa kanya.
Nahuli niyang nakatingin sa kanya, he waved at me tapos ngumiti.
Kilig na kilig naman ‘yung dalawa sa ginawa ni Miggy. He was eating burrito while playing some acoustic songs.
“Ano pang lilinisin? Ako na bahala.”
“Girl, malinis sa CiB. Wala ka ng lilinisin. Manonood lang tayo,” Sabay winked ni Thea sa akin.
“Peste.”
Habang pinag mamasdan ko si Miggy sa malayo, hindi ko pa rin maiwasan ang mairita.
“Bwisit!”
Nag tawanan na lang ‘yung dalawa sa reaction ko. It’s going to be a long night, kaunting tiis lang Rose. Patience.
“Mars, ayos ka lang?” muling tanong ni Chi sa akin. Nag thumbs up lang ako kay Chi. “Sandali nga,” tinawag kami ni Chi.
“Bago mag start yung service mag si-shot muna tayo okay? Umiinom ka ba?” tanong sa akin ni Chi. “Oo naman!”
Kumuha ito ng shot glass at nang hingi ng tig iisang shot ng tequilla. “Welcome to the club Rose!” masayang pag bati sa akin ni Thea. “One, two three!” pag katapos mag bilang ni Chi, ininom na namin ang aming tequila. Nag unahan ang mga ito na kumagat ng isang pirasong lemon at kumurot ng asin.
“Kadiri ang lasa ng tequila, pero the best!” Sabi ni Thea habang kagat kagat nito ang kapiraso ng lemon.
“Are talagang mga are! Mag si-shot hindi mag yayakag! Isa pa?” malokong tanong ni Owen, nag tawanan na lang kami pag katapos.
7:30 nang mag bukas ang CIB.
Hindi nga nag sisinungaling ang mga ito. Marami ngang kumakain sa CIB. Iba din kasi ang interior ng CIB. Bukod sa colorful talaga namang maganda dito.
9pm nang mag start nang mag set up ang banda ng Pomaki. Everyone was cheering for them. Bago nag simula sila Miggy, nilapitan niya ako.
“Good luck mo naman ako.” Natawa si Thea nang sabihin ‘yon ni Miggy. Kasalukuyan akong may dalang tray ng maduming pinggan. “Nag tatrabaho ako. Alis.”
“It’s good to see you here. Sige na babalik na ako doon. Enjoy ka ha?” I just roll my eyes at linag pasan ito. Wala talagang pinipiling lugar si Miggy.
“Bakit ba napakasungit mo doon sa tao?” tanong ni Chi habang kumukuha ng Prosecco sa ref at wine glass. “Hindi ko din alam.”
Ipinatong muna ni Chi ang bitbit niya at kinausap ako. “Alam mo, minsan you have to loosen those walls. Tsaka, mukhang sincere naman si Miggy.”
“Sa dalawang taong kong nag tatrabaho sa Respera wala yatang araw na hindi ka niya hinihintay, kung hindi mo naman kayang jowain. Edi kaibiganin mo na lang!” matawa tawang sabi ni Chi.
“Mamaya na tayo mag chika, madaming tao.” Ngumiti sa akin si Chi, “Ako din, I want to be your friend din Rose.”
“Salamat.” Tipid na tugon ko kay Chi. Habang nilapag ko sa may sink yung mga pinggan na madumi narinig kong mag simula ng tumuogtog ang bandang Pomaki.
“Magandang gabi po mga ka Pomaki!” tumayo ako sa gilid ng sushi bar habang pinapanood si Miggy. “Kami nga po pala ang bandang Pomaki, isang malakas na palakpakan naman diyan!”
Pinag masdan ko ang mga clienteng kumakain sa CIB, lahat sila masaya at mukhang gusto ang energy na naibibigay ni Miggy.
“Isa na namang gabi ng rak-rakan, kaya keep sending your song request. Bago po tayo mag simula, nais ko lang pong ipakilala ang aking mga kabanda. Isang bagsak din para sa astig na boss ng City Life Bar, walang iba kundi si Owen Toshiko!”
“Whoo! I love you mga priii!!” sigaw ni Owen habang proud na proud na nanood sa isang tabi. “Let’s start with Japhet on bass, Alvin on piano, Don on drums.”
Bago pa man ipakilala ni Miggy ang kanyang sarili, nag hiyawan na ang mga kababaihan. “Miggy, on vocals.”
“Table 4,”
“Oi, Rose sabi ko table 4. Pakibigay are doon.”
“Ay, sorry!” nag madali akong kunin ang sashimi kay Owen na para sa table 4. “Nako, nawawalan ng focus. Sabagay, ang gwapo naman kasi ni Miggy.” Pang aasar ni Thea.
Hinanap ko kung saan ang table 4. Napakamot ako nang makita kong malapit pala ito sa stage. “Malapit kay Miggy! Este, sa stage. Hahaha” dagdag pa ni Thea.
Huminga muna ako ng malalim at nag lakad na papunta doon sa table 4. Everything seems okay, nang biglang tawagin ako ni Miggy.
“Lahat dito sa CLB ay family, so gusto ko sana I-welcome din natin si Rose na makakasama natin tuwing Thursday to Saturday.” Potaena ka talagang yawa ka.
Sinamaan ko ng tingin si Miggy, hindi ko siya malintikan dahil may cliente. I just gave him the fakest smile that I can give.
“And this song is for you, Sandrine.” Napalingon ako kay Miggy, parang narinig kong tawagin ako ni Pacco.
“I'll always remember, It was late afternoon. It lasted forever and ended so soon, yeah.
You were all by yourself, staring up at a dark grey sky I was changed”
Nakasalumbaba sila Chi at Thea habang pinapanood si Miggy. Siya lang kasi ang kumakanta habang gamit gamit nito ang kanyang gitara.
“Hay ano kayang feeling na haranahin ng isang Miggy?” sabay tingin na may inggit sa mat ani Thea. “SANA ALL.”
“I wanted to hold you, I wanted to make it go away, I wanted to know you, I wanted to make your everything, All right”
Nakatingin sa akin si Miggy na animo’y nakikipag usap sa pamamagitan ng kanyang kinakanta. Pero hindi ako madadala sa ganyan. Ayoko pa rin sa kanya.
“The moment I saw you cry.”
Nag palakpakan na ang mga tao, samantalang ako heto. Parang wala lang.
Linapitan ako ulit ni Chi para kumustahin ako. “Ano ba ‘yan ang manhid naman.”
“Oo nga! Di ka man lang ba kinilig kahit kaunti?” umiling lang ako.
“Wala namang kakilig kilig sa ginawa niya.”
“Ayy iba din, ganda ka nga talaga. Ewan ko nga sayo Rose! Mag trabaho na lang tayo! Nang gigigil lang ako sa baklang ‘to e!” Inis na sabi ni Thea.
Muli kong nilingon si Miggy,
Sa wala akong maramdaman anong gagawin ko?
Bahala na sila kung anong gusto nilang isipin.
radicalducati