Chapter 16
Chapter 16
“SIYA ba ang ipinalit mo sa `kin?” Careen’s voice brought him back from his reverie. “Well, I got to give it to you, maganda siya. Pero mas maganda pa rin ako. Kaya naman hindi ako papayag na mapunta ka sa kanya. No way. Akin ka.”
“I’m not yours anymore, remember?” ani Tyron, saka naglakad palayo sa babae. “Baka nakakalimutan mo, nakipaghiwalay ka sa `kin. At `di ba, sinabi ko na sa `yo sa Boracay na hiwalay na tayo for good?”
Sinundan siya ni Careen. “Dahil sa babaeng `yon, nakipaghiwalay ka sa `kin! Bakit? Ano ba ang mayroon siya na wala ako?”
Humarap siya rito.“Ikaw ang unang nakipaghiwalay sa akin, Careen.”
Careen rolled her eyes. “I was just mad at you.” Napasimangot ito at yumakap sa kanya, saka naglambing. “Come back to me, Ty. You know I love you. At alam ko rin naman na mahal mo ako.”
Napabuntong-hininga si Tyron. “Careen, sinabi ko na sa `yo, `di ba? Ayoko nang makipagbalikan sa `yo.”
Tumaas ang isang kilay ng babae. “At bakit? Dahil ba sa babaeng `yon?”
“Walang kinalaman dito si Raine.”
“Ows?” Sarkastiko itong ngumiti. “Eh, ano `yong nakita ko kaninang selos sa mga mata mo nang makita mong magkasamang umalis ang kaibigan mo at `yong babae mo?”
Matalim ang mga mata na pinukol ni Tyron ng tingin ang babae. “Hindi ko kailangan ang opinyon mo, Careen. Walang kinalaman si Raine sa hindi ko pakikipagbalikan sa `yo. And Dark is not my friend,” nakatiim-bagang na aniya nang maalala ang magkasalikop na kamay nina Raine at Dark.
Pumalatak ang babae. “Huwag ako ang pinaglololoko mo, Tyron. Alam kong kaibigan mo si Dark. Lahat ng business partner mo ay kaibigan mo.” Ngumisi ito. “Bakit, Tyron, masakit ba na makita ang babaeng `yon na ibang lalaki na naman ang nilalandi?”
Nagdilim ang paningin ni Tyron sa sinabi ni Careen. Ikinuyom niya ang mga kamay at mariing ipinikit ang mga mata.
No! I can’t lose control! No!
Pilit niyang pinapakalma ang sarili, pero paulit-ulit na parang sirang plaka na nagre-replay sa utak niya ang magkahawak na mga kamay nina Raine at Dark at lalong nadadagdagan ang selos at galit na kanyang nararamdaman.
Because of the jealousy he was feeling, all his rationale thoughts flew away. Hindi na siya makapag-isip nang tama.
“Relax, Tyron.” Careen’s voice brought him out from his dark reverie.
“What?” he growled. Lalong sumama ang kanyang mood.
“Nothing,” mabilis nitong tugon at inilapat ang mga labi sa mga labi niya.
Mabilis na iniiwas ni Tyron ang mga labi, saka huminga nang malalim. “Umalis ka na, Careen. Wala kang mapapala sa `kin.”
Sa halip na umalis ay ngumiti ito nang pagkatamis-tamis. “I’m staying. And I will have you back again, my Tyron.”
“Okay. Suit youself. Basta binalaan na kita.” Tinalikuran na niya ang babae at tinahak ang daan na tinahak ng dalawa kanina.
Isang suntok lang and then I’ll be fine, pagkausap ni Tyron sa sarili.
Nang makapasok sa hardin, kaagad niyang nakita sina Raine at Dark na nakaupo sa gilid ng maliit na pond at nag-uusap. Mas sumama pa ang masama na niyang mood.
“Dark,” tawag niya sa atensiyon ng lalaki.
Kaagad naman itong lumingon sa direksiyon niya at ngumiti nang makita siya. “Hey, Tyron.” Tumayo ito at inalalayang tumayo si Raine, hindi naman ito imbalido. “Mag-uumpisa na ba ang meeting natin?”
“No. I came here to tell you that our deal is off. You will not be investing in my company,” pagkasabi niyon ay malalaki ang hakbang na umalis siya sa garden.
He scowled when he heard footsteps behind him.
“Zapanta, come on! Hindi mo puwedeng gawin `yon.” It was Dark.
Tumigil si Tyron sa paglalakad at humarap dito. “Of course I can do that. It’s my company and my word is the law. When I say you’re not invited to invest in my company, then you’re not.”
“No, hindi mo puwedeng gawin `yon. Nag-usap na tayo tungkol dito. We have a deal, man!” Frustration was visible on his face. “You will lose a billion dollar contract—”
“I don’t care if I lost a gazillion dollar contract. Go and find yourself another company to invest on.” Iniwan niya itong nakatigalgal sa sinabi niya.
LUGONG-LUGO si Dark nang bumalik sa garden. Nakakunot-noo si Raine habang nakatingin sa binata na parang pinagsakluban ng langit at lupa. Para itong negosyante na nalugi ng ilang milyon.
“Ayaw ni Tyron na mag-invest ako sa kompanya niya.” Umupo ito sa tabi niya. “Ano ba ang problema ng lalaking `yon? He just declined my billion dollar investment.”
Tyron did what?!
“Ano’ng nangyari?”
“Hindi ko alam. He just told me that I’m not welcome to invest in his company.” Tipid itong ngumiti sa kanya. “That’s okay. Nanghinayang lang ako. Malaki ang makukuha ko sa investment na iyon kung pumayag si Tyron.”
“Sinabi ba niya sa `yo kung bakit ayaw na niyang mag-invest ka sa kompanya niya?” tanong niya.
Mahinang tumawa si Dark. “He didn’t but I think I know why.” Humarap ito sa kanya at mataman siyang tinitigan. “Do you remember when I told you that you are pretty, like Helen of Troy?”
Itinirik ni Raine ang mga mata. “You and your lame pickup lines.”
“It wasn’t a pickup line. Nagsasabi ako ng totoo. Maganda ka at mukhang hindi lang ako ang nakakita n’on, kundi pati rin si Tyron.” Nginitian siya ng lalaki. “But unlike Helen of Troy, you didn’t launch a thousand ships, but you did manage to launch an angry beast that has now lost a billion dollar investment because of you.”
“What?” Tumaas ang kilay niya. “Ano ba’ng pinagsasasabi mo?”
“You can’t possibly tell me that you didn’t know.” Napailing-iling si Dark habang nangingiti. “That man, Tyron Zapanta, is madly in love with you. Ano pa ba ang ibang rason kung bakit ayaw na niyang ituloy ang pinag-usapan namin? He is freaking jealous and it’s funny as hell.”
“No. He’s not,” aniya habang palakas nang palakas ang tibok ng kanyang puso, umaasang may katotohanan sa sinasabi ng lalaki. “Nagkakamali ka.”
“Hindi ako nagkakamali.” Ginulo nito ang kanyang buhok. “Gusto mong pagselosin natin siya para mapaniwala kita na mahal ka ng lalaking `yon?”
“Hindi—”
“Yes! What a brilliant idea.” Malapad ang ngiti ni Dark. “Ang galing ko talaga. That’s what we’ll do. Pagseselosin natin ang mokong na iyon, `tapos kapag okay na kayo, siguro naman hahayaan na niya akong mag-invest sa kompanya niya.”
Pinukol ni Raine ng masamang tingin ang lalaki. “Hindi ako isang bagay na puwede mong gamitin para makuha ang gusto mo.”
Dark sheepishly smiled at her. “Sorry. The Zapanta chain of hotels and resorts is growing big. It’s already ruling in Asia and it’s just a matter of time before it becomes an empire. So I really want to invest in his company, kasi alam kong hindi ako malulugi.”
“At gagamitin mo ako para makapag-invest ka?” Tinaasan niya ito ng isang kilay.
Dark’s eyes glistened wickedly. “Hindi naman kita gagamitin. Tutulungan pa nga kita na pagselosin si Tyron. Please, pumayag ka na?”
“Ayoko—”
“Okay. We have a deal.” Ngumisi si Dark. “Pagseselosin natin siya.”
“No, Sir Dark—”
“Don’t say anything, Raine.” Hinawakan ng lalaki ang kanyang kamay at hinila siya palabas ng garden at pumasok sila sa loob ng bahay.
Nang makarating sa sala, nakita nila sina Tyron at Careen na nag-uusap nang masinsinan. Parang may sumakal sa puso ni Raine sa nakita.
Inakbayan siya ni Dark nang makalapit sila sa dalawa. “Hey, Ty,” wika ni Dark para kunin ang atensiyon ni Tyron.
When Tyron’s eyes settled at them, they dangerously darkened. Kahit siya ay natakot sa pagdilim ng ekspresyon sa mukha nito.
“Ano’ng kailangan mo?” His voice was flat but there was a dark edge on it.
Hindi pinansin ni Dark ang madilim na ekspresyon sa mukha ni Tyron. Ngumisi lang ito. “Let’s have a group date.”
Tyron stared blankly at Dark.
“I’m sorry, pero hindi kami magde-date na kasama kayo,” singit ni Careen sa usapan. “We want to be alone today.” Hinawakan nito sa braso si Tyron at hinila patungo sa third floor.
Parang may libo-libong karayom na tumusok sa puso ni Raine at hindi niya napigilan ang mga luhang tumulo mula sa kanyang mga mata.
Maingat na niyakap siya ni Dark, saka hinagod ang kanyang likod. “Shhh… It’s okay. Just cry. Let it out.”
Napayakap si Raine sa binata at walang imik na napahagulhol.
Shit! This fucking hurts!
radicalducati