Tyron Zapanta (Possessive Series 1)

Chapter 13



Chapter 13

NANG magising si Raine kinabukasan, wala na si Tyron sa kanyang tabi. Agad na nagkulay-kamatis ang kanyang mga pisngi nang maalala ang pinagsaluhan nilang dalawa kagabi. It was a perfect night. They were tangled on the sheet, pleasuring each other and making love.

It was the best night of her life. Pero kahit pa perpekto ang nagdaang gabi, may panira pa rin. Pilit na bumabalik sa isip niya na may nagmamay-ari nang iba sa binata at nagseselos siya.

Yes! She admitted it.

That green monster crept into every fiber of her being. Parang lason iyon na kumakalat at hindi niya mapigilan. Pero alam niyang wala siyang karapatan na magselos. Wala.

Bumangon si Raine sa kama, nagtungo sa banyo, at naligo.

Dark denim shorts; flat shoes; baby-pink spaghetti-strapped with black halter top—iyan ang suot ni Raine nang lumabas siya sa kanyang silid. Itinali niya ang mahabang buhok dahil medyo mainit ang panahon.

Pagkababa sa first floor, natagpuan niya sa living room ang ina kasama ang mga magulang ni Tyron. May pinag-uusapan ang mga ito. Para makaiwas, tumungo siya sa kusina, umaasang si Manang Azon—ang kusinera—lang ang naroon at wala nang iba.

Nang pumasok sa kusina, napatigil si Raine sa paglalakad. Tyron was leaning on the refrigerator door and he was sipping coffee. Train was busy stirring something in the pan. Habang sina Calyx at Lander naman ay pinag-aagawan ang toasted bread na nasa mesa.

These men in front of her were downright gorgeous. They should be in jail for possessing such handsomeness. Dapat iyong ituring na krimen. Mga simpleng damit lang ang suot ng mga ito, but they rocked it like nobody’s business. Ang mga ito ang tipo ng kalalakihan na kahit siguro sako ang isuot ay guwapo pa rin.

At ang mga ito rin ang kalalakihan na gusto niyang iwasan.

Humakbang si Raine paatras at akmang aalis sa kusina nang tawagin siya ni Tyron. Nakita pala siya nito.

“Raine, come over here.” It wasn’t a request. It was an order.

Humarap siya sa binata. Nang magtama ang mga mata nila, ngumiti si Tyron. His eyes glistened in amusement.

“Come here,” anito.

Pasimple siyang huminga nang malalim bago naglakad palapit dito. Kung ayaw niyang mahila na naman, kailangan ni Raine na sundin ang binata. And deep down inside her, ayaw ni Raine na mag-away na naman sila. Hindi niya alam kung bakit. Basta ang gusto niya ay maging okay sila.

Nang makarating siya sa tabi nito ay kaagad siyang inakbayan ni Tyron.

“Kumusta ang tulog mo?” tanong nito. The smile on his lips as he asked was heart-fucking-melting.

“Okay lang,” she answered stiffly.

Nailang siya sa klase ng tingin ni Tyron sa kanya. Pakiramdam kasi ni Raine ay ipinapaalala ng kislap ng mga mata nito ang nangyari sa kanila kagabi. And it was making her blush and hot at the same time.

“I had a good night sleep, too,” Tyron said then grinned knowingly at her.

Inirapan niya ito para itago ang pamumula ng kanyang mga pisngi. “Tigilan mo ako sa kamanyakan mo, Tyron. Ang aga-aga, eh,” reklamo niya.

Biglang sumipol si Lander. “Please don’t tell us that you slept in her room last night.”

“Then I won’t tell you,” nakangising wika ni Tyron, niyakap siya nang mahigpit at hinalikan sa mga labi. “You look ravishing today,” anito nang putulin ang halik, nasa mga mata ang adorasyon. “Bakit parang mas lalo kang gumaganda sa bawat araw na lumilipas?”

Nakarinig si Raine ng tunog na parang nasusuka. Nang tingnan niya kung sino iyon, si Calyx ang kanyang nakita.

“My friend, you are gross!” sigaw ni Calyx na parang nandidiri. “Pure and downright disgusting, man. Eww.”

Tinawanan lang ni Tyron si Calyx, saka siya muling niyakap nang mahigpit. Kaagad namang nag-harakiri ang puso ni Raine dahil sa pagyakap ng binata sa kanya. At si Tyron, ni hindi man lang pinansin ng binata ang kaibigan na puno ng pandidiri ang mga mata habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Gusto niyang matawa kay Calyx. He kept on giving Tyron a disgusted look. Mabuti pa si Lander, walang imik lang habang sumisimsim ng kape.

Tumaas ang kilay ni Raine nang lumapit sa kanya si Train at may ibinigay sa kanyang bowl na may lamang chicken soup.

Kinunutan niya ng noo ang bowl, saka tumingin sa binata. “Para saan naman `yan?”

“Bayad ko, Madam Raine,” anito na may nakakalusaw na ngiti sa mga labi. “Naaalala mo ba `yong chicken soup na natapon dahil sa `kin?”

Tumango si Raine. Nararamdaman niya ang matalim na tingin ni Tyron kay Train, pero parang wala lang pakialam ang huli sa matalim na tingin ni Tyron.

“Here, Madam Raine. Eat up.”

Tinanggap niya ang bowl dahil naglalaway siya. Ang bango ng soup at halatang masarap iyon. Akmang titikman ni Raine ang soup nang pigilan ni Tyron ang kanyang kamay.

“Huwag mong kainin.”

Pinukol niya ng masamang tingin ang binata. “Ano na naman ba ang problema mo?” She took a spoonful of chicken soup and then brought the spoon over his lips. “Eat up.”

Natigilan si Tyron, gulat na tumingin sa kanya. “Susubuan mo ako?”

Itinirik ni Raine ang mga mata. Ano ba ang nakakagulat sa ginawa niya? Ayaw niya lang naman na magalit na naman ito. Nakita niya kanina ang pagdilim ng anyo ni Tyron nang ibigay ni Train ang bowl sa kanya.

“Oo. Ikaw muna, `tapos ako. Baka magalit ka na naman.”

His eyes softened like he was touched by her gesture. “Really? Ayaw mo akong magalit kaya susubuan mo ako?”

Train snorted. “Take that fucking spoon in your mouth so Raine can taste my fucking soup.”

Tyron glared at his Russian friend. “Fuck off.”

“Whatever.” Train grimaced in annoyance. “Hindi na kita ipagluluto kahit kailan. Kahit bayaran mo pa ako ng isang milyon. Hindi na talaga. You wounded my chef ego when you told me to fuck off.”

Itinirik ni Tyron ang mga mata. “What the hell, too.” Pagkatapos ay ibinalik ang atensiyon sa kanya at isinubo ang kutsara.

She smiled then hurriedly took the spoon from Tyron’s mouth to devour the soup.

Hmm!

As expected, masarap talaga ang lasa ng soup na gawa ni Train.

Hindi namalayan ni Raine na naubos na pala niya ang soup. Kung hindi pa inagaw sa kanya ni Tyron ang bowl ay hindi pa niya mamamalayan.

Napasimangot siya at tumingin kay Train. “Wala na?” she asked with puppy dog eyes. “Ipagluto mo pa ako, please?”

Ngumisi si Lander. “Aww, Tyron. Mukhang hindi ikaw ang kailangan ngayong umaga ni Raine. Mukhang sa gabi ka lang niya kailangan.”

Alam ni Raine na binibiro lang ni Lander ang kaibigan nito pero mukhang sineryoso ni Tyron ang sinabi ni Lander. Nakita niya ang pagtagis ng bagang ng binata. Bakit ba hindi nag-iisip si Lander bago magbiro?

Hindi na siya nagulat nang umalis si Tyron at iniwan siya sa kusina kasama ang mga kaibigan nito.

Hindi niya naisip kahit kailan na magagawang mag-walk out ni Tyron.

Mukhang hindi ko pa siya kilala tulad ng akala ko.

Pinukol ni Raine ng masamang tingin si Lander. “I can skin you alive for that.”

Lander’s blue eyes glistened wickedly. “Totoo naman ang sinabi ko, `di ba? You don’t care about Tyron. What you feel for him is just plain attraction and lust. Kasi kung sobra pa roon ang nararamdaman mo, ipaglalaban mo siya, hindi `yong itinutulak mo siya palayo.” Nanunuri ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. “Tama ako, `di ba? Kailan ba ako nagkamali?” Bilib na bilib ito sa sarili.

“Wala kang alam kaya huwag kang magsasalita na parang alam mo ang nararamdaman ko,” pagalit niyang sabi bago umalis sa kusina at hinanap si Tyron.

Habang hinahanap ni Raine ang binata, na-realize niya kung bakit nasaktan siya nang malamang pumunta si Tyron sa Boracay at kung bakit nagseselos siya sa isiping hindi niya ito pag-aari, because silently, she was hoping that he was hers.

The reason behind her submission to him was because what she felt for him was not just plain attraction. Mas higit pa roon ang nararamdaman niya. The reason why she couldn’t say no to him was because she craved and yearned for him. Ibinigay niya ang sarili kay Tyron dahil nahuhulog na ang loob niya sa binata.

Hindi na nagulat si Raine sa realisasyon na iyon. Alam niyang mahuhulog ang puso niya sa binata kaya nga ikinulong niya iyon sa hawla. Pero nakawala ang puso niya.

She still remembered what her father used to say about love.

Love doesn’t know time. When you love, you love. No matter the time and days.

At iyon ang nangyari sa kanya.

Raine caged her heart but Tyron had managed to open it and snatch her heart away. Ang puso niya ay nasa pangangalaga na ngayon ng binata. One wrong move and her heart will bleed. One wrong move and her heart will perish. Sana hindi dumating ang oras na magdurugo ang puso niya habang masaya si Tyron sa iba. Because even if it tore her into pieces, her heart still wanted what it wanted.

At kahit ilang milyong beses pa niyang i-deny, pagmamay-ari siya ni Tyron. Body. Heart. Mind. And soul. At nakakatakot iyon. Natatakot si Raine na mahalin ang isang Tyron Zapanta. Natatakot siya sa kahahantungan ng pagmamahal niya sa binata sa kaalamang may nagmamay-ari na rito.

NATAGPUAN ni Raine si Tyron sa garahe at akmang sasakay na sa Mercedes-Benz nito.

“Wait! Tyron!” pigil niya sa binata.

Sumandal ito sa sasakyan, saka siya hinintay na makalapit.

Nang makalapit, walang emosyon na tumingin si Raine sa mga mata nito. “Saan ka pupunta? Huwag mong sabihin sa akin na naapektuhan ka sa sinabi ni Lander? You know that it’s not true—”

“Hindi nga ba?” Insecurity flashed in his tantalizing butterscotch eyes but it quickly disappeared. “Hindi ako marunong magluto, Raine. Hindi kita kayang ipagluto ng masarap na chicken soup. I can’t cook without burning the whole kitchen.”

Masuyo siyang tumingin sa binata. “Iyon ba ang rason kung bakit ka nag-walk out?”

Nag-iwas ito ng tingin. “Ano naman ngayon?”

Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga at sinapo ang mukha ng binata. “Tyron, hindi ko kailangan ang lalaking tulad ni Train. Kaya kong magluto ng soup para sa sarili ko.”

Suddenly, his face broke into a mischievously smile. “At hindi mo kayang paligayahin ang sarili mo sa gabi, `di ba? `Yan ang dahilan kaya kailangan mo ako kapag gabi. Ako lang ang may kakayahang magpaligaya sa `yo.” Yumakap ang mga braso nito sa baywang niya. “I am the only man who can make you scream in sheer pleasure.”

Naiiling na napapangiti si Raine sa sinabi ng binata.

“Is that a good smile, or a bad smile?” he asked her with a grin on his face.

“A good smile.”

Mas lumapad pa ang ngiti nito. “Would that good smile be enough reason for you to go with me to Baguio?”

Nagsalubong ang kanyang mga kilay. “Tayong dalawa lang?”

Tumango ito.

“Paano naman ang mga kaibigan mo?”

Nagkibit-balikat si Tyron. “They’ll survive without me. But I can’t survive without you.”

Muntik nang tumalon ang puso ni Raine mula sa kanyang rib cage. Sobrang lakas ng tibok niyon at hindi niya maitago ang malapad na ngiti na kumawala sa kanyang mga labi.

“Sige. Sasama ako.”

Lumiwanag ang mukha ni Tyron na parang inialay niya ang buong mundo rito. Hindi niya napigilang mapangiti sa reaksiyon ng binata.

“Talaga? Sasama ka sa `kin?” paniniguro nito.

“Oo,” aniya at tumango pa. “Let’s go?”

Tyron hurriedly opened the passenger seat and let her in. Pagkatapos ay umikot ito patungo sa driver’s seat at nang makasapasok sa sasakyan, naabutan siya nitong kinakabit ang seat belt.

He automatically leaned in, claimed her lips as he worked on her seat belt. Pinakawalan lang nito ang mga labi niya nang maikabit na nito nang maayos ang seat belt. Napailing-iling na lang si Raine nang maramdaman ang mabilis at malakas na pagtibok ng kanyang puso.

Whew! Calm down, heart. You have all day to swoon. Just not now.

Hindi puwedeng malaman ni Tyron ang nararamdaman niya para dito hanggang may kasintahan pa ito. Kasi kahit mahal niya ang binata, hindi pa rin niya nakakalimutan na mali ang mahalin ito.

MAGTATANGHALIAN na nang dumating sina Raine at Tyron sa Baguio. Sa Starbucks sa Camp John Hay dinala ng binata si Raine para mag-almusal. As she waited for her Tyron, a man with amethyst eyes sat on the chair parallel to her. He was a very gorgeous man with slovenly jet-black hair. He had a well-toned body and he was staring at her! For goodness heaven’s sake!

“Ikaw ba si Raine Lynn Dizon?”

Nanlaki ang kanyang mga mata sa tanong nito, kasabay niyon ang kabang naramdaman. “Sino ka? Paaano mo nalaman ang pangalan ako? Are you some kind of—”

“Chill, woman,” he said in a very staidly voice. Pagkatapos ay kinuha nito ang cell phone mula sa bulsa ng pantalon nito, saka ipinakita sa kanya ang screen.

Nalaglag ang mga panga niya sa nakita. “S-saan mo nakuha `yan?” Nakaramdam siya ng kaba. She was ready to bolt in a maniacal run if this man who had uncanny amethyst eyes did something suspicious. “B-bakit may picture ako sa cell phone m-mo?”

“I said chill.” Walang emosyon ang mukha nito. “Train Wolkzbin sent this photo to me with a caption ‘Tyron’s new girlfriend’. Ikaw ba ang bagong girlfriend ni Tyron?” tanong ng lalaki. “Parang hindi naman ikaw ang tipong babae ni Tyron. He likes sophisticated women. Women who never dye their hair blue.”

Wala sa sariling napahawak si Raine sa kanyang buhok na kinulayan niya ng asul. That hurt. Was Careen sophisticated?

“Kung may problema ka sa hitsura ko, umalis ka sa harap ko.” Tinaasan niya ito ng isang kilay. “Hindi ako nakikipag-usap sa mga taong makikitid ang utak. Oh, and please, pakibura na ang picture ko.”

May kung anong pinindot-pindot ang lalaki sa cell phone nito, pagkatapos ay tumingin sa kanya.

“Deleted.”

“Good. Now, leave me alone.” Lumalabas lang ang pagiging mataray ni Raine kapag may taong nang-iinsulto sa kanya.

Akmang tatayo na ang lalaki nang bumalik si Tyron sa mesa nila. Nang makita nito ang lalaki na may kulay-lilang mga mata, tinapik ng binata ang balikat ng lalaki.

“Lash, ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ni Tyron habang isa-isang inilalapag ang agahan nila sa mesa.

“Wala naman.” Nagkibit-balikat ang lalaki. “Balak sana kitang kausapin kaya lang pumasok ka naman sa loob. Ang sikip doon kaya hindi na ako sumunod at hinintay na lang kita dito. I hope you don’t mind.”

“I do mind.” Umupo si Tyron sa tabi niya at inakbayan siya. “Kinausap mo si Raine kaya naiinis ako sa `yo. Ano na lang ang iisipin ng mga tao na makakita sa inyo, na ka-date mo si Raine? Hindi ko mapapalampas iyon.”

Lash chuckled and for the first time, she saw him smile and it was breathtaking. “Chill, bro. Tama nga si Train, you got it bad.”

Kinindatan siya ni Lash dahilan para pukulin ito ng masamang tingin ni Tyron.

Napailing-iling si Raine. “Kaibigan mo?” tanong niya kay Tyron na ang tinutukoy ay ang lalaki na may kulay-lilang mga mata.

“He’s my business partner. Kahit hindi halata sa hitsura niya, he’s the half owner of the Black Pearl cruise ship that sails around the world and stops at every country it passes.”

That luxurious cruise ship was well known throughout the world.

“Half owner? Kanino ang kalahati?”

Bago pa makasagot si Tyron, may isang babaeng galit na galit na tumigil sa harap ng mesa nila—actually, sa harap mismo ni Lash—at malakas na sinampal ang lalaki. Napangiwi si Raine sa lakas ng tunog niyon.

“Bastard!” Nanlilisik ang mga mata ng babae habang galit na nakatingin kay Lash na napakurap-kurap sa pagkabigla. “Akala mo hindi kita mahahanap? That’s for kissing me and touching my breast, you maniac! Iprito ka sana ni Satanas sa impiyerno, Lath Coleman! Sana malunod ka sa dagat at kainin ka ng lahat ng pating na naninirahan sa karagatan. Peste ka!” Pagkasabi niyon ay taas-noo na naglakad ang babae palayo sa kanila.

Ilang beses na napakurap-kurap si Lash. “Did that woman call me Lath?” Napalitan ng pagkairita ang kalmadong mga mata nito. “Napagkamalan niya akong si Lath?”

“Sino si Lath?” pabulong na tanong ni Raine kay Tyron na may pinipigil na ngiti sa mga labi.

A man with the same face as Lash walked to their table and asked, “Hey, bro. Nakita mo ba si Haze?”

“Haze who?” balik-tanong ni Lash sa bagong dating na kamukha nito.

“Haze, the pretty brunette who’s freaking mad at me now because I kissed her and touched her breast,” nakangising sabi ng lalaki.

Ipinakita ni Lash ang namumulang pisngi sa lalaki na sa hinuha ni Raine ay kakambal nito. “Yeah. Pinagkamalan niya akong ikaw at sinampal niya ako. May tanong ka pa ba, Lath?” Puno ng sarkasmo ang boses nito.

Lath grimaced. “Masakit ba?”

“Hindi. Parang binato lang ako ng tinapay.” Puno ng sarkasmo ang boses ni Lash at pinukol ng masamang tingin ang kakambal. “Of course it fucking hurts, moron!”

Napakamot sa batok ang kakambal nito at akmang hihingi ng tawad nang may lumapit na naman sa kanilang babae.

One word to describe the woman: stunning.

“Nasaan si Train?” tanong nito habang nakatingin kay Tyron.

“Hey, Miss Krisz Romero,” nakangiwing bati ni Tyron sa babae. “Ahm, Train is, ahm, Train is in… Russia.”

Napakunot-noo siya nang magsinungaling si Tyron.

“Alam kong nagsisinungaling ka, Mr. Zapanta,” wika ng babae na may dalang panali. “At alam ko rin na pinagtataguan ako ng lalaking `yon. So tell him this: whether he likes it or not, he and I will be married. Soon. Hindi niya ako matatakasan kasi hindi ko siya hahayaang makatakas.” Pagkasabi niyon ay taas-noo itong umalis.

Lash, Lath and Tyron shared a look.

Si Lath ang unang nagsalita. “Kailangan ko nang umalis. May meeting pa kami ni Lander.”

“Yeah. Me, too.” Tumayo si Lash at umalis kasama ang kakambal.

Pagkalipas ng mahabang katahimikan, nagsalita si Raine. “That was weird.”

“I know,” pagsang-ayon ni Tyron sa kanya. “Pero hayaan mo na sila. Punta na lang tayo sa National Bookstore. Sabi ni Tita Grace mahilig ka raw magbasa.”

Isang malapad na ngiti ang kumawala sa kanyang mga labi. “Bakit? Bibilhan mo ako?” Oh, God. Naamoy na niya ang mabangong aroma ng libro.

“Oo. Pero sa isang kondisyon.” There’s a sly smile on his lips.

“What?”

“Hindi tayo uuwi sa Pangasinan. We’ll stay here in Baguio for the night and we’ll return tomorrow.”

Naningkit ang kanyang mga mata habang nagdududang nakatingin sa binata. “May pinaplano ka, `no?”

Tyron grinned devilishly. “I’m always planning something, Raine.” He then captured her lips then pulled away. “Keep that in mind, sweetheart.”


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.