Chapter 12
Chapter 12
RAINE’S heart nearly went out from her ribcage when she saw Tyron waiting for them in the Chinese restaurant. Komportableng nakaupo ang binata at matalim ang tingin sa kanya. Inirapan niya ito at mabilis na nag-iwas ng tingin.
After that incident in the fitting room, she was fuming mad at the insolent lying cheating devil. Iniwan niya ito sa fitting room na nagpupuyos sa galit. How dare he scared her like that?
Peste! Nakakabuwisit!
Mukhang paglalaruan na naman siya nito.
Umakto si Raine na parang hindi siya masaya na makita si Tyron at sinampal ito. Umakto siyang normal habang kasama ang mommy niya at si Tita Marian.
“Oh, it’s Tyron,” masayang wika ni Tita Marian na may halong gulat. “Akala ko hindi pa siya uuwi.”
Mabilis na naglakad ang ginang patungo kay Tyron at niyakap ang anak. Si Raine naman ay walang imik na umupo sa pinakamalayong upuan sa binata. She couldn’t trust herself near that brute. Palagi siyang tinatraidor ng katawan at puso niya.
“Raine, ano’ng ginagawa mo d’yan?” Nasa boses ng ina na hindi ito sang-ayon sa pinili niyang upuan. “Halika rito sa tabi ko.”
Umiling siya. “I’m okay where I’m at, Mom.”
“Oh, silly.” Hinawakan siya ni Tita Marian sa kamay at sapilitang hinila at pinaupo sa tabi ni Tyron. “There. Dapat palagi kayong magkatabi.” Tita Marian giggled then looked at her mother. “Aren’t they cute together?”
Her mother giggled like a teenage girl. “You don’t say.”
Itinirik ni Raine ang mga mata at nagbaba ng tingin.
Ano ba ang pinagsasabi ng mga ito? Nakakahiya!
“Bakit mo ba ako sinampal?” biglang tanong ni Tyron sa mababang boses.
Pasimpleng tinakpan ni Raine ang bibig bago nagsalita. “You deserve that slap.”
“No, I don’t,” matigas ang boses na sabi nito. “Pagbabayaran mo ang sampal na `yon. As far as I can remember, wala akong ginawang masama sa `yo para sampalin mo ako nang ganoon kalakas.”
Pinukol niya ito ng matalim na tingin. “Pagbabayaran? As far as I know, too, wala akong ginawang mali sa `yo.”
“Wala?” Narinig niyang nagtagis ang mga bagang ng binata. “You fucking slapped me, Raine.”
She knew that Tyron was mad at her for slapping him but the way he said her name, it sounded soft and intimate. It made her heart want to jump out from her ribcage.
I can’t believe that this guy has so much effect on me!
Hindi siya umimik at umaktong abala sa paglalaro ng Candy Crush sa cell phone. Ayaw niyang makipag-usap sa lalaking katabi na halos sumabog ang puso niya sa sobrang bilis nang dahil lang sa pagtawag nito sa kanyang pangalan.
That’s too much!
Thankfully, mukhang nakikisama ngayon ang binata dahil hindi na ito nagsalita pa.
Habang naghahapunan, wala silang imik pareho ni Tyron. Kung may nagtatanong lang sa kanila, saka lang sila sasagot. Ganoon sila ng binata hanggang matapos silang kumain. Hindi nila kinibo ang isa’t isa at sa tingin ni Raine ay makabubuti iyon para sa kanila.
TYRON didn’t know if it was a blessing or a curse that he was now sitting beside Raine on the backseat—the last row—of the van. Sila lang dalawa ng dalaga roon. Ang mga magulang nila ay nasa unahan.
Malinaw pa sa alaala niya ang nangyari sa parking lot ng SM Baguio—ang dahilan kung bakit magkatabi sila ngayon ni Raine.
Nang makita ng kanyang ama na Hammer ang minamanehong sasakyan ni Lander ay gusto nitong doon ito sumakay. Pati na rin ang Tito Gabby niya at ang asawa nitong si Tita Charita. Kaya ang nangyari, si Lander ang nagmamaneho at nagsiksikan sa passenger seat sina Train at Calyx kasi ayaw ng mga ito na sa van sumakay kasama nila.
So, yeah, here he was with Raine on the last row of the van. He thought it was a blessing because he missed her and he wanted to be with her in any way. And it was a curse because, fuck it, he couldn’t do anything because his parents were just in front of them.
Nakakainis!
Nang makalabas ang sasakyan nila sa Baguio, naglagay ng earphones sa mga tainga si Raine. Mukhang hindi talaga siya nito papansinin. Why did he even hope that she’d reconcile with him after she slapped him? Umaasa lang siya sa wala.
Nang magkita sila kanina, ang talim ng mga mata ng dalaga habang nakatingin sa kanya. Parang gusto siya nitong gilitan sa leeg.
Tsk!
Hinayaan lang niya si Raine na makinig ng music. Wala siyang balak na pansinin ito hanggang sa makarating sila sa Pangasinan. Galit pa rin siya sa pagsampal nito sa kanya. As far as he knew, wala siyang ginawa rito kaya hindi niya maintindihan kung para saan ang sampal na iyon.
Pero hindi pa rin napigilan ni Tyron ang sarili, binalingan niya ang dalaga. May kung anong damdamin na lumukob sa puso niya nang makitang nakayuko ang ulo nito at natutulog. Her position looked uncomfortable.
He sighed then with utmost care, he guided her head to lie on his lap.
Napatitig siya sa maamong mukha ni Raine habang natutulog. Her beautiful face haunted his sleep hours and even during his waking hours. Palagi na lang itong laman ng isip niya.
She was not healthy for him.
His gaze dropped to her sweltering hot lips. Marahas niyang ipinilig ang ulo nang para siyang nahihipnostismong ilapat ang kanyang mga labi sa mga labi nito.
Natutukso siya. Natutukso siyang ilapat ang mga labi sa mga labi ni Raine. At hindi niya kayang labanan ang tuksong nararamdaman.
Inilapat ni Tyron ang mga labi sa mga labi ng dalaga. Hindi niya kayang pigilan ang sarili, dahil pagdating sa babaeng ito, nawawala siya sa tamang huwisyo.
HINDI namalayan ni Raine na nakaidlip na pala siya habang nakikinig ng music. Nang magising, nakaunan na ang ulo niya sa hita ni Tyron at nakalapat na ang mga labi nito sa kanyang mga labi.
Mukhang napansin ng binata na nagising na siya dahil kaagad nitong pinakawalan ang kanyang mga labi. Tinitigan siya nito. His eyes stared at her like he was reading her very soul. She tried to look away, but he didn’t let her.
“Don’t look away,” anito habang pinipigilan ang ulo niya na lumingon sa ibang direksiyon.
Fine.
“Bakit mo ako hinalikan?” aniya sa mahinang boses para hindi marinig ng iba ang tanong niya. “Akala ko galit ka sa `kin.”
“Galit ako sa `yo, Raine,” kasinghina rin ng boses niya ang boses nito. “Pero alam mo kung ano’ng nakakabaliw?”
“Ano?”
“Hindi ko kayang manatiling galit sa `yo kahit isang oras lang. I told myself that I’m mad at you but it only took one kiss for my anger to melt away.”
She gulped at the intensity of his stare. “I hate you.”
“What did I do to deserve that hate, Raine?”
“Galit ako sa `yo kaya sinampal kita.” Her finger touched the tip of his nose and playfully tapped it multiple times. “Pinaglalaruan mo lang naman ako, eh. You are not planning to take me seriously. I know that I’m just a passing fancy for you. I know that you are taken. But still, I gave myself to you. I’m so stupid. Hindi naman ako ganito noon. Hindi ako ang tipo ng babae na basta-basta ibubuka ang mga hita para sa isang lalaki.”
“Alam ko.” Satisfaction and triumph flashed from Travis’ eyes. “Birhen ka nang maangkin kita. Kaya ayokong may humahawak sa `yo na iba kasi akin ka lang.”
Hindi sang-ayon si Raine sa huling sinabi ng binata. “No, Tyron. Hindi mo ako pagmamay-ari. Ilang ulit ko bang dapat sabihin `yon sa `yo? Walang nagmamay-ari sa akin kasi pag-aari ko ang sarili ko. You can’t claim me as yours even if you are the one who made me a woman. It doesn’t work that way.”
Umiling-iling ito, halatang hindi rin sang-ayon sa sinabi niya. “Kahit ilang ulit mong sabihin na hindi kita pag-aari, para sa akin, you are mine. Period.”
Raine sighed in defeat. There was no point in arguing with Tyron. Wala itong pinakikinggan maliban sa sarili nito. Muli na lang siyang bumuntong-hininga, saka tumagilid ng higa paharap sa zipper ng pantalon nito.
Tumikhim ang binata at bumulong sa kanyang tainga. “Sweetheart, your mouth is near my crotch. I’m already fucking horny at the moment, please, huwag mo nang dagdagan pa.”
Her cheeks flamed and as fast as lightning, she turned around, her back on his freaking groin.
Ipinikit niya ang mga mata at nagpanggap na tulog. Pagkalipas ng ilang minuto, naramdaman niyang may sumusuklay sa buhok niya gamit ang kamay nito. Her heart thudded loudly, knowing it was Tyron.
Natigilan si Raine. She didn’t move a muscle as she savored the feeling of his hand combing her hair. It felt soothing. Hindi niya napigilan ang ngiti na kumawala sa kanyang mga labi nang maramdamang kumanta ang binata.
Sweet Jesus. This guy never ceases to make my heart flip a million times.
HANGGANG sa makarating sa Pangasinan, nakaunan ang ulo ni Raine sa hita ni Tyron. Panay pa rin ang suklay nito sa buhok niya gamit ang kamay.
Nang tumigil ang van na sinasakyan, kasimbilis ng kidlat siyang bumangon at inayos ang sarili.
Mahinang tumawa si Tyron, saka inilapit ang bibig sa kanyang tainga dahilan para tumalon-talon na naman ang kanyang puso. “I’ll visit you in your room tonight,” bulong nito.
Bago pa makasagot si Raine, nakalabas na ang binata ng van at binuksan ang pinto ng garahe. Mula sa loob ng van, nakita niyang sinalubong nito ang paparating na sasakyan ni Lander.
Huminga siya nang malalim, saka lumabas ng van.
“Madam Raine!” sigaw ni Train sa pangalan niya nang makalabas siya ng sasakyan. He waved his hand at her and smiled dazzlingly. “Hi! How are you?”
“I’m fine.” Gumanti siya ng kaway. “How about you?”
“I’m good now that I saw you.”
Natawa si Raine sa sinabi ni Train, lalo na nang tampalin ni Tyron ang kamay ng kaibigan na kumakaway sa kanya. Masama ang tingin nito kay Train at sa kanya. Itinirik na lang niya ang mga mata dahil sa inakto ng binata.
Pagkatapos magpaalam sa mommy niya at kay Tita Marian na magpapahinga na siya dahil sa pagod, umakyat si Raine sa third floor at pumasok sa kanyang silid.
Pagkatapos maligo, pinatay niya ang ilaw sa silid at nahiga sa kama.
Bumalik sa isip niya ang nangyari kanina sa van. Napangiti siya nang maalala na sinuklay ni Tyron ang kanyang buhok at kinantahan pa siya, well, sort of. It was just a simple hum but that hum sent havoc on every cell in her body.
Bumalik sa kasalukuyan ang isip ni Raine nang marinig na bumukas ang pinto ng silid. She froze and waited for the intruder to speak. Bakit naman kasi pinatay niya ang ilaw, iyon tuloy, hindi niya makita kung sino ang pangahas na pumasok sa silid niya!
The intruder sat on the bed and then the intruder’s scent invaded her nostril. Nang maamoy ang nakakahalinang pabango ni Tyron, nakahinga siya nang maluwag.
“Tyron?” tawag niya sa pangalan ng binata. Gusto niyang masiguro na ito nga ang pangahas na pumasok sa kuwarto niya.
Ang panghas ay nahiga sa kama, sa tabi niya. Yumakap ang isang braso nito sa kanyang baywang at naramdaman niya ang bibig nito malapit sa kanyang tainga. Tumatama ang hininga ng binata sa kanyang leeg at nakikiliti siya.
“I told you I’m gonna visit you.” Tyron’s voice filled her ears.
“So you say.”
“Yeah.” Lumapat ang mga labi nito sa likod ng kanyang tainga. “I miss you, Raine.”
I miss you, too.
“Hindi kita na-miss.”
“Hmm? Sigurado ka ba d’yan?” Gumapang ang mga labi nito pababa sa kanyang leeg. “Stop denying the obvious, Raine. Alam kong na-miss mo ako.” His baritone voice sounded husky and downright seductive.
Raine couldn’t help but to get wet down there!
“Tyron…” She breathed out.
He breathed in. “Yes, sweetheart? Do you want me to touch you?” His lips traveled down to the valley of her breast. “Do you want me to pleasure you?”
Tuksong-tukso na siyang tumango at sagutin ito ng “oo,” pero kinagat niya ang dila para pigilan ang sarili.
“Answer me, Raine…” Gumapang ang kamay ni Tyron mula sa baywang niya patungo sa gitnang bahagi ng kanyang mga hita. “Do you want me to pleasure you, touch you, and lick you?”
Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang sagot na gustong lumabas sa kanyang bibig. Don’t say it, Raine. Please… don’t say it.
She squeezed her eyes shut when Tyron settled on top of her, his lips were now hovering over her needy parted lips.
“Say you want me, Raine,” bulong nito sa mga labi niya. “And I’ll pleasure you until you can’t take it anymore.”
Mas bumaon pa ang ngipin ni Raine sa ibabang labi.
No. Don’t say it.
Bigla siyang napamulat nang ipasok ni Tyron sa loob ng suot niyang pajama ang kamay nito at hinawakan ang kanyang pagkababae.
“Tyron!” impit siyang napasigaw nang maramdaman ang rumaragasang masarap na sensasyon dulot ng kamay nito.
“Yes, Raine?” He brushed his lips against hers, teasingly. “Say it. Say that you want me.” Tinutukso nito ang labi ng pagkababae niya na alam niyang basa na. “Say it, babe. Say it and I’ll pleasure you and I won’t stop even if you begged me to.”
No. Don’t say it!
Then Tyron’s finger started working on her clit. Teasing and playing with it. Hindi niya mapigilan ang mapadaing sa sarap at lihim na nagdarasal na sana ay ipasok nito ang daliri sa loob niya.
“Say it, Raine. Say it, damn it!” Mukhang nauubusan na ito ng pasensiya sa katigasan ng ulo niya.
“Ayoko,” aniya na habol ang hininga.
“Ayaw mo?” A deep throaty chuckle escaped his lips. “I’ll change your mind then.”
He slid two fingers inside her mound, making her gasp and moan loudly.
“Holy shit… Ohhh, heaven.”
“Say it, Raine.”
I lost! I give up!
“Fine! I want you!” She cupped his face and crashed her lips on his. Kinagat ni Raine ang ibabang labi ni Tyron bago pinakawalan ang mga labi nito. “I want you. I miss your touch. I’m hungry for your lips. And I need you to fill me. Iyon ba ang gusto mong marinig mula sa `kin?”
Naramdaman niyang ngumiti ang binata habang magkalapat ang kanilang mga labi. “Oo. `Yon ang gusto kong marinig mula sa `yo.”
Tyron was about to move his finger in and out inside her when the door of her room opened. They both froze in shock. Walang gumalaw sa kanilang dalawa at hinintay na bumukas ang ilaw, pero nanatiling madilim ang kanyang silid.
“Sino `yan?” tanong niya nang makabawi sa pagkabigla. Her heart was still thumping in fear and nervousness.
“Sorry, sweetheart,” anang boses ni Tita Marian. “Pinuntahan ko kasi si Tyron sa kuwarto niya pero wala siya roon. Nakita mo ba siya? Magkaharap lang kasi ang kuwarto n’yo so I’m just wondering if you saw him.”
“H-hindi po…” pagsisinungaling niya habang kagat ang ibabang labi.
“Oh. Okay. Sorry to bother you, sweetie. Good night,” paalam ni Tita Marian at lumabas na ng silid.
The moment the door closed, they let go of the breath they didn’t know they were holding.
“Whoa! That was close,” ani Tyron.
“Yeah.”
“Should we continue?”
“Should we?” balik-tanong niya.
“Yeah. We definitely should.” Pagkasabi niyon ay dahan-dahan nitong inilabas-pasok ang daliri sa pagkababae niya.
radicalducati