Chapter 11
Chapter 11
HAPON na nang makarating si Raine sa Pozzorubio, Pangasinan. Nang tumigil ang limousine sa harap ng isang malaking bahay ay kaagad siyang lumabas ng sasakyan. It was a very tiring four-hour drive. Pakiramdam niya ay namanhid ang kanyang puwit sa tagal ng biyahe.
The Zapanta’s house looked like a modern mansion. It had a dark-colored glass sliding door and the house was painted with cream and chocolate colors. It had a terrace on the second and third floors. It was a sight to behold. Halatang mayaman ang may-ari ng bahay.
Huminga siya nang malalim bago naglakad patungo sa pintuan ng bahay. Hindi pa siya nagdo-doorbell ay bumukas na iyon, showing her very radiant-looking mother. Halata sa mukha nito ang kasayahan. Hindi itinuloy ni Raine ang balak na panunumbat dahil sa pag-iwan nito sa kanya kay Tyron. Her mom radiated happiness and she was delighted that finally, after six months since her father’s death, her mother was genuinely happy.
“Hello, sweetie,” nakangiting bati ng mommy niya at niyakap siya.
Niyakap din niya ito. “Hi, Mommy. Kumusta ka na?”
“I’m fine, sweetie,” sagot nito, saka siya pinakawalan. “Ikaw, kumusta ang Pasko mo?”
Napasimangot si Raine. “Mommy, what do you expect me to say? Na nag-enjoy ako? Sumama ako sa `yo kasi gusto kong makasama ka sa Pasko, pero iniwan mo ako sa Manila kay Tyron.” Iritadong napabuga siya ng hininga.
Bumuntong-hininga ang kanyang ina, sinuklay ang kanyang buhok gamit ang mga daliri. She genuinely looked sorry. “Sorry, sweetie. Na-excite lang ako na makauwi dito sa Pangasinan.”
“It’s okay.” Ngumiti si Raine pagkatapos. “Nasaan pala si Tita Marian—”
“Hello, sweetheart!” anang matinis na boses ni Tita Marian mula sa loob ng bahay. Niluwangan nito ang pagkakabukas ng sliding door. “Hello, hija. Kumusta ang Pasko mo? May nangyari bang interesante sa inyo ni Tyron noong umalis kami?”
Tumaas ang isang kilay ni Raine, kasabay niyon ay ang paglukob ng nerbiyos sa kanyang buong pagkatao. Holy hell! May alam ba si Tita Marian sa nangyari sa kanila ni Tyron? Did that brute lying insolent man tell this sweet woman in front of her?
“Ahm…” Nag-aalangan siyang sumagot pero pinilit niya ang sariling magsalita. “W-wala pong n-nangyari sa amin,” nauutal na aniya.
Her mother and Tita Marian exchanged disappointed looks. Ano naman kaya ang problema ng dalawang ito?
“Is that so, hija?” Hinawakan siya ni Tita Marian sa kamay at hinila papasok sa loob ng kabahayan. “Sweetie, nag-enjoy ka ba na kasama ang anak ko?” tanong na naman nito.
Napangiwi si Raine sa sakit nang makagat niya ang dila dahil sa tanong nito. “Ahm, can I rest na po, Tita?” pag-iiba siya sa usapan. “Medyo napagod po kasi ako sa haba ng biyahe.”
Nagpalitan ng tingin ang kanyang ina at si Tita Marian. “Of course, hija. Halika. Ihahatid ka namin sa silid mo,” sabi ng huli.
Pinaggitnaan siya ng kanyang ina at ni Tita Marian habang naglalakad sila patungo sa second floor ng bahay. Kaagad silang dumeretso sa third floor.
The interior design in the third floor snatched her breath away. There was a refrigerator in the corner behind a long black marble island counter. Parallel to that was a mini bar with unlimited liquor on display. In the center, there was a black leather set of sofa with a square center table that had two big cherries on the center. And then there were only two rooms. Magkaharap ang pinto ng dalawang silid at hindi iyon kalayuan sa isa’t isa.
Iginiya siya ni Tita Marian sa kaliwang pinto at binuksan iyon. “Sweetie, ito ang magiging silid mo.”
Pumasok si Raine sa kuwarto habang iginagala ang paningin sa kabuuan niyon.
The room was simple yet elegant-looking. The bed was covered with a lilac comforter and the whole room was painted in creamy white. There was a closet on the right side next to the bed and its door was made up of mirror. May malaking TV sa paanan ng kama at may couch malapit sa malaking bintana na nakaharap sa garden. Napakaganda ng silid na iyon. Mukhang mag-e-enjoy siya sa bahay na iyon.
“Nagustuhan mo ba ang kuwarto mo, hija?” tanong ni Tita Marian mula sa kanyang likuran.
Nakangiting humarap si Raine sa ginang. “Opo. Ang ganda po.”
Tita Marian giggled like a teenager. “Yey! Salamat naman at nagustuhan mo. I’d been fussing over this room for over six months!” she exclaimed.
Nagsalubong ang kanyang mga kilay. “Ano ho? Six months?”
Kaagad na nag-iwas ng tingin ang mommy niya at si Tita Marian.
“Magpahinga ka na, hija,” wika ng kanyang ina at hinila palabas ng silid si Tita Marian.
Napapantastikuhan siya sa inakto ng dalawa. They looked like guilty kittens as they exited the room.
What the heck is wrong with those two?
Kahina-hinala ang inaakto ng dalawa.
Oh, well.
Inilapag ni Raine ang dalawang sling bags na dala at backpack sa couch, pagkatapos ay nahiga sa kama. Habang nakatingin sa kisame, sumagi sa isip niya ang guwapong mukha ni Tyron na kaagad na nakapagpairita sa kanya.
Buwisit na lalaking `yon!
Ipinikit niya ang nga mata at pinilit ang sariling makatulog. Hanggang gising siya, alam niyang hindi lulubayan ng pesteng lalaking iyon ang isip niya.
Thankfully, she fell asleep after a minute.
AM I POSSESSIVE? Panay ang pagsagi niyon sa isip ni Tyron habang nasa passenger seat ng sasakyan ni Lander.
“Malayo ang tingin,” kanta ni Calyx na nasa backseat ng Hammer ni Lander.
Hindi niya ito pinansin at tumingin lang sa mga tanawin sa labas ng bintana.
“Malayo ang tingin,” ulit na kanta ni Calyx.
“Hindi malayo ang tingin niya, Calyx,” ani Train na pakiramdam niya ay nakangisi. “Nakatingin siya sa napakagandang tanawin na dinaraanan natin.” Puno ng sarkasmo ang boses nito.
He grimaced.
Mga buwisit!
Wala namang kaaya-ayang tanawin dahil maliban sa damuhan at malalaking puno, wala namang interesante sa mga nadaraanan nila.
“Manahimik nga kayo,” saway ni Lander na abala sa pagmamaneho. “Baka bigla na lang tumalon `yan at mamatay. I have a business meeting tomorrow in Baguio, ayokong mapurnada iyon sa pakikipaglamay at paglilibing sa baliw na `to.” Siya ang tinutukoy ng kaibigan.
Hindi pinansin ni Tyron ang mga baliw na kaibigan. His thoughts were filled with Raine. Hindi welcome ang mga kaibigan sa kanyang isip.
“So, bud,” Train drawled. “Ano’ng nangyari sa lakad mo sa Boracay? Did it go well or was it a mess?”
Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga at ipinakita rito ang mapula-pula niyang mga pisngi. “Ano sa tingin n’yo ang nangyari?”
Kitang-kita ni Tyron na pinipigil ng mga kaibigan ang tumawa nang makita ang namumula niyang mga pisngi. Morons!
Calyx breathed out a chuckle. “Did she slap you in public?”
“Yeah, man.” Lander snickered. “Did she slap your ego, too?”
Tyron rolled his eyes. “Fuck off, you three.”
Train let out a short laugh. “So, ano na ang gagawin mo ngayon?”
“Easy.” Komportableng sumandal siya at ipinikit ang mga mata habang may ngiti sa mga labi. “I’m going to snatch her heart and put it beside mine.”
“What the hell, man?” kunwari ay gulat na sabi ni Calyx. “Baka naman mamatay siya sa binabalak mo. Snatch her heart? Grabe ka naman, Tyron. Hindi ka lang pala possessive at obsessed, murderer pa.”
Mabilis niyang inabot ang lalagyan ng mineral water sa dashboard ng sasakyan at binato si Calyx. Pinagkrus nito ang mga braso sa harap ng mukha kaya ang mga braso nito ang tinamaan.
“Fuck off, Calyx.”
Calyx just laughed heartily. “I can’t do that, bud. I’ll be with you for a week so keep calm and love Calyx.”
Naiiritang itinirik ni Tyron ang mga mata. How did he end up being friends with this lunatic? Same with Lander and Train. Mga kasapi ang tatlo sa Lunatic Club. Mabuti na lang hindi siya kasapi sa club na iyon.
Dalawang araw na ang nakalipas mula nang dumating si Raine sa Pangasinan. Masaya siya na sa mga nakalipas na araw ay wala siyang Tyron na nakita. Pumunta sila sa Manaog, sa Isabela at dalawang party na ang dinaluhan niya. They were invited to Aunty Charita’s—Tita Marian’s cousin—birthday party and Marlo’s—Tita Marian’s nephew—wedding.
Ngayon naman ay naghahanda sila dahil pupunta sila sa Baguio. Magsisimba raw sila sa Pink Sister at mamamasyal pagkatapos.
Ipinagpasalamat ni Raine na hindi sila sumakay sa limousine. Isang puting van ang ginamit nila. Sampu silang lahat na pupunta sa Baguio kaya naman puno ang van. Siksikan.
Si Raine at ang mommy niya; sina Tita Marian at Tito Tim; ang kapatid ni Tita Marian na si Tita Charita at ang asawa nitong si Tito Gabby; pagkatapos ang pinsan ni Tita Marian na si Tita Tess, si Tita Neny na dumating lang kahapon galing Hawaii at si Tita Shane; at ang pansampu ay si Mang Besting, ang driver nila.
Habang nasa biyahe, ang oldies ay nasa likod at doon nagkukuwentuhan at nagtatawanan. Siya naman ay nasa passenger seat at may earphones sa mga tainga. Hindi kasi siya maka-relate sa pinag-uusapan ng mga ito.
Raine listened to different songs on her playlist as they drove to Baguio. It wasn’t a very long drive though. Maaga silang nakarating sa Pink Sister.
Inayos niya ang cardigan na suot bago lumabas ng sasakyan. Oo nga at nakangiti si Haring Araw pero malamig pa rin ang simoy ng hangin.
Maliban kay Mang Besting, lahat sila ay pumasok sa Pink Sister church. Pagkalipas ng ilang minutong pagdarasal, naramdaman niyang siniko siya ng kanyang ina.
Nagtatanong ang mga matang tumingin siya rito. “Yes?”
“Nakikita mo `yon?” anito, sabay turo sa box na nasa gilid. “You can write whatever you want on the paper and put it in that box. `Tapos kung anuman ang kahilingan mo, ipagdarasal iyon ng mga madre para matupad.”
Gustong matawa ni Raine sa sinabi ng ina. May ganoon pala?
Well, why not?
Wala namang mawawala sa kanya kung susubukan niya.
She excused herself and went to the box. May available na ball pen at papel doon.
Habang hawak ang ball pen, napatitig si Raine sa papel. Ano ba ang kahilingan niya na gusto niyang matupad? Mukhang wala naman, eh.
But even though she had no wish to pray for, her hand had a mind of its own. Nag-umpisa siyang magsulat sa papel at napapailing-iling sa isinusulat.
Dear God,
I know I have sinned. And I know that this may be too much but please, help me. I know that he’s now busy with his girlfriend so I am asking you to teleport him to my side. I know it’s impossible… so… yeah.
Thanking you in advance,
Raine
Hinulog niya ang papel sa box kasabay ng kanyang donasyon. Naiiling na nangingiti si Raine sa isinulat. Kalokohan ang pinagsususulat niya. Isang kahilingang napakaimposibleng mangyari.
Bumalik siya sa kinauupuan.
Hinawakan ni Tita Marian ang balikat niya at pabulong na nagtanong. “Ano’ng hiniling mo?”
Napatingin siya sa ginang na maituturing niyang santa sa kabaitan na ipinapakita sa kanila habang nasa bahay sila nito.
“Ayokong i-share. Baka mausog ang wish ko,” biro niya.
Tita Marian giggled, then her face turned somber. “Humiling din ako. Sana matupad,” anito habang titig na titig sa kanya.
Napakunot-noo si Raine sa uri ng pagkakatitig ng ginang sa kanya. It was like she was yearning for something and she was a vital part of that something to happen.
Bago pa niya mausisa si Tita Marian, nag-umpisa na ang misa. Bumuntong-hininga siya at ibinigay ang buong atensiyon sa pari.
Pagkatapos ng misa ay nagtungo sila sa Baguio Plaza Hotel para mananghalian. Patuloy pa rin ang oldies sa pagkukuwentuhan at tawanan. Hindi na naman maka-relate si Raine sa pinag-uusapan ng mga ito kaya minabuti niyang pagtuunan na lang ng pansin ang pagkain.
Sunod ay sa SM Baguio sila nagtungo para mamili. Pagdating doon ay naghiwa-hiwalay sila. Napagkasunduan nila na magkita-kita na lang sa isang restaurant. Kasama ni Raine ang kanyang mommy at si Tita Marian.
She frowned when she felt like someone was watching her from afar like a hawk. Iginala niya ang paningin pero wala naman siyang makita na nakatingin sa kanya.
This is weird.
Ipinilig ni Raine ang ulo at tumingin sa mga damit na naka-display. Nang malapit na siya sa fitting room, parang kidlat na may humawak sa kamay niya at hinila siya papasok sa fitting room.
Raine gasped in shock and fear and she panicky roamed her eyes around the fitting room and then... butterscotch eyes held her gaze. Halos lumuwa ang kanyang mga mata sa nakita. It couldn’t be! He was in Boracay!
Ganoon ba kadali ang pagdarasal ng mga madre sa Pink Sister at nandito siya ngayon sa harap ko?
Ngumisi si Tyron na nagpabilis sa tibok ng kanyang puso. “Miss me, sweetheart?”
Raine wanted to wrap her arms around his neck and pull him closer to kiss him but she did the opposite, she slapped him. Hard. Pagkatapos ay nagmamadali siyang lumabas ng fitting room.
radicalducati