Chapter 10
Chapter 10
I’M WAITING, Raine. I’m waiting for you to do something, paulit-ulit iyon na umuukilkil sa isip ni Raine mula nang makarating sila sa charity ball na ginanap sa isang private cruise ship na pag-aari ni Cali Sudalga. Ayon kay Tyron, isang mayamang negosyante si Cali Sudalga. Nakasentro ang negosyo nito sa pagma-manufacture ng mga yate at cruise ships. Ipinagbibili iyon sa iba’t ibang bansa.
As the charity ball started, the cruise ship started sailing, too.
“Okay ka lang ba, Raine?” may pag-aalalang tanong ni Tyron na halos hindi umaalis sa tabi niya mula nang dumating sila. “You look bothered.”
“Okay lang ako,” mabilis niyang sagot at sumimsim ng wine sa kopita para itago ang tunay na nararamdaman.
“Sigurado ka?” pangungulit nito. “Parang hindi ka mapakali, eh.”
“Oo, sigurado ako.”
Nagpasalamat siya nang may lumapit na lalaki kay Tyron na halos kasing-edad lang nito at kinausap ang binata tungkol sa negosyo. Mabilis siyang tumayo at tinakasan ito.
Mag-isa siyang nag-ikot sa cruise ship. Kailangan niyang makapag-isip.
I’m waiting, Raine. I’m waiting for you to do something. Naaalala pa rin niya ang malakas na pintig ng kanyang puso nang sabihin iyon ni Tyron. Hindi iyon mawala sa kanyang isip. It bothered her heart and mind. Hindi alam ni Raine kung naglalaro lang ang binata o kung seryoso ito. Hindi niya alam kung paano sasagot dahil hindi naman siya sigurado kung seryoso ito.
Up until this very moment, Tyron was still in a relationship with Careen. At kahit baliktarin man ang mundo, lumalabas na isa siyang panira sa relasyon ng dalawa.
Raine sighed and then she leaned on the railing. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nakatingin sa karagatan nang may tumabi sa kanya. Kunot-noong binalingan niya ito. “Ano’ng ginagawa mo? Nauna ako dito, doon ka sa kabilang railing.”
Ngumiti lang ang lalaki na nakatayo, saka nanatiling tahimik.
Tinitigan niya ang lalaki mula sa gilid ng kanyang mata. The man had eyes that can be compared to the greenest forest in the world. They glimmered as he looked at the sea.
“Seriously?” Bumuga siya ng marahas na hangin. “Doon ka sa kabilang railing. Nagmo-moment ako rito. Istorbo ka,” pagtataboy niya rito.
Humarap sa kanya ang lalaki na may napakagandang kulay-berdeng mga mata. “Talaga bang hindi ako puwede rito? I am the owner of this cruise ship, you know.”
Napaawang ang mga labi ni Raine sa nalaman. “What? I-ikaw si Cali Sudalga? Ang host ng charity ball?”
Tumango ang lalaki. “Yes. I’m flattered that a pretty woman like you knows my name.”
Hmm! This guy has a sly tongue.
“Yeah. Tyron Zapanta told me,” nakangiting aniya.
“Tyron Zapanta?” Tumaas ang isang kilay nito. “Are you… Raine Dizon? Tyron’s date for tonight?”
Nag-iwas siya ng tingin.
Shucks!
Hindi na talaga siya magtataka kung aabot ang balitang may kinalolokohang babae si Tyron bukod sa girlfriend nito. Parang lahat yata ng imbitado sa charity ball ay kilala ang binata.
“I’m not his date. Pinilit lang niya akong pumunta dito,” aniya at tumingin sa kalangitan na puno ng mga bituin.
“Hmm. That’s unlike Tyron. Kilala ko siya. Kung ayaw mo, hahayaan ka niya. Hindi siya `yong tipo ng tao na namimilit.” Tinitigan siya ng lalaki. “I wonder what he sees in you.”
Dumako ang tingin ni Raine dito. “Magkaibigan ba kayo para masabi mo `yon?”
Bago pa makasagot si Cali Sudalga ay may yumakap ditong isang magandang babae. The woman was strikingly beautiful with her pinned straight hair, pointed nose, sexy thin lips and almond-shaped eyes. The woman looked like a freaking model in her halter dress and killer stilettos.
“Hey there, dearest stepbrother.” May hawak na kopita ang babae pero wala nang laman iyon. “Ano’ng ginagawa mo dito sa labas? Shouldn’t you be inside the cruise ship and seducing every woman who gives you a flirty smile?”
Umiling-iling si Cali at inagaw ang kopita na hawak ng babae. “Vienna, tama na, lasing ka na.”
“No, I’m not. A little bit tipsy though,” pag-amin ng babae.
“Umayos ka nga.” Napuno ng iritasyon ang mga mata ni Cali. “Nakakahiya ka,” anito at tumingin sa kanya.
Kunot-noong humarap sa kanya ang babae, pagkatapos ay bumaba ang tingin sa damit na suot niya. Nanlaki ang mata nito at naging hugis-bilog ang mga labi. “Oh, my. If it isn’t the gown that Tyron Zapanta personally ordered from me.” Hinawakan ng babae ang baywang niya at tumango-tango na parang nasisiyahan sa nakikita. “Alam mo ba na tinahi ko ang gown na ito sa loob lang ng isang araw? Damn, girl, your boyfriend is so demanding. Siya pa nga ang nag-suggest sa dapat na disenyo ng gown na ito. Nagustuhan mo ba?”
Ang katanungan sa mga mata ni Raine ay napalitan nang ma-realize kung sino ang nasa kanyang harap. “Ikaw si Vienna Sugon? The finest fashion designer in the whole world?”
The woman giggled. “Iyan ba ang sinabi ni Tyron? Aww, he’s such a sweet guy. And yes, I am Vienna and this man—” Itinuro nito si Cali. “—is my very handsome stepbrother.” Inilahad ng babae ang kamay. “It’s nice to finally meet Tyron’s beloved girlfriend.”
Tumikhim si Cali. “Hindi siya ang girlfriend ni Tyron.”
“Oh, my.” Puno ng kapilyahan ang ngiti ng babae, mukhang hindi man lang nagulat sa sinabi ng stepbrother nito. “Sly girl. I like you.” Niyakap siya ni Vienna at pinisil ang kanyang kaliwang pisngi. “Go and steal Tyron from that bitch Careen. I haven’t met her yet but I instantly dislike her.” Sumimangot ito. “I don’t know why though.”
Natawa si Raine sa sinabi ng babae. Para itong bata kung magsalita at halatang maarte. Her appearance screamed fashionista from head to toe.
“Vienna! Where the fuck are you?!”
Napaigtad sina Raine at Vienna dahil sa malakas na baritonong boses na iyon na tumawag sa pangalan ng babae.
Si Cali naman ay ngumisi. “Oh-oh. Ano na naman ang ginawa mo kay Lander?”
“I didn’t do anything.” Vienna chirped with an innocent smile on her lips as she twirled a strand of her hair around her finger.
Lander? Lander Storm? Tyron’s friend?
Dumako ang tingin ni Raine sa lalaking papalapit sa kanila—walang iba kundi ang lalaking may mga matang kasing bughaw ng langit ang kulay. Madilim ang mukha nito habang nakapako ang tingin sa babaeng katabi niya.
“You!” Galit na itinuro ni Lander si Vienna. “What the fuck is your problem with me? Dahil sa `yo, inabandona ako ng ka-date ko!”
“Run, little sis,” bulong ni Cali kay Vienna at lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa siko. “Come on. Bumalik na tayo sa loob. Baka dumanak ang dugo, madamay pa tayo.”
Napatingin si Raine kay Vienna. Her childlike expression was replaced by a venomous vixen. Matalim ang mga mata nito habang nakatingin kay Lander na mukhang sasabog na rin sa galit.
Mukha ngang kailangan na nilang umalis at iwan ang dalawa.
Hindi na umangal si Raine nang igiya siya ni Cali papasok sa hall na pinagdadausan ng charity ball. Inihatid siya nito sa mesa nila ni Tyron. Speaking of which, madilim ang mukha ni Tyron at nakatiim-bagang habang matatalim ang matang nakatingin sa kamay ni Cali na nasa siko niya.
TYRON can taste blood on his mouth. Para siyang baliw sa kakahanap kay Raine, iyon pala ay may kasama itong ibang lalaki. Nang makita niya itong naglalakad kasama si Cali Sudalga, lahat yata ng dugo niya ay napunta sa kanyang ulo. Nakakuyom ang mga kamay niya habang nakatingin sa dalawa.
He wanted to strangle Cali with his bare hands! He wanted to choke the bastard to death! Sino ito para hawakan ang pag-aari niya? Who the hell was he to touch Raine?
My Raine!
She’s not yours, dimwit! paalala ng isip niya na mas dumagdag sa inis na kanyang nararamdaman.
Nang makarating ang dalawa sa kinaroroonan ni Tyron ay tipid na ngumiti si Cali sa kanya. Oh, how much he wanted to punch that face!
Matalim ang mga matang sinalubong ni Tyron ang tingin ng lalaki. “Bitawan mo si Raine.” Nagtatagis ang mga bagang niya habang nilalamon ng galit ang kanyang pag-iisip.
“She’s fun to be with.” Makahulugang ngumiti sa kanya si Cali at tumingin kay Raine. “It was nice talking to you, “my dear.”
My dear?
My-fucking-dear?!
Oh, how much he would pay so he can legally kill Cali with his bare hands for calling his Raine ‘my dear’.
Raine smiled at Cali and every cell of his body was filled with jealousy.
That smile!
Hindi ngumiti nang ganoon si Raine sa kanya kahit kailan. Gusto niyang suntukin ang ngiti sa mga labi ni Cali Sudalga. Kahit pa kaibigan niya ito ay wala siyang pakialam.
The green monster called jealousy was eating all the rational thought left in his brain.
“It was nice talking to you, too,” nakangiting wika ni Raine.
Tumango sa kanya si Cali bilang pamamaalam at iniwan na sila ng dalaga. He bitterly glared at the woman who introduced him to that green monster that was now dwelling in every fiber of his being.
“Tyron,” humarap ito sa kanya, “I was on the—”
Hindi na niya pinatapos ang sasabihin ng dalaga. He left and went to the men’s room. Kailangan niyang kontrolin ang galit na nararamdaman.
What the fucking hell is happening to me?
HANGGANG sa matapos ang charity ball ay hindi siya kinibo ni Tyron. Kahit anong deny ni Raine ay naba-bother siya dahil hindi siya pinapansin ng binata. Gusto niya itong lambingin pero naiilang naman siya na yakapin ito dahil wala naman silang relasyon.
Baka kung ano ang isipin ng mga taong nakakakilala kina Tyron at Careen.
Nang makapasok sila sa condo ay naghubad ito ng suot na tuxedo at pumasok sa kuwarto. Nang silipin ni Raine kung ano ang ginagawa ng binata roon, nakita niya itong nakahiga sa sofa, natutulog. Parang may kumurot sa puso niya sa isiping ayaw siya nitong makatabi sa kama, pero mabilis niyang ipinagsawalang-bahala ang kirot na naramdaman.
Naligo na lang siya at saka humiga sa kama.
Nakatagilid si Raine paharap kay Tyron. She could see that his breathing was not even. Gumalaw rin ang panga nito na parang napapatiim-bagang. Halatang nagtutulog-tulugan lang. Was he really that mad that she talked to Cali Sudalga? Wala namang mali sa ginawa niya, ah.
Maingat siyang huminga nang malalim, saka ipinikit ang mga mata. Bahala si Tyron sa buhay nito. Bukas pupunta na siya sa Pangasinan. Sa wakas, hindi na niya ito makikita palagi.
KINABUKASAN nang magising si Raine ay wala na si Tyron. Nang hanapin niya ang binata, si Mang Besting ang nakita niya sa sala.
“Mang Besting?”
Bumaling sa kanya ang family driver ng mga Zapanta. “Ma’am Raine, magandang umaga ho sa inyo.”
“Good morning din po.” Ipinalibot niya ang paningin sa kabuunan ng condo, hinahanap ng mga mata si Tyron. “Nakita n’yo po ba kung nasaan si Tyron?”
“Ma’am, umalis po si Sir Tyron papuntang Boracay. Sinundan po si Ma’am Careen. Inihabilin ka po niya sa akin na ipagmaneho ko raw kayo papuntang Pangasinan.”
It felt like her heart had been mowed over by a sixteen-wheeler truck at what she heard. Her heart was crushed and she felt like crying. Pero pinagalitan ni Raine ang sarili. Hindi siya dapat umiyak. Alam niyang mangyayari iyon. Nagulat nga siya at medyo natagalan.
Sabi ko na nga ba. Pinaglalaruan lang ako ng lalaking `yon. Parausan lang niya ako habang wala pa ang girlfriend niya.
Napakaistupido niya na isipin na may nararamdaman si Tyron para sa kanya.
Shit!
Kasinungalingan lang ang pagiging possessive at pagseselos ng lalaki. O baka gawa-gawa lang iyon ng ambisyosa niyang imahinasyon.
“Magbibihis lang po ako, Mang Besting, at aalis na po tayo,” wika niya.
“Hindi ka po ba mag-aagahan?” tanong ng matanda. “Binilin po kasi ni Sir Tyron na mag-agahan ka raw.”
Umiling siya. “Wala akong gana.”
Pumasok si Raine sa silid at nang lumabas ay nakapagbihis na siya. Dala ang kanyang mga bagahe, lumapit siya kay Mang Besting.
“Halika na po, Mang Besting,” sabi niya sa driver. “Punta na po tayo sa Pangasinan.”
Tumango ang butihing matanda at ito na ang humila sa malaking bagahe niya na de-gulong patungo sa parking lot.
Napangiwi si Raine nang makitang limousine ang sasakyan niya patungong Pangasinan. “Wala po bang ibang sasakyan na pag-aari si Tyron? Parang nakakailang naman itong sasakyan na ito.”
“Wala po, Ma’am.” Pinagbuksan siya nito ng pinto. “Sakay na po kayo, Ma’am. Tinext ko na po si Ma’am Marian na paalis na tayo.”
Tumango siya at napipilitang sumakay sa limousine.
Nang mag-umpisang gumalaw ang sasakyan, pumasok sa isip ni Raine si Tyron at kung ano ngayon ang ginagawa nito sa Boracay kasama ang girlfriend. Baka naglalampungan na ang dalawa at pinagsasaluhan ang init ng katawan. A lone tear escaped her eye. Mabilis niyang pinahid iyon.
Shit!
Gaga kasi siya. Hindi niya namalayang nakatakas pala ang puso niya sa hawla na pinaglagyan niyon at ngayon ay nahuhulog na para kay Tyron. Ang masakit, wala roon ang binata para saluhin ang nahuhulog niyang puso.
HALOS pasalamatan ni Tyron ang lahat ng santo nang tumunog ang kanyang cell phone. May dahilan na siya para umalis sa tabi ni Careen. Nagpunta siya sa Boracay para kausapin ito, na hindi na nangyari dahil nang makita siya ng babae ay kaagad siyang hinalikan at panay ang lambing sa kanya.
“Teka lang.” Dumistansiya siya sa dalaga at sinagot ang tawag. “Hello, Mom?”
“Hello, Tyron.” She chirped on the other line. “Tumawag ako para ipaalam sa `yo na nag-text na si Besting at sinabing on the way na sila ni Raine patungong Pangasinan.”
“Okay. Thanks, Mom.”
“Welcome, anak.” Iyon lang at pinatay na nito ang tawag.
Hindi pa nga niya tuluyang naiibaba ang cell phone ay yumakap na kaagad si Careen sa kanya. Maingat niyang binaklas ang mga braso nito na nakayakap sa kanyang leeg at seryosong humarap sa dalaga. “Careen, may importante akong sasabihin sa `yo.”
Tumaas ang isang kilay nito. “Ano naman `yon?”
“Maghiwalay na tayo. For good.”
radicalducati