Tyron Zapanta (Possessive Series 1)

Chapter 8



Chapter 8

GULONG-GULO na ang isip ni Tyron. Hindi niya alam kung ano ang dapat na gawin. Sinasabi ng kanyang isip na si Careen ang kanyang piliin. Matagal na niya itong kasintahan, dapat ito ang piliin niya dahil aalis din naman si Raine pabalik sa Canada. At isa pa, siguradong lilipas din ang tampo sa kanya ni Careen at makikipagbalikan ang babae sa kanya.

Pero iba ang ibinubulong ng kanyang puso.

Argh! So confusing!

Pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Raine, umalis siya sa silid at iniwan doon ang dalaga. Kailangan niyang mag-isip. Nagtungo siya sa mini bar.

Hindi niya alam ang gagawin. Ayaw niyang saktan si Careen, at the same time, ayaw niyang mawala sa tabi niya si Raine. But he can’t have both women in his life! He can’t keep them both.

Sa impiyerno talaga ako mapupunta nito.

Ininom niya ang alak na isinalin sa shot glass, saka bumuga ng marahas na hangin. Mababaliw na siya. Wala naman siyang aasahan sa mga kaibigan niya dahil lahat naman ng mga ito ay single at mga babaero.

“Hey, Ty.” Boses iyon ni Ymar.

Binalingan niya ang kaibigan na umupo sa stool na katabi niya. “Hey.”

“Kausap ngayon nina Lander at Calyx si Raine,” anito at nanunuring nakatingin sa kanya. “She seems nice.”

Kaagad na kinain ng selos ang buong pagkatao niya sa isiping nakikipag-usap sa iba si Raine.

Pinili ni Tyron na umaktong walang pakialam kahit sa loob niya ay gustong pilipitin ang leeg nina Lance at Calyx. “Yeah. She’s nice.”

Tumango-tango si Ymar. “So, may nangyari na sa inyo?”

Umiling siya. Kailangan niyang magsinungaling. Hindi alam ng mga kaibigan na may nangyari na sa kanila ni Raine. Sound-proof ang kanyang kuwarto. “Wala.”

“Good.” Tinapik ni Ymar ang balikat niya. “Alam naming ayaw mong manakit ng babae kaya huwag mong umpisahan ngayon. Raine seems a good girl. Huwag mo siyang saktan. Kung may balak kang seryosohin si Raine, makipagkalas ka nang maayos kay Careen.”

“Wala na kami ni Careen, pero alam kong makikipagbalikan din siya at masasaktan ko siya kapag nalaman niya ang tungkol kay Raine.”

Napailing-iling si Ymar. “Ty, hindi ako bobo para hindi mapansin ang kakaiba mong pagtingin kay Raine noong ipakilala mo siya sa `min ni Iuhence.”

Inihilamos niya ang mga palad sa kanyang mukha. “Naguguluhan ako.”

Tinapik ng kaibigan ang kanyang balikat. “Pag-isipan mong mabuti.”

Iniwan si Tyron ni Ymar at siya naman ay hinanap si Raine. Natagpuan niya ang dalaga sa sala at nakikipag-usap kina Calyx at Lander.

Hindi gusto ni Careen ang mga kaibigan niya dahil mayayabang daw ang mga ito. Pero si Raine, kung makipag-usap sa mga kaibigan niya ay parang matagal na rin nitong kaibigan ang mga ito.

He couldn’t help but to eavesdrop on their conversation.

“Sabi ni Tyron, taga-Canada ka raw. Saan sa Canada?” tanong ni Lander na numero unong tsismoso.

“My mom lives in Canada, I do, too. Well, sort of,” sagot ni Raine. “Palagi akong nasa ibang bansa dahil sa trabaho ko bilang isang journalist. Ahm, example, I have to write an article about fine restaurants for dates and all that romantic stuff, I’ll choose any country with restaurants that have stunning romantic ambiance and the company will pay the expenses of my travel.”

“Wow.” Calyx breathed out, amazed. “What a great job you have.”

“Yeah,” sang-ayon ni Lander. “Every week ba ang pagsusulat mo ng article?”

“Oo. Pero may mga isinusulat naman akong article na hindi na kailangan pang pumunta sa ibang bansa,” nakangiting sagot ni Raine. “Masyado lang demanding ang boss ko kaya ipinapadala niya ako sa ibang bansa para may laman daw ang bawat article na isinusulat ko.”

Lander frowned when Raine mentioned her boss. “Ikaw lang ba ang ipinapadala ng boss mo sa ibang bansa o lahat ng journalist sa kompanya n’yo?”

“Ako lang,” anang dalaga. “Ako kasi ang nagsusulat para sa special page ng magazine namin kaya kailangan talagang may laman ang mga isinusulat ko.”

Magsasalita sana si Calyx nang magtagpo ang kanilang mga mata. Kababakasan ng amusement ang mga mata ng kaibigan bago ito ngumiti sa kanya. “May gusto ba sa `yo ang boss mo?” deretsang tanong ni Calyx kay Raine.

Napaubo ang dalaga. Gustong sakalin ni Tyron ang kaibigan gamit ang sariling mga kamay dahil sa tanong nito. Kailangan ba talagang itanong ni Calyx iyon? Kailangan ba nitong ipamukha sa kanya na hindi lang siya ang attracted kay Raine? Na wala siyang pag-asa sa dalaga?

Okay, I’m over thinking this.

Nakakuyom ang mga kamay na hinintay ni Tyron ang sagot ni Raine. Whoever that boss of hers was, he couldn’t have her. She had already given herself to him.

She’s mine, damn it!

No, she’s not.

Yeah, she was not. Napabuntong-hininga siya sa iritasyon.

“My boss? Ahm, he gave me flowers and hinted as much but I don’t want to assume. He’s a good guy. Mabait naman siya sa akin at kahit kailan, hindi naman niya ako binastos tulad ng ibang boss,” sagot ng babaeng sanhi ng pagiging irasyonal niya nitong mga nakaraang araw.

Calyx smirked at his direction. “Talaga? Nagbibigay sa `yo ng flowers ang boss mo? Hmm, baka may gusto nga talaga sa `yo `yon.”

Lalong sumama ang mood ni Tyron. Gusto niyang pilipitin ang leeg ni Calyx nang mga oras na iyon pero pinigilan niya ang sarili. He was eavesdropping, for crying out loud.

Umiling-iling ang dalaga. “Wala `yon. He’s just my boss and I’m just his employee.”

Sa sinabing iyon ni Raine, parang idinuyan siya sa langit. His mood lightened.

You have already given yourself to me, kaya akin ka lang, Raine. Akin ka lang.

Napailing-iling na lang si Tyron sa tumatakbo sa kanyang isip. Hindi niya dapat iniisip iyon. What he felt for Raine was just lust.

Just. Lust!

Babalik na sana siya sa mini bar nang makitang may iniabot na isang basong tubig si Train kay Raine.

What the hell?

Jealousy ate him up. At bago pa siya makapag-isip nang maayos, inagaw na niya ang baso sa dalaga.

HINDI naging masaya ang araw ni Raine. Iniwan siya ni Tyron sa kuwarto pagkatapos ng nangyari sa kanila. Hinintay niyang bumalik ang lalaki pero hindi na ito bumalik. Ni anino nga nito ay hindi niya nakita. Hindi niya maiwasang isipin na baka katulad din ito ng ibang lalaki, sex lang ang habol.

Well, may girlfriend na ito. Ano ba ang inaasahan niya?

Lumabas si Raine ng kuwarto para kumuha ng maiinom sa kusina nang makasalubong niya si Train.

“Hey, Madam Raine,” anito na ngumiti. “Sa kusina ba ang punta mo?”

Tumango siya. “Kukuha lang sana ako ng tubig na maiinom.”

“I’ll get it for you. Hintayin mo na lang ako sa sala.”

“No, ako na.”

“Ako na lang.” He smiled at her dazzlingly, then he went to the kitchen to get her some water.

No choice na tinungo ni Raine ang sala at umupo sa pang-isahang sofa. Minutes passed, Tyron’s two friends showed up in the living room, startling her. Tatlo pa lang sa mga kaibigan nito ang pormal niyang nakilala. Sina Iuhence, Ymar at Train pa lang.

“Hey.” The man with eyes that can be compared to the clear blue sky smiled at her. His tawny hair was unkempt, maybe because the man kept on brushing his hair using his fingers as comb. He was handsome in a rugged way. With his dark jeans, white shirt and leather jacket, he looked like a freaking handsome biker from hell. “I’m Lander Storm. Nice to meet you.” Inilahad nito ang kamay sa kanya.

Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. “Raine Lynn Dizon,” pagpapakilala niya. “Nice to meet you, too.”

Nang pakawalan ni Lander ang kamay niya, ang kasama naman nitong lalaki ang nakipagkamay sa kanya at hinalikan ang likod ng kanyang kamay. “I am Calyx Vargaz. Nice to meet you, Raine Lynn Dizon.”

Calyx Vargaz had coffee-colored hair. His eyes were pitch-black they glistened. He had a friendly smile on his face. He dressed formally unlike Lander. He was downright gorgeous with his set of dimples and sweet smile.

“Nice to meet you, too,” aniya na nakangiti at binawi ang kamay.

Umupo ang dalawang lalaki sa mahabang sofa at inumpisahan siyang i-interrogate. Para siyang nasa hot seat sa mga tanong na ibinabato ng mga ito sa kanya, lalo na si Lander.

“May gusto ka ba kay Tyron? Alam mo ba na may girlfriend na siya? Ano ba ang nararamdaman mo para sa kaibigan namin?” sunod-sunod na tanong ni Lander.

Kinagat ni Raine ang ibabang labi bago sumagot. “Una, may gusto ba ako kay Tyron? Oo ang sagot ko. I’m attracted to him. Pangalawa, oo alam kong may girlfriend siya. Umiiwas naman ako, eh, pero `yon nga. Hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko. Pangatlo, trust me, hindi ko rin alam kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya.”

Matiim na nakatingin si Lander sa kanya, pinag-aaralan siya. “They say that when a guy cheats on his girlfriend, he doesn’t care about his relationship with her. But in Tyron’s case, that’s not true. He cared for Careen, until he met you. Ano ba’ng meron ka na wala kay Careen?”

Nagkibit-balikat siya. “I don’t know. If you want to know the difference between me and Careen, then ask Tyron. I’m pretty sure he can give you a ten-page explanation on that one.”

Lander smirked meaningfully. “Yeah? You think so?” Parang may demonyong sumilip sa mga mata nito habang matiim na nakatingin sa kanya. “I agree with you. Tyron can write millions of words to differentiate you from Careen.”

That wasn’t an insult—

I hope not— but she felt insulted. Irritation flickered on her eyes as she narrowed them on the blue-eyed gorgeous devil who happened to be Tyron’s friend.

“It wasn’t an insult,” ani Lander na mukhang nabasa ang ekspresyon sa kanyang mukha.

Tumikhim si Calyx, saka nagtanong. “Ah, what do you do for a living?” pag-iiba nito ng usapan.

May ngiti na sa mga labi ni Raine nang ibaling niya ang tingin kay Calyx. “I’m a journalist.”

“Sabi ni Tyron, taga-Canada ka raw. Saan sa Canada?” tanong ni Lander.

“My mom lives in Canada, I do, too. Well, sort of.” Napag-desisyunan niyang sagutin ang lalaki kahit pa naiirita siya rito. “Palagi akong nasa ibang bansa dahil sa trabaho ko bilang isang journalist. Ahm, example, I have to write an article about fine restaurants for dates and all that romantic stuff, I’ll choose any country with restaurants that have stunning romantic ambiance and the company will pay the expenses of my travel.”

“Wow.” Calyx breathed out, amazement on his voice. “What a great job you have.”

“Yeah,” sang-ayon ni Lander. “Every week ba ang pagsusulat mo ng article?”

“Oo. Pero may isinusulat naman akong article na hindi na kailangan pang pumunta sa ibang bansa.” Matipid siyang ngumiti. “Masyado lang demanding ang boss ko kaya ipinapadala niya ako sa ibang bansa para may laman daw ang bawat article na isinusulat ko.”

Lander frowned and his eyes glistened in curiosity when she mentioned her boss. “Ikaw lang ba ang pinapadala ng boss mo sa ibang bansa o lahat ng journalist sa kompanya n’yo?”

“Ako lang,” aniya. Parang alam na niya ang patutunguhan ng tanong nito. “Ako kasi ang nagsusulat para sa special page ng magazine namin kaya kailangan talagang may laman ang mga isinusulat ko.”

“May gusto ba sa `yo ang boss mo?” tanong ni Calyx.

Boom!

I knew it!

Pero nagulat pa rin si Raine sa tanong. Napaubo pa nga siya sa pagkabigla. “My boss?” Huminga siya nang malalim. “My boss? Ahm, he gave me flowers and hinted as much but I don’t want to assume. He’s a good guy. Mabait naman siya sa akin at kahit kailan, hindi naman niya ako binastos tulad ng ibang boss.”

Dark Montero.

Iyon ang pangalan ng kanyang boss. He was really a nice guy. Ang hindi lang gusto ni Raine sa boss ay ang pagiging babaero nito. Kung magpalit ito ng girlfriend ay mas mabilis pa yata sa pagpapalit ng necktie na suot nito araw-araw.

Calyx smirked. “Talaga? Nagbibigay sa `yo ng flowers ang boss mo? Hmm, baka may gusto nga talaga sa `yo `yon.”

Umiling-iling siya. “Wala `yon. He’s just my boss and I’m just his employee.”

Wala siyang gusto kay Sir Dark. Oo nga at katulad niya ay isa rin itong half Filipino, pero maliban sa naguguwapuhan siya rito, wala na. Wala siyang nararamdamang mas higit pa sa paghanga sa kaguwapuhan ng lalaki na palagi nitong ipinagmamalaki.

Dumating si Train na may dalang isang basong tubig at ibinigay iyon sa kanya. Akmang tatanggapin na niya ang baso nang may nauna sa kanya—si Tyron. He took the glass of water from Train’s hand and then he drank it up to the last drop.

Inilapag ng lalaki ang baso na wala nang laman sa ibabaw ng round table, hinawakan siya sa kamay at hinila na naman patungo sa kuwarto nito. She had enough of him pulling her to anywhere he wanted to go, so with all the strength she possessed, she stopped and put his hand off her.

“You can’t treat me like this, Tyron!” wika niya nang humarap ang binata sa kanya, nagtatanong ang mga mata. “I’m talking to someone, for God’s sake! That was rude. Hindi ako basta-basta magpapahila sa `yo.”

His eyes darkened in defiance. “Yeah? So, ano’ng gusto mo? Ipakita ko sa kanila kung ano’ng gagawin ko sa `yo sa loob ng kuwarto ko? Would you prefer that, Raine?”

He started to advance at her and she started to back away from him. Nararamdaman niyang nakatingin ang mga kaibigan ni Tyron sa kanila. Nang tumama ang likod ni Raine sa dingding, mahina siyang napamura. And when Tyron’s face was only a breath away, she gulped in nervousness.

“D-don’t you dare, T-Tyron,” abot-abot ang kaba na aniya sa binata na may mala-demonyong ngisi.

“Give me one reason why I wouldn’t dare, Raine.” His voice was dangerously low. “Give me one fucking reason why I shouldn’t kiss you in front of my friends.”

“B-because you have a girlfriend?” sagot niya.

He smirked. “Not good enough.” With that, he crashed his lips on hers.

Nanlaban si Raine. Sinubukan niyang itulak ang binata pero hindi man lang ito natinag. The devil didn’t even budge.

When Tyron broke the kiss, he looked at his friends. Lander had a smile on his lips that said, I won. Calyx was smiling from ear to ear, and Train was shaking his head but his lips formed into a smile.

“This girl is mine. Raine Lynn Dizon is mine and no one should give her a glass of water but me.” Pinukol nito ng masamang tingin si Train. “Okay?”

“Noted, Zapanta,” sagot ni Train na may amused na ngiti.

“Good,” ani Tyron, saka siya hinila patungo sa kuwarto nito.

Nang makapasok sila sa silid, madilim ang mukha ng binata at parang handang manakit ng tao.

“Ano ba ang problema mo?” nagtatakang tanong ni Raine. “What you did was rude, you know. Wala namang ginagawa `yong tao maliban sa bigyan ako ng isang basong tubig.”

His eyes shot daggers at her. “Rude? Raine, you are mine!”

She gaped at him. “Ano naman ang koneksiyon n’on sa ginawa mong paghalik sa `kin?” She glared back. “And since when did I become yours? News flash, Tyron, I am not!”

The fiend man with butterscotch eyes and sardonic smile strode towards her. Tumigil ito sa paglapit sa kanya nang halos magkadikit na ang mga katawan nila. Inilagay nito ang daliri sa kanyang baba, saka pilit siyang pinatingin dito. “When did you become mine? That moment when I broke your hymen and penetrated the heart of your femininity, I branded you as mine, Raine.”

“I’m not yours, Tyron!” sigaw ni Raine sa sobrang galit na nararamdaman. “Gago ka pala, eh! Nakalimutan mo na ba na may girlfriend ka na? Letse! Huwag ako ang paglaruan mo! Pagkatapos ng nangyari sa `tin, ano’ng ginawa mo, hindi ba umalis ka at iniwan ako? Wala kang karapatang angkinin ako, Tyron!” Nanlilisik ang mga mata sa galit na sinalubong niya ang tingin nito. “Hindi por que nakuha mo na ang pagkababae ko ay sa `yo na ako. Do I have to remind you that I live in Canada where a virgin woman is a myth? Walang pakialam ang kalalakihan doon kung virgin ka man o hindi, as long as mapapaligaya mo sila okay lang, kaya huwag mong gamitin iyang virginity-virginity na `yan!”

Tyron roughly pinned her on the nearest wall and crashed his lips on hers. The kiss was rough and dispassionate. But she couldn’t help herself but succumb to his sinful kiss.

“I’m not yours, Tyron,” bulong niya nang pakawalan ng binata ang kanyang mga labi.

“Akin ka, Raine,” may diin sa salitang “akin” na sabi nito.

Ipinilig ni Raine ang ulo at naguguluhang tumingin sa binata. “Ano ba’ng problema mo? Pagkatapos ng nangyari sa `tin, iniwan mo na ako. Do you know that I feel like a cheap woman because of what you did? Please, just leave me alone.”

“No.” Humugot si Tyron ng isang malalalim na hininga, saka masuyong hinaplos ang kanyang pisngi. “Ito ang unang pagkakataon na nakaramdam ako ng ganito sa isang babae, Raine. This is the first time that I want to own someone. So damn me to the depths of hell, stab me with the devil’s fork, and fry me in inferno, you can do all those things to me but you can’t stop me from claiming and branding you as mine.”

Hindi makapaniwalang tumingin si Raine sa mga mata ng binata. “Tyron…” Umiling-iling siya. “Kakakilala pa lang natin. Four days ago, you didn’t even know me. You can’t possibly feel—”

“Fuck the days and fuck the time. It doesn’t matter to me.”

“It does to me.” Walang buhay siyang napatawa. “Nababaliw ka na, alam mo ba `yon?”

“Oo. Nababaliw na ako,” anito at hinalikan siya sa mga labi. “Nababaliw na ako sa `yo.”


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.